Pain

"Hoy! Kinilig ka naman diyan," sabi ni Liam habang tumatawa nang mapatitig ako sakaniya nang matagal.
Natauhan naman ako at inirapan siya. Agad akong umiwas ng tingin sakaniya. Siraulo 'tong lalaking to ha. Kung ano-anong sinasabi niya tapos pagti-tripan ako.
Mahabang katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Parehas kaming nakatingin sa kalangitan. Kaibigan ko ang kalikasan kaya naman sa simpleng pagtanaw sa kanila, naiibsan nito ang mga bumabagabag sa isip ko.
Napalingon ako kay Liam nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Gusto kong iiwas ang aking sarili pero nang maramdaman ko ang mabigat na paghinga niya, hinayaan ko siya.
Kanina ko pa nararamdaman ang kaibahan sa kilos niya. Ang mga ginagawa niyang pangungulit sa akin kanina ay parang paraan niya lamang upang itago ang tunay niyang nararamdaman.
"Nakakapagod pala no?" tanong niya sa akin. Bagaman nalito ako kung anong ibig sabihin niya, nanatili akong tahimik. Hinintay ko kung may sunod pa siyang sasabihin ngunit wala na.
"Ang alin?" tanong ko sakaniya. Bumuntong-hininga siya at ramdam kong lalo niyang isinandal ang ulo niya sa aking balikat.
"Ang manglimos. Nakakapagod humingi ng kahit kaunting atensyon at pagmamahal," sabi niya habang medyo natatawa pa. Anong tinutukoy niya?
"Hindi mo kailangang manglimos ng atensyon ng iba at ganoon din ang pagmamahal dahil kusang ibinibigay ang mga 'yan. Dapat ang hinihingian mo ng atensyon at pagmamahal ay ang sarili mo hindi ibang tao dahil kapag nagawa mo iyon hindi mo na kailangang manglimos ." Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinabi ko o nakatulong ba 'yon sakaniya. Wala akong alam sa ibig niyang sabihin kaya nagbase na lamang ako sa kung ano ang kahulugan ng sinabi niya.
"Eh, paano kung nanay ko ang hinihingian ko? Hindi ko ba kailangan 'yon? " kuryoso niyang tanong habang nakatingin sa mga bituin na tila tinatanong din ang mga ito.
Hindi ako makasagot. Nagulat ako na tungkol pala sa mga magulang niya iyon. Last time na nakita ko sila mukhang maayos naman sila pero mukhang magaling ngang magkunwari itong si Liam.
" Sumali ako sa Youth Organization na sinalihan ni Jav kasi sabi niya marami akong magiging kaibigan doon at pakiramdam ko doon ko rin makukuha iyong atensyon na gusto ko. Tama nga ako kasi kahit papaano sa katauhan ng ibang tao, napupunan nila 'yong pagkukulang ng nanay ko. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ang friendly ko talaga," he chuckled a bit.
Nahiya naman ako dahil naalala ko noong mga panahon na hinuhusgahan ko siya sa pagiging masigla at masiyahin niya. I also accused him of being a flirt when he's just finding someone who can give him the attention that he wants.
"Iyong personal matter na dahilan ko kada hindi ako naka-aatend ng practice ay nag-aaway kami ni mommy lagi sa bahay. She's too sensitive when it comes to Princess. Her attention was all for her beloved daughter" kwento niya at bumangon mula sa pagkakasandal sa aking balikat. Ini-stretch niya ang kaniyang kamay at isinandal iyon sa bench. Para siyang naka-akbay sa akin ngayon habang nakatingin sa alapaap.
"Naiintindihan ko naman na bata pa si Princess at kailangan talaga ng atensyon pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin na pagkakamali lamang na naroon ako sa pamilya nila at mahal na mahal niya ang anak niya 'yon." Lumingon ako sakaniya pagkasabi niya noon. Bakas ang sakit sa boses at itsura niya pero nakuha niya pa ring ngumiti nang bahagya bago ipagpatuloy ang kwento niya.
"Noong 7 years old si kuya, mom started cheating on my father. Napaka-miracle na nabuo pa ako dahil sa sitwasyon nila. I guess sinusuyo ni daddy si mommy dahil mahal na mahal niya kaya nabuo ako. But simula nang ipanganak ako at magkaisip ipinamukha na sa akin ni mommy na maling nagkaroon pa sila ni daddy ng anak." He stopped to crunched his nose and prevent his tears from falling.
Seeing him like this makes my heart ache. I just know that he is in too much pain. I can also feel his misery that makes me want to hug him. I stop myself from doing that. Instead, I pat his shoulder to show him my empathy.
"Sobra ata ang pagkamuhi ni mommy sa akin. Dahil nga pagkakamali ako, naisip ni mommy na itama iyon sa pamamagitan ng pagbalik ulit at pagpapabuntis niya sa lalaki niya. I was too mad at her. Galit ako sakanya hindi dahil ayaw niya sa akin. Galit ako dahil ginag*go niya si daddy. Kahit ganoon na ang nangyari, pinilit siya ni daddy na umuwi and promise to welcome her and Princess to our house." nangingiti niya pa ring sabi.
His emotion was too revealing yet, he still trying to hide it. Hindi ko alam na ganito pala siya pagdating sa pamilya niya. He was too giving of his emotion that I can't even recognize the real one and the fake one.
" You know what? I'm really trying my best to get her attention. Kahit ano gagawin ko mapansin lang niya ako and guess what? Para naman akong puppet ngayon na sunod-sunuran. Itong strand ko, hindi ko naman gusto 'to pero dahil request niya, kahit labag sa loob ko, sinunod ko. I want to satisfy her. I want her to see how worthy I am for her love. Now, I'm starting to doubt that mother's love is the best."
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala rin akong maisip na sasabihin dahil baka magkamali lamang ako. I hugged him. I placed his head to my shoulder and on its cue, he started to cry silently.
"Shhh. Always remember that you are worthy of all the love in this world. Don't doubt how worthy are you. From now on, just try to love yourself more para hindi mo pinagduduhan ang halaga mo sa pagmamahal ng isang tao. Kapag natutuhan mong mahalin ang sarili mo, dagdag na lang ang mga pagmamahal na matatanggap mo mula sa pamilya, kaibigan, o ibang tao. " I tried so hard to think of such words na sa palagay ko ay makapagpapagaan sa loob niya.
Hinahagod ko ang likod niya upang patahanin siya. Ramdam ko ang hikbi niya dahil sa pagpipigil niyang lakasan ang pag-iyak niya.
Lumayo siya sa akin at nakayukong pinunasan ang mga luhang lumandas sa kaniyang mga mata.
"Sorry Shai. I was just planning to treat you para makabawi sana sa'yo. Pero ito ako ngayon nagdadrama. Sa tuwing nasa ganitong lugar kasi ako narerelax ako at unti-unti kong inilalabas ang mga sama ng loob ko. Pasensya na hindi ko napigilan." Sinabi niya iyon habang tumatawa at nagpupunas pa rin ng luha.
Seriously?! Kailan siya titigil na ngumiti? Ang bigat na ng nararamdaman niya, nakukuha niya pang tumawa. Inabot ko sakaniya ang panyo ko na madalas kong dalhin.
"Ano bang sinasabi mo diyan? At saka itigil mo nga iyang katatawa mo. Your feelings are all valid. I won't call you such things like 'madrama' so don't hesitate to show how vulnerable you are. Huwag ka ring humingi ng tawad dahil lang inilabas mo ang nararamdaman mo. I was just waiting for you to speak up and I'm glad you did. So, I want to thank you for trusting me." sabi ko sakaniya ng may mga ngiti sa aking labi.
Hinawakan ko ang kamay niya to assure him that he did the right thing. Gusto kong ipabatid sakaniya na nandito ako at handang makinig sakaniya.
Tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya at unti-unti tinanggal niya iyon upang siya na ang humawak sa akin. He looked directly at my eyes and smiled genuinely. Ngayon, naiintindihan ko na siya.

Komento sa Aklat (82)

  • avatar
    Rahman Amal

    hoppy

    08/09/2024

      0
  • avatar
    delacernaedoy

    sex

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Angelica Lea Baligod

    so good

    31/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata