Miriam POV Tulala akong lumabas nang library nang mag isa at nag lakad sa kung saan habang iniisip ko yung mga sinabi ni Hyun pati na yung ginawa nila ni Yoonha nung nakaraan.. Ilang araw nang paulit ulit na bumabalik sa isip ko yon at kahit anong gawin ko hindi ko magawang makalimot .. Gusto makawala sa sakit! Ano bang pwede kong gawin para matapos na lahat nang to? Yumuko na lang ako habang naglalakad tsaka ko hinawakan yung tyan ko ng bigla akong madapa matapos akong patirin ako nang isa sa mga kaibigan ni Yoonha na madalas mambully sakin .. Pinalibutan nila ako tsaka nila ko binuhusan nang tubig at harina .. Binato rin nila ko nang itlog na siya namang sinalag ko ng kamay ko dahil nasasaktan ako sa bawat pagtama non sakin .. "Woah! She look special na!" "Yah? Diba pang congratulation cake! Wait mas okay ata if may chocolate?" "Edi lagyan natin!" Ani nila saka ko binuhusan nang chocolate syrup .. "I'm sure matutuwa si Yoonha sa cake na prenipare natin for her?! Sa tingin nyo?" "Yeahhh!! Victory Gift dahil nasa kanya na ulit si Hyun at nagawa na niyang itapon yung basurang yan!" "HAHAHAHA! Tama! Oh Girl? Bakit mukha ka namang kawawa? Hindi ba matapang ka? Maangas ka nga eh! Anong nangyari? Bakit parang mukha kang kawawa ngayon?" "Hahahaha deserve! Angas angas pa kasi ehh akala mo kagandahan para piliin siya ni Hyun! Eh isa lang naman siyang hamak na basurang napulot kung saan!" "Oo nga naman! Pinakasalan ka lang ata ni Hyun kasi nagayuma mo eh at nung mawala na epekto nang gayuma! Wala ka na!" "Hindi na ikaw ang mahal!! So sad!! Poor Miriam!" Pang aasar nila sakin pero nanatili lang akong tahimik at pilit pinipigilan yung pagtulo ng luha ko.. Pagod na pagod na ko! Gusto ko nang mag pahinga sa lahat ng to! Gusto kong magpahinga sakit at pagdurusang nararanasan ko! Nanatili akong nakayuko habang nakatitig sa wedding ring namin ni Hyun na siyang suot ko pa rin .. Hanggat maari ayokong hubarin to! Ayokong makalimutan yung araw kung kaylan ko unang naramdaman na mahal ko si Hyun at mahalaga siya sakin! Ayokong makalimutan yung araw na naging bahagi siya ng buhay ko at siya yung naging sentro nito .. "Ahh!" Mahina kong usal ng biglang isa kanila ay sinipa yung tagiliran na siyang kinapilipit ko sa sakit at mapahawak ako sa tyan ko.. "Heyyy Yoonha?!" Masayang bati nila kay Yoonha lumapit kasama si Hyun .. "What is it?!" Tanong ni Yoonha .. "Charaaaaann! We prepare a Congratulations cake for your victory Yoonha! Congratulations sa inyo ni Hyun!" Tugon nila kay Yoonha.. Tumingala naman ako kay Hyun ng sa mismong harap ko siya huminto .. Walang emosyon siyang nakatingin sakin kaya yumuko na lang ako at pinakatitigan yung kamay nila ni Yoonha na magkahawak .. "Akala ko ba hindi kana mag papakita kay Hyun? Anong ginagawa mo dito?!" Ani ni Yoonha .. Hindi naman ako umimik at sa halip ay tumayo na lang tsaka ko niyuko yung ulo ko sa harap nila senyales ng pagpapaumanhin.. "S-Sorry!" Tanging naiusal ko na lang lalo na kay Hyun .. "Tara na Yoonha! Ayaw kong mag aksaya nang oras sa walang kwentang tao!" Ani ni Hyun tsaka niya ko tinalikuran habang si Yoonha naman ngumiti pa sakin na tila nang aasar .. "Sabi ko naman sayo nasakin ang huling halakhak!" Bulong niya sakin na mas kinalawak pa ng ngiti niya tsaka sumunod kay Hyun.. Sinundan ko naman sila nang tingin pero napaluhod ako nang sipain ako sa binti nang isa sa mga kaibigan niya at hilahin yung uniform ko saka ko pinag tulungang saktan .. "Feelingera!" "Hindi ka nababagay kay Hyun." "Yan nababagay sayo! Muka kang basura!" "Kala mo kasi kung sino ka! Mayabang!" Pang uuyam nila sakin habang patuloy yung pananakit at paghila nila sakin na siyang ikinasira pa ng uniform ko pero walang imik na lang akong yumuko at napapikit .. Wala ng epekto sakin kung masaktan man ako sa ginagawa nila! Kung makapasa at masugatan ako! Pagod na ko at manhid na rin! Walang katumbas yung sakit na nararamdaman ko ngayon mula sa kanila dahil wala nang mas sasakit pa sa mawalan ng anak at talikuran ng lalaking nangakong hindi ako sasaktan at iiwan .. Baliwala na sakin yung sakit! Gusto ko ng tapusin to! Pagod na pagod na ko at gusto ko ng magpahinga! ****************************** A/N: Aguyyyy lahat ba awang awa na kay Miriam? Don't worry may isasakit pa yan mga bhe antay lang kayo so bat kasi hindi to umabot ng 800 words ito na naman ako napadaldal kasi hindi 800 words yung nailagay ko ang sakit sakit mas masakit pa to sa love story nila Hyun at Miriam eh sino gusto sumampal kay Yoonha? Pila pila lahat makakasampal owkey? So ayon 800 words na babye na hahahah. Enjoy Reading..
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ok isso foi incrível bro
15/03/2025
0Nice story
10/11/2024
0thank you
07/09/2024
0Tingnan Lahat