It's been 6 years. Time flew really fast. Akalain mo 'yon, parang kagagraduate ko lang ng senior high school, ngayon ay magtatrabaho na ako. Yes! I'm a licensed architect now and this is my first day working. I am dressed with a formal attire, a black pantsuit and white tucked in polo shirt partnered with close-toe pumps. I am also wearing stud earrings and traditional watch that screams formality that suits my profession. I am smiling while looking through the mirror here in condo where I am living for the past years. Nakakataba ng puso, 'di ko maexplain ang feeling. After all the struggles I went through, I think I can finally say that it was all worth it! Actually mukha akong tanga kasi parang natiteary-eye pa ako. "Hi, Babe!" A dazzling man snaked his arms around my stomach and gave a peck on my cheeks. "You ready?" he said while busy sniffing my scents on my neck. I giggled. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. I watched him do that while I caressed his arms that's holding me. "Yup! But, I'm a bit nervous," I pouted. He laugh a bit and this time give a peck on my lips. "Don't be, your too good though. Kalma ka lang," he said sweetly. I rolled my eyes and faced him, "You think so?" I clung my arms on his nape and I watched him swallow and turned his eyes on my lips. "What are you doing, Shanaia?" he smirked. Napakafeelingero talaga nito. Akala niya ata inaakit ko siya. I'm just being extra sweet. Don't know, I just feel like showing affection to the man who helped me the most. Nilapit ko ang mukha ko and tilted it a bit, acting like I'm going to kiss him. "Relaxing," I said as I reached his ear instead. Agad akong lumayo at tumawa sa itsura niya. "Aba, marunong ka nang mang-asar, huh?" he said while a sarcastic smile is plastered on his lips. I raised my brow and smirked at him, "Well, you taught me how," sabi ko na siyang nakapagpatawa sa kaniya. "Anyways, sigurado ka bang mabait ang boss niyo?" tanong ko. "I told you, he is," he said then winked at me. Magtatrabaho kasi ako sa firm kung saan din nagtatrabaho si Jav, boyfriend ko. Yes! It's him. We 've been together for 4 years now. Hindi ko rin akalain na siya ang makakatuluyan ko after all the things happened between us. Things just happened. After I graduated senior high, I moved out from our house in Cavite with Morrie and lived here in Manila; in a condominium unit bought by my parents. I was 2 years late before I entered college that's why Morrie already moved out in my condo because she already finished her course and found a job. I met Jav again when I entered my first year in college and that time he's already in his third year as an architecture student also. I was shocked. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa school na pinapasukan ko. Akala ko ay mananatili siya sa Cavite dahil ang huling pagkaka-alala ko ay lagi silang may usapan ni Liam na sa Cavite magtatapos. Dahil same course nga kami, we got closer together. Kahit ayoko dahil naaalala ko noon ang pakiusap niya na huwag na akong lumapit sa kaniya, sa tingin ko naman ay ayos na siya. But, definitely not. As we got closer, tulungan sa mga projects, at halos sabay lagi sa lahat ng bagay, bumalik ang feelings niya sa akin. Sabi ko nga noon, hindi mahirap magustuhan si Jav and that's when I realized that I should give him a chance. Sinuyo niya ako hanggang sa sagutin ko siya. We 're not living together but, he decided to when Morrie left and I still had a year to finish my program. I love him so dearly. Hindi ko alam kung paano ko malalagpasan lahat ng pagsubok na naranasan ko kung hindi ko siya kasama. I am always grateful for him, because he accepted me wholeheartedly despite of all my flaws and imperfections. Hindi ko akalain na sa kaniya ko pala mararanasan na mahalin at mabigyan ng pahalaga. I was immature back then. Ang dami kong maling desisyon na ginawa sa buhay para lang sa taong mahal ko. But, now that I have him, I realized everything. Hindi lahat kilig at comfort lang. Hindi lahat saya lang. It will always be a roller coaster ride. Kailangan mahigpit ang kapit mo at dapat may taong nakaalalay sa 'yo sa biyaheng tinatahak mo. Nasa biyahe kami ngayon ni Jav papunta sa firm na pinapasukan niya at papasukan ko na rin. Usually 7:00 AM ang pasok niya pero ngayon ay sasamahan niya raw ako sa aking first day sa firm. He offered it to me and who am I to say no? I mean I want to be with him everyday though. "Penny for your thoughts?" tawag pansin sa akin ni Jav habang nagmamaneho siya. "Do you think I can do it? Baka mapahiya lang kita," I sighed as I mumbled those words. "Hey," he said and held my hand using his right hand and leave his left on the steering wheel while looking at the road. "Di ba sinabi ko na sa 'yo, magaling ka! Don't doubt yourself, babe. Sa tingin mo ba makakapasok ka roon ng hindi kinikilatis ang gawa mo?" He said assuring me. Hinahaplos niya ang kamay ko para kumalma ako at mapanatag na ayos lang ang lahat. I smiled. That's my man. He will do everything for me. "Thank you, love" I teasingly said. And there you go, he smiled. Kinikilig kasi 'yan kapag ganoon ang tawag ko sa kaniya. Parang baliw! "By the way, daanan natin si Lucas mamaya huh? I bet his sulking already," I said. "Syempre naman. And kung hindi ka pa pagod we can stroll him around, what do you think?" He asked. "Yes, of course! I'm sure he will love it," I excitedly said. After a few more minutes of driving, we already arrived in front of the building, the PLS firm. I sighed deeply as I stepped out of the car. "I'm nervous," I faked a laugh while looking up the tall building in front of me. "You can do it, love." Jav said as he stood beside me. Sabay kaming pumasok ni Jav sa building. I clung into his arms to ease my nervousness. As we enter, the guard quickly smiled and greeted Jav. In return, Jav smiled and greeted back. As we pass through the cubicle, some of the employees are smiling at us. Nice, mukhang healthy environment ang mayroon dito. We are now heading on the president's office. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Ewan ko ba bakit kabang-kaba ako. I know my capabilities and the things I can bring to this company kaya hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil first time job ko 'to kaya ganito na lang ang kaba ko. The first thing I saw when Jav opened the door was the combination of black and grey wall of that office. Ang linis. Lahat ng gamit organized. Magmula sa files hanggang sa books na nasa shelf. Sa likod ng seat ng president ay isang malaking window kung saan tanaw na tanaw ang siyudad. Sigurado akong maganda 'yon kapag gabi dahil sa city lights. And in front of us is the president's table and sofas beside it. "Good morning, Sir," Jav greeted. "She's Shanaia Louisse Salvador, the one who applied and hired as our new architect." Jav introduced me. "Hi, good morning, Sir! Thank you for accepting me in your company. I will assure that I will do my very best to bring such honor here." I said as I extend my arm for a handshake. The old man immediately took my hand and did a handshake. He's just looking at me, blankly. I'm starting to get nervous again when he suddenly talked. "Good morning! I'm William Sanz, nice meeting you. How are you related to Salvadors? The one who owns resorts?" he asked. Sanz? Parang pamilyar. Pero agad ding nawala 'yon sa isip ko dahil sa tanong niya. "Ah, he's my brother po. Along with him is my parents po." Yes, they built businesses pero nang ilang taon ng graduate si kuya, he decided to enter the resort business. We were fond of staycation kasi, kaya he want also to share it with other families na same ang trip sa amin. Ang mga resorts namin ay more on nagke-cater ng family na gusto ay staycation. Booming ang business na 'yon kaya tinuloy-tuloy na nila Papa. Good thing rin na nagtapos si kuya ng management that's why he's able to help my parents in managing our resorts. "Actually, Sir she's also the one behind the design of most of their branches. Ginawa niyang OJT ang resorts nila," singit ni Jav. Proud na proud pa siya habang sinasabi iyon. "Oh, I see. No wonder, your good. Nakita ko ang files mo and your designs are awesome. It really fits my company's vision. It really runs in the blood huh," he said fondly smiling at me. Oh my gosh! Medyo nawawala na ang kaba ko. Buti na lang Salvador ako, eme. Nagkatinginan kami ni Jav and he winked at me. Maybe, he's trying to communicate that "sabi ko sa 'yo eh." "Oh, thank you, Sir!" I humbly said. Syempre dapat humble lang tayo. Tumayo siya and he handed me a charcoal pencil. Take note! Hindi lang iyon basta-basta dahil mahal iyon. Bakit ko alam? Matagal ko nang pangarap 'yon eh. I excitedly took the pencil and smiled bubbly. "That's a welcome gift. Congratulations and welcome to PLS Firm! My secretary will accompany you to your cubicle after this so you can start working," sabi niya habang nakangiti. Jusko! Kanina lang kinakabahan ako sa kaniya ngayon, hindi na. "Thank you so much, Sir!" Masayang-masaya na sabi ko. "Thank you, Mr Sanz." Jav blurted as we were about to leave. Pero bago pa kami makalabas, tinawag pa si Jav ni Mr. Sanz kaya naman naiwan ako sa bukana ng pinto dahil ayokong makiusyosyo sa pa. Nakita ko na may binulong si Mr. Sanz at mukhang nag-aasaran pa silang dalawa. Close na close talaga ah. Paglapit sa akin ni Jav, Mr. Sanz waved at us one last time at lumabas na kami ng tuluyan sa office niya. "Anong pinag-usapan niyo?" Hindi ko na mapigilan ang curiousity ko kaya naman tinanong ko na siya. "Wala 'yon," sabi ni Jav habang natatawa kaya naman tiningnan ko siya nang nanghihinalang mata. "Promise!" He defensively said. Naputol lang ang titig ko kay Jav ng dumating na ang secretary ni Mr Sanz. Agad nagpaalam sa akin si Jav at hinalikan ako sa noo bago pumunta sa opisina niya. He's already a project architect here kaya naman may opisina na siya. Agad naman akong sinamahan ng secretary ni Mr. Sanz at itinuro ang cubicle ko. I was a bit intimidated sa mga matang nakatingin sa akin pero agad ding nawala iyon nang batiin nila ako at i-welcome. Isa sa mga una kong nakapalagayan ng loob doon ay si Karen. Magkatabi kami ng cubicle kaya naman anytime ay kinakausap niya ako habang nagtatrabaho. She's very bubbly. Naaalala ko sa kaniya si Morrie. That girl, I miss her so much! Kinukwentuhan ako ni Karen about sa mga kalakaran sa work nila and I guess ayos naman. Dahil masyado raw mabait ang presidente at galante magpasahod. Hindi naman daw sila tatagal kung hindi dahil sa boss nila na binibigyan sila ng imoprtansya. And that's what I am looking for from a company. A company that embodies its mission and vision at the same time, hindi pinababayaan ang mga tao sa likod ng tagumpay ng kompanya. Iyon kasi ang tinuro sa akin Papa. If ever daw na maghahanap ako ng kompanyang papasukan, I need to make sure na hindi ako pababayaan nito but instead will give me opportunities to grow while feeling the healthy and safe environment while working. After a few more hours of working, it's time for lunch na. "Sha, sabay ka sa amin kumain sa canteen," aya sa akin ni Karen habang nakapatong sa balikat ko ang mga kamay niya dahil nakaupo pa ako at nagliligpit ng gamit ko. May nickname na agad siya sa akin grabe. I laughed a bit. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm still hesitant to be with her since marami siyang collegues na kasama. Hindi naman sa ayaw ko dahil mga katrabaho ko na rin naman sila pero kasi hindi pa ako kumportable kasama sila. While I'm contemplating whether I should go or not, Jav knocked on my cubicle and smiled quickly at me. "Hi, Sir Javier," pacute na sabi ni Karen. "Hi! Let's go, Shai. It's lunchtime." "Ay, Sha kaano-ano mo si, Sir?" bulong sa akin ni Karen. Hmm, mukhang magkakilala sila ah. "Boyfriend ko," sagot ko at tiningnan siya sa mata. Nagulat naman siya at napatakip pa sa bibig. "OMG! Retreat na ako, bye," OA na sabi niya at sabay umalis habang nakatakip pa ang bibig. Anyare roon? Anong retreat sinasabi niya? Tumayo na ako at lumapit kay Jav para pumunta sa canteen. Hinahawakan niya ang kamay ko pero iniiwas ko dahil ayoko ng PDA. At saka nasa work kami, we need to maintain the professional figure. "Damot ah," nakapout na sabi niya. "Nasa work tayo, Jav," "Hmp!" Parang bata niyang sabi at nauna kaunti maglakad. Hay naku! Pabebe talaga 'to! Binilisan ko ang lakad ko pra makasabay siy at inangkla ang kamay ko sa braso niya. Agad naman siyang napatingin doon. "Happy?" I sarcastically said at ngumiti naman siya na parang napagbigyan na bata. Maraming nakatingin sa amin pero wala naman akong pakialam. Malaman nila o hindi na may relasyon kami, ayos lang. Basta magtatrabaho lang kami ng matiwasay that's all. After namin makuha ang orders namin agad kaming umupo at kumain. "How's work?" tanong ni Jav habang nanguya. "Good. Madaldal nga lang ang katabi ko," sabi ko nang maalala ang kadaldalan ni Karen habang nagtatrabaho. "You mean, Karen?" I raised a brow when I heard what he said. "Kilala mo siya?" God! I sounded so fishing and jealous. He smirked at my reaction, "Syempre, kinukulit ako no'n kasi may gusto raw siya sa akin, eh " proud niya pang sabi habang inaasar ako. "At nagpapakulit ka naman?" I irritatedly said. "Anong magagawa ko? Masyadong malakas ang appeal ko kaya hindi niya ako tintigilan kahit itaboy ko siya," sabi niya na mukha pang problemado pero mas lamang ang pangangasar sa akin. Ah gano'n? Tiningnan ko siya nang masama at kumain nang mabilis. Hindi ko siya pinapansin kahit sinasaway niya akong magdahan-dahan. Pagkatapos ng huli kong subo, tumayo agad ako at iniwan siya sa mesa. Bahala siya diyan! Proud pa siya huh! "Shai, wait," I heard him calling pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na ako pabalik sa cubicle ko. Gagong 'yon. Lakas talaga mangasar. Palagi 'yon kapag alam niya nagseselos ako lalo niya akong iinisin. Pagkaupo ko sa pwesto ko nandoon na rin si Karen. Mukhang natatakot siya sa akin dahil sumusulyap siya at iiwas rin kapag nakita ko siya. Mukhang totoo ngang may gusto 'to sa boyfriend ko ah. It's not a big deal though. Tsaka mukha namang hindi siya threat sa akin. As long as wala siyang ginagawang kabastusan sa akin bilang girlfriend ni Jav, ayos lang. Sanay naman na ako. Kaya ang laki ng ulo ng mokong na 'yon eh. Nakita kong kumakaway-kaway pa si Jav sa labas pero hindi ko na siya pinapansin. Hindi niya ako matawag kasi working hours na ulit at bawal maingay. Bumalik na ako sa pagtatrabaho. I'm busy reading some of the clients inquries and I'm trying to design what fits for their needs. Ang tahimik. Naninibago ako kasi kanina madaldal 'tong katabi ko eh. "Ms. Karen," tawag ko sa katabi ko na agad ding nagulat. "P-po?" Natawa naman ako sa inaasta niya. Parang kanina lang dinadaldal niya ako ah. Tsaka bakit ang galang? Eh same position lang naman kami rito. "Pwedeng samahan mo ako sa Cr," sabi ko habang nakangiti. "H-ha? Ah, sige tara." Naiilang na sabi niya at naunang tumayo at lumabas sa akin. Ang bilis niya maglakad, swear. Daug niya pa ang may humahabol. Huminto siya nang marating na ang Cr at tumingin sa akin nang alanganin "Ito na 'yung Cr, Ms. Shanaia. Balik na ako roon," nagmamadali niyang sabi at akmang aalis na. "Karen, it's no big deal," I said while holding her arm gently. "Huh?" "Ito naman, para namang hindi mo ako dinadaldal kanina. Atsaka kung ganiyan mo ako tatratuhin, wala na akong kasama habang nag-aadjust sa work," sabi ko habang nakanguso. I'm doing this para malighten ang mood. Sabi ko nga hindi naman siya threat kaya it's ok if I will be close to her. "Sorry, ah. Hindi ko alam na totoo pa lang may girlfriend na 'yon si Sir Javier. Malamang nakwento na niya 'yung pangungulit ko sa kaniya. Sorry talaga! Akala ko nagpapalusot lang siya pero hindi pala" Para siyang batang nagtatantrums. "Ayos lang nga. Atsaka cut that "po" and "Ms. Shanaia" thingy. I should be the one doing that Ate Karen." I teased. "Hoy, loka ka! Hindi na. Magkasing edad lang tayo. Nauna lang akong magtrabaho rito. Basta sorry talaga ah. Promise hindi na ako mangungulit kay Sir." I smiled at her and hugged her. It's no big deal kaya dapat nang ayusin agad. Ayoko nga ng toxic environment. Gusto ko kasundo ko lahat dito para maayos ang pagtatrabaho ko. Ang hirap kayang magtrabaho kapag naiilang ka sa kasama mo. Pero si Javier, bahala siya sa buhay niya. Akala niya huh! At bumalik na nga kami sa trabaho at muli na ngang dumaldal si Karen sa akin. She even told me kung paano niya nakilala si Javier. Nasama pala siya sa team nila para isang project at nagwapuhan daw siya kay mokong. Kaso masungit daw at 'di siya pinapansin kaya kinukulit niya raw para kahit magalit at least napansin siya. Natatawa ako sa mga kinukuwento niya tungkol kay Jav. Talagang faithful daw sa akin. Aba! Dapat lang! Pumatak ang 4:30 sa orasan it means tapos na ang oras ng trabaho. Hindi naman ganoon karush ang mga trabahong pinagagawa kaya hindi ko na kailangang mag-ot. Kaso sila Karen sanay nang mag-ot para raw tapos na talaga ang gawain nila sa mga susunod na araw. Kaya naman nagpaalam na ako sa kaniya at mag-isa akong lumabas ng building nang hindi hinihintay si Jav. Naiinis pa rin ako sa kaniya at naisip kong magta-taxi na lang ako nang sumulpot siya sa tabi ko. "Hey, Babe! Still grumpy?" Tanong niya habang naka-akbay sa akin. I rolled my eyes at him. Pilit ko na mang inaalis ang akbay niya sa akin. "I was just joking, Babe! Sobrang loyal ko kaya sa 'yo. Kung hindi lang ako makukulong kapag sinipa ko ang mukha no'n, sinipa ko na talaga 'yon," maaksyong sabi niya. Natawa naman ako. And guess what? Syempre bati na kami. Ganiyan 'yan. Magaling talaga siyang mag-inis pero mabilis ring makawala ng inis. Cheesy! Pero ganiyan talaga kasi mahal ko. "Tara na nga. Malamang naghihintay na si Lucas sa atin." Sumakay na nga kami ng kotse at nag-drive naman si Jav papunta sa bahay nila Mama. Yes, nandito rin sila sa Manila dahil may inaasikaso sila tungkol sa business nila. Si kuya naman naiwan doon sa Cavite dahil siya ang nagmamanage sa resort doon. "Ang tahimik mo, Babe. Don't tell me-," "Tigilan mo ako sa pangangasar kung ayaw mong umuwi mag-isa sa condo," I cut him off dahil alam kong aasarin na naman niya ako. Tumawa naman siya dahil sanay na siya sa kasungitan ko. "Chill, Babe! Sasabihin ko lang na mahal na mahal kita kaya dapat hindi ka na nagseselos sa mga babaeng 'yon. Ikaw lang sapat na xd." At dumali na naman siya. Natatawa na kinikilig ako sa kaniya kaya tinago ko 'yun sa pamamagitan ng pagtingin sa bintana. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Kung ano siya nung binata siya gano'n parin siya kaloko. Walang humpay na pangangasar ang ginawa niya sa akin sa biyahe that's why I kind of had a relaxing moment. Imbes na experience ko sa first day ang pinaguusaapan namin eh. But, somehow hindi ako ganoon kastressed dahil sa kaniya. Siya talaga ang bumubuo ng araw ko. At last, nakarating na rin kami sa bahay nila Mama. Pagkapark ng sasakyan, bumaba na ako para kumatok sa pinto. Bumungad sa akin si Mama with her loving smile. "Hi, Ma!" I greeted and kiss her in her cheeks. "Hi, darling! Buti nakarating na kayo. Kanina ka pa niya hinahanap." "Hi, tita," bati naman ni Jav nang matapos ma-ilock ang kotse. "Oh, pumasok na kayo. Nandoon siya sa kwarto niya," she said. Pagpasok namin nakita rin namin si Papa na nanonood ng tv sa sala. Mukhang tapos na ang trabaho niya kaya nakakapagahinga na. I and Jav greeted him before entering the room. "Mama! Daddy!" A cute little four year old welcomed us with his tiny arms for a hug. "Hey, Lucas! Do you miss us?" I asked my child while he's hugging us with his tiny arms. Lahat ng pagod at pangamba ko ay nawala dahil sa yakap niya. Siya ang pahinga ko sa lahat ng bagay. And I'm lucky to have him. "Yes, Mama. I miss you both. Ang tagal niyo mag-work," he said while pouting. Cute. Yes, I had a child. 5 years ago I struggled really hard to bear him. I was lost that time. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. College na ako pero nabuntis ako. Takot na takot ako no'n dahil iniisip ko ang disappointment na maibibigay ko kay nila Mama at Papa. Tangang tanga ako sa sarili ko that time kasi hinayaan kong mangyari 'yon. Pero hindi ko na maibabalik ang oras. Kahit anong pagsisisi ko wala na akong magagawa. Nandito na kami ni Morrie nang malaman kong buntis ako. Buti nga ay pinayagan pa ako kahit medyo pinagalitan pa kami dahil sa kalokohan ni Morrie. I'm already enrolled at nagsimula na ang klase nang mapansin kong hindi na ako dinadatnan. Lagi rin akong nagsusuka tuwing umaga at naging picky na ako sa mga pagkain dahil nasusuka ako sa amoy. I'm so nervous dahil nagkakaroon na ako ng idea kung ano 'yon. Pero kinailangan ko nang kumpirmahin kung anong nangyayari sa akin dahil naaapektuhan na no'n ang pag-aaral ko. I bought two pregnancy kit. I immediately tried it and I was dumbfounded and crying silently inside the Cr. I'm pregnant. Iyon lang ang rumehistro sa akin nang makita ko ang dalawang linya. Hindi ako makahinga kakaiyak. Hindi ko alam kung sinong unang kong sasabihan o sasabihin ko pa ba sa kanila. Wala akong makapitan ngayon. Si Morrie, bukod sa ayaw ko siyang istorbohin dahil busy siya sa schoolworks, ayaw ko ring mag-alala siya sa akin at unahin ako. Sa tuwing sumusuka nga ako sa umaga ay ayaw na niyang pumasok masamahan lang ako. Ano pa ngayong buntis na ako? Hindi pwede. May pangarap siya at hindi pwedeng ako ang maging rason ng pagkasira noon. Hindi ko alam kung saan ako lalapit. Ayokong sabihin kay nila Mama dahil alam kong madidisappoint lang sila sa akin. Pasasamain ko lang ang loob nila. 18 pa lang ko lang pero nabuntis agad ako. Tangina! Maayos naman ang buhay ko. Bakit kailangang mangyari sa akin 'to! Pero sa lahat ng hirap at kalituhan sa isip ko ng mga oras na 'yon, proud ako sa sarili ko kasi kahit katiting na ideya na patayin na lang ang bata sa sinapupunan ko ay 'di ko nagawa. Alam ko sa sarili ko na mahirap pero paninindigan ko 'to. Kasalanan ko 'to pero hindi ng bata kaya bubuhayin ko siya. Nagdesisyon ako na kay Kuya Troy unang sabihin ang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung ba't siya, pero siya lang ang naisip kong makakaintindi sa akin. "This is bullshit, Shanaia!" Iyon ang natanggap ko kay Kuya nang pumunta ako sa opisina niya rito sa Manila. Iyak lang ako nang iyak dahil akala ko magagalit nang tuluyan sa akin si Kuya. I never heard him cursed that's why I'm afraid that he's too upset with me. Pero hindi, nang makita niya akong iyak nang iyak, niyakap niya ako nang mahigpit. "I'm sorry, I should not shouted at you. Relax, baka mapaano si baby. Tahan na, I'm sorry." Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niyang 'yon. Imagine, I should be the one who's apologizing pero si kuya pa ang gumawa noon dahil iniisip niya ang kapakanan ko. I hugged him tightly and that's the first strength I gained to continue my journey. Walang sawa akong nagpasalamat sa kaniya dahil wala siyang ibang sinabi sa akin kung hindi ang pag-aalala niya para sa akin at sa anak ko. "Shanaia, sa tingin ko kailangan mo nang sabihin kay nila Mama," payo sa akin ni Kuya. "Kaya nga, Bes! Mas magagalit lang sila kung hihintayin mo pang manganak ka bago mo pa sabihin," segunda ni Morrie. Nagdadalawang isip pa rin ako ng mga oras na 'yon. Alam kong natanggap ni Kuya ang sitwasyon ko kaya naman nasabi ko agad kay Morrie ang pagbubuntis ko. Kaya lang, iniisip ko pa rin ang magiging reaksyon nina Mama at Papa. Natatakot ako. Parang hindi ko kayang makita ang nagagalit nilang mga mata at dismayado nilang mukha kapag nasabi ko na sa kanila. Sa huli, napagdesisyunan ko ring sabihin sa kanila. Napilit ako ni Kuya dahil sasamahan niya raw ako. Kahit ano pa raw ang desisyon nila Mama, siya raw ang bahala sa akin. Ang sakit. Namanhid ang mukha ko sa sampal ni Mama nang sabihin kong buntis ako. Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa 'yon. Alam kong mangyayari 'to. "For god sake, Shanaia! Anong pagkukulang namin sa 'yo, huh? May ginawa ba kaming masama para ganito ang isukli mo sa pagpapalaki namin sa 'yo?" galit ni sabi Mama habang lumuluha. Wala akong magawa kung hindi ang umiling nang paulit-ulit dahil hiyang-hiya ako sa kanila ni Papa. Si Kuya na lang ang lakas ko sa mga oras na 'yon. Hindi niya iniiwan ang tabi ko. "Paano ang mga pangarap mo? Mga pangarap namin para sa 'yo? Sinayang mo lahat, Shanaia!" Kinakabahan na ako kasi sigaw na nang sigaw si Mama at baka kung anong mangyari sa kaniya. "Ma, sorry po! Itutuloy ko pa rin po ang pangar---," Mom cut me off. "Sa tingin mo ganoon lang kadali 'yon? Ng ganiyan ang sitwasyon mo? Hindi 'yan laro Shanaia. Walang pahinga sa sitwasyon mo!" "Hindi ka ba nag-iisip? Hindi ba matalino ka? Bakit hindi mo naisip na pwedeng mangyari sa 'yo 'yan?! Ganoon ka na ba talaga kasabik sa mga bagay-bagay? huh?!" "Hindi naman po sa ganoon, Ma," I tried to reason out. "Alam kong strikto kami pagdating sa pagkakaroon mo ng relasyon pero alam mong hindi ka rin namin pinagbabawalan. Bakit mo nagawa sa amin 'to?" histerikal na sabi ni Mama. Napaupo na siya kakaiyak kaya naman dali-dali akong yumuko para tulungan siya pero itinaboy niya lang ako. Napatingin ako kay Papa at ang tanging nakikita ko lang sa kaniya ay ang pagkdismaya. Ang sakit sakit. Wala na ring humpay ang pagluha ko. "Sinong ama niyan?" tanong bigla ni Papa. I was caught off guard. Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin pati si Kuya. Kahit sa kaniya ay hindi ko sinabi kung sino ang tatay ng dinadala ko. Ayokong kilalanin siya bilang ama ng anak ko. Dahil sa kaniya, nasira ang buhay ko. Dahil sa kaniya nandito ako sa sitwasyon na 'to. Umiling lang ako nang umiling nang hindi ko maamin kung sino ang ama ng batang dinadala ko. Nag-aalab ang mata ni Mama sa akin. "Bakit ayaw mong sabihin?! Ano, nagpaka-pokpok ka lang at nabuntis?" Mom said bluntly. I always knew her for being classy and elegant not this vulgar and blunt. Maybe she already had enough. "Ma, stop it! Hear her out," kuya depended me. "Huwag mong kampihan ang kapatid mo! At anong pakikinggan ko sa kaniya? Ni hindi nga nagsasalita at sinasagot ang mga tanong namin!" bulyaw ni Mama. I cried so hard and uncontrollably. Tanggap ko ang galit nila. Naiintindihan ko sila. Pati na ang huling desisyon nila na puputulin nila ang suporta sa akin pati sa pag-aaral ko. Ang tanging pakunswelo nila sa akin ay hindi nila ako pinalayas sa condo na binili nila para sa akin pero kapalit non ay hindi ako makakatuntong sa bahay namin. Si kuya ang nakikiusap para sa akin kahit na sinasabi ko na sa kaniyang ayos na ako. Ayos na ako sa desisyon nila Mama. Pero hindi pa rin nagbago ang desisyon nila Mama. Hindi ko sila masisisi sa naging desisyon nila. Kahit ako ay gagawin ko sa sarili ko 'yon. Kahit ako galit ako sa sarili ko. Walang humpay na iyak ang nagawa ko sa loob ng isang buwan. Nahihirapan ako. Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko pero alam kong hindi kakayanin ng pride kong ipasagot pati 'yon kay Kuya. Siya na ang nagpresintang magtustos sa lahat ng pangangailangan ko at sobrang kapal na ng mukha ko kung pati pag-aaral ko ay siya ang magbabayad. Pati sa kaibigan kong si Morrie ay hiyang-hiya ako. Kahit busy siya ay mas inuuna niyang asikasuhin ako dahil masyado akong maselan sa lahat ng bagay. Kaya naman narealize ko, kahit sukong-suko ako ng mga panahong 'yon, may mga tao pa rin talagang handang dumamay sa akin. 'Yung tanggap at mahal ako. Kaya tinulungan ko ang sarili ko. Hindi pwedeng pahirapan ko pa lalo ang mga taong nag-aasikaso sa akin. Huminto muna ako sa pag-aaral para matutukan ang pagbubuntis ko. Iyon na lang ang naisip kong makatutulong kay Kuya at Morrie. Para hindi sila masyadong mag-alala sa akin. Unti-unti nakasabay ako sa agos. May mga araw na maaalon pa rin pero sa huli ang pagiging banayad nito ang siyang nagpapakalma at tumutulong sa akin tawirin ang dagat ng buhay na tinatahak ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hoppy
08/09/2024
0sex
02/09/2024
0so good
31/08/2024
0Tingnan Lahat