Deja vu

24
Butterflies filled my stomach while looking at his smiling face. Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, I realized something. Something that I don't want to admit yet. Not this time, not at this moment. Baka mamaya nadadala lamang na naman ako ng aking emosyon. Kailangan kong mag muni-muni.
I looked away to stop him from staring. Hindi na ako mapakali at alam kong naiilang na rin ako. Kailan pa ako nagkaganito? Parang dati lang siya pa ang naiilang sa akin.
" Uuwi na ako," paalam ko kay Liam sabay lakad papunta sa motor ko.
" Shai, wait!" Humabol siya sa akin at hinawakan ang braso ko upang pigilan ako sa pag-alis.
Para akong napapaso sa hawak niya kaya naman iniwas ko agad iyon. Dumaan naman sa mukha niya ang pagkalito ngunit hindi iyon nagtagal.
" Tara, ililibre kita. 'di ba sinabi ko sa'yo kanina na babawi ako," he gently said. Umiling naman agad ako.
" Uuwi na ako. Kailangan pa nating mag-ready para sa performance bukas." Sabi ko habang nakahilig sa motor ko at nasa harap ko siya.
Halos kaunti lang ang height difference namin. Kapantay ng ulo ko ang baba niya kaya naman medyo nakatingala ako sakanya. I can sense his eagerness to please me.
" Sige na Shai. I am too guilty. At least give me a chance to make it up to you." I smirked to show how amused I am with this conversation.
" Hindi na kailangan Liam. Isa pa, okay nanaman na tayo 'di ba?" I said raising my brow at him. Napanguso siya at umiling sa sinabi ko. Parang bata. He slightly pushed me away from leaning. Walang sabi siyang sumakay sa motor ko.
I was shocked for a moment and I realized that he's being ridiculous right now. Agad kong hinatak ang braso niya para pababain siya sa motor ko pero mahigpit ang kapit niya sa manibela nito.
" Liam! Umalis ka nga diyan!" Sigaw ko sakanya. He just smirked at me at nanatili sa pwesto niya. Tila wala siyang pakialam sa galit ko.
" Sumakay ka na Shai. Kahit 1 and a half hour lang." Talagang tumatawad pa siya ha.
I closed my eyes tightly and look up. Hinilot ko rin ang sintido ko habang nakapamaywang. Nakakabadtrip 'tong isip bata na ito. Kanina ok na siya eh. Ngayon nang-iinis na naman.
Sinuntok ko ang braso niya bago ako sumakay ng pagilid sa likod niya. Agad naman siyang umaray sa ginawa ko.
" F*ck! Shai ang sakit no'n ha? Ano ba 'yang kamay mo may bakal?" I rolled my eyes at him
Mukhang masakit nga dahil hinihimas-himas niya pa rin iyon at ngumingiwi pa siya. Sinamaan niya akong tingin at pinandilatan ko naman siya. Siya pa 'tong may ganang magalit. Siya na nga nangungulit.
" Bilisan mo na at gabi na." Inabot ko sakanya ang susi at humawak sa balikat niya dahil isang kamay lang ang kaya kong ihawak sa likod ng motor.
Nilingon niya ako ng may mapang-asar na mukha. Tumataas-taas pa ang kilay niya kaya naman hinampas ko ang balikat niya.
" Nakakarami ka na Shai ha," banta niya sa akin.
" Bilisan mo na kasi. Ang dami mong alam eh no," naiinis na sabi ko. Agad naman niyang ini-start ang motor ko at pinaandar iyon. Smooth lang pagmamaneho niya at para sa akin ayos iyon.
Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa gabi, nakakarelax. Parang ang payapa lang ng paligid kapag ganito ang ambiance.
Gusto kong kurutin si Liam. Kung hindi lang siya nagmamaneho ay nagawa ko na. Ngayon ko lang napagtanto kung saan siya patungo. Sa bayan iyon kung nasaan ang mga malls, restaurant, convenience store, at iba pa. Gabi na, bakit dito niya pa naisipang pumunta? Baka mapagalitan ako nito kapag nalaman nila mama.
Nagkikinangan na ang mga city lights sa paligid at napakaganda niyong tignan. It brings nostalgic feeling on my whole being. Sa katitingin sa paligid, hindi ko namalayang narito na pala kami sa aming destinasyon. Dinala ako ni Liam sa isang park kung saan may iilang food stall.
Hindi ako madalas pumunta dito kaya naman manghang-mangha ako sa itsura nitong park na pinuntahan namin. Pagkababa namin ng motor agad kaming lumakad papasok sa park. Sa entrance palang napakaganda na.
The iron post that serves as the pillar of the entrance was covered with artificial veins and flowers. Meron pa iyong LED lights that makes it more attractive. Nang makapasok sa loob, DIY tents were all around us. Gawa sa kahoy at may tabing na trasparent na kurtina ang mini tent doon. Kaibahan lang open ang mga tent na iyon at hindi naisasara.
Lumapit kami sa isa sa mga iyon at sa loob noon nakita ko ang maliit na bench kung saan kasya ang 1-3 tao. May mga nakapaligid din na LED lights doon na nagbibigay ng mas aesthetic na itsura.
" You seemed so fascinated, ngayon ka lang nakapunta dito?" Tanong sa akin ni Liam pagkaupo namin sa bench. I nodded at him while my eyes roams around the park. Medyo maraming tao at kadalasan puro couples ang nakikita ko.
Nang magsawa ang mata ko, bumaling ang mata ko kay Liam, his now leaning on the bench while looking up at the sky. Nakangiti siya pero malungkot ang mga mata niya. Hindi ako nagsalita pero nanatili ang titig ko sakanya.
Naramdaman niya ata ang titig ko kaya naman tumingin siya sa akin at tumawa nang bahagya.
" Nagugutom ka? Dito ka lang ha, bibili lang ako." Tumayo siya at dumiretso sa isang stall doon.
May problema ba siya? Sa tingin ko ay meron pero ayoko siyang tanungin. Ayoko siyang pangunahan. Ilang sandali lang bumalik siya ng may dalang mga pagkain at maiinom.
" Thanks," I said while drinking first the juice he bought. He smiled at me and looked away to look up again. Habang kumakain nakatingin lang siya sa taas at malalim ang iniisip.
Nakakapanibago ang gawing iyon ni Liam. Hindi siya ganoon. Masyado siyang masayahin para makita ko siyang ganito katahimik at malalim ang iniisip.
" Even though you are not speaking, I am sure that people around you can hear all your unspoken words that you are afraid to say." He glanced at me and I smiled at him.
Ayaw kong pangunahan ang nais niya. Pero gusto kong iparating sakanya na nandito ako at handang makinig sa mga bagay na bumabagabag sakaniya. Tutal magkaibigan naman kami and I guess gaya ni Morrie kailangan niya rin ng taong iintindi sakanya.
Ngumiti siya sa akin pabalik at bumuntong-hininga.
" I just want to say sorry noong mga nakaraang araw na iniiwasan kita." Alam kong hindi iyon ang tinutukoy kong bumabagabag sakanya pero hinayaan ko na dahil mukhang hindi pa siya handang magkwento.
" Uhm, actually ayoko lang na magalit ka lalo sa akin kaya umiwas muna ako. I was too confused sa naging reaksyon mo. I mean, pwede ka namang humindi sa favor kong iyon. You can reject that instantly that time. Pero narealize ko na baka na-offend kita at mali ako." He said while chuckling. Para bang isa iyong nakatatawang ala-ala para sakanya.
My heart thumped quickly. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako nagalit sa pabor niyang iyon na tungkol kay Angel. Madali lang naman ang pabor niya pero bakit nga ba big deal sa akin iyon?
I smiled awkwardly at him dahil hindi ko alam ang idadahilan ko.
" You also accused me of flirting with her dahil lang nagpapatulong ako sa'yo na i-confirm ako ni Angel sa facebook. Hindi mo man lang ako tinanong at pinag-explain kung para saan 'yon," he said while pouting.
Oo nga no. Naalala ko pang 'yong sinabi ko sakanya na 'Bakit ako? Gumawa ka ng sarili mong paraan hindi 'yong lalandi ka, gagamit ka pa ng iba.' Nahihiya ako sa asal ko. Talagang nagiging irrational thinker na ako.
"Sorry," sabi ko nang mahina habang nagpeace sign pa. He jokingly rolled his at me.
" Bago siya sa youth organization namin at napag-utusan ako na i-add siya sa gc namin. Mukhang 'di niya ako kilala dahil hindi niya pa rin kinonfirm. I just thought na baka matulungan mo ako dahil alam kong medyo close kayo," paliwanag niya. May organization pala siyang sinasalihan?
I nodded to show that I understand his explanation. I don't know, my heart suddenly felt at ease and relieved by that information. So bagong memeber pala ng org nila hindi kalandian?
" So close na kayo ngayon kaya lagi kayong magkasama?" I don't want to sound bitter pero parang iyon ang naging dating sakanya. He seemed so amused.
" Are you jealous?" Agad niyang tanong sa akin. Mukhang enjoy na enjoy niya ang usaping ito ha. Nag-init ang pisngi ko kaya naman tumingin ako sa malayo.
" Jealous? Why would I? " Sabi ko pilit pinagmumukhang mataray ang sarili ko sa kabila ng kahihiyan. Hindi niya pinansin ang tanong ko.
" Don't worry Shanaia, ikaw lang." He said that with his most sincere tone. It felt like deja vu.
Ayan na naman ang mga lumilipad sa tiyan ko. Parang pakiramdam ko rin ang nanlalamig ang sikmura ko. Ano bang meron sa sinabi niya at ganito ang pakiramdam ko? Bakit ba kasi ganoon ang sinabi niya? Nakakainis naman. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Para na ring lalabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Komento sa Aklat (82)

  • avatar
    Rahman Amal

    hoppy

    08/09/2024

      0
  • avatar
    delacernaedoy

    sex

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Angelica Lea Baligod

    so good

    31/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata