Chapter 34

My first week of studying as a grade 12-HUMSS student was fine. Maliban na nga lang kung tatanungin niyo ako tungkol kay Liam. Lagi kasing may asungot na nakadikit sa kaniya. Daig niya pa bumabakod.
Kapag yayain ako ni Liam tuwing lunch, lalapit agad 'tong si Angel at aarteng wala siyang kasabay kahit nasa labas na ng room ang mga kaibigan niya. Syempre hindi naman makatanggi si Liam kaya ang ending ako na lang ang mag-isang nagla-lunch. Hindi ko matatagalan ang pagkain kung kasama ko silang dalawa. Sa pagpasok at minsan sa uwian ko na lang nakakasama si Liam.
Ayos na ako doon. Medyo nasasanay na rin. Ang hindi lang ako masanay ay ang pagpaparinig sa akin ni Angel at ang mga patago niyang sinasabi na parang ako pa ang may ginagawang masama sa kaniya. Laging ako ang topic nilang magkakaibigan dahil masyado yatang interesante ang buhay ko para sa kanila.
"Napakapapansin talaga ng Shanaia na 'yan! Nakakainis! Palaging epal sa amin ni Liam," rinig kong sabi ni Angel. Nasa loob ako ng cubicle at hindi nila alam iyon. Malamang ay nandoon sila sa harap ng salamin nagtsitsismisan.
"Well, wala siyang friends eh anong aasahan mo?" rinig ko namang sabi ng kaibigan niya.
"Tss. Kaya awang-awa sa kaniya si Liam e dahil masyado siyang paawa. Buti na lang ay napipigil ko pa rin siyang lumapit doon sa babaeng 'yon."
Nagpapantig na ang tenga ko doon pa lang sa sinabi niyang awang-awa sa akin si Liam dahil nagpapaawa ako. Gusto kong lumabas dito sa cubicle na kinaroroonan ko para sigawan siya at sabihing hindi ako kailanman nagmamakaawa. Kinalma ko ang sarili ko at narealize ko na hindi worth it ang patulan ang taong ito dahil puno ito ng inggit sa katawan. Halata naman iyon sa kilos at mga salita niya kahit hindi na tanungin.
"You're lucky! Napaka-rare sa lalaki ng ganiyan, ang masunurin sa jowa," narinig ko pang tumawa ang kaibigan ni Angel matapos niyang sabihin 'yon.
Jowa? May relasyon na sila? Nagngingitngit na ako dito at kating-kati na akong lumabas. Habang tumatagal lalo akong naririndi sa pinag-uusapan nila.
"I know right! Kaya hindi ko hahayaan na umepal pa ang Shanaia na 'yon!" maarteng sabi ni Angel.
This time, hindi na ako nakatiis na buksan ang cubicle na kinaroroonan ko. Gulat na gulat naman sila Angel na para bang nahuli silang may ginagawang masama sa akto. I blankly stare at her while walking straight to where they were standing. Agad namang mababanaag ang takot sa mukha niya at bahagya siyang umatras patalikod sa lababo.
"What are you doing?" kabadong sabi ni Angel.
I kept walking until I reached her position. Itinaas ko ang kamay ko at agad naman siyang nag-flinch sa galaw kong iyon. I smirked a little and pointed at the faucet.
"Maghuhugas," sagot ko at inilagay ang kamay ko sa rumaragasang tubig mula sa gripo.
Parang nakahinga namang nang maluwag si Angel at bumalik ang matapang niyang tingin sa akin. Peke! Nang tingnan ko siya mula sa salamin nakita ko na magsasalita na siya kaya naman pinatay ko na ang gripo at umalis sa CR na iyon. I even heard her saying "Bitch" when I closed the door. Pasalamat siya mas matino ang utak ko sa kaniya dahil kung hindi, dudugo ang bibig niya sa akin.
Ganoon lagi ang eksena ni Angel. Minsan sasadyain niya pa akong bungguin sa balikat o 'di kaya naman ay tatapakan ang paa ko kapag nagkakasalaubong kami. Hindi ako gumaganti dahil walang kwenta ang pakikipag-away sa kaniya. Hindi ko ika-uunlad ang pagpatol sa kaniya.
"Ay sorry, nakaharang ang paa mo e," mapang-asar na sabi niya nang sadyain niyang tapakan ang sapatos ko nang madiin noong nakapila kami sa canteen. Tumawa pa ang mga kaibigan niya. Mga tanga! Nakatabi ang paa ko tapos sasabihin niya nakaharang, boba! Tiningnan ko lang siya at tumingin na ulit sa pila.
Hindi niya kasama si Liam dahil pinatawag iyon ng isa naming teacher. Ang kasama niya ngayon ay ang mga kaibigan niyang tulad niya ay walang magawa sa buhay at may maliit na utak.
When it's my turn to buy food, I ordered a soup, fried chicken, and rice. Hinintay ko ang order ko at kinuha ko agad 'yon nang matapos ilagay sa tray. Nasa corner ako ng canteen at luminga sa paligid para maghanap ng mauupuan. Muntik na akong mapamura nang may bumangga sa tray na hawak ko at muntik nang matapon ang soup na nakalagay doon.
"Sorry ulit! Next time huwag ka kasing paharang-harang," si Angel na naman 'yon at nakakainis pa ang ngiti niya sa labi, nangangasar. Ang sarap isaboy sa kaniya ng sabaw na 'to para mabura na ang mukha niya. Tiningnan ko siya nang masama at tinaasan niya lang ako ng kilay bago umalis kasama ang mga alaga niya.
Umupo ako sa upuang malapit sa entrance ng canteen dahil iyon na lang ang vacant. Agad kong inayos at nilinis ang natapon na sabaw sa tray dahil sa kalokohan ni Angel. Angel ang puta, demonyo naman ang ugali!
Umiling-iling na lang ako sa matinding pagpapasensiya kay Angel. Namumuro na talaga siya sa akin. 'Wag niyang hintayin na mapuno ako at baka hindi ko siya matantya. Hindi niya gugustuhin kapag pinatulan ko siya.
Nagsimula akong kumain at inalis ang inis ko sa pamamagitan ng pag-kain. Masarap ang sabaw na siyang nagpakalma sa sistema ko. Habang ini-enjoy ko ang pag-kain, narinig ko na naman ang boses nila Angel at kaibigan niya na nag-uusap sa labas ng canteen. Dahil nga malapit lang ako sa entrance, naririnig ko sila. Kailan ba matatahimik ang mga 'to?!
"You know what, naging mag-on pala si Jav at 'yang si Shanaia." Agad akong napatigil sa pagnguya at kumunot ang noo. Ano na namang isyu 'yan? Saan niya na naman napulot 'yan?
"Really? So, break na sila? Hindi ko na sila nakikitang magkasama e," sabi ng kaibigan ni Angel.
"Obviously! The reason is malandi talaga 'tong Shanaia na 'to. Hindi siya kuntento kay Jav kaya hinahabol-habol niya si Liam. Of course, Jav got hurt kaya nakipag-break na at umiwas sa babaeng 'yon," mapanghusgang sabi ni Angel.
"Nakaka-awa naman si Javier. Knowing him, he doesn't deserve that Shanaia girl. Akala ko pa naman mabait at tahimik lang 'yang babaeng 'yan, 'yon pala nasa loob ang kulo," sabi ng isa pang kaibigan ni Angel. Agad umugong ang tawanan nila.
Agad nanginig ang mga kamay ko at kailangan kong paghawakin 'yon para walang makakita ng panginginig no'n. Galit na galit ako sa mga naririnig ko. Saan nila nakukuha ang mga impormasyon na 'yan? At wala talaga silang hiya na pagkwentuhan ako sa labas ng canteen kung saan maraming tao? Bullshit! I closed tightly my fist and hide it under the table. Hindi ko mapigil ang nginig niyon
Naluluha na rin ako dahil sa gigil. Alam kong hindi naman totoo ang mga sinasabi nila pero masakit para sa 'kin na madamay si Jav sa isyu nila. Nanahimik si Jav kaya sana lubayan nila 'yong tao. Hindi dapat sila gumagawa ng storya base sa nakikita nila. Wala silang alam kaya dapat ay manahimik sila! Ayos lang na ako ang gawa'n nila ng isyu 'wag lang nilang idamay ang mga tao sa paligid ko.
Bago pa man ako makagawa ng kahit anong aksyon, hindi ko na narinig ang mga boses nila Angel na malamang ay umalis na. Pasimple kong pinunasan ang namuong luha sa mata ko at pinilit magpatuloy sa pag-kain.
Hindi ako manhid para hindi makaramdam ng kahit ano sa sinasabi nila. They are calling me names such as bitch, slut, malandi, pokpok and whatsoever names that they can call me. Nagtitimpi lang ako kaya sana tigilan nila ang pagdamay sa mga taong importante sa akin. Pinapalagpas ko sila sa ginagawa nila sa akin pero isa pang makarinig ako ng ibang pangalan, pasensyahan na lang.
Hindi ko na maintindihan si Angel kung bakit ginagawa niya ang mga bagay na 'yon. Lagi na nga silang magkasama ni Liam at ako na ang kusang lumalayo para wala na siyang kainggitan at kinaseselosan, hindi niya pa rin ako tinitigilan. Napaka-immature niya.
I kept my distance to Liam. No use, dahil madalas naman na talaga silang magkasama ni Angel. Kahit kausapin ay hindi ko na rin tinatangka dahil ayoko nang makarinig pa ng kahit ano mula kay Angel.
Mabilis na dumaan ang mga araw at buwan na ng hulyo, ang birth month ko. 18th birthday ko na ngayong taon kaya kinukulit ako nila Papa tungkol sa plano ko.
"Ano ngang plano mo, Shanaia?" pang-ilang beses nang tanong ni Papa sa akin.
Bumuntong-hininga naman ako bago sumagot, "Wala, Pa. Kain na lang tayo sa labas," walang gana kong sabi. Mas gugustuhin ko iyon kaysa mag-aksaya ng pera para sa engrandeng selebrasyon.
"Anong kakain sa labas? 18th birthday mo 'to, Shanaia," paalala ni Mama na parang nakalimutan ko iyon.
"Ma, wala naman po akong kaibigan. Kung magpapa-eighteen roses, candles, gift, at etc. pa ako, kayo at kayo lang din ang gaganap niyon, kulang pa," I said as a matter of fact.
Alam kong gusto nila na mag-celebrate ako kagaya noong mga common na celebration kapag debut pero wala nga akong kaibigan na pwedeng imbitahin. Kung mayroon man, kaunti lang.
"How about your classmates," suhestiyon ni Mama.
"Ma, hindi ko naman sila close. Ayoko naman ng ganoon," sabi ko habang naglalaro sa cellphone ko.
Tinatamad na ako sa ganitong usapin. Ngayon, wala na talaga akong ma-iinvite dahil kahit si Liam ay hindi ko na pinapansin. Lilipas din naman 'tong birthday ko kaya bakit mag-eeffort pa ako.
"Any other plan?" pilit ni Papa.
"Wala po, Papa. Just wanna spend my day with you two and if possible with kuya," nasabi ko na lang.
Nagtinginan naman sina Mama at Papa at tumahimik na lang.
Ang akala kong masayang last year ko sa highschool ay naging boring. Papasok, walang makausap sa school, at uuwi. Minsan ay sinusubukan pa rin akong yayain ni Liam pero tumatanggi na ako. Tutal busy naman siya kay Angel bakit sisingit pa ako? Baka masabihan na naman ako nang kung ano-ano.
Dumaan na naman ang ilang araw at araw na ng birthday ko ngayon. Nagpasalamat ako dahil weekend ngayon at walang pasok. Alas-nuebe na ay nakahiga pa rin ako at nakatulala. I checked my phone at wala man lang message doon na bumabati sa akin. Wala talaga akong balak tumayo dahil wala namang ganap ngayong araw. Mamayang hapon pa naman kami aalis nila Papa para kumain sa labas.
I heard a knock on my door and immediately, I pretended to be asleep.
"Shanaia!" tawag ni Mama sa akin. Hindi ako sumasagot at nanatili lang akong nakahiga at nakatakip ng unan.
"Shanaia! Alam kong gising ka na," mas malakas na tawag ni Mama. Hindi pa rin ako natitinag at wala akong balak na tumayo para harapin siya.
"Shai, I know you can hear me. Kapag hindi mo binuksan 'to, sisirain ko ang pinto na 'to."
Napabangon ako sa serysong boses na iyon. Boses 'yon ni Kuya! Umuwi pala si Kuya ngayon. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya kaya naman dali-dali akong tumayo para pagbuksan sila ng pinto.
"Kuya!" I greeted and offer my fist for a fist bump. Agad namang nawala ng kunot sa noo ni Kuya at nakipag-fist bump sa akin.
"Hey, there little one," bati niya pabalik habang papasok sa kwarto ko. Umalis na si Mama at pumunta na ata sa kusina.
"Nah. I'm 18 today," pasusungit ko. I rolled my eyes and sat on the sofa beside my bed where my brother is lying.
"You are still our little one," pang-aasar pa niya. I just sneered at him that cause him to laugh a bit.
"So, how's school? Wala kang pasok ngayon?" tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalam ko ay mayroong pasok si Kuya kahit weekend.
"Mayroon. Um-absent ako," kibit-balikat niyang sabi. Parang hindi malaking bagay ang ginawa niyang iyon.
"Dapat pumasok ka. Baka hindi ka maka-graduate," I demanded.
Naalala ko pa ang kwento sa akin ni Kuya noon nang minsan siyang umuwi dito. Sobrang strict daw ng professors nila na kahit isang absent ay magiging dahilan ng pagbagsak nila.
"Don't worry. At saka hindi ko pwedeng palampasin ang debut mo pati ang mga nababalitaan ko sa 'yo," he said, eyeing me suspiciously.
"About what?" I confidently asked.
"Bakit ka nagkukulong dito sa kwarto mo?" Tss. Akala ko naman kung ano na, iyon lang pala.
"Kuya, parang hindi naman talaga ako nagkukulong dito?! Hello! This is my safe haven for years," I said as a matter of fact.
"Not until you met your new friends," he even said with diction the word 'new friends' to give emphasis.
"How did you know?" Gusto kong malaman kung sino sa dalawang magulang ko ang nagsabi sa kaniya.
"Papa," walang gana niyang sabi na parang may naalala pa.
Talaga lang huh? Si Papa pa ang nagsabi kay Kuya. Akala ko ba nagtatampo siya kay Kuya?
"Really?"
Kuya sighed loudly, "Every now and then, kapag tumatawag si Papa, 'yong dalawang 'yon ang bukambibig niya. He said that, buti pa ang dalawang 'yon ay binibigyan siya ng oras. He even told me that he will going to replace me with those bastards as his sons," inis niyang sabi.
Humaglpak naman ako ng tawa dahil sa kwento niyang 'yon. Well, gaya nga ng sinabi ko noon, Papa is really fond of the two boys dahil parang nagkaroon siya ng anak na lalaki sa katauhan nila habang wala si Kuya. Natigil na lang dahil nga sa kaniya-kaniya nilang rason.
Tiningnan ako nang masama ni Kuya dahil sa pagtawa ko kaya naman naitikom ko ang bibig ko at pinigilan ang naudlot kong tawa.
"Ano bang mayroon 'don sa dalawang 'yon?" paghihimutok ni Kuya.
Tumawa pa muna ako bago ko ikwinento kay Kuya kung bakit naging close si Papa sa dalawang 'yon. Sinabi ko rin na talagang nagtatampo sa kaniya si Papa kaya nasabi niya iyon sa kaniya.
"I heard hindi na sila pumupunta dito. Bakit?" tanong niya matapos kong magkwento. Pati talaga 'yon updated siya huh?!
"Busy," I said while looking away at him.
"Really? Baka may hindi na kinaya, nahulog na," makahulugang sabi niya habang may ngiting mapang-asar sa mga labi niya.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata to shut him up kaya natawa naman siya.
"Stop that, Kuya. You're weird," nasabi ko na lang dahil mukhang masyadong maraming nalalaman itong si Kuya.
"If you say so," sabi niya at tumayo na sa kama ko.
"Lumabas ka dito sa kwarto mo, Shanaia," utos niya sa akin habang papalabas siya ng pintuan.
"Ayoko, mamaya na lang kapag aalis na tayo," I said and quickly dive in to the bed.
"Ok. Kakaladkarin na lang kita," agad siyang lumapit sa paanan ko para hatakin ang paa ko. Agad naman akong pumiglas dahil talagang hahatakin niya ako mapalabas lang sa kwarto ko.
"Give me 10 minutes, Kuya Troy" I shouted.
"Alright! Mabilis ka naman pala kausap e," he even patted my head like a dog. Tinapik ko ang kamay niya at tinulak na siya palabas ng kwarto ko.
I stayed at my bed for a while, having a second thought in going outside to interacti with them. Mas gusto ko sanang dito na lang sa kwarto ko pero alam kong hindi ako tatantanan nila Kuya.
Kuya seems so cold outside pero tulad nina Mama at Papa, he has a good heart. He cares for me and willing to do everything to make me happy. Kung may problema ako he's also willing to lend me his ears and give me a great advice.
Pumasok ako sa CR at agad naligo. Tinagalan ko ang pagligo dahil ayoko talagang lumabas. Kukulitin lang nila akong mag-celebrate ng birthday ko with other people. Pati sa pagpili ko ng susuotin, tinagalan ko rin. Siguro ay dalawang oras na ang iginugol ko sa pagligo at pagpili lang ng damit. Malamang ay may lunch na sa paglabas ko dito.
Nataranta naman ako nang kumatok na naman si Kuya. Tinawag niya ako dahil akala niya ay nahiga lang ulit ako sa kama. Masyado daw mahaba ang 10 minutes ko. Wala na akong nagawa kung hindi bilisan ang pag-aayos ko sa sarili dahil talagang kukulitin ako ni Kuya hangga't hindi ako lumalabas.
I just wore a maong pants ang fitted white t-shirt. I combed my hair and tie it in a messy bun before applying a small amount of liptint on my lips. Nang natapos na ako sa lahat ng ritwal ko tiningnan ko pa muna ang cellphone ko at wala talagang nag-message. I sighed before deciding to go out of my room.
"Finally, Shanaia!" pumalakpak pa si Kuya para asarin ako.
I rolled my eyes at him,"Where are they?" tanong ko, tinutukoy sila Mama at Papa.
"Kitchen," sabi ni Kuya habang nakatutok sa pinanonood niya sa TV. Himala at hindi siya nakakulong sa kwarto niya ngayon.
I walked towards the kitchen to search for Mama and Papa. Wala lang! Out of habit. Nakita ko si Mama na nakatayo sa harap ng microwave oven at may hinihintay doon na maluto. Si Papa naman ay naka-upo sa stool na naroon at pinapanood si Mama. He's madly in love with Mama and I adore him for that.
"Hi there, darling. Happy birthday," bati sa akin ni Mama nang makita niya akong papasok sa kusina.
Lumapit siya sa akin para yakapin at halikan ako sa pisngi.
I smiled at her, "Thanks, Ma."
Nakita ko naman si Papa na tumayo na rin sa kinauupuan niya at lunapit sa pwesto namin ni Mama.
"Happy birthday, My princess," he said and kissed me on my forehead before joining Mama, hugging me. It felt surreal. Ganito na ba kapag nasa legal age? I'm being dramatic. Naluluha ako.
"Hindi ba ako kasama sa pamilya?" inis na tanong ni Kuya na nakasandal pala sa hamba ng pintuan ng kusina.
We looked at him and laugh."Nagtatampo pa sa 'yo si Papa," I teased.
"Pa! Nag-sorry na 'ko 'di ba?" parang batang sabi ni Kuya. Papa laughed at him and pulled him in a hug. Sumama kami ni Mama at we had our group hug.
"My babies are getting older," madamdaming sabi ni Mama habang magkakayakap pa rin kami.
"Don't worry, Ma. We still are," I said and genuinely smiled at her. With them, I'm at peace. This is my life, my joy, and my sanity. Wala na akong hihilingin pang iba.
Mama cooked a whole roasted chicken for our lunch. Nagtaka ako dahil iyon lang ang ulam namin. Kadalasan, dalawang putahe ang niluluto ni Mama.
"Wala tayong soup, Ma?" tanong ko dahil natutuyuan ako sa kanin at inihaw na manok.
"Later na lang, nak. Kakain tayo sa labas remember?" nakangiting sagot ni Mama.
Well, my point siya. Kung sabagay, masasayang lang din ang iluluto ni Mama dahil sa labas nga pala kami kakain mamaya. Ayaw pa naman nilang nasasayangan ng pagkain.
"Anong oras nga pala tayo aalis mamaya, Ma?"
"Around 5:30 siguro." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Dress nicely, Shai. O kaya isuot mo na lang 'yong body con silk dress na binili ko sa 'yo," paalala ni Mama.
Agad naman akong napailing sa suhestiyon niyang iyon. Masyadong revealing and daring ang damit na iyon and there's no way I will wear that dress.
"I can't, Ma. That's too much."
"Birthday mo naman, Shai. At least dress up like a woman not like your usual manly get up," biro ni Kuya. Mukha ba akong lalaki sa mga isinusuot ko? Grabe 'to si Kuya ah.
I maked face at him, "No way, Kuya."
"You have to, Shanaia," si Papa na ang nagsalitang iyon. "I also hired a make-up artist para ayusan ka mamaya." dagdag niya pa.
Seriously?! Kakain lang naman kami sa labas. Bakit nag-hire pa siya ng make-up artist.
"What for, Pa? Kakain lang naman tayo," nagtataka kong sabi.
"Sa hotel tayo kakain, Shanaia. Fine dining ang kinuha ko. Hindi naman pwedeng sa kahit saang restaurant lang diyan sa labas. Tumanggi ka na nga sa celebration na gusto namin, at least kahit dito pumayag ka," seryosong sabi ni Papa.
Naguilty naman ako kasi baka isipin nila na kaya ko sila tinatanggihan ay dahil ayaw ko sa plano nila at hindi ko naa-appreciate ang effort nila. Syempre nag-iisa akong anak na babae kaya naman gusto nila ang best sa akin.
"Sige na po," labas sa ilong na sabi ko. Nakita ko naman ang palihim na ngitian nila Kuya. Ang weird ha!
After ng lunch, pinaalalahanan ako ni Mama na darating ang make-up artist around 2:30 at kailangan nakaligo na ulit ako para fresh ang mukha ko.
Kahit na ayoko, wala naman na akong nagawa dahil pumayag na ako kanina sa harap nila. Hindi ko na pwedeng bawiin 'yon.
Pagpasok ko sa room ko, humiga ako sa kama ko at hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Nagising na lang ako sa katok sa pinto ko at hindi ko namalayang 2:30 na pala ang oras.
"Shanaia!" Si Mama ang tumawag sa akin. Agad naman akong pumunta sa pinto para pagbuksan siya.
"Are you ready? Nandiyan na ang sinasabi ng Papa mo," she said.
"Sorry, Ma. Nakatulog po ako e," kamot ulong sabi ko.
"Hay naku! Sige na, bilisan mo na lang ang pagligo."
Iyon nga ang ginawa ko. Mabilis lang ako naligo. Buti na lang ay naligo rin ako kanina bago mag-lunch kaya ayos lang ang mabilisang ligo ko ngayon. Mabilis din akong nag-apply ng cream sa mukha ko para maiwasan ang iritasyon na maaaring maidulot ng make-up. I just wore a bathrobe with my undies under and immediately go outside my room.
"Tapos ka na, Shai? Here's Ate Maya, siya 'yong sinasabi ni Papa mo. Doon na kayo sa kwarto mo para magbihis ka na rin pagkatapos." Tiningnan ko ang Ate Maya na sinasabi ni Mama, mukha siyang 25 years old at may dala-dala siyang box na naglalaman siguro ng gamit niya sa pame-make-up.
"Tara po," naiilang na yaya ko kay Ate Maya.
Nauna naman akong maglakad papunta sa kwarto ko para masundan niya ako. Buti na lang ay hindi ako masyadong makalat sa gamit ko, kung hindi ay nakakahiya talaga na may makakakita pang iba.
Inilagay ni Ate Maya ang box na naglalaman ng mga make-up sa ibabaw ng vanity mirror ko. Isa-isa niyang inilabas ang mga brushes, pallettes, sponge, and other stuff inside her make-up kit box. Nakatayo lang ako malapit doon sa vanity mirror at pinapanood siya.
"Dito ka, Shai," nakangiti at marahan na sabi ni Ate Maya, itinuturo ang upuan sa harap ng vanity mirror ko
Agad naman akong tumalima at naiilang na umupo sa upuan.
"Ang ganda mo," puri niya sa akin. Habang naglalagay ng panipit sa buhok ko para hindi humarang sa mukha ko.
"Uhm... Hindi naman po, hehe. Pero, salamat po," I awkwardly said. Hindi ako sanay na pinupuri about sa physical appearance ko. Hindi kasi ako naniniwala kaya hindi ako nasasanay.
"Uhm... Pwede pong magpatugtog ako?" nahihiyang tanong ko.
Masyado kasing tahimik at mas nagiging awkward ang atmosphere dito sa loob ng kwarto ko. Hindi pa naman ako marunong makipag-socialize kaya hindi ko alam kung paano magbubukas ng topic.
Pumayag naman si Ate Maya kaya tumayo ako saglit para kuhanin ang cellphone ko. Bumalik agad ako at umupo ulit sa upuan. Nagpatugtog ako ng mellow music and somehow, it makes me feel relax.
Nag-umpisa si Ate Maya sa pag-aapply ng foundation sa mukha ko. Sumunod ay concealer, contour, at press powder. Inaaantok ako sa tugtog at sa paraan ng pagdampi ni Ate Maya ng brush sa mukha ko. Malambot lang iyon at hindi nakakairita.
Sinigurado niyang smooth ang pagkakalagay niya sa base ng make-up ko bago siya nagtungo sa kilay ko. Hindi na siya gumamit ng eyebrow pencil dahil makapal naman na ang kilay. She just used a spoolie to brush and shape my brow. Matapos niyon, ang mata ko naman ang isinunod niya. She applied different hues of color brown pallete for my eyelid and add a shimmer on top of it. Saglit akong dumilat para makita ang kinalabasan niyon. Mukha lang natural ito at tingin ko ay bagay sa akin.
She, then mount fake lashes and apply mascara on it. Sumunod ay gumuhit siya ng manipis na linya gamit ang eye liner mula sa talukap ko hanggang sa wing liner ng mata ko.
The result is now half visible on my face. To complete it, she applied small amount of blush on both on my right and left cheek.
"Anong mas prefer mo? Lip tint or lip stick?" tanong sa akin ni Ate Maya habang tumitingin sa mga posibleng lipstick na babagay sa akin.
"Siguro, pwede pong i-mix. Sa inner po 'yong tint tapos sa outer naman po 'yong lip stick. Parang gradient po," suhestiyon ko.
Sumang-ayon naman siya sa akin at nilagyan ang inner lip part ko ng medyo dark red na lip tint. Sumunod naman ay in-apply niya ang lighter shade ng red sa outer part ng labi ko. Agad kong tiningnan sa salamin iyon at natuwa ako dahil maganda ang kinalabasan no'n. Mukha akong matured sa make-up kong 'to. Hindi ako makapaniwala na kaya talagang lapatan ng make-up ang anyo ng tao and I'm the living proof of it.
To finish up our make-up session, she applied a highlighter on my face to give more shining and glowing effect to my face. I am completely satisfied sa ginawa niya sa mukha ko. It looks like simple yet, elegant. Hindi makapal, hindi manipis, saktong-sakto lang.
Pagkatapos niyon, she starts to comb my medium-length hair. She sprayed a generous amount of it before plugging her iron curler. She curled my hair in just a wavy manner. It took her more than 20 minutes before she finishes curling my hair. After that, she tied some part of my hair leaving some strands on my face and sprayed something to last long it curls.
After a one and a half hour of everything, we are already done! Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, maganda talaga ang kinalabasan.
"Ang ganda mo, Shai!" kinikilig na sabi ni Ate Maya.
Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya, "Thanks a lot, Ate."
"Puwede kitang picturan? Para may ipakita ako sa ibang possible client ko in the future," Ate Maya asked.
Kahit nahihiya, I nodded to agree. Picture lang naman e. Of course she wants to brag about her skill in this field. I posed in front of her and with two shots, we ended our journey together.
Tinulungan ko si Ate Maya sa pagliligpit ng mga ginamit niya kahit ayaw niya. Masyado talaga akong natuwa sa ginawa niya kaya naman simple act of service is the least that I can do.
Pagkatapos niyon, hinatid ko siya sa pinto ng kwarto ko palabas. Sinabihan ko siyang siya na lang ang lumabas at nandoon naman si Mama. Ayoko ko munang ipakita sa kanila ang itsura ko.
Bumalik ako sa pagtingin sa sarili ko sa salamin. I smiled at my reflection, I'm all grown up now. I should be more responsible in everything that I will do. I am now a lady that is expected to be compassionate, decisive, and independent. My immaturities should now be lessen.
Matapos kong pagsawain ang mata ko sa sarili ko sa salamin, kinuha ko na ang dress na sinasabi ni Mama. Ngumiwi ako nang makita iyon. Sobrang revealing kasi talaga no'n at hapit na hapit sa katawan kapag isinuot. Kulay gold iyon at may silver sequins sa paligid niyon. May slit ang right side part no'n at kapag isinuot ko iyon ay hanggang sa taas ng tuhod ko.
"Tsk. Bakit kasi kailangan mag-dress pa! Kakain lang naman kami," bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa CR para magbihis.
Wala na akong choice dahil ito lang namang ang dress ko sa damitan ko. Dahan-dahan kong isinuot ang dress na iyon para hindi masira ang make-up at buhok ko. Kakamot-kamot akong lumabas sa CR at humarap sa salamin ko.
Ayos naman kaya lang maikli talaga. Dumagdag pa sa uncomfiness ko 'yong slit sa gilid no'n. Ang tanging pakunswelo niyon ay ang manipis na two strap niyon na kumakapit sa balikat ko.
Kusa akong lumabas sa kwarto nang mapansin ko ang oras. 5:10 pm na at alam kong kakatukin na naman nila ako. Paglabas ko, hinahatak-hatak ko pababa ang dress, trying to make it longer.
"Ma, Pa! Tingnan niyo si Shanaia, mukhang babae na," narinig kong pang-aasar ni Kuya na naka-upo sa sofa.
"Kuya!" inis kong singhal sa kaniya.
Lagi niyang pang-asar sa akin 'yan at naiinis naman ako dahil iniisip ko kung mukha ba talaga akong lalaki kapag hindi naka-ayos.
Tumatawa siyang lumapit sa akin,"Just kidding! You're stunning, little one," he, then change his laughing reaction to a genuine smile. I pouted to stop myself from smiling. Sa kanila lang ang pinaniniwalaan kong compliment.
Ngayon ko lang napansin na naka black tuxedo pala si Kuya. "Ba't ganiyan porma mo? Ang formal naman masiyado," nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Bago pa man siya makasagot, lumabas na sina Mama at Papa. Naka-tuxedo rin si Papa at naka-dress din si Mama.
"You look gorgeous, anak! Dalaga na talaga ang anak ko," kunwaring emosyonal na sabi ni Mama.
I laughed a bit and walk towards her, "Mana sa inyo, Ma. You are a hot momma," biro ko.
"Come here, Shai," si Papa naman ang tumawag sa akin.
Lumapit naman ako at marahan niya naman akong itinalikod sa kaniya. Before I could say something, he already put on a gold necklace with a heart pendant on my neck. Kumikinang ang pendant niyon at hindi ko maaalis ang tingin ko sa ganda niyon. It really compliments my dress.
"There you are! Happy birthday, Shanaia," bati ni Papa and again, he kissed me on my forehead.
Niyakap ko siya at bumulong ng 'thank you' sa kaniya. I can't explain my feeling right now. Kahit sila lang ang kasama ko, masaya na ako. Wala na akong hinahanap. Kuntento na ako sa pamilya ko. Their effort to make me feel special on my birthday is indeed a treasure. I am more than loved than what I expected.

Komento sa Aklat (82)

  • avatar
    Rahman Amal

    hoppy

    08/09/2024

      0
  • avatar
    delacernaedoy

    sex

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Angelica Lea Baligod

    so good

    31/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata