Ganito pala ang pakiramdam ng humahanga ano? Masaya na sa puso kahit tingnan mo lang siya. Ang kaso, kasama rin pala doon ang kaunting selos dahil gusto mong ang atensyon niya ay sa 'yo lang. Simula nang mapagtanto ko ang nararamdaman ko para kay Liam nanatili akong tahimik. Ayokong sirain ang pagkakaibigan na nasimulan naming dalawa. Naniniwala rin naman akong mawawala rin ito lalo na at hindi kaami madalas magkasama ni Liam. Mas marami siyang oras sa iba niya pang kaibigan. Pero mas lumalala pa yata ako dahil kapag wala siya, hinahanap ko siya. Gusto ko siyang nakikita. kapag naman may kasama siyang iba may nawawala sa loob ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Nakaupo ako rito sa seat na inilaan sa akin ni Liam. It's his birthday and he invited me a few weeks ago matapos ang ballroom dance namin kaya naman nandito ako. The venue of his birthday is just in front of their house, in their yard where the bermudagrass has been set up. The theme of the design was black and gold. Circular tables were all around the yard and the mini stage is in front of us. It was set up with a banner and decorations. Meron ding sound system mini chair for Liam doon. Sa gilid naman namin ay ang mga foods and drinks station. It was simple yet elegant. Malalaki ang mga bahay dito kahit nasa residence area lang kami nakatira. Isa na roon sila Liam kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit kasya ang lagpas 50 bisita ni Liam sa kanilang bahay. Kada dating ng bisita ay hindi magkandaugaga si Liam madaluhan lamang ang mga ito. Most of his visitors are from his different circle of friends. Nandoon din sina Angel at iba pa nilang kasama sa Youth Organization. He is indeed a social butterfly. I only wore a spaghetti blacktop at pinatungan ko iyon ng white button-down polo. I partnered it with baggy pants and rubber shoes na sobrang kakaiba sa suot ng mga babaeng bisita na inimbita ni Liam. Halos lahat sila ay nakadress. I wasn't aware that's why I got frustrated. Liam didn't notify me and just said that his celebration is just simple. Liam assured me that it was alright if I wore any clothes that I want dahil hindi naman daw mahalaga iyon. Mas mahalaga raw ang presence ko at sapat na iyon. Pero sa akin ay hindi dahil mukha akong party crasher. Para akong naligaw lang doon sa party niya. Sa kabilang banda, hindi ko na rin ipinilit dahil ayoko namang umuwi para lang magpalit. Ayos na ako rito dahil kumportable naman ako. Ayos lang naman daw sabi ni Liam eh. Naninibago ako sa sarili ko. Ngayon, sobrang conscious ko sa lahat ng bagay. Nacoconcious ako sa itsura ko na dati ay wala naman akong pakialam. I'm also trying to be more feminine than boyish because I think that's more accurate. Sa tingin ko ay mas nakaka-attract iyon. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin. Natatawa na lang ako sa sarili ko kapag napagtatanto ko ang pinag-gagawa ko. "Hoy, Shai! Bakit tulala ka naman diyan?" Jav poke me. Jav and I were at the same table dahil request ni, Liam. Alam niya kasing wala akong kaibigan at ka-close sa mga nandito kaya naman pinakiusapan niya si Jav na samahan ako sa table ko. I was looking at Liam talking to Angel at their table. Nasa likod iyon ni Jav kaya akala niya ay nakatulala ako. I turned my gaze to Jav and raised a brow at him. "Pake mo?" masungit kong sabi. That is my quick response. Sanay na si Jav sa ganoong response ko kaya naman natawa pa siya at pinitik ako sa noo. "You look stupid, duh!" pang-aasar niya sa akin. Tinignan ko siya nang masama and rolled my eyes at him. Ang sakit pa ng pitik niya ha! I return my gaze to Liam and Angel. Nag-uusap pa rin sila at parang nagbibiruan pa. I felt the urge to get grumpy but I scold myself to stop thinking crazy thoughts. Nakakainis. Bakit ganito ako? Am I getting clingy? Tsk. Baka mahalata niya na may gusto ako sakaniya. To avoid any crazy thoughts iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa at bumaling kay Jav. I caught him idling. Aha! Got ya! Makikipag-asaran na nga lang ako dito kaysa tumingin kung kani-kanino. "You look stupid" pang-aasar ko sa kaniya. I suppressed my smile when he turned his gaze at me and did the same thing I did a while ago, raise a brow. "Aba! Bumabawi ka ah. Mabuti pang hindi ka nagsasalita eh," he pretended to be grumpy that's why I stifle a laugh that made him laugh a little also. "Kailan ba mag-uumpisa ang party ni Liam? Kanina pa tayo dito," pag-iiba ko sa usapan habang tumitingin sa paligid. Marami pa ring dumarating na bisita. His family is also nowhere to be found at the moment. I wonder where they are? "Ewan ko ba diyan. Ang dami niya kasing inimbita daig niya pa kakandidato at nag-set ng miting de avance. Ang dami niya pa tuloy hinihintay." We both laugh at his remark. Totoo! Ang dami niya talagang inimbita. Iba pa roon ang mga kasama ng inimbita niya. "Sa totoo lang, mas mukha siyang debut party. Kumpleto na ang lahat ng 18 thingy niya." Again, we laughed so hard. He even hit me on my arm that's why we end up hitting each other while laughing. We both stopped when we heard Liam. Hindi namin napansin na nandiyan na pala siya sa tabi ng table namin at nakatayo. "Ahem! Nakakaabala ba ako?" he stated. Umupo siya sa vacant seat na naroon sa table namin ni, Javier. Siguro ay tapos na sila mag-usap ni Angel. "Uy, bro! Dalaga ka na talaga ha! Happy birthday debutant," pang-aasar ni Liam. Pinigilan ko ang sarili kong mapatawa nang malakas. Siraulo talaga itong si Jav. Nangunot naman ang noo ni Liam at noong marealize niya ang sinabi ni Jav, binatukan niya ito. "G*ago ka talaga, Jav! Kahit birthday ko hindi mo ako tinitigilang asarin." Natawa kaming parehas ni Jav dahil mukhang naiinis na ito. "Hoy! Si Shai kaya ang nagsabi no'n. Mukha raw debut party itong napuntahan niya," he defended. Dinuro niya pa ako. Traitor! Pinanglakihan ko siya ng mata pero agad ko ring itinigil iyon at nagkunwaring inosente nang tumingin sa akin si Liam. I acted like I did not know anything. He looked at me intently while having a ghost of a smile on his lips. Actually, he looked more amused than being suspecting. Nakakailang. Kaya naman I defend myself immediately to cut his stares.
"I did not say that! I was just wondering why your party isn't starting yet," I excused. "Is there any visitor you still waiting to arrive?" I continued. Nasaksihan ko kung paanong ang amused niyang mukha ay napalitan ng lungkot. I wasn't expecting that reaction. Did I say something wrong? Naramdaman kong sinipa ako nang mahina ni Jav sa ilalim ng mesa. Tinignan ko siya at sinesenyasan niya naman akong mukhang may problema si Liam sa nasabi ko. Mukhang naramdaman niya rin ang pag-iiba ng mood nito kaya naman he signals me to stop. I nodded and decided to apologize. "Hey! Sorry. I don't know wha-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita na siya. "My family... Wala pa sila rito. Sabi ni Daddy uuwi sila rito bago ang birthday ko. That's why I can't start the celebration because I'm still waiting for them." He said that while looking at the entrance of their house. He is anticipating the arrival of his family. Naguilty naman ako. We're making fun of him for not knowing that he's having a hard time since his family isn't here yet, especially on his birthday. Nagkatinginan muli kami ni Jav at parehas ang naging reaction namin. We are both worried for Liam. "Bro, 'wag kang mag-alala. Darating din ang pamilya mo baka natraffic lang," pagpapagaan ng loob ni Jav kay Liam. "They will definitely come, of course, Liam. You were their family so they won't neglect your special day." I assured him kahit hindi rin ako sigurado. I patted his shoulder to comfort him. The sadness in his eyes is very evident. Nakakahawa. I can't imagine he can influence someone with his emotion. "Sana nga," makahulugang sabi niya. I don't want to ask anymore because I might totally ruin his mood at this moment. Bombarding him with questions will just make him more frustrated. Iniwan niya kami saglit nang may dumating na bagong bisita. He welcomed them with a huge smile na para bang hindi siya nalungkot kani-kanina lang. He is really good at hiding and pretending. "Ikaw kasi Shai eh!" pangbibintang sa akin ni Jav. "Anong ako? Ikaw nga inasar mo eh," bawi ko. Habang nag-aasaran kami ni Jav napatingin kami sa gate nang may marinig kaming makina ng sasakyan. Nasaksihan rin namin ang pagtakbo ni Liam doon at mukhang excited siya. Baka nakarating na ang pamilya niya. Narinig ko ang mahinang 'YES!' ni Jav sa tabi ko habang nakatanaw kami kay Liam na kausap ang marahil kuya niya. Mukhang natuwa rin siya dahil sa wakas ay maiibsan na ang lungkot ni Liam. Buti naman dumating na sila. I can't imagine Liam being sad on his birthday. Hindi bagay sa kaniya ang malungkot na mukha. Ngunit wala pa ang ilang minuto, nakita namin na umiling si Liam. He looked so disappointed. Bakit kaya? The next thing he did, he climb onto the stage and hold the mic. "Ah... I'm sorry for the inconvenience guys. I know you are all waiting for too long now. Wala na rin naman akong hinihintay so I guess we can now start the party. Happy birthday to me," pilit ang ngiting sabi niya sa mikropono. May pait sa boses niya nang sabihin niya ang mga iyon. Is there anything wrong? Agad siyang bumaba ng stage matapos ang announcement niya. Tumingin ako sa gate nila at nakita kong nandoon pa rin ang Kuya niya. Hindi ko makita ang ilang family members nila. Does it mean na kuya niya lang ang nandito at wala ang Mommy at Daddy niya kaya siya mukhang disappointed kanina? The party started immediately. May bandang umakyat sa stage para kumanta at i-entertain ang mga guest. Ang iba naman ay nagsimula ng kumain. Kaniya-kaniya na ang ginagawa ng mga tao kaya naman kumuha na lang din ako ng makakain ko kasama si Jav. Bumalik kami sa table namin at kumain nang tahimik. I wonder where Liam go? Pagkababa niya kasi ng stage hindi ko na nasundan pa kung saan siya nagpunta. "Sa tingin mo, Jav saan nagpunta si Liam?" tanong ko kay Jav habang kumakain. "Baka sa loob ng bahay nila." "Puntahan mo kaya? Birthday niya tapos siya pa ang wala mismo sa party niya." suhestiyon ko kay Jav. Tinignan niya lamang ako at agad umiling. Punong-puno pa ng pagkain ang bibig niya. "Bakit ako? Baka batukan ako no'n. Badtrip pa sa akin 'yon. Saka kumakain pa ako oh. Ikaw na lang kaya?" sabi niya habang patuloy sa pagsubo. Naku naman puro pagkain ito. Wala man lang pakialam sa kaibigan niya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at naglakad patungo sa loob ng bahay nila. I need to check on him at baka hindi siya ok. He's too emotional para solohin ang bumabagabag sa isip niya. Siya 'yong tipo ng tao na kailangan ng karamay sa tuwing malungkot siya para maintindihan niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. He needs someone who will make him understand the situation. Kailangan niya rin ng taong iintindi sa kaniya. Pagpasok ko sa bahay walang tao. I roam around their house and look for him. Hindi ko siya nahanap. Ayoko namang kumatok sa mga kwarto o kaya naman ay buksan iyon dahil baka may makahuli sa akin at ano pa ang isipin nila. Noong napagdesisyunan kong lumabas na, narinig ko ang boses ni Liam. Nanggagaling iyon sa isang room. Medyo may siwang ang room na iyon, siguro ay hindi naisara nang maayos. Lumapit ako roon nang dahan-dahan. "Am I not worth their time? Bakit hindi man lang sila umuwi? Sinakto pa talaga nila sa birthday ko." Liam's voice seems to possibly at any moment. Ganoon siya ka- emosyonal. "Of course, you are worth it Liam. Maybe, may important matter lang talaga na ginawa ang parents mo kaya hindi sila nakahabol sa birthday mo. But, I'm sure they don't want to neglect your celebration intentionally." Boses iyon ng isang babae. So may kausap nga siya. Ang boses na nagsalita ay sobrang hinhin. Daig pa ang hinihele ka sa pagtulog. "So, hindi ako importante?" parang batang tanong ni Liam. Nang wala na akong narinig na nagsalita, lumapit pa ako para sumilip sa siwang ng pintuan para makita sila. Masyado akong nakuryoso sa boses na iyon. Sino kaya 'yon? Ano na kayang ginagawa nila? My heart ached a little when I saw them hugging each other. Si Angel ang kasama niyang iyon sa kwarto. Nakayakap si Liam kay Angel. He looked so fragile. While Angel also hugged her back to obviously comfort him. Masikip sa dibdib. Is it too much to feel this way? Gusto ko lang naman siya. I mean, I find my reason lame to be hurt like this. Nagseselos ako? Siguro nagulat lang dahil noong mga nagdaang araw lang ako 'yong nagpapakalma sa kaniya. I was the one with him noong nag-breakdown siya. Ngayon, parang nabibilisan ako dahil nakahanap agad siya ng taong malalabasan niya ng sama ng loob tungkol sa pamilya niya. Did I expect too much na ako lang ang sasabihan niya ng problema niya sa pamilya niya? Nah. I'm overreacting. Syempre hindi lang ako ang taong nasa paligid niya. Marami siyang kaibigan na pwede niyang sabihan ng problema niya kung gugustuhin niya. Agad akong lumabas ng bahay nila dahil hindi nakatutulong sa akin ang pananatili doon. Masyado akong nagiging OA mag-react na para bang may karapatan akong ipagdamot si Liam sa iba. Nakakahibang. Hindi ako 'to. Pumunta ako ng drink station at nag-request ng bottled water. Ininom ko iyon agad at pinakalma ang sarili ko. I'm being ridiculous! Kailangan ko ng itigil 'to. Bumalik ako sa table namin ni Jav at humahanga ako sa kaniya dahil hindi pa rin siya tumatayo doon. Kahit tinatawag na siya ng ibang kaibigan nila ni Liam, hindi siya tumatayo. Iniilingan niya lamang ang mga ito. Sineryoso niya naman masyado ang request ni Liam na pagsama sa akin. "You can join them if you want, Javier. Ayos lang ako dito, promise!" sabi ko habang papaupo sa tapat niya. "Nah. I will stay here with you. Magmumukha kang kawawa kapag iniwan kita dito," he teased. Binato ko siya ng tissue na nakalapag sa mesa namin at umilag naman siya. Tawa siya nang tawa. Parang siraulo ito. Ginawa niya na lang akong entertainment. "By the way, kumusta si Liam?" tanong niya habang nakapangalumbaba sa harap ko. "I think ayos naman siya. May kasama siya noong nakita ko." I tried my best not to sound bitter. Ayokong mahalata ang mokong na ito na may something sa akin dahil aasarin niya lang ako. "Really? Sino? Chicks ba?" He bombards me with that questions while grinning. I rolled my eyes at him and chooses not to answer his questions. Tumingin ako sa stage at nakita kong wala ng kumakanta. "Wala ng performer?" pag-iiba ko sa usapan. "Nagpahinga lang ata. Bakit? Gusto mong pumalit? Baka mag-uwian ang mga tao," pang-aasar niya ulit. Akala niya siguro hindi ako marunong kaya ganiyan niya ako asarin. I stared at him and raised my brow before speaking, "Why not?" May halong pagyayabang ang boses kong iyon. I witnessed his mouth formed into a shaped 'o'. Hindi naman sa pagmamayabang pero may talent naman ako sa paggigitara at pagkanta. Mahilig ako sa music kaya naman inaral ko ang pagtugtog ng gitara dahil gusto kong may kasabay na saliw kapag kumakanta ako. "Wow, Shai! Hindi nga? Marunong ka? Sample nga! Punta ka sa stage. Baka niloloko mo lang ako eh," pang-uuto niya sa akin. I immediately shooked my head to disagree. Ayoko nga! Mahiyain ako at hindi ako confident na iparinig ang boses ko sa harap ng maraming tao habang kumakanta. Baka pumiyok lang ako at nakakahiya lalo. "No! I'm just joking! Sumakay ka naman agad," pagdadahilan ko. "Naku, Shai! Wala ng bawian. Mag-sample ka na!" pamimilit niya. "No!" "Yes!" "No!" "Isa pang 'no' mo sisigaw akong crush mo si Liam," pabulong niyang sabi. Agad nanlaki ang mga mata ko at tuwang-tuwa naman siya sa naging reaksyon ko. Sa ugali pa lang ni Jav alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya. Nakakahiya 'yon kapag nagkataon. Kahit pa biro lang iyon para sa kaniya iba 'yon sa akin at sa mga taong makakarinig. "Oo na! Kakanta na!" pagalit kong sabi dahil wala akong magawa. Nakakainis 'tong Javier na 'to! Ako ang inaasar ngayon porket wala si Liam. "Yiee! Crush mo talaga si Liam 'no? Natakot ka bigla eh," pang-aasar niya pa. "Hindi 'no! Malamang ako ang ituturo mo sa gawa-gawa mong issue. Maraming tao dito at baka iba pa ang isipin nila!" pagpapaliwanag ko. Nakaka-frustrate mukha akong defensive dito. Peste kasi 'tong Jav na ito eh. Ang daming kalokohan sa utak. "Sus, defensive ka Shai? Ano naman kung sabihin ko 'yon? Kung hindi totoo 'yon hindi ka maaapektuhan doon. Pwede mo naman itanggi 'yon anytime," he grinned evilly. Nababanas na ako sa mukha niya. Bakit pa nga ba ako nakikipag-usap sa kaniya? "Ang dami mo namang sinasabi. Pumayag na nga akong kumanta eh. Ayaw mo ba?" Wala na akong pakialam kung mapansin niya na iniba ko ang usapan. Kung sasagutin ko pa ang tanong niya, hahaba lang iyon at alam kong malalaman niyang may gusto nga ako kay Liam. Ngumiti naman siya ng may pang-aasar kaya naman tumayo na ako at naglakad papalapit sa stage. Sumunod naman siya dahil narinig ko pa ang halakhak niya. May araw ka rin sa akin, Javier. Tandaan mo 'yan!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hoppy
08/09/2024
0sex
02/09/2024
0so good
31/08/2024
0Tingnan Lahat