logo text

Chapter 56

Hyun POV
Agad akong bumaba nang kotse ko pag dating ko nang Casa Villa..
Tumakbo ako papunta sa seaside at dumeretso sa kubo para hanapin si Miriam pero naabutan ko sa terrace si Jun na may dalang baso nang tubig ..
"Jun nasan na siya!?" Ani ni Jae pag dating niya kasama ni soobin at ang parents ko.
Anong ginagawa nila dito?
"Hyun!" Sambit Eomma, Saglit naman akong lumingon sa kanya at pero natigilan ako ng biglang mabitiwan ni Jun yung hawak niyang baso ng tubig habang nakatanaw sa Seaside ..
"Miriam!" Natutula niyang sambit kaya tumingin ako sa tinatanaw niya at nakita ko si Miriam na wala sa sariling sinusuong yung dagat papunta sa malalim na parte ..
H-Hindi! Yung asawa ko..
Jun POV
Halos napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Miriam na sinusuong na yung dagat at malapit na siyang malunod sa pinakamalalim na parte ..
Lumingon ako kay Tita Hyun Ae na tila nanghina sa nakita niya at mabilis na tumulo yung luha niya ng mapahawak siya sa bibig niya at mapasandal sa asawang inaalalayan siya ..
Agad akong lumingon kay Jae,Soobin maging kay Tito Doyoung na siniguro muna na maayos yung asawa niya bago siya sumunod kay Hyun na dali daling tumakbo at pinuntahan yung asawa niya ..
Agad naman akong napaalalay kay Tita Hyun na bigla na lang bumagsak sa kinatatayuan niya at umiiyak na napaupo sa sahig ..
"I-Ito na nga ba yung kinatatakot ko, Jun! Jusko! Miriam! Anak ko!" Lumong lumo niyang sabi..
Hindi naman ako nakaimik na tinanaw si Hyun na sinasalba na yung asawa niya pero tinutulak lang siya nito palayo at mukhang desidedo wakasan na ang lahat..
Mukhang ito na nga ba ang sinasabi una palang..
Mashado kang binulag ng emosyon mo Hyun kaya dapat lang maramdaman mo kung gano kalalim yung sakit na dinulot mo kay Miriam..
Dapat ka lang mag sisi ng magising ka sa kahibangan mo!
Hyun POV
"Miriam" Naiiyak kong sabi habang hinihila siya paahon sa dagan pero pilit niya lang akong pinagtatabuyan palayo sa kanya at para bang hindi ko siya magawang makumbensing sumama sakin dahil sa bawat pagkakataong itinutulak niya ko palayo ay lumayo rin siya at sumusuong papunta sa mas malalim pang parte ..
Hirap na hirap akong pigilan siya dahil maski ako ay nalulunod na hindi dahil lagpas na samin yung tubig ng dagat kundi dahil sa pilit niyang pagtulak sakin palayo ..
"Parang awa muna! Wag mahal ko! Wag!" Pag susumamo ko saka ko siya muling hinawakan at Ikulong sa bisig ko pero pilit niya lang akong tinutulak palayo...
"Bitiwan mo ko! Kaylangan ako ng anak ko! Kaylangan ako ni Aeri! Aeri anak? Antayin mo si Mama? Sasama ako? Wag mo kong iwan anak ko." Wala sa sarili niyang sabi habang sunod sunod yung pagtulo ng luha niya at pilit kumakawala sakin na siyang hindi ko pinayagan at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya ..
"Tama na, Miriam wala si Aeri dyan! Wala na si Aeri! Ah~ Patawarin mo ko mahal ko! Patawarin mo ko Miriam!" Umiiyak kong sabi ng marealize ko lahat ng ginawa ko at kung ganon kalaki ang naging epekto non sa kanya.
Isinisisi ko sa kanya yung pagkamatay ni Aeri, Sa galit ko iniwan ko siya at hinayaang mag dusang mag isa ..
Akala ko makakawala ako sa sakit kung gagawin ko yon akala ko magiging maayos ang lahat kung wala ako sa tabi niya pero hindi pala mas lalo lang naging malala ang lahat at nasaktan ko ng husto si Miriam.
"H-Hindi Hyun! Inaantay niya ko! Nag aantay sakin yung anak ko! Parang awa muna bitiwan mo ko pupuntahan ko siya! Sasama ako sa kanya! Ayoko ng mag isa! Ayoko na! Ayoko ng mawala sakin ang anak ko!" Aniya pero hinawakan ko lang yung ulo niya at mas niyakap pa siya ..
"S-Sorry! Miriam! Sorry!" Tanging nasasambit ko na lang sa kunsensya at sakit na nararamdaman ko ..
"Bitiwan mo ko parang awa muna! Aeri anak wag mong iwan si Mama?!" Wala na sa katinuan niyang sabi na siyang lalo kong kinapanlumo lalo na nung humagolhol siya ng iyak.
"Miriam?"
"Aerrriiii!! Anak!! Patawarin mo ko! Wag mo kong iwan anak ko natatakot si Mama mag isa! Natatakot ako anak!! HYUN ANO BA!! BITIWAN MO KO! KAYLANGAN AKO NG ANAK KO!!" Paghihinagpis niya na galit na at pwersahan akong tinulak pero hindi ko siya binitiwan.
"Hindi pwede mahal ko hindi pwede kaylangan pa kita! Ayoko mahal ko ayoko wag mo kong iwan please! Kaylangan pa kita!" Paghikbi ko..
"AYOKO NA! NAPAPAGOD NA KO! GUSTO KO NG MAPAHINGA SA SAKIT! BITIWAN MUNA! AHHHHHH!!!!" Paghagulhol niya at mas lalo pang tumitindi yung pagpupumilgas niya na paulit ulit at malakas akong pinag hahampas sa balikat at dibdib sa sobrang sama ng loob niya at para lang makaalpas sakin ..
"Hindi Miriam! Ayoko! Tama na please! Hindi ko kayang mawala ka! Wag mo kong iwan! Parang awa muna!" Nanghihina kong sabi ..
"Bitiwan mo ko! Ayoko na! Pagod na ko! PAGOD NA KO SA SAKIT NA IPINARARAMDAM MO SAKIN HYUN!! HINDI BA ITO NAMAN ANG GUSTO MO! Ang mawala ako sa landas mo?! Ang hindi muna ako makita pa! Hindi ba ayaw muna sakin at nagsisisi kang minahal mo ko at pinakasalan mo ko? Hindi ba wala akong kwenta at sabi mo sana ako na lang yung nawala! Ako ang pumatay kay Aeri!!! Kaya dapat ako yung mawala! Hindi ba yon yung gusto mo ang mawala ako sa landas mo?!! Kaya bakit? BAKIT KA NANDITO? ANONG GINAGAWA MO DITO BAKIT MO KO PINIPIGILAN? BAKIT HINDI MO NA LANG PABAYAAN!! AHHHHH HYUN!!Anong kasalanan ko para maramdaman ko lahat ng to? Para masaktan ako ng ganito?!! NAKAKAMATAY YUNG SAKIT!!! BAKIT HYUN? BAKIT? ANONG KASALANAN KO? MINAHAL LANH NAMAN KITA!!" Galit na galit niyang sigaw at ramdam ko yung pag hihinagpis niya pilit niyang pagkawala sa yakap ko habang sinusumbat sakin lahat lahat nang mga masasakit na salitang sinabi ko sa kanya ..
Hinawakan ko siya sa ulo at pinasandal ko siya sakin ...
Para akong dinudurog ng pinong pino at sinasaksak ng paulit ulit sa mga naririnig ko..
Patawarin mo ko Miriam! Patawarin mo ko mahal ko!
"Sorry!" Nahikbi kong sabi habang yakap siya nang pag kahigpit higpit ..
Yumuko siya sa balikat ko pero mahigpit yung hawak niya sa damit ko saka siya humagulhol nang iyak ..
"Bakit kaylangan ko mag dusa ng ganto? Hyun! Kinaylangan kita ehh!! Kaylangan kita nung mawala si Aeri!! Ikaw yung naging pag asa ko nung mawala siya ! Kinaylangan kita!! Pero nasan ka? Nangako kang hindi mo ko iiwan!! Pero hinayaan mo kong mag isa!! Hinayaan mo kong nagdurusa ng mag isa. Nangako ka saking hindi ka aalis sa tabi ko pero iniwan mo kong nag iisa at punong puno ng takot !! Halos mabaliw ako nang mawala si Aeri!! Halos takasan ako nang bait nang iwan mo ko at sumama ka sa iba!!Halos araw araw akong namamatay sa sakit dahil sa ginagawa mong pag iwas sakin at palagi kang nasa tabi ni Yoonha!! Kinaylangan kita!!!, KAYLANGAN KITA PERO PINABAYAAN KO!!! HINAYAAN MO KONG MAGDUSA SA SAKIT!! PAULIT ULIT MO KONG PINAPATAY SA SAKIT HYUN! IKAW ANG UNTING UNTING PUMATAY SAKIN! HALOS ARAW ARAW PARA AKONG PINAPAPATAY KAKAISIP KUNG BAKIT NANGYARI SATIN TO KUNG BAKIT KAYO NAWALA NI AERI! TINIIS KO LAHAT ALAANG-ALANG SAYO KASI AYOKONG MAKITA KANG NASASAKTAN! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL! MAHAL KITA NG HIGIT PA SARILI KO HYUN!!! WALA NA KONG TINIRA KASI IKAW YUNG BUHAY KO! KAYO NI AERI! LAHAT IBINIGAY KO AT PINAUBAYA KO PARA SAYO! PINAGBIGYAN KITA SA LAHAT AT PUMABOR AKO SA LAHAT NG GUSTO MO KAHIT MASAKIT IBINIGAY KO YUNG KALAYAANG GUSTO MO! IBINIGAY KO YUNG KALAYAANG GUSTO MO KAHIT PARA SAKIN PARA KO NA RIN PINATAY YUNG SARILI KO KASI IKAW YUNG BUHAY KO! Lahat ng gusto mo binigay ko! Pinagbigyan kita kasi gusto ko kitang maging masaya! Masakit sakin makita kang nasasaktan! Masakit sakin makitang nasasaktan yung lalaking mahal ko, Kaya sana ako naman pag bigyan mo? Ako naman yung palayain mo! PALAYAIN MO KO SA SAKIT NA NARARAMDAMAN KO HYUN! Parang awa muna pakawalan muna ko!! Pagod na ko!!" Pag susumamo niya pero tanging pag hikbi lang ang nagawa ko at hindi ko ginawang pakawalan siya sa bisig ko ..
"Ayoko Miriam! Kaylangan kita! Kaylangan kita mahal ko!" Tangin at nahikbi kong bulong sa kanya ..
"Hinayaan mo kong matakot nang nag iisa Hyun!! Pinabayaan mo kong nag iisa!! Takot na takot ako nung iwan mo ko! Takot akong masaktan pero biggest fear ko yon pero pilit mo kong nilunod mo don! Alam mo kung ano yung pinakamasakit? Yung ikaw pa mismo ang tumalikod sakin! Ikaw pa mismo yung nang iwan sakin at hinayaan akong mag dusa! Ang sakit sakit na ikaw pa yung dahilan ng pagdurusang unting unting pumapatay sakin!Napakasakit na mismong yung lalaking mahal na mahal ko yung tumalikod sakin! Inaasahang kong ikaw ang unang unang dadamay sakin at hindi mo ako iiwan pero hinayaan mo kong nag iisa! Napakasakit gumising sa araw araw ng mag isa! Wala kang kakampi sa sakit na nararamdaman mo! Wala kang matakbuhan o malapitan! Umiiyak ako kSi sinisisi yung sarili ko bakit nasira yung pamilya natin at kung bakit kayo nawala ni Aeri sakin! Kung bakit ka nawala sakin! Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa tuwing ipagtatabuyan mo ko at makikita ka masaya sa piling ng iba! Parang gusto kong huminto sa pag hinga Hyun! Gusto ko ng tapusin lahat ng to, Pagod na ko! Kaya parang awa muna hayaan muna ako! Pagpahingahin muna ako! Gusto ko ng magpahinga!" Pag hina nang boses niya, Yumuko naman ako ako hinaplos yung likod niya tsaka ko humaguhol ng iyak sa balikat niya..
"Patawarin mo ko! Hindi ko alam na sobrang kang nasaktan at nagdusa sa mga ginawa ko! Patawarin mo ko Miriam! Patawarin mo ko mahal ko."
"Hyun?! Please?!" Halos pabulong niyang sabi maya maya pa ay naramdaman kong yung pagbigat niya sa pagkakasandal niya sakin kaya mabilis ko siyang inalalayan sa bisig ko ng mapagtanto kong nawalan siya ng malay .
"Miriam?!!" Sambit ko tsaka ko siya niyugyog pero mukhang wala talaga siyang malay kaya agad ko siyang binuhat pabalik sa dalampasigan ..
Sinalubong naman ako nila Jae,Soobin at Appa .. Agad ko siyang nilapag sa buhanginan at marahang tinapik yung mukha niya ..
"M-Miriam!" Nag aalala at paulit ulit kong sambit habang nag iisip ng gagawin .. Isi-CPR ko sana siya dahil baka nalunod siya pero napahinto ako ng makita ko may umaagos na dugo sa binti niya ..
Yung baby namin~
Agad ko siyang binuhat saka ko lumingon kayna Papa ..
"Pahanda nang kotse nag bi-bleeding siya!" Pilit kalmado kong sabi, Mabilis naman tumango si Hyun at inutusan sina Jae at Soobin na sila ang kumuha ng kotse ..
"B-Buntis siya?!" Ani niya hindi naman ako nakaimik na niyakap lang yung asawa ko ..
"I-I'm sorry!" Nanlulumo kong sambit tsaka napapikit ng maramdaman ko yung muling pagtulo ng luha ko tsaka ko siya muling binuhat ng dumating na sina Jae at sinakay siya sa kotse ..
Binantayan ko yung pulso niya dahil putlang putla na siya na para bang ilang oras na yung lumipas sa pagbi-bleeding niya at mukhang marami na ring dugo ang nawala sa kanya ..
Yung baby namin! Hindi ko mapapatawad yung sarili ko pag may nangyaring masama sa kanila lalo na kay Miriam!
Kasalanan ko lahat ng to at hindi ko matatanggap kung may mangyari sa kanila at mapahamak sila ng dahil sa kagaguhan ko!
Patawarin mo ko Miriam! Patawarin mo ko kung pinabayaan kita kayo ng baby natin! Patawarin mo ko kung iniwan ko kayo!
Malamang kung buhay si Aeri hindi siya matutuwa at hindi niya hahayaang mangyari to! Pati siya masasaktan! Patawarin mo ko Aeri! Patawarin mo si Dada sa mga ginawa niya kay Mama!
Patawarin mo ko Anak!
************************
A/N: Yan Puro ka sorry ngayon Hyun! Hanggang ending yan! Deserve! Oh diba pati ako gigil sayo? Ako author pero gigil ako sayo! Red flag ka! Tulog na ko inaantok na ko! Yawa! Ayoko na pagod na ko! Gusto na magpahinga! Charrr~ Vote and Comment! Ay thank you^^

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    BenevidesGuilherme

    ok isso foi incrível bro

    15/03/2025

      0
  • avatar
    Bebz Ambida

    Nice story

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Trh Jungwon

    thank you

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata