Homepage/San Cuenco Series 1: Trapped beneath a dangerous love/
Chapter 8.2
Jeruzah POV
Matapos maihatid ng taxi ay tiningala ko ang two-storey house sa aking harapan. Ang dikit-dikit na bahay sa barrio na ito ay may mga makukulay na pintura. Binigyan nito ng buhay ang bawat kabahayan.
Ang kalsada ay gawa sa mga pinagdikit-dikit na maliit na bricks na lalong nagpaganda ng tema ng barrio. Maliit na barrio lamang ito ngunit ito na ata ang maituturing na kakaiba.
Hindi ito katulad ng Tondo sa Manila na eskwater area at puno ng krimen, dito tahimik lamang hindi nga lang maiiwasan ang mga Marites sa paligid. Gaya ngayon habang tumatagal ang pagkakatayo ko ay unti-unti ring dumarami ang mga kuryosong tingin ng mga kapitbahay namin.
Who wouldn't if I'm wearing a hospital gown?
Dahil dumadami na ang mga usisero at usisera ay mabilis akong pumasok sa kabahayan. Sinalubong ako ng katahimikan at kadiliman, hindi naman ganoong kadilim dahil araw pa kaya hindi pa umaatake ang takot ko.
Nang mabuksan ko ang ilaw ay lumantad ang linis ng kabahayan, ang sala sa gitna at ang kusina na kumikintab sa linis sa bandang kaliwang ilalim ng hagdan. Ang hagdan kasi namin dito ay pa-spiral na may kulay ginto ang mga bakal na rehas.
Maliit lamang ito ngunit makikitaan pa din ng pagkakaroon ng class.
Nang makaakyat sa ikalawang palapag ay tumambad sa akin ang malawak na hallway habang nakapalibot ang limang kwarto. Ang iba ay nakalaan para sa mga bisita. Habang naglalakad ay unti-unting lumilitaw ang mga ala-ala ko sa bahay na ito kasama ang mga magulang ko.
Nakaupo sa carpeted floor sa malawak na hallway sa tapat ng aking kwarto noong maliit palang ako at napalilibutan ng mga laruan. Sa dami kasi ng laruan ko dati hindi na siya kasya sa kwarto ko kaya naman sa labas ko na lamang sila ini-display.
I remember mother was carrying me while father was tickling me. Nahampas pa nga noon ni Mama si Papa dahil lalo daw akong bumibigat, tapos para mawala ang init ng ulo ni Mama ini-kiss niya ito sa lips saka naglambing, not minding me watching their cheesy moment pero dahil wala pa 'kong kaalam-alam sa kamaisan na ginagawa nila hindi ko iyon pinansin sa halip sinampal ko lang si Papa dahil inagaw niya kasi sa akin si Mama.
Hindi ko pinagsisihan ang lahat ng hirap at pagod na naranasan ko mapasaakin lamang muli ang bahay. Nang mamatay ang Mama at Papa isinangla ni Tiya ang bahay sa bangko kaya noong nakaipon ako mula sa mga allowance na binibigay ni Pops na itinatabi ko at pagiging part-time job ko ay nagbunga ito dahilan upang mabawi ko ang bahay na may masasasayang ala-ala.
Binuksan ko ang kwarto nila Mama at Papa tumabad sa akin ang napakaayos nilang mga gamit, ang mga damit nila na maayos na nakasalansan ay hindi ko pinagalaw kahit pa sinasabi nilang sunugin na ang nga natitira pang gamit ng mga magulang ko. I took one of my Mother shirt as I lay on their bed, dinala ko sa aking ilong ang damit. Smelling her scent that was stored in her shirt.
My Dad taught me that whenever I miss my mom I just need to take her shirt and smell it. He said na sa ganoong paraan mararamdaman mong kasama mo pa rin siya.
While remembering all those memories my tears started to fall. Palakas ng palakas ang pagiyak ko. Dala ng mga naranasan kong masakit at pagkamiss sa kanilang dalawa. Ni hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako na kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Good thing there's still money left on my wallet.
I just wear my Mom clothes na nagkasiya naman sa akin. Hindi naman maiitatangging sexy talaga ang Mama ko sa edad niyang 40. Tila kapatid nga lamang niya ako kung titingnan kami dati ng mga tao.
May malapit na karinderya dito sa pagkakatanda ko. Bingo! Buti na lang pala at hindi pa naalis ang karinderyang ito masarap pa naman ang mga luto dito.
"Hala Jeruzah, ihja ikaw na ba iyan?!" gulat na sigaw ni Manang Lolet. She was my Mom friends here.
"Ako nga po Manang Lolet, mukhang pabata kayo nang pabata ah," pabiro kong bati dito matapos akong salubungin ng yakap.
"Naku at nambola pa nga, ano ba ang gusto mo at libre na lahat ng kakainin mo," masaya nitong wika.
"Hala Lolet unfair naman bakit libre sa kaniya?" nakabusangot na react noong isang lalaki na may katandaan na.
"At bakit bagong dating ba kayo?! Mga hudas na ito hindi pa nga kayo nagbabayad ng mga utang niyo! Laspag na ang notebook ko sa dami ng utang niyo hanggang ngayon wala pa din," halos umusok na ang ilong ni Manang sa sobrang inis sa mga ito.
"Naku nakakahiya naman po manang ako na lang ho magbabayad ng mga kinain nila," pamapalubag loob ko.
"Ayun oh narinig mo iyon Lolet ah salamat miss ganda at dahil diyan lagi ka naming proprotektahan laban sa masasamang panget na pagala-gala dito sa barrio," maligalig na wika ni Manong Julio. Matanda na ito ngunit ang tikas at kagwapuhang taglay ay naroroon pa rin.
Napuno ng tawanan ang tanghalian ko dahil sa ligalig at mga jokes ng mga trycicle driver dito sa barrio. Si Manong Julio ang presidente ng kanilang Paro-Paro Toda.
"Maka pangit ang isang ito, bakit gwapo ka ba Julio?" mapang-inis na wika ni Manang na ikinatawa ng mga kasama ni Manong Julio habang siya naman ay napanguso sa tinuran ni Manang.
"Si mahal naman hindi ka naman marunong makisakay ng jokes," nakabusangot na wika ni Manongg Julio. Napagalaman kong mag-asawa sila ngunit walang buwan at taon daw na hindi nililigawan ni Manong Julio ang asawa na si Manang Lolet.
Dati kasing nagloko si Manong Julio, kaya ayan nanunuyo lagi.
"Hay ayoko sumakay ng jokes hindi ako marunong baka maaksidente lang ako," natawa ako sa sinabi ni Manang, halata namang iniinis lang niya ang kaniyang asawa.
At muli na namang naghagikgikan kami dahil sa pagkakataong ito talo na si Mang Julio kay Manang Lolet dahil sa pagkakabara nito.
"Sige iha kain lang nang kain wag mong intindihain ang mga mukhang itlog na mga ito," utos sa akin ni Manang na umani na naman ng disgusto sa narinig.
"Mahal naman ang layo naman ng itsura ko sa itlog o baka naman ibang itlog ang nais mong ipahayag aling itlog ba nasa baba o itaas?"
"Eh kung parehas kong basagin ang mga itlog mo?!"
"Ay mahal wala namang ganoon magkakaroon pa tayo ng isang dosenang anak in the future paano naman mangyayari iyon kung mababaog ako?"
"Aba ang gago ginawa pa akong inahing baboy!"
Nagpaalam na ako nang mukhang nagkakainitan na ang mag-asawa.
Masaya ako habang naglalakad pabalik ng bahay ng bigla na lamang may humiltak ng buhok ko. Nang humarap ako sa mga may gawa nito ay hindi ko mapigilang mangatog sa takot.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!" naghumiyaw ako habang pilit kumakawala sa mga hawak nila. Agad nilang binusalan ang bibig ko upang hindi na makahakot pa ng atensiyon ngunit huli na sila.
Napakaraming bilang ng mga kalalakihan ang may mga dalang dos por dos na pinangungunahan ni Manong Julio agad nilang nilusob ang mga nakaitim at may malalaking katawan. Nabawasan ang bilang ng mga nakaitim subalit hindi na nakagalaw ang mga taong bayan ng ilabas ng mga ito ang baril at paputukan sila.
Nang maisakay ako sa itim na van ay may pinaamoy sila sa akin dahilan upang unti-unti akong makatulog.
'Makas, please help me..."
*****
Third Person POV
"Fuck!"
Puno ng inis na mura ng isang binata na may luntiang mga mata ng madatnang wala na sa kaniyang hospital bed ang sister-in-law niya. Hindi ito mapakali at sinisisi ang kapatid sa mga nangyari.
Pinasilip niya ang CCTV Footage at napagalamang tumakas ang dalaga. Walang nagawa ang binata kung hindi tawagan ang mga kapatid nito.
"Bro what happened?" sabay-sabay na ani ng mga ito ng makarating habang si Makas na asawa ng dalaga ay hindi makatingin sa mga kapatid niya. Dahil alam niyang siya ang may kasalanan ng lahat ng mga ito.
Ngunit hindi agad sila sinagot ng binatang may luntiang mga mata bagkus ay sinuntok nito ang kapatid na si Makas. Hindi naman gumanti si Makas dahil alam niyang kasalanan niya itong lahat.
"Tumigil na nga muna kayo! Sa tingin niyo ba masusulusyunan nang pagaaway niyo ang pagkawala ni Bansot?" Kalamado ngunit mababakas ang galit sa mga nagiigting na panga ni Raza.
"Pag narinig kang noon na tinawag mo siyang Bansot malilibing ka ng buhay dude," naiiling sa wika ni Dillion habang si Kibou sa gilid ay biglang kinilabutan.
Ayaw na ayaw kasi ni Jeruzah na tinatawag siyang Bansot, ang huling tumawag sa babae ng ganoong palayaw ay si Kibou na nakatikim lang naman ng suntok sa dalaga at muntik na siyang ilibing ng buhay.
Napaupo silang lahat sa sahig ng tapat ng kwarto ng dalaga habang si Makas ay nanatiling nakatayo at nakasandig sa pader bilang suporta.
"Hindi ko alam, pinabili lamang ako ng pizza dahil gusto daw niya ang kaso naman pagdating ko wala na siya dito tumakas," hinilamos ni Kit ang mga kamay sa mukha dala ng prustrasiyong nararamdaman.
"Kit my wife is allergic to cheese so she cannot eat pizza," problemadong wika ni Makas sa kapatid na si Kit, lahat sila ay lugmok dahil hindi naman nila alam kung saan maaring magpunta ang dalaga.
Isang oras ata ang lumipas na ganoon ang lagay nila nang dumating ang Papa nila at isa-isa silang pinagbabatukan.
"Nasaan si Jeruzah?" bakas ang pagiging istrikto at galit nito sa boses niya.
"Papa may pinabili lamang siya sa akin tapos pagbalik ko nakatakas na, hindi namin alam kung saan pumunta," nanlulumong sagot ni Kit sa ama.
"Ikaw Makas, ikaw ang asawa dapat alam mo kung nasaan siya hindi ba?" nagpipigil ng galit na ani ng matandang San Cuenco.
"No Papa," nakayukong wika ni Makas na umani ng suntok mula sa Papa nila.
"Hay mga walang silbi naman pala kayo! Limang taon niyong kasama pero hindi niyo pa rin kilala?! Sundan niyo ako baka sakaling nandodoon siya!"
Sinundan nilang lahat ang ama nilang nagpupuyos sa galit habang silang limang magkakapatid ay nakayuko sa hiya. Alam nilang hindi nila magagawang mapakalma ang ama pag galit na ito tanging ang yumaong ina lamang nila ang may kakayahan ng bagay na iyon.
'Ano na lamang ang sasabihin ng kumpare ko kapag nalaman nilang nawawala ang inihabilin nilang unica ihja saakin?!' naiinis na wika ng matanda sa likod ng kaniyang isipan.
Mahigit isang oras din ang inabot bago sila makapasok sa isang barrio. May nakalagay pa nga ditong Welcome to Barrio Pag-asa.
Nabuhayan naman sila na baka nandito ang dalagang hinahanap nila.
Namangha ang limang magkakapatid ng makapasok sila sa isang kalyeng punong-puno ng makukulay na kabahayan.
"Papa where are we?" hindi maalis-alis ang tingin ni Kibou sa mga makukulay na kabahayan.
"Place where Jeruzah was born," naroon pa rin ang galit sa boses nito ngunit hindi na ito gaanong katindi ngayon.
Nang huminto ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng isang two-storey house na may kulang pink na pintura ang buong bahay ay nagsibabaan na sila. Sinalubong sila ng mga nangagalit na tao sa barrio.
"Sino kayo?!" galit na tanong isang lalaking may kaedaran na ngunit bakas pa rin ang malakas na tindig at kagwapuhan nito. Ito ay si Manong Julio.
"Kaibigan ako ni Cairus, sa amin lumaki si Jeruzah ng mamatay ang mag-asawa," mahinahong wika ng matandang San Cuenco.
Naroon pa rin ang paghihinala sa mga mata ng taong bayan ngunit hindi na gaya ng kanina na tila lalamunin sila ng mga ito ng buhay.
"May katunayan ba kayo?" naniniguradong wika muli ni Manong Julio.
"This is the proof that we are married," humakbang si Makas upang ipakita sa lalaki ang certificate na patunay na kasal sila ni Jeruzah. Nakahinga naman ng maluwag ang anim na lalaki ng tumango ang matanda.
"Kinidnap si Jeruzah sinubukan namin siyang sagipin ngunit mga armado sila ilan sa amin ang sugatan. Kung maari iligtas niyo ang batang iyon," mangiyak-ngiyak na wika ng isang ale na nagngangalang Lolet.
Gulat naman ang masasalamin sa mga lalaking San Cuenco habang si Makas at Kit ay parehad na nagiigting ang mga panga sa galit.
"Napakabait na bata niyon jusko ano na lamang ang sasabihin ni Minea kung nabubuhay pa siya, ni minsan hindi nila pinagbuhatan ng kamay ang munti nilang prinsesa ngunit ngayong lumaki ito ganoon na lamang siya sasaktan ng mga armadong lalaki na iyon. Sinikmuraan nila ang bata," naluluhang pagpapatuloy ng matandang babae sa mga nangyari.
Napaiwas naman ng tingin si Makas dahil sa konsensiya niyang unti-unti na siyang nilalamon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda
28/02/2025
0trixie
17/11/2024
0fucxfdydrilddfpp7dfdpo7rdt7p
25/07/2024
0Tingnan Lahat