logo text

Chapter 78

Miriam POV
Maaga akong nagising para subukang salubungin yung araw na ng may magandang awra dalhin nangako ako kay Hyunjae na hindi na ko malulungkot pa ..
Kaya kahit hindi pa maayos yung nararamdaman ko .. Pipilitin ko! Pipilitin ko para sa anak ko!
Isa pa sayang yung bakasyon kung hindi ko rin ito mai-eenjoy kasama si Jae at yung anak ko..
Gusto kong sulitin to at maging masaya kasama sila ..
Binuksan hinawi ko yung kurtina ng binatana sa suits ng hotel namin at napangiti ako ng sumalubong sa mukha ko yung maaliwalas na sikat ng araw maging yung magandang awra ng dagat na natatanaw mula sa dito sa hotel..
Nakangiti akong lumingon kayna Jae at Hyunjae na nakangiti ring lumapit sakin ..
Niyakap ako ni Jae sa bewang habang si Hyunjae naman ay kinarga ko .. 
"Good morning.."
"Good Morning mama." 
Parehas nilang bati sakin na siyang mas lalong kinalawak ng ngiti ko lalo na ng parehas nila akong gawaran ng halik sa pisnge lalo ni si Jae na hinalikan ako sa labi ..
"I love you.." Malambing niyang sabi matapos ng halik ..
"Iloveyoutoo.." Malambing rin namang tugon ko at muling ngumiti ..
"Breakfast at the beach tayo? Gusto daw ni Hyunjae maligo sa dagat." Ani niya, Lumingon naman ako kay Hyunjae na mahigpit na umakap sa leeg ko ..
"Mama pleaseee.." Paglalambing nito na paulit ulit pa akong hinalikan sa labi na siyang ikinatuwa ko at walang nagawa kundi ang tumango na lang..
"Oo naman sige.." Tanging tugon ko lang ..
"Yehey.." Tuwang tuwa naman niyang sabi kaya hindi nawala yung ngiti sa mga labi kong lumingon kay Jae ..
"Pwede bang mauna na kayo? Mag papalit lang ako nang damit?!" Pakikisuyo kong tono tumango tango naman si Jae..
"Sige.." Sagot niya at muli akong ginawaran ng saglit na halik sa labi pagkakuha niya kay Hyunjae sakin ..
"I love you mama.." Muling paglalambing ni Hyunjae na hinalikan din ako sa labi ..
"Iloveyoutoo baby! Behave ah!" Paalala ko sa kanya na mabilis lang tumango at nakangiti ko silang sinundan ng tingin palabas ng hotel room namin pagtapos non ay dumeretso ako sa banyo para magpalit ng damit at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ako para sumunod sa kanila ..
Ilang minuto akong nag antay nang elevator at sasakay na sana ako ng bumungad sakin si Hyun na mag isa sa loob ..
Tila nagulat pa siyang tumingin sakin at umisod ng konti sa sulok habang ako ay wala na lang nagawa kundi ang pumasok at pumwesto sa kabilang sulok ng hindi siya nililingon ..
Wala naman kaming dapat pag usapan o pag uusapan kaya walang rason para pag ukulan ko siya ng pansin ..
"Kumusta kana?" Pambabasag niya nang katahimikan sa ilang segundong pagtatagal namin sa loob ng elevator..
"Okay lang naman.." Tipid na tugon ko na hindi pa rin siya nililingon ..
"Ah~ N-Nga pala nag aaya sina Yoonha nang dinner kasama tayo? Gusto niyang magkaayos tayo bago sila bumalik ng Europe ni Jun? Makakasama ka ba?" Medyo tila nahihiyang tanong niya saglit naman akong hindi nakaimik at nag isip lang sa sinabi niya ..
Lumingon ako sa kanya para sana sagutin yung tanong niya pero biglang ..
****Craaaacckk**** ***krrrummpphhh** ((Dati akong beatboxer kaya alam ko tunog ng elevator na nagkaaberya! Charrr! Nung connect?))
Tila lumindol sa loob ng elevetor dahilan para makawalan ako balanse at muntikang matumba pero laking gulat ko ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko at nasapo ng masubsob ako sa dibdib niya ...
Biglang nagpatay sindi yung ilaw na siyang rin namang mabilis na nahinto at nanatiling bukas pero yung pinto ay hindi kaya naman nagkatinginan kaming dalawa tsaka siya bumitiw sakin para icheck yung pinto pero muling umalog yung elevetor kaya agad akong napahawak sa kanya ng muli niya ko mabilis na sinapo para lang proteksyunan sa pagkatumba ko ..
Anak nang...
Agad akong bumitiw sa kanya at ako na mismo ang lumapit sa pinto para i-icheck yon kung gumagana kasi mukhang okay naman yung elevator pero halos manlumo ako ng mapagtanto kong tila naistock kami sa isang floor at nagkaaberya nga yung elevator ..
"Ah! Anong nangyari!" Nag aalalang saad ko tsaka ko lumingon kay Hyun na tila pinakikiramdaman yung paligid tsaka siya lumapit sakin at pinindot din yung button ng elevator na siya ring kalaunan ay pilit at pwersahan niyang binuksan gamit yung lakas niya ..
"Arghh! Ang hirap!" Reklamo niya tsaka niya dali daling kinuha yung phone niya ..
"Tangina walang signal!" Pagmumura niya tsaka muling lumingon sa pinto ng elevator at pinindot yung emergency button ..
"Yah! May tao dito sa elevator! Nastuck kami!" Singhal niya sa nagsisilbing mic nito for emergency purposes ..
"We're very sorry Ma'am/Sir for inconvenience we will fix the problem as soon as possible or maybe an hour." 
"Oras paaaa?!" Nagulantang kong reaksyon ..
"Please fix it immediately! Anong an hour!" Singhal ulit ni Hyun na tila nag aalala ring tumingin sakin ..
"Sira yung elevator." Ani niya hindi naman ako umimik at naupo sa sulok ..
"Wala naman tayong magagawa eh." Kalmadong rekasyon ko kahit ang totoo hindi ako kumportable dahil kasama ko siya at kaming dalawa lang .. Napansin ko yung pagtataka sa mukha niya pero hindi ko na yon pinansin pa ..
"Kasama mo ko? Hindi ka ba naiilang?" Tanong niya, Napabuntong hininga naman akong nag angat lang tingin sa kanya ..
"May magagawa pa ba ko? Eh nangyari to?" Walang gana kong sabi tsaka umiwas nang tingin ..
Nakakainis naman! Bakit ba nasira pa tong elevator na to kung kaylan ako yung nakasakay at ang nakakabwesit pa kasama ko yung ex husband ko!
Nanadya ba talaga ang tadhana .. Nakakairita ah ..
Soobin POV
"Huli ka lovebirds!" Tuwang tuwa kong sabi saka nakipag apir kay Nashlee ng mag success yung plano namin na itrap sina Hyun at Miriam sa elevator ng silang dalawa lang ..
Alam nyo na quality time ng talagang love team sa istoryang ito ..
"Wahahaha! Saktong sakto!"
"Sige na kuya mamaya muna ayusin after 3 hours." Kaswal na sabi ni Jun na makaraang ngumisi at nagbayad don sa technician na siyang inutusan namin para pahintuin yung elevator ..
Hikhok! Ang bangis talaga! Galing ko talaga mag isip ng plano! Bilib na ko sa sarili ko! Ang galing galing niya!
Hindi mawala yung ngiti ko habang pinanunuod ng live yung dalawang lovebird mula sa kuha ng CCTV mula sa loob ng Elevator sa monitor na nasa harap namin
Instant sine to~
"Kayo napakaloko nyo talaga! M Kung wala lang akong atraso kayna Hyun at Miriam hindi ko kayo tutulungan sa mga kalokohan nyo!" Ani Yoonha ngumiti naman kami ni Nash ..
"Ikaw ang sumira ng relasyon nila kaya dapat ikaw din ang maging dahilan para magkabalikan sila sa ayaw o sa gusto mo!" Ani ni nash ..
"Duuuuhhhh!!"
"Wag kang paduuuh duuh dyan! Di bagay sayo! Arte mo! Mukha ka namang higad!" Singhal ko inirapan naman ako nang gaga kaya inirapan ko rin siya ..
"Mukha ka namang bakla!" Singhal niya mag make face naman ako..
"Flirttt!" Pang aasar ko inambahan naman niya ko mang kamay niya ..
"Tsss kayong dalawa tumigil na kayo ang ingay!" Saway ni Nash samin kaya wala kaming nagawa kundi ang manahimik at tignan na lang ng masama yung isa't isa..
"Kayo na munang bahala sa lovebirds natin! Lalabas lang ako para bumili nang maiinom!" Paalam ni Nash na tinapik pa yung balikat ko at ni Jun tsaka umalis ..
"Woaaaahh Team Dohyeon for the win!!!" Tuwang tuwang sigaw ko..
"Wag kang maingay gago! Nakaopen mic nitong area baka marinig ka sa buong hotel lalo na nila Hyun! Masira pa yung plano!" Malamig na tono ng pananaway sakin ni Jun, Bumunsangot naman akong tinakpan yung bibig ko tsaka ako tumutok sa pananuod kayna Miriam at Hyun na hindi man lang nagpapansinan at tanging nasa magkabilang sulok lang sila ng elevator ..
Ano ba yan sayang oras .. Wala man lang ginagawa .. Tagal naming inantay yung pag kakataong to tapos masasayang lang ..
Nagbantay kami para dito sana naman mag work yung plano ..
Ang aga kong gumising para dito .. Para lang pigilan si Hyun bumaba nang maaga at magbantay yung anong oras baba si Miriam ..
Kinuchaba ko pa yung staff para ibigay sakin yung access nang CCTV room para malaman ko anong usually time nang pag labas ni Miriam nang kwarto nila tuwing umaga ..
Ang swerte ko lang talaga walang kasabay si Miriam na asungot ngayon kaya naman naisagawa yung matagal na naming plano para mabigyan sila nang oras together ..
Tapos ganto!
Jusko wag sana masayang yung effort namin dito dahil sisipain ko talaga pabalik ng korea si Hyun pag nagkataon!
Jae POV
Tahimik akong nakabantay ako kay Hyunjae na nag lalaro sa tabing dagat habang inaantay ko si Miriam nang biglang may kumalabit sakin dahilan para lingunin ko siya at mapangiti na lang ako ng salubungin niya ko ng halik sa pisnge ..
"Sera.." Nakangiti kong sambit pero mabilis ko siyang inilayo sakin ng bigla niya kong hinalikan sa labi ..
"Wag dito? Makita tayo ni Hyunjae!" Nag aalala kong sabi na saglit nilingon yung bata na abala pa rin sa pag lalaro at muling bumaling sa kanya ..
"Edi lipat tayo." 
"Walang mag babantay sa anak ko!"
"I miss you! Please saglit lang naman?!" Pag mamakaawa niya na parang bata..
"Pero si Hyunjae." 
"Andyan lang naman yan hindi yan lalayo, Sandali lang naman tayo!"
"Baka maabutan tayo nang fiancee ko!"
"Edi don tayo sa nipa hut!" Maloko niyang sabi tsaka ko hinila sa nipa-hut malayo ng konti kay Hyunjae..
Saglit kong tinanaw si Hyunjae na nakaupo sa buhanginan nag lalaro nang buhangin tsaka ko lumingon kay Sera na nginitian lang ako ..
Saglit lang naman babalikan ko agad si Hyunjae .. Malapit lang naman ako..
Nash POV
Nag lalakad ako sa may seaside dala yung binili kong inomin para kayna sa mga lamang lupang kasama ko don sa CCTV Room nang may matanaw akong parang batang nalulunod sa gitna nang dagat..
Siningkit ko yung maliit kong mga mata kahit singkit na to para lang klarado kong makita kung tama ba yung nakikita ko ng bigla akong magulantang..
"H-Hyunjae?" Medyo kinakabahang bulong ko na mas inaninagan pa siya para makasigurado at wala sa sarili kong nabitiwan yung mga dala dala ko..
"Hyunjaeeeee!!!" Windang na sigaw ko tsaka ko nagmadaling tumakbo papunta sa dagat at mabilis na sumuong para iligtas siya ..
Anak nang tinapa! Nasan si Jae! Bakit pinabayaan niya si Hyunjae ng mag isa!
Pinilit kong makarating sa gitna kung nasan si Hyunjae pero sadyang malakas yung alon at maging ako ay nalulunod sa tuwing hahampas sakin yung malaking alon nito ..
Arrgggh~ Hindi! kaylangan ko makuha at mailigtas si Hyunjae bago mahuli ang lahat..
Natanaw kong tila hindi na umaalpas pa si Hyunjae sa pagkalunod niya at dinadala na lang siya ng alon kaya mas pinilit ko yung sarili ko na makalapit sa kanya kahit na maski ako ay nahihirapan na ring huminga at nalulunod na ..
Agad ko siyang hinila ng magtagumpay akong malapitan siya at pilit ko siyang inangat para makalanghap siya ng hangin kahit papaano pero mas lalo akong nanlumo ng mapagtanto kong wala na siyang malay kaya nagmadali akong bumalik sa seaside at inilapag siya don..
"Hyunjae!" Nanghihina at pilit pagbawi ng lakas ko pang sambit na siyang binawi ko rin yung paghinga ko tsaka ko siya binigyan ng CPR ng makabawi na ko ng lakas ..
Sana hindi pa huli ang lahat..
"123---*mouth to mouth recitation*
Hyunjae gising! Parang awa muna!
Panalangin ko habang paulit ulit ko siyang sini-CPR para lang magkaroon siya ng oxygen sa katawan at mag response siya dahil kinakabahan na ko hindi magandang awra na nakikita ko sa kanya ..
Namumutla na yung mga labi niya at mga kamay niya senyales na wala ng hangin o oxygen na dumadaloy sa katawan niya o kaya kinakapos na siya hininga dahil nababalot na ng tubig yung baga niya ..
Hyunjae! Lumalaba ka! Please!
Hyun POV
Nakatitig ako kay Miriam na nakatulog na sa ilang oras naming magkakastuck sa elevator ..
Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya tsaka ko siya isinandal sa balikat ko at pinagmasdan..
Wala parin siyang pinag bago! Nakakawili pa rin siyang titigan pag natutulog!
Mas sinilip ko pa yung mukha niya para mas matitigan ko pa siya ng biglang gumana at umandar yung elevator na siyang kinadismaya ko ..
Potcha! Andon na eh! Hahalikan ko na ehh bigla ka namang umandar .. Panira ka ng moment, Elevator ka!
**Sniff**
Muling nabaling yung atensyon ko sa kanya ng marinig ko sumisinghap siya na tila umiiyak kaya muli ko siyang sinilip ..
"Hyunjae?" Bulong niya na mukang nanaginip ..
Hahawakan ko sana siya sa balikat nang ..
"HYUNJAEEE!!" Biglang sigaw niya kasabay non at pag igtad niya sa pagkakahimbing sa balikat pag gising na siyang ikinagulat ko ..
Agad niyang nilibot yung tingin niya sa paligid saka tumingin sa pinto na saktong bumukas at nasa ground floor na kami ..
Mabilis siyang tumayo na parang natataranta at lumabas kaya naman sumunod ako dahil bigla akong kinabahan ..
A-anong nangyayari bakit parang sumikip at bumigat yung pakiramdam ko..
Miriam POV
Halos takbo at lakad ang ginagawa ko dahil sa hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman ko ng mapanaginipan ko si Hyunjae kasama si Aeri .. Parehas silang kumakaway sakin at nag papaalam ..
Hindi magandang panaginip yon .. Ayoko non .. Iba yung pakiramdam ko don!
Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Jae pero hindi siya sumasagot .. Kaya lalo akong kinabahan na nagmadali sa paglalakad..
Nilibot ko yung tingin ko sa buong seaside nang marating ito at natanaw ko ang isang kumpol nang taong nag kakagulo sa isang parte nang beach malapit sa seaside .. Agad akong tumakbo papunta roon para makisingit at malaman kung anong nangyayari ..
"123----- Arrrggghhhh Hyunjae! Please!!!" Biglang sigaw ni Nash tila frustrated na bumungad sakin at abala sa pag si-CPR kay Hyunjae na nakahiga sa buhanginan at walang malay ..
Putla yung kulay nito at nangingitim yung mga labi maging mga kamay ..
Pinagkakaguluhan na rin sila ng staff ng beach at tila mga medic na tumitingin sa kalagayan ng anak ko..
A-Anong nangyari?
"H-Hyunjae?!" Nang hihina kong sabi tsaka ko kabadong lumuhod at tinignan yung kabuuan niya ..
"Nakakailang beses na ko ginawa ko na lahat pero hindi parin siya nag reresponse! Hyunjae? Please?" Hinihingal at tila nawawala na ng pag asang sabi ni Nash ..
Napailing naman akong hinawakan yung mukha niya ..
B-Bakit ang lamig niya? Mashado siyang namumutla! Hindi! Ayoko non!
"A-anak?!" Naiiyak kong sabi dahil naunahan na ko ng takot at pagkataranta ..
Hindi~ hindi! Hindi pwede! Marerevive ko yung anak ko!
Agad kong sinubukan at ginawa yung mouth to mouth recitation at nag CPR sa kanya na siyang ginawa rin ni Nash kanina ..
Please anak mag response ka kay Mama! Si Mama na to! Ako na to anak!
Paulit ulit kong sambit sa isip ko habang paulit ulit ko ring ginawa yung pag si-CPR sa kanya pero wala siyang response o gumalaw hindi niya ginagawa!
Anak please! Anak hindi pwede! Hindi pwede! Wag! Hindi ko na kakaya pag may nangyaring masama sayo!
Patuloy kong inulit ulit yung ginagawa ko kahit na unti unti na kong nilalamon ng kawalan ng pag asa at sunod sunod na rin yung pag tulo ng luha ko sa pag aalala ko ..
"Hyunjae anak! please!! Gumising kaaaaaaa! Gumising ka anak ko!" Humihikbi ng sigaw ko habang patuloy lang sa ginagawa ko para maisalba ko yung buhay niya pero nanghihina na ko at nauunahan na ng pag iyak sa sobrang takot ko ..
Ahhh! Hyunjae! Jusko! Parang awa nyo na! Dalawang beses na kong nawalan nang anak! Nawala na sakin si Aeri at yung baby ko! Wag na si Hyunjae! Wag na siya! Wag sa pangalawang o pangatlong pagkakataon! Ipaubaya nyo na siya sakin! Kahit siya na lang! Nagmamakaawa ako! Siya na lang yung meron ako eh!
"Ahhhh!! Hyunjae!!!" Pag hagulhol ko nang iyak dahil maubusan na ko ng lakas para ipagpatuloy yung ginagawa ko dahil kahit paulit ulit kong I-CPR siya ay wala pa rin talagang pag babago o response man lang ..
Yung anak ko~
"Hyunjae!!" Narinig kong sambit ni Jae na kakarating lang at tulalang lumuhod sa tabi ko ..
"H-Hyunjae" Hindi niya makapaniwalang sambit na tila hindi malaman ang gagawin na napasabunot na lang sa sarili niya at natatarantang hinawakan yung anak ko ..
"Hyunjae!" Nag aalalang tono naman ni Hyunjae na sumingit sa pagitan namin Jae na napaupo at tila na tulala na lang sa nangyari kay Hyunjae na siyang nasa bisig at yakap yakap ko..
"H-Hyun?" Pag susumamo ko kay Hyun..
"Si Hyunjae? Yung anak natin!" Pagtangis ko na siyang napayuko na lang at parang batang humahagulhol ng iyak ..
Wala akong narinig sa sagot sa kanya at tila hindi rin malaman ang gagawin na nakatingin kay Hyunjae na hinawakan niya sa kamay at pinulsuhan ..
"May pulso pa siya! Akin na muna siya!" Mahinahon niyang sabi na kinuha sakin si Hyunjae at muling ihiniga si Hyunjae sa buhanginan sakto naman na may mga medics pang dumating na may dalang gamit para kunin si Hyunjae pero pinigilan lang sila ni Hyun..
"WAG NYO SIYANG GALAWIN! DOCTOR AKO! AKONG BAHALA SA KANYA! WALA RIN NAMAN KAYONG SILBI! HULI NA KAYONG DUMATING! EMERGENCY TO DIBA?!" Galit niyang sabi tsaka bumaling kay Hyunjae at walang sabi sabing binigay mouth to mouth recitation tsaka niya pinatong yung kamay niya sa sikmura nito at idiin yon nang tatlong beses ..
"Hyunjae? Anak si Dada to? Gumising ka anak please? Nandito na si Daddy? Ako to anak! Nandito na ko! Makinig ka sakin? Gumising ka anak! Hyunjae!" Naiiyak na rin niyang sabi at muli niyang binigyan nang mouth to mouth recetation si Hyunjae na siyang biglng gumalaw at inubo yung tubig na naipon sa katawan niya ..
"A-ahh Mama!" Umiiyak na sigaw ng anak ko na siyang ikinaluwag ng paghinga ko at agad siyang niyakap ng mahigpit habang sunod sunod yung pagtulo ng luha ko..
"Nandito na si Mama! Nandito ako!" Umiiyak na bulong ko ..
Muli naman siyang pinulsuhan ni Hyunjae..
"Wag tayong pakampante! Kinakapos pa rin siya ng hininga! Hindi pa rin stable yung pagdaloy ng oxygen sa katawan niya! Tara dalhin natin sa hospital!" Anito nito na siyang kinuha sakin yung anak ko na muling nawalan ng malay at dali dali itong inilapag sa strecher ng dahan dahan at sumunod sa mga medic na nagdala kay Hyunjae sa ambulance ..
Hinawakan niya yung kamay ko pagkasunod ko sa kanya at t sabay kaming sumakay nang ambulance kasama ..
Hindi pa rin mawala yung pag aalala kong tumingin kay Hyunjae pagsakay kami tsaka ko yumuko ng napahagulhol ng iyak ng tila bumalik yung kalagayan niya at namumutla na naman siya na para bang kinakapos na naman siya ng hininga ..
"I'm sorry.." Nahikbi kong sabi .. "Hyunjae anak!" Nag aalala ko pang saad ng mapansin ko rin yung pagbagal ng tibok puso at pulse rate niya sa vitals monitoring na nakakabit sa kanya na nasa naturang ambulance ..
"Miriam!" Pagpapakalma niya sakin kaya wala akong nagawa kundi ang mapasandal sa kanya ng yakapin niya ko ..
"Patawarin mo ko, Hyun! Patawarin mo ko napabayaan ko yung anak natin!" Paghagulhol ko sa balikat niya ..
"Hindi, Miriam! Wala kang kasalanan! Wag mong isipin yon! Magiging okay rin si Hyunjae! Magiging okay rin ang lahat mahal ko!" Pagpapagaan niya ng loob ko kasabay non ang paghigpit na yakap niya sakin habang ako ay hindi mahinto sa paghikbi dahil bumalik sakin lahat ng nangyari kay Aeri at yung sa baby ko..
Lahat ng hindi magandang nangyari sakin sa nakaraan simula ng mawalan ako ng anak tila lahat yon bumalik sa nangyari kay Hyunjae at hindi ko na alam ang gagawin pag may nangyari pang masama sa kanya!
Hindi ko na kakayanin pag nawalan pa ulit ako ng anak! Hindi na.. Ikamamatay ko na yon!

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    BenevidesGuilherme

    ok isso foi incrível bro

    15/03/2025

      0
  • avatar
    Bebz Ambida

    Nice story

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Trh Jungwon

    thank you

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata