logo text

Chapter 76

Hyun POV
"Wow!! Ang gandaaaaa..." Ani ni Soobin nang marating namin ang boracay .. Bumaba ako nang habal habal at tumanaw sa paligid saka ko inangat yung shades ko ..
Maganda nga rito~
Nakakarelax yung awra nang buong paligid pati na yung hangin na dumadampi sa balat ko..
Tamang tama rin init para mag kapagrelax ..
Lumingon ako sa mga kasama ko na tulad ko ay nakatanaw sa beach at tumingin rin sakin ..
"Mag check in na tayo!" Ani ni nash ..
Tumango naman ako at sumunod sa kanila ni Soobin na pumasok sa isang hotel ..
"Hi! Sir! Welcome to Casa Mactan Hotel.." Bati samin nang mga staff pagpasok namin ..
Nginitan lang sila ni Nash at Soobin habang ako naman ay naupo at nag antay sa lobby habang nakikipag usap yung dalawa sa receptionist .. 
Nung isang linggo pa dapat kami nandito pero nirefuse ko dahil ayokong magpadala sa pagiging impulsive si Nashlee sa pag aaya ng biglaan na akala naman niya parang cubao to ortigas lang yung puputahan namin kung makahila sakin..
Ang hirap kaya magpabook ng flight sa ganto kalayong lugar at magschedule ng bakasyon lalo na kung may trabaho kaming inaasikaso ..
Pero speaking of bakasyon? Bakit kaya biglaan nag aya ng bakasyon tong dalawang to? Lalo na si Nashlee? Nakakapagtaka naman sa isang taong tulad niya na mas mahalaga pa ang pagtatrabaho kaysa sa ibang bagay ay biglang mag aaya ng bakasyon tapos ura-urada pa?
Ano kayang dahilan? Oum~ Hindi kaya dahil sakin? Kasi nakikita nilang mashado pa rin akong apektado kay Miriam? O baka naman naawa na sila sakin? Hindi kaya ganon? Shet ang OA ko na ata? Baka pati sila naiistress na sakin. 
Haysss ayoko na nga mag isip! Sumasakit lang yung ulo ko..
Isinandal ko muna yung ulo ko sa sofa at pumikit para ipahinga yung sarili ko sa hang-over na nararamdaman ko..
Nagkaayan kasi kami nila Nashlee mag-inom sa club malapit sa hotel at medyo naparami ako kaya ramdam ko pa rin yung pagkahilo hanggang ngayon lalo na bumyahe pa kami ng pagkalayo layo...
Kung hindi lang talaga nakaschedule tong bakasyon na to at kung hindi lang makulit si Soobin mas pipiliin ko na lang talagang magpahinga sa hotel buong maghapon eh.
"Omo~Omoooo Beautiful!"
"Baby careful~!"
Ahh Letche pati sa imahenasyon naririnig ko ang boses ni Hyunjae at Miriam ..
Kung kasama ko lang sila ngayon at buo yung pamilya namin di sana masaya kami ngayon .. Di sana hindi ako nababaliw ng ganito ngayon..
"Ahhh Hyun! Nababaliw kana!" Bulong ko sa sarili ko tsaka ko tumayo at nag lakad para sana lumabas nang hotel pero napahinto ako nang may batang nauntog sa tyan ko ..
"Ohhh.." Gulat kong reaksyon pero agad ko siyang naalalayan bago pa siya matumba ..
Napansin kong yung paghawak niya sa ulo niya na tila nasaktan kaya nag aalala akong sinilip yung mukha niya ..
"Are you okay----Hyunjae?!" Gulat kong sabi na sinagot niya rin nang gulat na expression pero mabilis iyon ng napalitan ng masiglang ngiti.. 
"MISTERRRRR!" Sigaw niya at bigla akong niyakap ng napakahigpit..
Medyo nagulat pa ko pero hindi ko naiwasang hindi mapangiti sa tuwa at niyakap din siya.. 
"Namiss kita Mister!" Malambing niyang tono ..
"Wow ang sweet naman non ako ba namiss mo?"
"Kuyaaaaa Soobinnnnn.." Makulit niya ulit na sigaw ng makita si Soobin na pumwesto sa tabi ko at nakangiting sinalubong rin siya ng yakap ng yakapin niya ito.. 
"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Soobin pag harap niya ng nakangiti pa rin ..
"Nag babakasyon po!"
"Nga naman pero sinong kasama mo?!" Tanong ko ..
"Hyunjae?" 
Ani nang pamilyar na boses dahilan para lumingon ako sa likuran ko at laking gulat ko nang makita ko siya na halatang nagulat din nang makita ako ..
Anong ginagawa nila dito? Malamang nagbabakasyon din? Andito nga si Hyunjae diba? Malamang nandito rin sila? Ano ka ba Hyun? Wala ka bang common sense? 
"Uwuuuu~ mukang tadhana na talaga ang nag tatagpo sa inyong dalawa ah." Narinig kong bulong ni Soobin na siya namang pasimple kong siniko habang nakatingin sa kanya na tila nabato sa pagkakatitig niya sakin ..  Sakto namang lumapit si Nash samin saktong niyakap siya ni Jae mula sa likuran niya ..
Pota sakit sa mata .. Bakit kaylangan sa harap ko mag yakapan?
"Ohh Tanga ito na yung room num---
"Mahal?"
"Ohhh Jae? Andito rin pala kayo?!" Gulat na usal ni nash nang makita sila tsaka tumingin sakin at nagbalik ng tingin kay Jae na mukhang nagulat din sa hindi inaasahang pagkikita naming lima..
"What a coincedence? Andito rin pala kayo? Oum~ Hindi kaya sign to na baka kaylangan na nating magbonding tatlo?"
"Tatlo bakit? Wala ka bang planong isama si Hyung Dohyeon?!" Tila sarkastikong tono ni Soobin.. Agad naman siyang umiwas ng tingin at ngumiti lang ..
"Hindi naman! Sorry hindi ko siya napansin! Nandyan ka pala Hyun? Kumusta?!" Nakangiting tanong nito sakin ..
"Hindi mo napansin o sinadya mong wag pansinin?" Narinig kong muling bulong ni Nash na siyang hindi ko na pinansin pa ..
"Si Jun na lang ang kulang! Sayang!"
Magsasalita pa sana ako para sagutin si Jae pero biglang umimik si Nashlee kaya naman nanatili na lang akong tahimik at yumuko ..
"Hala Oo nga no? Ang galing? Sakto pala! So bakit hindi na lang tayo mag bonding since nandito naman na tayong lahat?" Tuwang tuwang sabi ni Soobin pero hindi ko maiwasang magtaka sa awra nila ni Nash dahil parang may kakaiba sa kanilang dalawa..
Hindi ko ma-explain kung ano pero parang may something the way na pag approach nila kay Jae na parang hindi naman yun yung talagang natural na pag kausap nila dito ..
Basta may kakaiba! Hindi ko alam kung ano..
"Bakit hindi?" Sagot ni Jae na siyang tumango tango tsaka muling bumaling ng tingin sakin at sarakastikong ngumiti.. 
"Baka sakaling bumalik yung bonding namin ni Hyun sa ilang taong hindi kami nag kita at nagkasama." Dugtong niya pa na siyang iniwasan ko na lang tingin dahil tila mabigat at hindi maganda ang dating sakin non ..
"Tara Hyunjae? Laro tayo iwan natin yung mga depota dito.."
"What is depota?"
"Nothing baby! It means gwapo!"
"Hoy! Gago! Soobin! Wag mo ngang turuan yung bata nang kapunyetahan mo!" Singhal ni Nash kay Soobin na nag make-face lang at bumaling kay Miriam ..
"Pwede ko bang hiramin si Hyunjae Noona?!" Tanong nito pero alinlangan lang napabuntong hininga si Miriam na tumingin kay Hyunjae..
"La-last time na hini---
"Walang kotse at highway dito kaya di siya masasagasaan.." Agad na pagpaltak ni Soobin na tila kina-offend ni Miriam at umiwas na lang tingin ..
"Sige na! Noona! Sa room lang na naman namin siya eh! Gusto ko lang siyang makalaro! Tatlo naman kami nila Hyun mag babantay eh!" Pangungulit nito
"Gusto mo pati ikaw mag pahiram kay Hyung Do--
"Soobin?!" Singhal ko ng tila alam ko na kung saan mapupunta yung sinasabi niya, Nagpeace sign naman siya sakin ..
Sira ulo talaga tong batang to ..
"Mama pleaseee?!" Pag mamakaawa ni Hyunjae na nagpacute..
"Gusto ko lang po makipag laro sa kanila?! Please?!"
"Hindi pwede!" Biglang singhal ni Jae na ikinagulat naming lahat dahil tila galit yung awra nito at hindi maipinta yung mukha nito sa sobrang pagkakunot ng noo nitong nakatingin kay Hyunjae na tila natakot naman sa ginawa niya ..
"Jae!" Mahinahong saway ni Miriam sa kanya na tila hindi nagustuhan yung inakto nito ..
"Last time na hiniram ni soobin ang anak mo napahamak lang! Last time na nakasama ka ni Hyun dalawang beses kang nawalan ng anak? Uulitin mo pa ba?!" Pagiging personal ng tono nito na siya namang hindi makapaniwala si Miriam na pinagmasdan siya..
"J-Jae?!"
"Hyung! Aksedente yung nangyari! Hindi ko naman---
"Hindi nga pwede Soobin? Ano bang hirap sayong intindihin yung sinabi ko? Gusto mo magkorean pa ko para mas maintindihan mo?"
"Jaehyun!!!" Pagtaas ng boses ni Miriam na inawat siya .. Hindi naman siya nakaimik na yumuko lang at bumuntong hiningang kinuha si Hyunjae..
"Pasensya na! Nandito kami para magbonding ng pamilya ko! Mag-usap na lang ulit tayo next time." Mabigat na tono nito tsaka kami nilagpasang tatlo, Habang si Miriam ay bakas sa mukha yung pag aalalang sinundan siya ng tingin at tumingin samin sabay yumuko ..
"P-Pasensya na!" Nahihiyang sabi nito tsaka mabilis na sumunod kayna Jae ..
Nag aalala akong sinundan lang sila ng tingin pero ngumiti ako kay Hyunjae na nakabusangot akong kinawayan..
***************
"Ahhh~ Grabe si Hyung Jae! Napakadamot! Haaaayyysss hindi tuloy tayo nakalusot! Hindi natin nahiram ang anak mo Hyun." Nakabusangot na sabi ni Soobin na siyang pagbagsak na nahiga sa kama pagpakasok namin sa hotel room namin ..
Lumingon ako sa kanya matapos kong ilapag yung bag na dala ko ..
"Bakit ba kasi gusto ninyong hiramin?!" Tanong ko ..
"Bakit nakapag bonding na ba kayo nang mag iina mo o kahit nang anak mo?" Nakanguso at nakabusangot niyang sabi hindi naman ako imik ..
"Mukhang mashado paring mainit yung dugo ni Jae sayo ah?!" Walang emosyong sabi ni Nash pagharap niya sakin matapos itabi yung mga gamit niya .. Nanatili naman akong tahimik na inaayos yung mga gamit ko ..
Malamang tinutukoy niya yung pamemersonal ng mga salitang binitiwan ni Jae samin ni Soobin kanina at alam kong hindi niya rin nagustuhan yon pero anong magagawa ko? Totoo naman lahat ng yon ..
Dalawang beses kaming nawalan ng anak ni Miriam dahil napabayaan ko sila ..
Wala akong kwenta kaya nangyari yon.. 
"Hayssss! Hindi! Hindi dapat tayo magpakabog! Akong bahala! Since andito sila operation balik loveteam tayo!" Biglang pagbangon ni Soobin na siya namang ikinatuwa ni Nash at nakipag apir sa kanya .. 
"Naksss! Yan ang gusto ko sayo eh! Di nagpapatalo eh!"
"Ako pa ba! Oplan operation Balik Loveteam ng MiHyun Couple! Nakowwwss Ang ganda!"
"Tss! mga gago! Itigil nyo yan!" Singhal ko sa mga pinagsasabi nila tsaka ko kumuha nang damit at dumeretso sa banyo para maligo ..
Hindi ko ineexpect na nandito din pala sila .. Hindi ko ineexpect na mag kikita kami rito at hindi rin ako nag eexpect pa ng kahit na ano para lang maglapit kami ni Miriam..
Tanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't isa at suko na ko! 
Iiwas na lang ako hanggat maari para wala gulong mangyari sa pagitan naming tatlo nila Jae..
Miriam POV
Nilapag ko yung mga gamit na dala ko pag dating namin sa hotel room namin tsaka ko lumapit kay Hyungjae na naupo sa kama nakabusangot ..
"Bakit anak?!" Tanong ko yumuko naman siya ..
"Gusto ko po kasi makipag laro kayna Mister pero ayaw nyo po lalo na si Papa." May pag mamaktol sa tono nito kaya bumuntong hininga ako at hinawakan yung kamay niya ..
"Anak kasi ayaw lang ni Papa na makaabala ka sa kanila at isa pa nakakahiya rin kasi hindi naman kayo close para magstay ka sa room nila."
"Pero mabait sila lalo si Mister."
"Bakit ba bukang bibig mo si Hyun?" Biglang singhal ni Jae na halata yung inis sa pagmumukha nito niya matapos niyang itabi yung gamit namin na siyang dala niya ..
"Jae?" Saway ko sa kanya na binalingan lang ako ng masamang tingin..
"Nakakainis kasi!"
"Naiinis ka wag mong idamay yung anak ko sa inis mo!  Wala namang dahilan para mainis ka! Ano bang nangyayari sayo Jae? Kanina pa! Hindi maganda yung approach mo sa kanila at mashadong personal yung mga salitang binitiwan mo kay Soobin? Ano bang problema mo?" Hindi na napigilang singhal ko dahil hindi ko matiis yung ginagawa niya..
"Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo naman lahat ng yon ah? Hindi ba namatay yung anak mo dahil kay Soobin at naulit yon dahil kay Hyun--
"OO PERO HINDI MO KAYLANGAN SABIHIN YON SA HARAP NG ANAK KO!!!" Pagtaas ng boses ko at ramdam ko yung pangigilid ng luha ko sa galit na pilit kong pinigilan ng magsalita si Hyunjae..
"Mama! Papa!" Naiiyak na sabi nito kaya naman mabilis akong yumuko at hinawakan yung kamay niya tsaka ko siya niyakap.. 
"Ba-bahala ka nga!" Padabog niyang sabi tsaka lumabas at iniwan kami ..
Pilit kong pinigilan yung emosyon kong tumingin sa anak ko at hinawakan yung mukha niya ng biglang tumulo yung luha niya at yumuko ..
"I'm sorry mama!"
"Shhh its okay! Wala lang yon! Wala yon anak ko!" Kalmado kong sabi saka ko siya muling niyakap at napapikit na lang habang nasa isip ko yung mga pagbabagong ipinapakita sakin ni Jae nitong mga nakalipas na araw..
Mashadong kakaiba yung mga inaakto niya at hindi ko iyon nagugustuhan
Kung hindi siya umuuwi nang late konting bagay na mag iinvolve or mabanggit lang yung pangalan ni Hyun ay mabilis siyang nagagalit dahilan para mag talo kami kung minsan pa ay nasasaktan niya ko ng pisikal ..
Mabilis ding uminit ang ulo niya kay Hyunjae sa simpleng pagkakamali lang nito na hindi naman dating nangyayari at hindi ko nakasanayan sa kanya..
Mahal niya yung anak ko na parang tunay niyang anak! Sweet at malapit siya dito..
Pero anong nangyari? Bakit parang bigla atang nagbago ang lahat? Bakit parang may nagbago kay Jae? Anong nangyayari sa kanya?
Alam kong mahal niya lang kami ng anak ko at naiintindihan ko kung bakit ganon yung nagiging reaksyon niya pagdating kay Hyun pero yung idamay niya yung anak ko sa galit o inis niya at magalit siya dito ..
Yun yung hindi ko maintindihan!
Naiintindihan kong apektado siya kay Hyun dahil may nakaraan kami pero mali na pati kay Hyunjae maging negatibo yung aksyon niya..
Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya lalo na sa pagbabago niya ng trato samin ng anak ko ..
Parang may kakaiba sa kanya at sana hindi makaapekto yon para masira yung relasyon naming dalawa ..
Nash POV
Nasa over looking kami sa swimming pool area sa rooftop nang hotel kung saan kami nakacheck in ..
Kasama ko ang batang yagit na soobin nang matanaw namin si Jae nasa kabilang side nang overlooking ..
Tumingin ako kay Soobin na nag pipicture nang view tsaka ko siya hinampas sa balikat at tinuro si Jae ..
"Bat may jellyfish dito?!" Singhal niya ..
"Lapitan natin.."  Kaswal kong aya sa kanya tsaka ko naunang naglakad papalapit sa jellyfish na sinabi niya at tinapik iyon sa balikat ..
"Oyyy preee!" Bungad ko tsaka ko ngumiti at tumanaw rin sa malayo ..
"Ang ganda dito---
"Anong ginagawa nyo ni Hyun dito?!" Medyo mabigat na tono at deretso niyang tanong sakin na siyang dahilan para magsalubong yung kilay kong lumingon sa kanya at seryoso kaming magkatinginan ni Soobin dahil medyo hindi ko nagustuhan yung tono niya ..
"Nagbabakasyon!" Simpleng sagot ko..
"Bakit sa dami nang lugar dito niyo napiling mag bakasyon? Kasama pa talaga si Hyun." Aniya hindi ko naman naiwasang sarkastikong matawang mapayuko sa narinig ko..
"Boracay to! Sikat na bakasyonan dito sa pilipinas. Kahit sino pwedeng pumunta dito? So anong problema kung nandito kami at si Hyun. Isa pa hindi naman namin alam na nandito rin kayo!"
"Alam mo naman yung nangyari diba?"
"Hindi wala akong alam at kung alam ko wala akong pakialam." Pagdidiinan ko tsaka ko deretsong humarap sa kanya ..
"Ano mang problema ninyong tatlo ni Miriam at Hyun. Wala akong alam don! Wala rin akong pakialam don! Walang kinalaman yung bakasyon namin dito don! Ako ang nag aya dito Jae! Ako ang nag aya kay Hyun para makapag relax kaming pare-pareho nila Soobin sa trabaho! Nagkataon lang na nandito rin pala kayo! Coincendence lang ang lahat!" Medyo iritable kong dugto habang siya ay hinarap lang din ako..
"Inaya mo, Coincedence o pinag tatakpan mo si Hyun?!" Sarkastiko niyang sabi pinilit ko namang pigilan yung inis ko ..
Pinili kong maging kalmado pero napipikon ako sa hindi magandang pananalita mo Jae! Mashado kang paranoid!
"Wag na tayong mag lokohan Nash! Alam kong alam ninyo na mahal pa ni Hyun ang fiancee ko! Pwede silang magkabalikan kung maari! Kaya bakit? Alam nyong ex na ang status nilang dalawa hiwalay na sila pero bakit pakiramdam ko kayo pa ang nag lalapit sa kanila!"
"Ano bang sinasabi mo Jaehyun??!" Pagsabat ni soobin ..
"Bakit bothered ka ba?" Pagiging sarkastiko na ng tono ko sa kanya tsaka ko siya sarkastiko ring nginitian .. "Ano bang kinatatakot mo Jaehyun Lee?" Pang aasar ko ng tono ko na siyang lalong nagpabakas ng galit sa mga mata niya .. 
"Ang mag kabalikan sila? Bakit hindi? Sila naman talaga ang para sa isat isa? Bakit hindi? Eh sila naman talaga yung nagmamahalan at mga magulang ni Hyunjae na siyang inaangkin mong anak----- 
*****BLAAAGGG*****
"Hindi ko alam kung saan mo nakuha yan pero isa lang masasabi ko sayo! Ako na ang tatay ni Hyunjae! Ako na ang tumatayong asawa at ama sa mag ina ni Hyun na iniwan at pinabayaan niya! Kaya kung may balak kayong gumawa nang paraan para mag kabalikan yung dalawa wag nyo na subukan dahil hindi ako papayag na maging sila ulit! Hindi ako papayag na makuha ulit sakin ni Hyun si Miriam dahil simula nang mag kahiwalay sila ako na yung nag mamay ari sa babaeng sinayang niya!" Nang gigil na sabi ni Jae na bigla akong sinapak at mariin na kinuwelyuhan na siya namang nakakainsultong tinawanan ko lang at binigyan siya ng nakakalokong mga ngiti ..
Hindi ko naiwasang matawa dahil sa sinabi niya .. kaya sarcastikong tingin ang ibinigay ko sa kanya ..
"Kami ba talaga ang gumagawa ng paraan magkabalikan sila o ikaw mismo ang dahilan para mangyari yang bagay na kinatatakutan mo?" Mapang asar kong tono habang nakangisi sa kanya na halatang sa pagmumukha yung gigil niya sakin dahil sa galit at mas humigpit pa yung pagkakakwelyo niya sakin..
"Jaehyun napakahirap kalabanin ng tadhana! Napakahirap kalaban ng pagkakataon lalo na kung sasamahan mo yon ng kalokohan! Nasayo nga ang babaeng gusto mo at matagal mong inantay? Pag mamay ari muna siya! Ang tanong pinahahalagahan mo ba?" Dugtong ko ..
"Ano bang sinasabi mo?!" Taim bangang niyang sabi na may pagdidiinan kaya muli akong napangiti pero mashado na kong naiirita at nasasakal sa pagkakahawak niya kaya naman marahas ko siyang tinulak palayo sa'kin dahilan para mapaupo siya sa harap ko.. 
"Alam mo kung anong sinasabi ko.." Seryoso kong sabi tsaka ko siya iniwanan ng masamang tiningin at tinalikuran paalis .. 
Napakalaki ng pinag bago mo Jaehyun! Hindi ko akalaing magiging ganyan ka kasira ulo .. Mas malala ka pa kay Dohyeon.
Tignan natin hanggang saan tatagal yang katarantaduhan mo ..
Tignan nating kung hanggang kaylan magtatagal ang maayos na relasyon mo sa babaeng sinasabi mong sayo pag nalaman niya kung gano mapagpanggap at kademonyo yung lalaking akala niya tapat at mahal na mahal siya..
Tignan natin kung hindi ka mag sisi sa huli ..
"Handa akong tulungan si Hyun magkabalikan lang sila ni Miriam! Jae! Kaya wag mo kong susubukan!" Mariin kong sabi tsaka ko sinulyap si Soobin na tila hindi makapaniwala sa nangyari at na narinig niya bago ako tuluyang naglakad paalis .. 
Ramdam ko ang yung matinding galit at inis na matagal ko nang tinitimpi sayo Jae simula nang makita kitang may kasamang ibang babae at malaman kong niloloko mo si Miriam ..
Sapat na to para ako mismo ang gumawa ng paraan para gising ka sa kahibangan mo..
**********************************

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    BenevidesGuilherme

    ok isso foi incrível bro

    15/03/2025

      0
  • avatar
    Bebz Ambida

    Nice story

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Trh Jungwon

    thank you

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata