Chapter 5

Pagdating sa bahay nila ay hindi ko napigilan na maging emotional. Mama Rhea, Raiko's mom cook for us. It's a celebration daw since natapos namin ni Raiko ang licensure exam. Muntik ko ng makalimutan na kumuha rin pala siya ng Engineering's licensure exam.
But the most emotional part ay ang hindi umaalis sa kandungan ko si Pochi, iyak siya kanina ng makita niya ako.
"Poch, tulog na. Ihahatid na ni tito mo si tita Ge."
"Ayaw."
Mas siniksik ni Pochi ang katawan sa 'kin kahit na pinipilit na siya ni Ma Rhea na ilayo sa 'kin. Inayos ko ang katawan ni Pochi para makahiga siya ng maayos sa dibdib ko.
"Okay lang po Ma. Papatulugin ko nalang muna siya."
"Sigurado ka nak? Baka hinahanap ka na sa bahay niyo."
Ngumiti lang ako at umiling. Sino naman ang maghahanap sa 'kin sa bahay? Kuya always work overtime, ang mga katulong wala ring pakialam sa akin. Ma will just call kapag may kailangan o may mali akong nagawa.
Pinagtimpla ni Ma Rhea si Pochi ng milk bago siya pumasok sa kwarto nila para magpahinga. She's tired with her work sa market kanina pati sa pagluluto.
Nahiga ako sa sofa para tabi kami ni Pochi. Pinaunan ko siya sa braso ko at nilagay ang feeding bottle sa bibig niya.
Pumikit na siya pero hindi pa malalim ang tulog niya. Napalingon ako sa kwarto nang lumabas si Raiko, bagong ligo at wala na namang damit pang-itaas. Nakasampay sa balikat niya ang towel niya.
"Tulog na?" mahinang tanong niya. Umiling lang ako para maiwasang mapamulat pa si Pochi.
Umupo si Raiko sa lapag paharap sa amin ni Pochi. Nakatagilid ako sa paghiga habang nakasiksik sa backrest ng sofa, kaya napapagitnaan namin si Pochi.
"Pagod ka ba? G..gusto mo dito ka na matulog?"
Napakagat ako sa labi ko. It's an open invitation. Should I grab it? Pero baka masaktan lang ako at pagsisihan ko lang sa huli.
"Kung pinapaasa mo lang ako, tigilan mo na."
Matagal niya akong tinignan bago bumaba ang tingin niya kay Pochi. Hinawi niya ang buhok na napupunta sa mukha nito.
"Kung liligawan ba kita papayag ka?"
Kung wala lang si Pochi malamang napatalon na ako mula sa sofa. Nagbibiro ba siya? Malamang papayag ako. Matagal na akong may gusto sa kanya eh.
"Paano kung hindi ako papayag?" panunubok ko.
Marupok man ako ay dalagang Pilipina pa rin. Kailangan ko ring magpakipot minsan.
"Edi wala. Rerespetohin ko nalang kahit masakit."
Aba, ang stupid ng sagot niya hindi manlang ako pinakilig. But what can I expect from RM sungit Alejano? Syempre mga ganitong mindset.
"Marunong ka bang manligaw?"
Bumalik ang tingin niya sa 'kin tsaka siya ngumisi ng bahagya. "Subukan mo para malaman mo."
At marunong naman palang humirit. Hinalikan ko ang ulo ni Pochi para matago ko ang pamumula ng mukha ko.
"Ano na? Papayag ka ba?"
"Oo at Oo."
Kumunot ang noo niya, malamang nalito siya sa sagot ko.
"Oo pwede kang manligaw, at Oo dito ako matutulog."
Para siyang nakarinig ng magandang balita mula sa 'kin. He kneeled and lean towards me. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago niya kunin si Pochi.
"Are you sure komportable ka diyan?" I checked upon him since nasa lapag siya nahiga. He made Pochi sleep beside me sa bed just to be safe from temptation daw.
"Sanay na ako. Ikaw baka hindi ka komportable sa matigas na foam."
"No, I'm comfortable."
We are eaten by silence kaya nag-assume ako na nakatulog na siya pero pagsilip ko ay nakadungaw din pala siya sa 'kin.
"The heck."
Natawa siya sabay iling. "Hindi ka rin makatulog?"
"Obviously."
"Tara road trip tayo."
He is already kneeling on the bedside. Nakatukod ang mukha niya sa higaan habang ang mga kamay niya ay hinihila ako pababa.
"Si Pochi?" nag-aalalang tanong ko. 
"Papatabihan nalang natin kay Madi."
I was wearing his oversized shirt and boxer kaya pinasuot niya sa 'kin ang hoodie niya at ang jeans na suot ko kanina para hindi ako lamigin.
"Akala ko road trip?" nagtatakang tanong ko nang maglakad lang kami palayo sa bahay nila.
"Nagbago na isip ko, mahal gasolina. Lakad lakad lang tayo."
Inakbayan niya ako habang naglalakad. Nararamdaman ko rin ang pasimple niyang pag-amoy kung minsan sa buhok ko pero hindi ko na sinita baka tigilan niya eh nag-eenjoy pa naman ako.
"Baka may mantrip na naman sa 'kin dito."
"Subukan nila kung hindi sila takot sa 'kin."
Well, Raiko is really tall and his body is well toned pero kung makasalubong ko siya hindi naman ako matatakot baka mainlove pwede pa. God surely made time creating him. Ang perfect ng strong jaw niya, idagdag pa ang chinito eyes at dimples niya. Tsaka moreno pa talaga, exactly my type of guy.
"Nasubukan mo ng kumain ng street food?"
Umiling ako. Haven't tasted any food na binibenta sa gilid ng kalsada, Ma warned me about it. Magkakasakit lang daw ako.
"Subukan mo masarap."
Hinila niya ako sa mga nakahelerang nagbebenta ng street food. Hindi niya binibitawan ang kamay ko kahit na maraming bumabati sa kanya.
"Sino 'yang kasama mo Rai? Syota mo?" tanong ng nagbebenta.
"Hindi pa ako sinasagot eh," tugon niya habang pumipili ng bibilhin namin. Inabot niya sa 'kin ang dalawang inumin kaya napabitaw ako sa kamay niya. Nakatayo lang ako sa gilid habang tumutulong siya sa pagluluto ni manong.
"Hi Rai, nandito ka pala."
Napataas ang kilay ko nang may lumapit sa kanyang tatlong babae. The same girls na tumitingin sa kanya last time habang naglalaba.
"Ang dami mo namang binili. Ikaw lang kakain niyan?" patuloy na panlalandi sa kanya ng higad kahit hindi naman niya pinapansin.
Naningkit ang mata ko nang hindi na nakatingin at hinaplos pa talaga sa braso ng Raiko ko. Ipapaligo ko na sana sa higad ang hawak ko nang hawiin ni Raiko ang kamay niya palayo. Good boy.
"Ang suplado mo naman Raiko, matagal na akong nagpapansin sa 'yo eh. Gusto mo ba patunayan ko pa ang sarili ko sa 'yo?"
What the heck? Nang-iinis talaga ang bruha. Handa na ako na makisali nang mapakamot si Raiko sa kilay niya senyales na naaasar na siya.
"Stacy maganda ka pero hindi kita gusto."
"Maganda naman pala ako sa paningin mo bakit hindi mo ako gusto?"
"Kasi natikman ka na ng lahat ng tambay rito."
Ang galit sa puso ko na namuo ay napalitan ng awa. Naiiyak na lumayas ang Stacy sa gilid namin. Sinipa ko si Raiko sa paa para tumingin siya sa 'kin.
"Huwag mong sabihin na nagseselos ka pa? Pinalayas ko na nga," pangunguna niya.
"Ang sama ng ugali mo. You broke her heart."
Nakakaawa naman talaga. Umiling lang siya at bumalik sa pagtusok tusok. Wala talaga siyang pakialam sa feelings ng iba?
Sinipa ko siya ulit.
"Gelane, tama na," may pagbabanta sa boses niya pero matigas ang ulo ko. Sinipa ko ulit siya at sinamaan ng tingin.
"Ang sama ng ugali mo."
Natawa naman si Manong sa sinabi ko. Ang tsismoso rin nito eh, kanina pa nakikinig wala manlang sinabi.
"Masama naman talaga ugali ko," at hindi pa talaga niya itinanggi. "Concern ka d'on eh gusto akong agawin sa 'yo."
My god! Ang hangin nito. Kung hindi ko lang siya gusto na matagal na rejected na siya kaagad.
"Ay totoo 'yan Ma'am. Matagal ng may gusto 'yan si Stacy rito kay Raiko."
"Isa ka pa manong eh. Tinotolerate mo pa 'tong lalaking 'to."
Napangiwi si Manong, he obviously didn't expect na pati siya pagagalitan ko.
I keep on nagging them about disrespecting a woman pero silang dalawa lalo na si Raiko ay parang music sa pandinig niya ang mga sinasabi ko. Nabusog nga ako pero naiinis pa rin ako.
"Seriously, you shouldn't be like that. She's still a woman. Edi sana sinabi mo na..."
Nanlaki ang mata ko nang harangin niya ang daan ko at halikan ako sa gilid ng labi.
"Ang ingay mo kasi," ani niya sabay lakad ulit.
He almost got my first kiss! Hinabol ko siya at hinampas ang likuran niya. Mabilis siyang napalingon sa 'kin at sinamaan ako ng tingin.
"Masama sinabi ko kanina, eh 'yang pananakit, tama?"
"It's different. You're being disrespectful. Tinuturuan lang kita ng manners."
"Bakit mo ako tuturuan alam ko naman 'yan? Tsaka toto..."
Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil tinampal ko ang labi niya. Magsasabi na naman kasi 'yan ng masamang salita.
"Takbo," he muttered.
Napakunot ang noo ko sa kung anong connection ng sinabi niya sa ginawa ko pero nang mapalitan ng ngisi ang nasa labi niya nakuha ko na kaagad na hindi maganda ang gagawin niya.
"The heck!" I yelled and start running away from him.

Komento sa Aklat (0)

    Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata