logo text

Chapter 82

Hyun POV
Pag karating namin ni Jae agad akong bumaba at lumingon sa kanya pagbaba namin ng taxi ..
"Saan?" Tanong ko sa kanya na nauunang maglakad habang papasok kami sa isang eskeneta..
"Parang di ka pa nakapunta ha? Kapal nga ng mukha mo pag nandon ka eh! Feel at home!" Singhal niya sakin ..
"Hindi ko kasi maalala!" Tugon ko naman..
"Shemaaaayy gwapooo!"
"Wahhh Tao ba yang mga yan??!" Hindi anghel po! ((Na sinapian ng demonyo!)) Mas demonyo ka! Bwesit kang owtor ka panira ng moment!
"Halaaa ang gwapo."
"May naligaw na mga anghel ohh!" Oh diba shete! ((Demonyo ka pa rin kahit anong sabihin mo)) Edi wow kinginamoka!
"Sheteeeee ang gagwapo!"
"Mga oppa!"
"Hala may naligaw na pogi!"
"Ohhh mayyy mga kuyaaa palahi!" Sige gusto mo ba ng batik o kulay brown?
Bulungan nang mga babaeng nadaanan namin habang papasok kami ng isang eskeneta nagkatinginan naman kami ni Jae at parehas lang na yumuko hanggang sa huminto siya sa pagbaba pa ng isang eskeneta at lumingon sakin ..
Gabi na kaya medyo madilim pero dahil sa ilaw nang bawat bahay na nadadaanan namin ay naaninag pa rin naman namin yung daan pati na yung paligid..
"Ito na." Aniya bumaling naman ako sa bahay na tinuro niya at sumilip pero hindi ko muna ginawang lumapit baka may aso eh habulin kami charrrr .. ((Mga duwag! Animal!)) Sige ikaw dito mashado ka eh!
Natanaw ko si Hyunjae na nakaupo sa may gate at nakapangalumbaba ..
Lalapit sana ako pero bigla akong napaatras nang makita kong naupo siya sa tabi nito ..
"Hindi ka pa matutulog anak? Masama sayo yung nagpupuyat." Ani nito, Nakabusangot naman si Hyunjae na tumingin sa kanya at nakangusong umiling tsaka bumuntong hiningang bumalik sa pangangalumbaba niya..
"Mama bakit ang big big ko na saka mo ko dinala kayna Lola? Nag Lie ka pa sabi mo nakakasama natin si Dada sa korea at nag bakasyon lang tayo tapos sabi mo sa korea tayo nakatira at don ako pinanganak kaya hindi tayo nakakadalaw sa kanila, Bakit din po nag lie kayo na sabi mo okay kayo ni Dada at nasa korea siya kasama si Ate Aeri, Bakit mama? Diba bad mag lie? " Narinig kong sabi ni Hyunjae na siyang pinakatitigan ko lang maging si Miriam na yumuko at napabuntong hiningang tumanaw sa kawalan ..
"Kasi anak? Kung sasabihin ko yung totoong nangyari samin ng Dada mo pati kay Ate Aeri masasaktan lang sila, Baka magalit pa sila sakin kasi iniwan ko si Dada mo."
"Bakit mo iniwan si Dada? Bakit ka sumama kay Papa Jae?" 
"Mahabang kwento anak, Hindi mo pa maiintindihan si Mama."
"Hindi mo love si Dada para iwan mo siya?" Inosenteng tanong ni Hyunjae sa kanya na yumuko lang at pinasandal ito sa dibdib niya tsaka muling tumanaw sa malayo ..
Kita yung mga lungkot sa mga mata niya habang pinagmamasdan ko siyang nakatingin sa kawalan ..
"Mahal! Mahal na mahal ko si Dada mo, Hyunjae kaso may mga bagay na hindi na pwedeng balikan anak, Balang araw maiintindihan mo rin lahat pero sa ngayon mas okay ng malayo tayo kay Dada at Papa Jae mo! Mas okay ng tayong dalawa na lang yung mag kasama!" Aniya tsaka nagbaba ng tingin kay Hyunjae at ngumiting pinaharap ito sa kanya ..
"Matulog na tayo anak, Kaylangan muna magpahinga." Aniya tsaka tumayo at naglakad papasok kasama si Hyunjae pero bago pa mangyari yon ay mabilis ko silang nilapitan at hinawakan siya sa kamay na siyang ikinahinto niya at bakas sa mukha niya yung pagkagulat paglingon niya sakin ..
"M-Miriam?!" Pigil emosyonal kong sabi hindi naman siya umimik na pinabitiw lang ako at humarap sakin ..
"A-Anong ginagawa mo dito?" Pag iwas niya ng tingin na tanong, Pilit ko namang pinipigilan yung nagbabadyang pagtulo ng luha kong niyakap siya ..
"Bakit?" Naiiyak ko ng sambit ..
"Anak?" Sakto namang lumabas yung parents niya na napansin kong nahinto sa pintuan ng bahay nila ng makita kami kaya yumuko ako at napapikit na niyakap siya ng mahigpit nang naramdaman ko na yung pagtulo ng luha ko ..
"Bakit ba palagi na lang akong iniiwan?" Nanghihina kong sabi .. "Bakit kung kaylan nagagawa ko ng maging masaya kasama ka? Bakit sa tuwing gagawin mo kong masaya kasunod non ay aalis ka at iiwan mo kong mag isa? Bakit Miriam?" Nahikbi kong sabi na kahit anong pigil ko hindi ko magawa dahil tila nauunahan na ko ng emosyon ko .
"Bakit palagi mo na lang akong iniiwan mahal ko!" Dugtong ko ..
"Napapagod na kasi akong masaktan ng paulit ulit Hyun, Pagod na ko." Mahina at walang emosyong mababakas sa boses niya kundi tila pagod at pagsuko dahil sa sakit na naramdaman niya ..
Naramdamam ko yung pagyuko niya pero halos manghina ako ng maramdaman kong nabasa na ng mga luha niya yung balikat ko senyales na umiiyak siya ..
"Napapagod na kong manatili sa sakit! Napapagod na kong magtiis sa nakakamatay na sakit na paulit ulit kong nararamdaman! Nakakapagod Hyun! Nakakapagod ang paulit ulit masaktan! Paulit ulit mag mukhang tanga! Paulit ulit na mag tiis ng sakit at masaktan ng harap harapan! Pagod na ko at durog na durog na ko Hyun! Durog na durog na ko at hindi ko na alam paano ko bubuuin yung sarili ko kaya mas pinipili kong lumayo pero wala eh! Kahit anong gawin ko parang mas lalo akong nadudurog at nasasaktan! Gusto ko munang piliin yung sarili ko Hyun!" Paghagulhol niya ..
"Gusto ko yung ako naman! Gusto kong mabuo! Gusto ko yung sarili ko naman! Ako naman Hyun! Kasi pagod na ko at sawa na! Sawa na sa sakit at takot! Takot na ako yung iwan ulit at talikuran tulad ng ginawa mo! Mas masakit kasi yon! Kaya ako! Ako na lang yung umaalis kasi takot ako! Takot na takot akong mag isa! Takot na takot akong maiwan ulit ng nag iisa katulad ng ginawa mo! Takot na takot ako sa sarili ko!" Paghikbi niya dahilan para mas yakapin ko pa siya ulit dahil parang dinudurog ng pinong pino yung puso sa mga narinig ko ..
"Patawarin mo ko kung nag iwan ako ng ganyang takot sayo pero Miriam? Parang awa muna. Bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon, Mag simula ulit tayo? Mag simula ulit tayong dalawa, Gusto kong pawiin at alisin yung takot na dinulot ko sayo." Pag susumamo ko kumawala naman siya sa yakap ko at umiling ..
"Tama na Hyun! Tapusin na natin to, Kung ano man yung nakaraan? Please? Kalimutan na natin yon! Tama ka mag umpisa tayong muli pero yung wala na kayo sa buhay ko! Kayo ni Jae! Hayaan nyo na ko! Hayaan nyo na kong maging maayos! Hayaan nyo na kong buuin ko yung sarili ko ng mag isa! Wag nyo na kong ikulong sa sakit? Parang awa nyo na! Ayoko na!" Tila nanghihina niyang sabi habang humihikbik na yumuko at tinalikuran ako pero mabilis ko siyang hinawakan sa kamay at nagsusumamong umiling kahit pa pilit niyang binabawi yung mga kamay niya sakin na pilit kong hinawakan ng mahigpit ..
"Parang awa muna Miriam! Sakin ka makinig! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang wala ka! Hindi ko kayang mag simula ng hindi ka kasama! Kayo ni Hyunjae, Parang awa muna! Pangako! Pangako! Hinding hindi na kita hahayaang masaktan ulit! Hindi na ko aalis sa tabi! Mamahalin kita ng buong buong! Miriam parang awa muna makinig ka sakin! Makinig ka sakin mahal ko! Wag mo kong iwan! Mahal na mahal kita eh!" Pagsusumamo ko na muli siyang niyakap ng mahigpit habang patuloy yung pagtulo ng luha ko ..
"Hyun!" Pagmamakaawa niyang sambit na pilit akong tinutulak palayo sa kanya pero umiling lang ako at napahagulhol na mas hinigpitan pa yung pagkakayakap sa kanya ..
"Parang awa muna Miriam! Makinig ka sakin! Pakinggan mo ko!" Pagmamakaawa kong halos manghina na yung boses ko sa matinding pag iyak at panlulumo habang pilit siyang hindi pinakakawalan sa bisig ko kahit pa pilit siyang kumakawala ..
"Hyun!!" Pagtangis niya..
"Miriam! Parang awa muna! Ayoko! Hindi ko kaya! Please! Makinig ka sakin!"
"HYUN!!!!!!" Biglang pagtaas ng boses at buong pwersa akong tinulak palayo sa kanya na para bang naubusan na ng pasensya sakin at galit na kong hinarap ..
"Mama!!" Umiiyak namang pigil ni Hyunjae sa kanya na hinawakan siya sa kamay at niyakap sa bewang habang si Jae ay napaalalay sakin para hindi ako ma-outbalance sa pagkakatulak niya ..
"Makinig? Pakinggan ka? Saan? Saan sa mga pangako mo? Sa mga pangako ninyo ni Jae? Yung parehong pangako ninyo na hindi nyo ko iiwan at sasaktan? Yon ba? Yon ba Hyun? Gasgas na yon! PAULIT ULIT NA LANG! Sinabi mo yan sakin bago tayo ikasal! Sinabi mo yan nung kinasal tayo! SINABI YAN NI JAE NUNG MAGKITA AT MAGSAMA KAMI MATAPOS NATING MAGHIWALAY! Pero anong ginawa nyo? Kabaglitaran ng pangako nyo yung ginawa nyo sakin? Kabaliktaran ng pangako nyo yung naranasan ko! Hindi mo kaya? Hindi mo kayang mawala ako? Namatay si Aeri? Anong ginawa mo?!" Galit at may pag hihinagpis niyang sabi ..
"Sinisi mo sakin diba yung pagkawala niya! Sakin mo sinisi bakit siya namatay! Hindi ba sinumbatan mo ko na nakipaglandian ako kaya ko siya napabayaan! Sinabi mo ako yung pumatay sa anak ko! SAKIN MO SINISI LAHAT! Tapos anong nangyari pagtapos ng lahat ng yon? Nanlamig ka! Galit ka! Uuwi kang lasing! Galit at panunumbat ang ginagawa mo sakin! Paulit ulit mong sinasabi ako ang pumatay sa anak mo! AKO NG PUMATAY KAY AERI! PAULIT ULIT MO YUNG TINATAK SA ISIP KO! AKO ANG PUMATAY SA ANAK KO! Tapos Iniwan mo kong mag isa! Umalis! Hinayaan mo kong mag isa kahit alam mong natatakot ako dahil may truma ako sa pag kawala ng anak natin! Gabi gabi sinisisi ko yung sarili ko bakit kayo nawala sakin! Nakatatak sa isip ko yung mga sinabi mong ako ang pumatay sa anak ko at wala akong kwentang ina o asawa! Lahat yon dinamdam ko Hyun! Lalo na nung makita kong may kasama kang iba! Pilit kong tiniis yung nakakamatay na sakit habang pinagmamasdan ka sa piling na iba! Pinilit kong wag ipahalata na apektado ako sa mga nangyayari pero ito!!!!!!" Panunumbat niya na mariing tinuro yung dibdib niya habang patuloy yung pagtulo ng luha niya ..
"Ito? Durog na durog to! Tiniis ko lahat! Tiniis kong bumabangon sa umaga ng wala ka! Wala si Aeri! WALA KAHIT SINONG KASAMA! Ako lang mag isa! Pilit kong binabangon yung sarili ko kahit na gusto kong matulog na lang at wag ng gumising pa! Babangon akong may takot kasi mag sisimula na naman yung araw ko na makikita ko na yung lalaking mahal at pinakasalan ko nasa kanlungan ng iba! Bumabangon ako ng may pangaba kasi makikita na naman kitang may kasamang iba! Hyun simula ng iwan mo ko! Walang araw na hindi ako nasaktan! Emosyon man o pisikal! Walang araw na hindi ako umuuwi sa bahay na pinag iwanan mo sakin ng hindi nasasaktan at natatakot na umiiyak sa isang sulok! Naghahanap ng karamay at nag iisip kung paano magpapatuloy! Walang araw na hindi ako umiiyak sa apat na sulok ng bahay na yon dahil sa tuwing gigising ako sa umaga presensya ninyo yung hinahanap ko at yung mga aalala ninyo ni Aeri yung bumabagabag sakin don! Nakakapagod! Nakakamatay yung sakit! Sinanay mo ko sa sakit! Pinatay mo ko sa sakit at alam mo kung ano yung nakakainis! Nung mga panahong sinukuan na lahat kasi hindi ko na kaya! Hindi na ko makahinga sa sakit na dulot kasi sabi mo ayaw muna kong makita, Nagsisi kang ako yung pinakasalan at babaeng minahal mo, Na sana ako na lang yung nawala! Itinatak ko yon sa isip ko! Sinunod ko yon! Sinunod kita! Sinunod ko yung gusto mo! Pero bakit? Bakit ka dumating non para pigilan ako? Bakit Hyun?!!" Pagpapatuloy niya habang walang humpay pa rin yung pag tulo ng luha niya na wala akong nagawa kundi ang tignan lang siya at pakinggang yung mga daing niya na matagal niyang tinago at kinimkim ..
Ramdam ko yung sakit sa bawat salitang binibitiwan niya at sobra akong nahihiya sa sarili ko dahil mas higit ko pa pala siyang nasaktan kaysa sa inaasahan ko..
"Hindi ko maintindihan? Hindi ba sinabi mo hindi muna ako kaylangan? Pero bakit mo ko pinigilan magpakamatay? BAKIT NANDON KA PARA SABIHIN HINDI MO KO KAYANG MAWALA?"Bakit hindi mo na lang ako hinayaan? Bakit?!" Sigaw niya na paulit ulit akong tulak..
"I-I'm sorry!" Tanging pagtangis ko at hinawakan yung kamay niya na yumuko lang at napahagulhol na lang iyak .. Hinawakan ko yung kamay niya dahilan para yumuko siya at humagolhol na lang iyak ng yakapin ko siya..
"Hindi sana kasama ko si Aeri ngayon at yung batang pinag bubuntis ko non! Edi sana hindi ako nasasaktan nang ganto! Hindi ko na sana dala yung sakit na nararamdaman ko sa mga ginawa mo! Edi sana baka sakaling maayos na ko ngayon kasama yung mga anak ko! Bakit kasi hindi mo nalang ako hinayaan! Bakit Hyun! Bakit?? Bakit ayaw mong umalis sa landas ko? Gusto mo ba talaga akong nakikitang nasasaktan ha? Pinaubaya na kita! Iniwan na kita bakit bumabalik ka pa? Sabihin mo sakin? Anong kasalanan ko para paulit ulit akong masaktan sa parehong sitwasyon? Sabihin nyo sakin ni Jae? Anong kasalanan ko sa inyo para saktan nyo ko sa parehong sitwasyon?Sabihin nyo sakin? Anong nagawa kong pag kakamali para saktan nyo ko nang ganito?? Hyun! Lahat ng mga pangarap ko gumuho ng dahil sa inyo! Hindi ko nabigyan ng magandang buhay yung sarili ko! Hindi ko natuloy yung pag aaral ko sa abroad dahil sayo! Pinili kong bumalik sa pilipinas kasi mas gusto kong magpaka-ina kay Hyunjae na hindi ko nagawa kay Aeri dahil nakatatak sa isip ko na wala akong kwentang ina kaya siya nawala sakin! Kaya kayo nawala sakin!" Walang humpay na pag iyak niyang sabi habang hinahampas ako sa balikat pero hindi ko siya binitiwan sa yakap ko ..
"Patawarin mo ko Miriam!" Paghagulhol ko..
"Patawarin mo ko sa mga nagawa ko, Wala kang kasalanan! Wala mahal ko, Kami! Kami ni Jae yung siraulong nag kulang sayo at nakampanteng hindi ka mawawala samin. Mashado kaming naging tarantado para saktan ka ng paulit ulit at hayaan kang magdusa! Parehas kaming nagkamali! Nasamin na yung tamang babae pero pinakawalan namin at yon yung malaking pag sisisi ko sa buhay ko! Ang saktan at iwan ka! Ang makampanteng hindi ka aalis at hindi mo ko iiwan! Akala ko kaya kong mawala ka sakin pero hindi pala! Hindi! Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko! Mahal na mahal kita eh! Mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko at narealize ko yon kung kaylan wala ka na sakin! Sobrang laki ng pagkakamali ko at hindi ko alam kung paano ko maitatama lahat ng yon! Kung paano ko mapapawi yung sakit na dulot ko sayo! Pero please! Please!! Please! Ayoko nang mawala ka! Kayo ni Hyunjae! Ayoko! Ayoko na! Ayoko na Miriam! Parang awa muna bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon! Mag simula ulit tayo! Tayong dalawa kasama si Hyunjae? Mag simula ulit tayo ng isang pamilya! Kalimutan natin lahat ng sakit sa nakaraan magsimula tayo nang masaya na kasama yung anak natin, Para kay Hyunjae na lang kahit hindi na para sakin, Please! Please Mahal ko!" Pag susumamo ko habang patuloy siya sa pag iyak sa balikat ko ..
"Mama? Dada?" Nahikbi ring sambit ni Hyunjae na niyakap kaming pareho napapikit naman akong hinaplos yung buhok niya ..
"Miriam Please?!" Muli kong bulong sa kanya tsaka mas niyakap siya nang mahigpit ..
*********************************

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    BenevidesGuilherme

    ok isso foi incrível bro

    15/03/2025

      0
  • avatar
    Bebz Ambida

    Nice story

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Trh Jungwon

    thank you

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata