Peace

Maayos ang naging takbo ng practice namin. Naging kumportable nga ang galaw ni Liam. His dance is extra passionate this time. Medyo naiilang ako pero dahil ayokong mapansin na naman ako nitong si Joms, inayos ko nalang din ang sayaw ko.
I was too lightheaded while dancing. Ewan ko. Siguro hindi pa rin ako makaget over sa eksena ni Liam kanina. How come he can make my heartbeat go wild with just a simple gesture? Paano niya nagagawang pakabahin ako sa tuwing lalapit siya sa akin? Paano nga ba?
The ending of our dance was so smooth with us posing sexily while our partner holding us in our waist. Our choreographer looked so delighted and even clap his hands.
" Magaling! Bukas ganiyan dapat ang energy niyo ha? I'm here supporting you all okay? I know you can do it!" He cheerfully said to us. Somehow I felt moved by his remarks. Kahit na may hindi kami pagkakaunawaan, I admire him for the way he cheer us. Hinahangaan ko siya sa pagtuturo sa amin at pati na rin sa paraan niya ng pagpapalakas ng loob sa amin.
" Last call guys! Your costume, don't forget ha? Girls you all should look presentable, fierce, and gorgeous ok? Itali niyo ang buhok niyo in clean pony. Boys, compliment your partners. Like them you all should level with their apperance. " Paalala sa amin ni Joms. Agad kaming sumang-ayon sakaniya.
After a few more reminders, pinauwi na kami ni Joms. Nakaupo pa rin ako sa gutter at hinihintay na humupa ang mga tao. Napagisip-isip ko na makipag-ayos na kay kuya Joms. I'm not that cold hearted para patagalin pa ito lalo na at hindi na kami magkikita ulit at malaki rin ang naitulong niya sa amin.
Habang hinihintay na humupa ang mga nagsisiuwi kong kaklase. Hindi ko inaasahan na nandito pa si Liam at lumapit sa akin.
" Oy, Shai! Tayo ka na dyan, lika na," sabi ni Liam sabay lahad ng kamay niya para sa akin. I was staring at his smiling face. Ang saya-saya niya. I sighed. Umiling ako sakanya at tumayo mag-isa.
" Kakausapin ko si kuya Joms," I said expressionless na siya namang ikinabahala niya. I smirked a bit sa naging reaksyon niya.
" Bakit? ' Wag na, tumigil na naman siya kanina," he said hesitantly. Ano bang akala niya aawayin ko si kuya Joms? I smiled at him and I'm very sure that I see how he was stunned for a bit and stare at me.
" Don't worry, I just want to settle things with him. Ayokong may kaaway ako. You can go first, kakausapin ko lang siya," sabi ko at tumalikod para lumapit kay kuya Joms na nag-aayos ng gamit niya sa compartment ng motor niya. Bago pa man ako makalapit hinawakan na ni Liam ang braso ko.
" No, sasama ako sa'yo," he said and slid his hand down to my hand. I was a bit hesitant kung babawiin ko ba ang kamay ko sakanya o hahayaan nalang siya. In the end, hinayaan ko nalang siya dahil nagsimula na siyang maglakad palapit kay kuya Joms.
Actually, hindi ako kinakabahan. I am a straight forward person. Nanaig sa akin ang ang kagustuhan kong makausap siya at magka-ayos kami para sa ikapapanatag ng loob ko. Hindi ako ganoong tao na mapagpatol. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko kaya siguro napatulan ko siya. And now kailangan ko ng humingi ng tawad sa inasta ko.
Nang makalapit kami kay kuya Joms, hindi niya ako napansin agad. Si Liam ang una niyang napansin kaya ngumiti siya.
" Oh, Liam. Hindi ka pa umuuwi? Bakit?" He gently said. Tumingin naman sa akin si Liam kaya napabaling din ang tingin sa akin ni kuya Joms. Agad namang tumaas ang kilay niya at pinaikot ang mata niya.
" Shai, wants to talk to you," pangunguna ni Liam. Epal naman nito ni Liam. Pero I'm thankful dahil hindi ko rin alam kung paano iaapproach si kuya Joms. Kumalas ako sa hawak ni Liam at pumunta sa harap ni kuya Joms habang nakaupo siya sa motor niya.
" I'm sorry for being rude at kung nabastos po kita. I didn't mean it that way. I just want to explain myself to you, that's all. I'm here to talk to you dahil ayoko pong may nakakasamaan ako ng loob. I don't want to leave a bad impression to you. Above all, I'm really sorry for my attitude," I said firmly and bowed my head to show respect. He was silent and shocked at the same time. Me and Liam are waiting for his response.
Hindi umimik si kuya Joms. Instead, he got off on his motor and stand in front of me. Medyo hinatak naman ako ni Liam, being protective. Tinapik ko naman siya at bumalik muli sa harap ni kuya Joms.
Biglang lumapit si kuya Joms sa akin at niyakap ako. I am too stunned to move or speak by his sudden action. Narinig ko pa ang mahinang 'oh' ni Liam. Like me, nagulat din siya sa ginawa ni kuya Joms. I heard crickets all around us. The silence is too overwhelming at nananatiling nakayakap sa akin si kuya Joms.
" How immature I am Shai, it's embarassing! Nakakahiya! Ikaw pa ang nag-sorry sa akin instead na ako. " He said nang kumalas siya sa pagkakayap sa akin at umarteng maluha-luha. I'm amused by his actions. He's so feminine.
" I'm really really sorry Shai! Alam mo naman ang bakla, masyadong selosa sa maganda," sabi niya na tila nahihiya pa. Natawa naman ako sa sinabi niya. Bakit niya ba ako pinagseselosan? Partner lang naman kami ni Liam.
" Ayos lang po iyon. Did I offend you in any way?" Nahihiya kong tanong sakanya nang maalala ko kung paano ako nagsalita nang makahulugan. My frustration really drive me nuts. Nagsisisi ako ngayon sa ginawa ko.
" Somehow. Pero ayos lang 'yon dahil totoo naman. Deserve ko 'yon dahil sa ugaling pinakita ko sa iyo." Tawa niya at nakisabay naman ako. Biruin mo 'yon, nakakagaan talaga ng loob kapag nagkakaintindihan kayo ng kausap mo. I smiled at him.
" For the last time, I'm really sorry for my attitude. Thank you rin po sa pagtuturo sa amin. You are really great in this field. I hope to see you again. I am also hoping for your happy heart." I genuinely smiled at him. I really mean what I said to him. Hinihiling ko na sana maging masaya ang puso niya sa taong totoong magmamahal sakanya.
Parang natouch naman si kuya Joms at astang yayakap na naman sa akin kaya naman humarang si Liam at siya ang nayakap ni kuya Joms. I laughed at them and I see how uncomfy Liam was. Tuwang-tuwa naman si kuya Joms.
" Paharang-harang ka kasi eh. Pero infairness ang bango mo," sabi ni kuya Joms at yayakapin na naman si Liam na agad lumayo sakanya.
" Hmp! Madamot na nga seloso pa!" Sabi pa ni kuya Joms. " Anyways, I need to go Shai! Sorry and thank you. I really admire your attitude and for who you are. I hope to see you again soon. Bye!" Sabi ni kuya Joms at sumakay na sa motor niya. He waved his hands at us at ganoon din kami.
I sighed out of relief dahil sa nangyari. Sa simpleng ganoon lang natutuwa na ang buong pagkatao ko. Talagang gusto ko ng kapayapaan at nakuha ko iyon ngayon.
Nang hindi ko na makita ang motor ni kuya Joms, tumingin ako kay Liam and I caught him smiling at me. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. His smile shows admiration and fondness. Hindi ko alam pero nahahawa ako sa mga ngiting iyon.
" I'm so proud of you Shai," he gently said while patting my head. At that moment I felt the peace. That moment my whole being was relaxed and my heart was overwhelmed with joy.

Komento sa Aklat (82)

  • avatar
    Rahman Amal

    hoppy

    08/09/2024

      0
  • avatar
    delacernaedoy

    sex

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Angelica Lea Baligod

    so good

    31/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata