Chapter 35

Nasa loob na kami ng kotse ngayon at magkatabi kami ni Kuya sa back seat. Si Mama naman ay sa passenger seat, katabi ni Papa na nagda-drive.
Sabi ni Papa medyo labas daw ng lugar namin ang pupuntahan namin. Hindi ko man aminin, na-eexcite ako sa hindi malamang dahilan. Kakain lang naman kami pero ang pakiramdam ko ay kakaiba, parang may naghihintay pang iba sa akin doon sa pupuntahan namin.
"Pa, bakit naka-tuxedo nga pala kayo ni Kuya? Parang sobrang formal naman ng suot niyo para sa isang dinner," tanong ko nang maalala ko ang tanong ko kay Kuya.
"I told you, it's a fine dining. Lahat ng tao roon ay naka-formal so might as well wear formal suit to blend in," sabi ni Papa na nakatingin sa akin sa rear mirror sa kotse. He also winked at me that makes me even more confuse.
Tumahimik na ako pero hindi ako satisfy sa sagot niya. Pinag-enjoy ko na lang ang mga mata ko sa tanawin na nadadaan namin. Nag-isip kung ano ang ibig sabihin ng mga kakaibang ikinikilos nila Papa kanina. Did they continue to prepare everything for my debut?
"Ma, pwede bang flat shoes na lang ang isuot ko? Nagbaon ako diyan e," tanong ko kay Mama dahil naalala ko na naka-heels ako ngayon. Hindi ako sanay sa ganoong sapatos at iniisip ko na baka matapilok pa ako sa paglalakad.
"Hindi babagay sa suot mo, Shai," iling ni Mama.
"Don't worry, aalalayan kita, maton," pang-aasar ni Kuya. I smacked his arm that cause him to laugh. Ayos na sana eh, may pang-asar pa rin pala sa dulo. Hobby talaga niya ang pang-aasar sa akin.
"I can manage," pagyayabang ko at bumalik sa pagtingin sa labas ng bintana.
Tumagal ng halos isang oras ang biyahe namin bago tumigil si Papa at iparada ang sasakyan. Naunang bumaba sina Papa at Kuya para pagbuksan kami ng pinto ni Mama. Inalalayan ako ni Kuya na makababa at isinarado niya ang pinto ng kotse. Si Papa naman ang kay Mama.
"Akala ko ba sa hotel tayo, Papa?" tanong ko nang makita ang lugar kung saan kami huminto.
Mataas ang pader niyon at mayroong two-closed door doon na kulay black and gold. Sa likod ng pasukan na iyon ay tiyak na bahay dahil nakikita ko ang bubong na lumalagpas sa labas. May nakikita rin akong matatayog na puno sa loob niyon kaya naman tiningnan ko sila Papa nang nagtataka. Ganito na ba ang mga hotel sa labas ng Cavite? Iba ang style?
"Just wait and see," sabi ni Kuya na akala ko'y aakbay lang sa akin pero tinakpan ang mata ko.
"Baka mag-smudge 'yong make-up ko, Kuya," protesta ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa mata ko. Tiyak na kakalat ang make-up ko kapag nahawakan niya nang mabuti.
"Huwag kang makulit kung ayaw mong tuluyang masira 'yang make-up mo." Wala na akong nagawa dahil mas hinigpitan ni Kuya ang pagkakatakip niya sa mata ko. Ayoko namang magmukhang clown sa harap ng ibang tao.
Narinig ko naman ang langitngit ng pagbukas ng pinto at hinawakan ako ni Kuya sa isang kamay para alalayan. Senyales iyon na kailangan ko nang maglakad. Malambot ang tinatapakan ko dahil lumulubog ng bahagya ang heels ko at sa tingin ko ay carpet ito. Tsk. Mukhang alam ko na 'to ah. Tinuloy pa rin talaga nila Papa 'yong plano nila?
Habang naglalakad naririnig ko ang tunog ng violin sa paligid. Mellow lang ang pinapatugtog doon kaya naman masarap sa pandinig. Sabayan pa ng hanging tumatama sa mga puno na nagbibigay ng natural na tunog sa aking pandinig. Nakakarelax.
"Kuya matagal pa ba?" bulong ko kay Kuya habang naglalakad pa rin sa dilim. Dahan-dahan kasi ang lakad ko dahil bukod sa wala akong makita talagang hindi ako sanay sa ganoong sapatos. Kung hindi nga siguro ako hinahawakan ni Kuya ay malamang na-out of balance na ako.
"Just a few steps more," sagot ni Kuya. Tumango naman ako at patuloy na naglakad. My heart beats so fast when Kuya stopped walking. Hindi ko alam pero may weird feeling ako na nararamdaman habang hinihintay ko na tanggalin ni Kuya ang kamay niya sa mata ko. Feeling ko maraming mata ang nakatingin sa akin ngayon.
Nang tinanggal na ni Kuya ang kamay niya sa mata ko automatic na namuo ang luha sa mga mata ko. Nandito sila! They are all here in front of me, smiling lovely at me. Totoo ang hinala ko na may mga nakatingin na mata sa akin.
"Shan." Si Morrie ang bumasag sa katahimikan ng lahat doon. She excitedly run towards me and hug me tightly. This girl! I miss her so much!
"Rie," bulong ko sa kaniya at mahigpit rin siyang niyakap. Kahit ayaw kong umiyak dahil iniisip ko ang make-up ko, hindi ko na napigilan. Umagos na nang tuloy-tuloy ang luha ko.
Mixed emotion ang nararamdaman ko ngayon. Pero nangingibabaw ang kasiyahan sa puso ko. My best friend is here! I can't believe it! The only person who truly understands me is right around my embrace.
"Happy birthday, Shan," masayang bati niya sa akin. How I love to hear my other name to be uttered again. Siya lang ang tumatawag sa akin no'n at hindi ko maipagkakailang namiss kong tawagin niya ako sa ganoong pangalan.
"I'm sorry iniwan kita ng wala man lang maayos na pag-uusap..." I cut her off. I can feel that she's also crying right now.
"Shh... Let's talk about that next time." She nodded and continue to hug me.
Ayokong mabahiran ng kahit anong emosyon ang masayang sandali na ito. Sa susunod na namin uungkatin ang bagay na iyon. Sa ngayon, ang importante sa akin ay nandito siya, kasama kong mag-celebrate ng espesyal na araw ko.
Our hug lasts for a few more minutes with our whispers on how we miss each other. Habang magkayakap napatingin naman ako kay Jav at Liam. They both look stunning in their black tuxedo similar to Papa and Kuya.
Mama and Papa are at the side looking at me and Morrie. Mukhang masayang-masaya sila na nagkita muli kami ni Morrie. Nang igilid ko ang mata ko, Jav waved his hand a little to greet me so, I smile all out for him. Liam, standing beside him is looking intently at me with a loving smile. I smiled back at him and only to be disappointed to the girl who's clinging on his arm. Bakit nandito 'yan? In-invite siya nila Mama. Ngiting-ngiti sa akin si Angel na akala mo walang sinabing masasakit na salita sa akin noong mga nakaraan.
Bago pa man tuluyang umasim ang reaksyon ko dahil sa babaeng 'yon, nabaling na ang tingin ko kay Morrie na umalis na sa pagkakayakap sa akin.
"Nasira tuloy 'yong make-up mo," tumatawang sabi niya at dahan-dahang pinunasan ang mga natirang luha sa mukha ko gamit ang kamay niya.
Lumapit naman si Kuya para abutan ako ng tissue at bumulong, "Your boys, I mean your guy friends," biro niya na siyang naging dahilan ng pagpalo ko sa braso niya.
Sakto namang lumapit sa akin si Jav while holding a bouquet of red roses on his hand.
"Happy birthday, Shai," bati niya sa akin at inabot ang bungkos ng bulaklak.
Nang abutin ko 'yon hindi niya malaman ang susunod niyang gagawin. Parang gusto niyang yumakap o bumeso sa akin pero hindi niya magawa dahil sa hiya kaya kumakamot na lang siya sa ulo niya.
Tumawa naman ako at ako na ang kusang lumapit para yumakap sa kaniya. Friendly hug lang naman iyon kaya walang problema kahit makita nila Mama. Lumigid ang mata ko kay nila Mama at nakita kong ngiting-ngiti pa sila ni Papa. Si Kuya naman ay naka-poker face lang habang naka-cross ang mga braso niya sa dibdib niya. I mean, no doubt because that is his usual self.
"Thanks, Jav," I whispered.
Kumalas naman si Jav sa pagyakap sa akin at sumunod na lumapit sa akin si Liam kasama pa rin si Angel. Bakit ba kasi nandito 'yan? Nasisira ang mood ko e.
"Happy birthday, Shanaia," bati ni Liam at inabutan ako ng bouquet din ng roses kaso ay pink naman ang kulay niyon. Inabot ko naman iyon. Inalis niya ang kamay ni Angel sa braso niya at niyakap niya naman ako ng walang pag-aalinlangan.
"Thank you," I said and tap the back of his shoulder. I immediately pulled out on his hug and just awkwardly smile at him.
Confusion is very evident on his face. Nagtataka siguro siya kung bakit ganoon lang ang reaksyon ko sa kaniya. Well, kasama niya si Angel, so there's no way I will make myself look like a slut like what his girl usually calls me. Baka mamaya ay may masabi na naman siyang kung ano-ano.
"Happy birthday," plastik na bati sa akin ni Angel matapos ni Liam. May inaabot pa siyang paper bag sa akin. Tiningnan ko naman 'yon at sa isip-isip ko ay tumatawa na ako. Talagang nag-effort pa siyang magregalo para kapani-paniwala ang pagpapakaplastik niya huh.
May gana pa talagang ngumiti at magpakita sa harap ko. Ang kapal ng mukha niya! I just stared at her at mukha siyang tanga na nakangiti sa akin habang nakalahad ang kamay na may hawak ng paper bag.
"Shan, abutin mo na. Napapahiya na siya," bulong sa akin ni Morrie nang mapansin niya na tinititigan ko lang si Angel.
I smirked and whispered to Morrie without cutting my stare at the girl in front of me, "Deserve."
Nagulat si Morrie sa sinabi ko pero she immediately catch the situation, "Ah... Akin na, salamat daw hehe," naiilang na sabi ni Morrie at kinuha 'yong paper bag na ibinibigay ni Angel. Nakangiti pa rin ito at halatang napipilitan na lang. Kung wala lang siguro siya sa harap ng pamilya ko at kaibigan, malamang ay kung ano-anong masasamang bagay at salita na naman ang ibabato niya sa akin.
Tumalikod naman ako kay Angel ng walang sinasabing kahit ano. Hindi ako katulad niya na plastik at mapagkunwari. Hindi ko kaya 'yon kaya totoong reaksyon ko ang ipapakita ko sa kaniya kahit kaharap pa sila Mama.
"What was that, Shai?" nagtatakang tanong ni Kuya. Halata ang inis sa boses niya pero pinigilan niyang magtunog ganoon iyon.
Hindi niya ako mapagalitan dahil nga birthday ko. Kung normal na araw lang ito malamang ay sininghalan na niya ako. Pare-pareho sila ni Papa. Ayaw nilang ipinapahiya ang bisita kaya malamang ay lumapit itong si Kuya sa akin para pagsabihan ako.
"Saka na natin pag-usapan, Kuya," sagot ko naman. Wala naman na siyang nagawa. Ayaw niya ring makaagaw ng atensyon kaya nanahimik na lang siya.
Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na kinaroroonan namin. Private resort ito at hindi hotel tulad ng sabi ni Papa. Magmula sa entrance na pinasukan namin kanina ay nakalatag nga ang isang red carpet. Sa dulo niyon kung saan kami naroon ngayon ay ang bahay ng private resort na 'yon.
Sa gilid ng bahay ay isang pool na may jacuzzi. Maraming petals ng roses doon at nagliliwanag na ang mga kandilang naroon dahil nilulukob na ng dilim ang buong paligid. Tama nga ako at maraming puno na matatayog na nakapaligid doon. Mas nakadadagdag iyon sa relaxing ambiance ng lugar.
Pinagplanuhan nga nila Papa ito. Hindi ko natunugan ang bagay na ito dahil magaling talaga silang magtago. Ang akala kong simpleng hapunan ay mas pinaespesyal dahil sa mga taong kasama ko ngayon maliban sa isa.
They also did an effort in choosing a formal attire. The boys were on a matching tuxedo while the girls are also wearing black silk dresses. Ako lang ang naiibang color that make me stand out among us. These small details makes me so happy.
"Let's go. The dinner is ready," sabi ni Mama at naunang naglakad sa pathway papunta sa gilid ng bahay. Don't tell me we're having a dinner beside the pool area? That's wonderful!
"Shai!" Morrie squealed as she clung her arms on mine. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, clingy pa rin siya. Nagmature ang mukha niya pero hindi ang mga kilos at paraan niya ng pagsasalita.
"Picture muna tayo," she pouted. Nasa hulihan kami ng lahat papunta sa dining area.
I smiled at her and responded "Sure!" She quickly turn her camera in to a selfie mode and she started to click the shutter button.
Ang dami niyang kinuhang picture kaya naman pagdating namin sa dining area, lahat sila ay naka-upo na.
"Where have you been?" nakangiting tanong ni Mama sa amin ni Morrie.
"Nag-picture lang po, Tita," Morrie bubbly answered.
Nakalagay ang isang parihabang lamesa sa gilid ng pool. Sa magkabilang kabisera naupo si Mama at Papa. Sa right side ni Papa nakaupo sina Jav, Liam, at Angel. Sa right side naman ni Mama ay si Morrie, Ako, at si Kuya. Bale magkaharap kami ni Liam, si Morrie at Angel, tapos si Kuya at Jav.
It's really a fine dining because of the ambiance and decorations. May mga nakalagay pang candle light sa mesa at kumpleto rin ang lahat ng tableware doon. Table napkins, utensils, plate mats, and etc.
Different cuisines were served on the table. May Beef Steak, Cordon Bleu, Carbonara, Menudo, Adobo, Fried Chicken, desserts, and many more. May wine at champagnes din doon at masasabi kong complete package ang ginawa nila Papa para rito.
Sa bandang likod ng mesa, sa pool area pa rin, may sinet-up na mini stage roon at sa baba niyon ay isang magarang sofa na malamang ay uupuan ko. Ang mini stage ay maraming decorations. Naka-display doon ang malaking printed cursive form ng pangalan ko 'Shanaia Louisse' at dinagdagan pa nila 'yon ng '@18'. Shining gold and black ang theme ng decoration na malamang ay tinerno nila sa suot namin.
We started eating. Medyo tahimik pa noong una at tanging kalansing lang ng mga utensils ang naririnig ko pero maya-maya lang ay nagsimula ang pag-uusap ng biruin ni Mama si Kuya.
"Troy, meet your new siblings, Liam and Javier," biro ni Mama kay Kuya na agad namang sumimangot. Agad kaming tumawa ni Papa dahil sa sinabi ni Mama.
'Yong dalawa naman ay napayuko sa kinakain nila at dahan-dahang sumubo ng pagkain nila.
"Go, sons. Introduce yourselves to your Kuya," gatong ni Papa sa biro ni Mama. Napatawa naman kaming lahat maliban kay nila Kuya.
Pupusta ako si Javier ang unang magpapakilala. Mas magaling sa socialization 'yan si Jav kumpara kay Liam. Nahihiya lang talaga sa umpisa at humahanap ng tyempo.
Nahihiyang nagkamot ng batok si Jav at naunang maglahad ng kamay. Sabi ko na e!
"Javier po, Kuya," nahihiyang sabi niya habang nakatungo at nakalahad ang kamay.
Umugong na naman ang tawanan sa pagitan namin sa eksenang iyon. Si Kuya naman ay busangot na nakatingin sa kamay ni Jav. Nakakaawa si Javier dahil naka-extend lang ang kamay niya at naghihintay kaya naman binulungan ko na si Kuya.
"Take his hand, Kuya. You're embarassing him," sabi ko kay Kuya. I smiled at him when he shifted his gaze to me.
Tiningnan niya naman ako nang masama na para bang ako ang may kasalanan at nang-asar sa kaniya. "I'm embarrassed too, Shanaia," inis na bulong ni Kuya. Pininigilan ko namang tumawa dahil baka hindi niya pa kuhanin ang kamay ni Jav.
"Please, Kuya." Niyugyog ko pa ang braso niya para pilitin siya. Wala naman siyang nagawa kung hindi tanggapin ang kamay ni Javier para sa pakikipag-shake hands.
"Troy," maikling pakilala ni Kuya habang nakikipag-kamay kay Jav.
Nagtaka naman ako kung bakit ngumingiwi si Jav na parang nasasaktan. Tiningnan ko siyang maigi at napunta ang tingin ko sa kamay niyang hawak ni Kuya. Pinipilipit ni Kuya 'yong kamay niya habang nakikipag-shake hands para hindi halata. Pasaway!
"Kuya!" bulong kong saway sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin na nagtataka, nagkukunwaring inosente. Gamit ang mata ko itinuro ko ang kamay nilang magkahawak ni Jav at nag-smirk naman siya sa akin bago niya kalasin ang kamay niya sa pagkakahawak.
I apologetically smiled to Jav na awkward na nakangiti habang ipinapagpag ang kamay niya sa ilalim ng lamesa. Siraulo 'to si Kuya nagawa pang mang-trip.
Sumunod na naglahad si Liam ng kamay. This time bumalik ako sa pag-kain ng carbonara. Not minding on how he will introduce himself to my brother.
"I'm Liam po," rinig kong sabi ni Liam. Hindi tulad kay Jav mukhang mabilis na tinanggap ni Kuya ang kamay ni Liam.
"Troy," pag-uulit niya sa maikling pagpapakilala.
Narinig ko ang mahinang daing ni Liam na malamang ay pinilipitan din ng kamay ni Kuya.
"So... Papa, sino ang paborito mong son-in-law sa dalawang 'to?" pagganti ni Kuya sa biro nila Papa sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko at automatic na hinampas ang hita ni Kuya sa ilalim ng lamesa.
"What? I'm just asking Papa, Shanaia. Chill ka lang diyan," he smirked and then shifted his gaze again to Papa, waiting for his answer.
Grabe magbiro 'to si Kuya. Ok lang sana kung kami-kami lang e. Ang kaso may kasama kaming tsismosa at kung mamalasin, malamang ay gagawan niya na naman ng storya ang narinig niya ngayon.
"Same with Shanaia's favorite," pasa ni Papa sa akin. Instantly, I am on now on the hot seat. Napasapo ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Bakit ngayon pa nila napiling magbiruan tungkol sa topic na 'yan. Delikado ako sa tsismosang inimbita nila.
Ang mga mata nilang lahat ay lumipat sa akin at nag-eexpect sa isasagot ko. Both Jav and Liam looking intently at me as if they were hoping to get called by me.
"Papa!" singhal ko kay Papa nang hindi ko na makayanan ang pressure at natawa naman siya.
Kinabahan ako nang tumingin siya kay Liam. Akala ko kung ano nang sasabihin niya, 'yon pala iniba niya na ang topic. Tahimik akong nagpasalamat kay Papa sa isip ko dahil sa ginawa niya.
"Who's the pretty lady you are with, Liam?" tanong ni Papa. Mahinhin naman na tumawa si Angel sa papuri ni Papa. Nakakagigil! She's getting in to my nerves. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at kumain na lang ulit.
"This is uhm... Angel po," rinig kong pagpapakilala naman ni Liam sa kasama niya. Ang sweet naman!
Bahagya akong tumingin muli sa pwesto nila Liam at nakita ko si Angel na parang hiyang-hiya. Sus! Pahiya-hiya pa siya makapal naman talaga mukha niya. Yumuko ulit ako sa pagkain ko dahil hindi ko makayanan ang kapekean nitong si Angel. Nakakainis siya! Malaman ko lang sinong nag-imbita sa babaeng 'yan.
"Girlfriend mo?" rinig kong tanong ni Morrie sa tabi ko. Bahagya ko naman siya sinipa sa ilalim ng mesa habang kumakain pa rin.
"What?" mahinang bulong ni Ririe sa akin.
Hindi naman ako sumagot dahil mahahalata nila kami.
"Sort of," pasweet na sagot ni Angel. So mayroon na ngang sila? No doubt, palagi silang magkasama e. Kahit dito magkasama pa rin. Naiinis ako sa katotohanang iyon pero mas naiinis ako dahil wala akong narinig na pagtanggi mula kay Liam sa sinabing iyon ni Angel.
Inangat ko ang ulo ko para makita ang reaksyon ni Liam at nakita ko namang parang gulat na gulat siyang nakatingin kay Angel. Hindi niya ba inaasahan na irereveal na ni Angel ang sa kanila?
"Congrats, hehe," nasabi na lang ni Morrie.
"Kaya ba hindi ka na pumupunta sa bahay?" tanong pa ni Papa at nagsalin ng wine sa champagne glass niya.
Gusto kong pagsabihan si Papa na 'wag nang magtanong tungkol doon kaya lang, wala naman akong magawa dahil talagang kuryoso siya kung bakit hindi na pumupunta ang dalawa sa bahay.
"Uh... Uhm... Hindi naman po. Naging busy lang po talaga," kamot ulong sabi ni Liam.
"How about you, Javier?" baling naman ni Papa sa tahimik na si Javier.
Ngumunguya pa ito nang tanungin ni Papa kaya naman mabilis niyang nilunok ang kinakain niya bago sumagot.
"Po?"
"Bakit hindi ka na pumupunta sa bahay?" pag-uulit ni Papa sa tanong.
Tumingin naman muna sa akin si Jav bago muling sumagot kay Papa. "Naging busy lang din po kasi mahirap po ang mga subjects ngayon." Hindi ko malaman kung totoo ba 'yon o palusot.
Tumango na lamang si Papa pero hindi halatang naniniwala siya sa mga rason ng dalawa.
"Huhulaan ko kung sinong unang nahulog," bulong ni Kuya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa naman siyang itinaas ang champagne glass niya.
"For my sister and your love of your life," sigaw ni Kuya. Tumingin pa siya kay Liam at Jav nang sabihin niya ang huling linya.
We raised our glass for a toast and shouted 'cheers' as we clunk our glass to each other.
After dinner, pinaupo nila ako sa upuang nakahanda doon sa harap ng stage. The first person who climbed up to the stage is my mother. She was holding a mic on her right hand, ready to deliver her greetings for me.
Wala pa man ay naluluha na ako. Ang magandang ngiti niya pa lang sa akin ay nagdudulot na ng matinding emosyon sa aking puso.
"My darling, Shanaia. You are now on your legal age. Just like what I've said earlier, my baby is now turning into a fine lady. Pero, kumakapit ako sa sinabi mong mananatili ka naming baby." Tumawa siya saglit bago ipinagpatuloy ang pagsasalita niya.
"My dearest, I want you to know that Mama will always be here for you no matter what. Alam kong hindi ka expressive na tao at hindi ka rin mahilig magsabi ng problema mo pero kung dumating man 'yong araw na handa ka nang ilabas lahat ng saloobin mo, sana ako ang kauna-unahang taong maisip mong pagsabihan ng problema mo. You're strong and brave enough to conquer them all but, whenever you feel that you can't do it anymore, I'm here to protect, love, and support you 'till the end. Happy birthday, our little one! No words can express how much I love you and how lucky I am to have you as my daughter." Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. Agad ko rin naman siyang niyakap nang mahigpit pabalik at bumulong ng pasasalamat
I'm literally crying a river. First time kong marinig si Mama na personal na sabihin sa akin ang lahat ng 'yon. Madalas ay puro letter ang inaabit niya sa akin tuwing birthday ko. Hinahaplos ang puso ko at hindi matutumbasan ang sayang nararamdaman ko. Ngayon, alam kong sa kahit anong laban ko, may kakampi ako.
Buti na lang ay may tissue malapit sa akin kaya naman napunasan ko na ang luha ko nang makita kong si Morrie na ang susunod na magsasalita.
She took a deep breath before starting.
"Happy birthday, Shan!" panimula niya.
"Bes, nasa legal age ka na! I can't believe that the nerdy and quiet kid I bothered on my elementary days is now my very loveable best friend and now turning into a beautiful maiden in the town. Shanaia, things have changed and we've been through a lot in our friendship. At aaminin kong main reason ako para danasin natin iyon. I'm...I'm sorry sa mga panahong makitid ang utak ko at mas pinili kong lumayo sa 'yo kaysa sabihin ang totoong problema. Without any words, I left you behind like we're strangers at all." She, then, pause for a second to wipe her tears in her eyes.
"Pero sa lahat ng 'yon, narealize ko na, no one can beat and replace you in my heart. Kahit saan ako magpunta, ikaw at ikaw pa rin ang nag-iisang kaibigan ko na hahanap-hanapin ko dahil ikaw lang ang nakakaintindi sa lahat ng kabaliwan ko. Thank you sa lahat, sa pagiging considerate, forgiving, and sa pagiging Ate mo sa batang-isip na si ako. No one can change my mind that you are the best. Once again, happy birthday, Master Shan. Hope you soar high and reach all your dreams. I love you!"
Tumatakbong lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. No one can change my mind too that she's the best of all. Latagan man ako ng iba't-ibang uri ng kaibigan, hahanap-hanapin ko pa rin ang isang isip-bata, selosa, impulsive, at clingy na Morrie. Her imperfections compliments my flaws that makes us perfect together.
Pagkatapos niyon, narinig kong tumutugtog ulit ang violin. Banayad ang tugtog na siyang nagpapaganda at atmosphere sa paligid.
Nasa harap ko na si Kuya at nakalahad ang kamay niya sa akin.
"Shall we?" tanong niya. Tinanggap ko naman ang kamay niya at saka tumayo. Dinala niya ako sa gitna at sa saliw ng tugtog marahan niya akong isinayaw.
All throughout our dance he's just smiling at me. Before he let me go, he hugged me and whispered, "Little one, always remember na nandito lang si Kuya ok? 'Di man tayo madalas magkita at magkasama, you know I'm just one call away. Be happy always. Happiest birthday."
"Thanks, Kuya."
Huminto na si Kuya sa pagsayaw nang dumating si Jav. Jav asked for my hand and Kuya glady give him the chance to dance with me.
Medyo nahihiya pa siya sa akin nang hawakan niya ang kamay ko kaya naman tinawanan ko siya.
"Don't laugh at me, Shai. Can't help..." parang problemadong sabi niya. Hindi na audible ang sinabi niya no'ng dulo.
"Can't help what?" tanong ko sa kaniya.
"You know what I mean, Shanaia," he said looking intently at me.
Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
"I missed you," I sincerely said while we were dancing.
Niyakap niya ako matapos kong sabihin 'yon. "I miss you too, Shanaia."
"Okay ka na?" tanong ko. Pertaining to his feelings about me.
Naramdaman ko naman ang pag-iling niya sa balikat ko.
"Hindi pa. And seeing your gorgeous face and hearing your lovely voice right now is a wrong move. Pinagbigyan ko lang talaga ang Papa mo," sabi niya.
I sighed heavily and pat his back.
"Happiest birthday, Shanaia. Please be happy no matter what happens."
I hugged him tightly as he said those words. My heart flutter as he wishes for my happiness. Isa rin siya sa mga itinuring kong blessing sa buhay ko. Hindi ako makapaghintay na makabalik siya bilang matalik kong kaibigan.
After a while, it's now Liam's turn. Kahit pilitin kong suwayin ang sarili ko na huwag ma-excite sa presence niya, hindi ko pa rin mapigilan. My heart started to beat wildly. Kahit anong iwas ko may magnet ata siyang dala para mapalapit pa rin ako sa kaniya.
"Happy birthday, Shanaia," marahang sabi niya.
I smiled a little, holding back. "Thanks."
"Are you mad at me?"
"Of course, not," I lied.
Bakit ba siya gano'n? Isang araw ipapa-feel niya na espesyal ako pagkatapos sa paglipas lang ng ilang araw hindi ko na naman siya maramdaman. May iba na naman siyang ini-entertain. Umaasa ako e, kumakapit ako. Pero sa ginagawa niya, gusto ko na lang bumitaw. Nalalabuan na ako at hindi ako 'yong tipo ng tao na mag-sesettle sa ganito. Maswerte na siya dahil pinagbigyan ko siya ng ilang beses.
"Hindi 'yon ang nararamdaman ko e," sabi niya.
Buti pa 'yong ganitong bagay nararamdaman niya. Kailan naman kaya niya mararamdaman na espesyal siya sa akin? Na hindi lang kaibigan ang turing ko sa kaniya? Sa ibang bagay malakas ang pakiramdam niya pero pagdating sa akin wala siyang maramdaman.
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan," pagod na sabi ko.
Alam kong nahahalata na niya na iba ang trato ko sa kaniya. Pero hindi niya ako masisisi. Manhid siya at insensitive. Hindi niya nahahalata ang pag-iwas ko sa kanila ni Angel? Hindi niya ba napapansin 'yon? O talagang kaibigan lang ang tingin niya sa akin kaya wala siyang pakialam sa mga ginagawa ko. Dinala niya pa dito ang babaeng 'yan. Para ano? Para ipakilalang girlfriend niya?
"Pero..." Bago pa siya magsalita bumitaw na ako sa pagkakahawak ko sa kaniya at sinenyasan si Papa na lumapit na. Wala nang nagawa si Liam kung hindi magalang na ipaubaya ang kamay ko sa ama ko.
Medyo teary-eyed pa ako nang makaharap ko na si Papa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pagdating talaga kay Liam lahat ng emosyon sa katawan ko ay nahahalukay niya.
"Anong problema, anak?" tanong ni Papa at pinunasan ang luhang namumuo sa gilid ng mata ko.
"Wala, Pa," I tried to stifle a laugh but instead, tears starts to roll down my cheeks.
Niyakap ko si Papa para maitago ko ang mukha ko. Hinagod naman ni Papa ang likod ko para pakalmahin ako.
"Shanaia, sa tingin ko ang kailangan mo ay pahinga. Ipahinga mo muna ang sarili mo, ang puso, katawan, at utak mo anak. Mahalin mo muna ang sarili mo Shanaia. You are going all out that makes you burst in tears. Tama na muna ang pagmamahal sa iba. Bumitaw ka na kung masakit na. Bumitaw ka na kung hindi ka naman napapansin. Let yourself breathe. You're isolating yourself for nothing. Explore the world beyond. At that time you will finally let yourself free and happy." Mahabang sabi ni Papa na parang may nalalaman siya sa rason ng pag-iyak ko.
Ito na po ba ang sign para tumigil na ako? Sa totoo lang, hindi ako satisfy sa ginawa ko. Ang ginawa ko lang kasi ay umiwas at hayaan ang sarili kong tingnan siya sa malayo. Hindi ko naman sinabi talaga sa kaniya ang nararamdaman ko.
Pero para sa kapakanan ko naman 'yon e, pati sa mga taong nakapaligid sa amin. Bakit ako susugal kung alam kong wala namang pag-asa? Pinapaniwala ko lang naman ang sarili ko na mayroon kahit wala naman talaga. Nag-iilusyon lang ako na may ibig sabihin ang mga gestures at salita niya.
Tama siguro si Papa, kailangan ko nang bumitaw. Kapag nasabi ko na 'to sa kaniya, makakalaya na ako. Kahit anong maging resulta, iiwas na ako. Madali lang 'to at kailangan ko lang magpakatotoo. Iiwas ako nang walang pagsisisi at iniisip na what ifs. Bata pa ako kaya dapat mas bigyan ko muna ng atensyon ang sarili ko.

Komento sa Aklat (82)

  • avatar
    Rahman Amal

    hoppy

    08/09/2024

      0
  • avatar
    delacernaedoy

    sex

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Angelica Lea Baligod

    so good

    31/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata