logo text

Chapter 81

Hyun POV
Kinabukasan ..
Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko ng  maaninagan ko yung sinag nang araw na dumadampi sa mukha ko mula sa bintana ..
Bumagon ako sa sofa kung saan ako natutulog at lumingon sa kama ni Hyunjae.
"Hyunjae?" Mahina kong bulong nang makita kong wala siya sa kama na siyang kinaalarma ko at tumingin sa nurse na pumasok ..
"Nurse? Nasan na yung pasyente dito?!" Tanong ko na siyang medyo ikinagulat niya pa at salubong yung kilay na nilingon yung kama ni Hyunjae.
"Po? Ah! Discharge na po kanina pa, Hindi po ba kayo nainform?" Nag tataka niyang sabi dahilan para mapatayo ako at makaramdam nang kaba ..
"Di-discharge? A-ahh sinabi ba nila kung saan sila pupunta? Kakaalis lang ba nila?!" Sunod sunod na tanong ko na halatang naguluhan yung nurse at hindi malaman kung paano ako sasagutin ..
"Wa-wala pong sinabi yung mommy nung bata kung saan sila pupunta, 3 hours ago nang makaalis sila baka malamang po naka-----
Hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya at mabilis akong lumabas nang silid na yon tsaka ko tumakbo palabas ..
Lintik~ Nasan na naman yung mag ina ko .. Saan ka na naman nag punta Miriam ..
Iniwan mo na naman ako .. Palagi na lang ba tayong ganto .. Palagi mo na lang ba kong iiwan at paghahanapin sayo? Kaylan ba kita makakasama ng hindi ka nawawala sa piling ko? Kaylan ka ba mag iistay?
Gusto lang kitang makasama, Gusto ko lang makasama kayo ni Hyunjae at mabuo tayo bilang isang masayang pamilya katulad ng dati nung buhay pa si Aeri, Yon lang Miriam! Simpleng pangarap ko lang! Bakit hindi mo pa ko mapagbigyan!
Kinuha ko yung phone ko para idial yung number ni Nash at tinawagan na agad naman niyang sinagot.
"Oh Hyun?"
"Si Miriam at Hyunjae umalis." Bungad ko ..
"Umalis?"  Nag tataka niyang sabi .
"Pag gising ko wala na sila at hindi ko alam saan sila hahanapin! Iniwan na naman nila ko Nash! Iniwan na naman ako ni Miriam." Nang hihina kong sabi at ramdam ko na yung pangingilid ng luha ko dahil sa frustration ko kung saan at kung paano ko hahanapin yung mag ina ko ..
Pakiramdam ko nawalan ulit ako! Pakiramdam ko nawawalan ako ng isang importanteng bagay na hindi ko kayang mawala sakin ..
At yun yung mag ina ko..
"Ha?? Baka umuwi kay Jaehyun." Ani niya umiling naman ako at nagpara nang taxi ng makapalabas ako ng hospital..
"Hindi ko alam! Pwede mo bang tawagan si Jae?" 
"Not in good terms kami pero sige gagawin ko." 
"Salamat"  Ani ko saka ko sumakay nang taxi..
Hindi ko alam saan hahanapin yung mag ina ko pero bahala na ..
Ayoko silang mapawala pa ulit sakin! Ayoko na! Hindi ko kakayanin!..
Nangyari na to .. Nangyari nang umalis at iniwan ako ni Miriam! Ayoko na! Hindi ko na hahayang maulit pa ulit yon! Kahit gano kalayo at katagal hahanapin ko siya! Ako na mismo ang mag hahanap sa kanya at pag nahanap ko siya pangako...
Hinding hindi ko na siya papakawalan pa ..
***************
"Hello?!" Bungad ko pag kasagot ko nang tawag ni Nash habang nag hahanap ako sa mag ina ko ..
Lahat na ng alam kong lugar na pwede puntahan nila lalo na ni Miriam pinuntahan ko na maliban lang sa isa .. Yung bahay nang parents niya.. 
Hindi ko na matanda kung saan yon at kung paano papunta roon.. Wala akong ideya para makarating don dahil nakalimutan ko na since ilang taon na ang lumipas ng huling makabisita ako roon ..
"Hindi ko macontact si Jae pero nag iwan ako nang text sana mabasa niya." Ani ni Nash kaya naman nanlulumo akong bumuntong hininga ..
"Sige babalik na lang muna ako sa hotel natin sa manila." 
"Pasunod na rin kami Hyun, Nasa byahe na rin kami!"
"Mag ingat kayo ni Soobin." Ani ko na pinatay yung tawag at nag para ulit nang taxi para umuwi sa hotel na tinutuluyan namin nila Nash ..
Kakahanap ko sa mag ina ko napaaga ang balik ko nang manila ..
Sumakay ako nang taxi at naupo pero laking gulat ko nang sumulpot si Jae at naupo sa tabi ko ..
Anong ginagawa niya dito? Nakabalik na rin siya nang maynila?
"Kuya kaya nyo ba kaming dalhin nang Antipolo?" ((Hometown ni Miriam at kung saan nakatira yung parents ni Miriam wala akong maisip ng lugar eh kundi yung hometown ko bat ba..))  Ani niya kay Manong Driver na napakamot pa sa ulo ..
"Mashado na pong malayo yon." 
"Mag babayad ako kahit mag kano, Ituturo ko yung daan kung saan nyo kami ibaba."  Simpleng sagot niya tumango naman yung driver at nag drive na paalis ..
"A-anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko ..
"Nung huling tayong nagkita at nasaktan ko siya nag pasya akong umuwi nang maynila para makaiwas, Nabasa ko yung text ni Nash na umalis sila ni Hyunjae sa hospital at nawawala siya, Handa akong tulungan ka sa pag hahanap para makabawi sa kanya at makahingi na rin ng tawad sa mga nagawa ko." Sensero niyang tono hindi na naman ako nakaimik pa na yumuko na lang at inisip yung mga nangyari nung huli kaming nagkita .. 
"Handa na kong tanggapin na hindi talaga siya para sakin Hyun at hindi kami ang itinadhana sa isa't isa, Handa na kong ipaubaya at ibalik sayos sayo dahil alam kong kahit anong gawin ko ikaw at ikaw pa rin laman ng puso niya at hinding hindi kita mahihigitan, Tanggap ko na ikaw talaga yung mahal niya." Malungkot niyang sabi habang ako ay nanatili lang nakayuko dahil hindi ko alam yung isasagot ko sa mga sinabi niya pero natigilan ako ng i-abot niya yung kamay niya sakin..
"Sana maibalik natin yung dating tayo Hyun, Yung dating pagkakaibigang meron tayo." May pagsusumamo niyang sabi habang ako ay alinlangang inabot yung kamay niya at ngumiti ..
"Maraming salamat!"Napangiti niyang sabi tsaka ko bahagyang niyakap at tinapik yung balikat ko .. ((Kayo na lang kaya end game? Para ending na dito! Napapagod na ko! Wag nyo na hanapin si Miriam! Nag iinarte lang naman yon!))  WAG KANG PALADESISYON! SI MIRIAM END GAME KO! AKO SUNDIN MO! AKO YUNG CHARACTER! OWTOR KA LANG KAYA MANAHIMIK KA DYAN AT MAG SULAT!  ((Oo na gagalit agad eh! Su-suggest lang eh! Paladesisyon!))
"Ipangako mo sakin sa pangalawang pag kakataon hindi muna siya sasaktan at aalagaan mo siya nang higit pa sa sarili mo Hyun, Ipangako mo! Ipangako mong iingatan muna yung babaeng parehas nating minahal ha?" Tila naiiyak niyang sabi na siyang yumuko pa at mabilis na pinunasan yung luha niya ng bumitiw siya sakin.. Nakangiti naman akong tumango .. 
"Pangako Jae, Bumalik lang siya sakin, Mahanap lang natin siya hindi ko hahayaang masaktan! Hindi ko na siya hahayaang mawala pa sakin." Sensero kong sabi, Muli naman siyang ngumiti at tumango ..
"Maraming salamat Hyun!" Aniya tsaka ko muling inakap habang ako ay napapikit lang habang nasa isip ko si Miriam
Sana! Sana this time hindi naman tumagal yung pag hahanap ko sa kanila! Gusto ko silang makasama! Gusto kong makasama yung mag ina lalo na si Miriam! Gusto ko mabuo ulit kami bilang isang pamilya! Gusto kong makasama babaeng mahal ko not only this time but for the of my life! Gusto ko siyang makasama habang buhay!
Ahhh Miriam naman kasi! Bakit ba kasi kaylangan mo pang lumayo kung kaylan paunti unti ay maayos na ang lahat..
Kung kaylan pwede at malaya na tayong maging tayo ulit!
************************************

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    BenevidesGuilherme

    ok isso foi incrível bro

    15/03/2025

      0
  • avatar
    Bebz Ambida

    Nice story

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Trh Jungwon

    thank you

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata