Chapter 9.1

Chapter 9.1
Nagiigting ang mga panga at halos masasama ang mga tingin, iyan ang nakuhang reaksiyon ng mga taong bayan sa aming anim, matapos isiwalat ng napagalaman naming Manang Lolet ang ngalan ang nangyaring pagdakip kay Jer.
Gustuhin man naming makuhang muli si Jer, ngunit wala naman kaming lead kung saan siya pwede dalhin.
Dahil nagdidilim na rin ang paligid minarapat na lamang namin magpahinga sa bahay nila Jer. Nanghingi muna kami ng permiso sa mag-asawang Del Granio kung maaaring tumuloy muna kami sabahay ng mga Dizon.
Sa awa ng diyos ay pumayag naman ang mga ito.
Nang makapasok ay sinalubong kami ng maliit na espasyo ngunit mababakas ang pagkakaroon ng class nito. Sa kaliwang bahagi malapit sa sala ay naroon ang isang fireplace na napalilibutan ng iba't-ibang laki ng picture frame.
"Wait si Bansot ba iyan?! Bakit parang ibang-iba ang hitsura niya noong bata siya kaysa sa ngayon?" pambasag sakatahimikan ni Kibou habang nakatingin sa litrato ni Jer noong baby pa siya.
Ang mga bilugan at matambok nitong pisngi na masarap panggigilan, at pugpugin ng halik ang siyang umagaw ng atensiyon ko.
Umatake na naman ang hilig ko sa cute na mga bata.
Habang nililibot ko ang paningin sa bahay, nahagip ng mga mata ko ang pinakamalaking picture frame sa gitna. Isang portrait kung saan sa kanang bahagi ay isang lalaking napakalakas ng dating ng tindig at naguumapaw sa kagwapuhan. Is that Tito Cairus? Parang wala namang nagiba kahit noong nagkaedad na siya.
Sa tabi naman nito ay isang babaeng may mga singkit na mata, must be Jeruzah mother dahil parehas silang singkit. Sa gitna naman ay nasa mga pitong taong gulang na si Jer na masayang nakangiti.
This is the best exmaple of perfect and a happy family. I hope I experince that kind of family when I was younger.
I just shook my head and tried to erase that unpleasant memories.
Ano bang pumasok sa isip ko at inalala ko pa ang mga panahong iyon.
"This can't be happening! Bakit napaka-cute ni Bansot dito samantalang ngayon para siyang tigreng kabod na lamang mananakmal ng walang dahilan!" hindi makapaniwalang wika ni Kibou habang nakatingin sa mga litrato ni Jer na kung saan naka-swimming attire, school attire at meron ding casual attire.
"Kung maririnig ka man ngayon ni Jeruzah, Kibou malamang natuluyan ka nang maililibing noon," nagtawanan kami sa sinabi ni Dillion dahil noong tinawag ni Kibou si Jer na bansot ng mag-eighteen ito ay pinagbubugbog siya ni Jer saka hinaltak patungong hukay na ginawa ni Jer para sana sa aso nitong namatay. Kasyang-kasya si Kibou noon sa hukay dahil halos kasing haba ng tao ang ginawang hukay ni Jer noong mga panahong iyon.
"Wag niyo nang ipaalala! Nag-move on na nga eh," lukot ang mukhang wika nito.
"Napapala ng mga pilyong bata," seryosong wika ni Papa, pero alam namin deep inside him natatawa na iyan. Siya lang naman ang may pinakamalakas na tawa noong nangyari iyon, at nag-cheer pa talaga kay Jeruzah na tuluyan na daw.
Napailing na lamang kaming lahat habang nakatingin kay Papa na akala mo inosente.
"By the way paano nga pala iyong sa case ni Bansot Papa? Paano tayo makakakilos kung wala naman tayong ni isang kusing na lead."
"May alam akong pwedeng gumawa nito," nabaling lahat ng mga mata nila sa aking lahat. Akmang sasabihin ko na ito ng bigla naman akong higitin ni Kuya, patungo sa ikalawang palapag at pumasok kami sa isang silid.
Nabungaran ko ang kwartong punong-puno ng mga animae poster and stickers, isang study table naman malapit sa bintana at kamang punong-puno ng mga stuffed toys.
"What do you need," seryoso at galit kong tanong sa kaniya.
Nanatili itong tahimik ng mga ilang segundo. Bakas ang kalituhan sa mga mata nito kung magsasalita ba siya o hindi.
"Don't spill what you know," may lagmamakaawang wika nito.
"No, why would I? Buhay ni Jeruzah ang nakasalalay dito. Hindi ka man lamang ba nakakaramdam ng awa sa mga pinagdaanan niya sa kamay mo?"
"Bakit ba laging siya ang iniintindi niyo! Paano naman akong natali sa kasal na hindi ko naman ginusto?! Obvious naman na gusto din ng babaeng iyon na makasal sa akin eh! Akala mo ba hindi ko alam na nagpunta siya sa lalaki niya noong araw ng kasal namin?!"
"You're unbelievable kuya! Napaniwala ka ni Zaira na ganoon nga ang nangyari? Grabe gaano ka kauto-uto! Hindi mo ba alam na sa mga oras na iyon gumawa na ng paraan si Zaira upang mapahamak si Jer at tuluyang mawalan ng buhay? Pasalamat na lamang tayo na may alam kahit kaunting defense si Jer noong mga araw na muntikan na siyang gahasain ng sinakyan niyang taxi. Alam mo ba nilakad niya ang kagubatan na may saksak sa parte ng tiyan. Kung hindi pa ako kinabahan noong oras na iyon hindi pa masasagip ang buhay niya!"
"What are you saying? I didn't know that," nanghihinang wika nito habang nagugulihang nakatingin sa akin.
"Paano mo ngang malalaman eh lagi kang kay Zaira nakikinig!"
"But," hindi na naituloy pa ni kuya ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto.
"Great, your skills in getting information is getting good Kit. As for you Makas, I dont want to meddle with your bussiness but I just want to say that Jeruzah didnt want that marriage also," Papa said before walking to reach the window, wherein the sun is set to go.
"Come on Papa wag mo na siyang pagtakpan," kuya frustatedly demand. I want to pity him but this isn't time to pity the reason for all of this mess.
"No hindi pinagtatakpan ni Papa si Jer that's the truth. You remember Tito Cairus right?" pagsingit ko.
"Papa's bodyguard?" nagtatakang wika ni Kuya.
"No he's my buddy and my best friend. Pumasok lamang siya ng trabaho para kumita ng pera pandagdag sa bill sa hospital ng asawa niya," pagpapatuloy ni Papa.
"Ang mama ni Jer ay nadiagnosed ng stage 3 cancer noong sampung taong gulang pa lamang siya. Hindi na sapat ang perang kinikita ni Tito sa pagiging security guard niya noon kaya kahit nakakahiya ay nanghingi siya ng trabaho kay Papa," I said. After knowing about the wedding I immidiately order my mens to gather information.
"Nang mamatay si Minea ilang oras lamang ay sumunod na si Cairus, nagiwan ng kasulatan si Cairus sa akin na kung mawawala man siya ay pangalagaan ko ang nagiisa niyang unica hija. Ako ang humiling kay Cairus noon na nais kong ipakasal ang panganay kong anak sa unica hija niya. Noong una hindi siya pumayag dahil nais niyang ang anak niya miso ang pumili ng mamahalin niya, ngunit bago siya umalis sa bahay para pumuntang hospital ay pumayag na siya na tila ba alam na niya ang tadhana niyang pagkamatay."
Papa said that, pain and sorrow was visible in his voice.
"What the hell Papa?"
"Isa lang ang masasabi ko sa iyo, Makas, treasure that girl, 'ni sentimo wala akong ginastos sa batang iyo, pera iyon na naiwan ng magulang niya. Gustuhin ko mang sabihin ang lahat para maliwanagan ka ngunit may mga bagay na mas mabuting nakabaon at sa tamang panahon na lamang hukayin. Treasure her dahil hindi natin alam kung kailan siya kukuhanin sa atin," Papa mysteriously said.
"What are you saying Papa?" I confusely ask.
"Nothing, remember all the words I say Makas, wala akong planong mapasama ka, lahat ng ginagawa ko ay para sa kapakanan mo lamang," Papa tap kuya' shoulder before leaving.
"Ituloy niyo na ang dapat niyong paguusapan, mauuna na ako at patutulugin ko ang tatlong itlog niyong mga kapatid."
"Goodnight Pa."
*****
"Kuya alam kong buhay niyo itong mag-asawa at wala ako sa lugar para manghimasok pero hindi ko na kasi matiis na ganito kayong dalawa. Kuya kung bubuksan mo lamang ang mga mata mo makikita mo kung gaano ka perpekto si Jer. Handa niyang tiisin lahat makasama ka lang. Handa niyang isugal ang buhay niya maging ligtas ka lang. Ganoon ka niya kamahal."
"Pero sa ginagawa mong ito kuya hindi na ako magtataka kung isang araw kunin siya sayo ng kung sino man. I hope you will not regret na hindi mo pinahalagahan ang asawa mo. Hindi ko na kayang pakinggan ang mga walang kwentang rason mo kung bakit ka nagkakaganiyan. Sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan sa naging kasal niyo? No kuya, think of Jeruzah hardship as your wife. Hindi mo man napapansin pero alam ko deep down inside of you nagsisimula ka nang makaramdam ng kakaiba patungo kay Jeruzah, sadyang itinatanggi mo lang talaga ang ideyang iyon."
"Magising ka na sana sa katotohanang hindi lang ikaw ang nasasakal at nakatali. Na hindi porket nasaktan ka ay sasaktan mo rin ang nasa paligid mo. Sana isipin mo rin kaming pamilya mo na nagaalala lang naman sa iyo at gusto lang namin mapabuti ka. Alam ko ang nararamdaman mong poot kasi sa totoo lang lahat naman tayong magkakapatid naranasan iyan. Pero kuya maghiganti ka sa paraang tama at hindi sa paraang punong-puno ng karahasan."
Iniwan ko siyang tulala at tila isang batang nawawala. Gusto ko man siyang kaawaan ngunit alam kong mas mahirap na sitwasyon ang siyang kinahaharap ni Jer ngayon.
Napatingin ako sa wall clock at nakitang past-twelve midnight na pala. Nang makapasok sa kwartong sinasabi ni Papa ay sinalubong ako ng limang single bed na nakahilera sa silid. Magkatabi at magkayakap si Dillion at Kibou samantalang si Raza ay nakahiga ngunit nagce-cellphone pa rin at si Papa naman ay nakangiti habang tulog mukhang napanaginipan na naman nito ang sweet moments nila ni Mama.
Agad akong naglinis ng katawan at tanging tuwalya lamang ang nakapaikot sa mga bewang ko noong lumabas ako para kumuha ng damit na ipinabili pa ni Papa sa isa sa mga tauhan niya.
Matapos makapagbihis ay nahiga na ako sa kamang nasa tabi ni Raza saka ipinikit ang mga mata. Ilang minuto ang nakalipas bago ako gupuin ng antok.
Nagising lamang ako ng makaramdam ako ng uhaw. Dahan-dahan akong tumayo sa higaan upang hindi magising sila Papa, nagtatakha pa ako kung bakit wala si kuya sa higaan niya. Pero gusot naman iyon indikasyon na nahiga ito doon. Its past 3 AM na nang umaga.
Kaagad akong nagsalin ng tubig bago ito ininom. Hinugasan ko naman ang pinaginuman ko at nang akamang babalik na sa kwarto at hindi nakaligtas sa akina ng dahan-dahan at nagmamadaling paglisan ni Kuya ng bahay.
Ano nga ba talaga ang itinatago mo Kuya? Why would you sneak out in the middle of the night?

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Mj Matias

    ganda

    28/02/2025

      0
  • avatar
    Xiess Dimpless

    trixie

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Jalalon Shield

    fucxfdydrilddfpp7dfdpo7rdt7p

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata