Yoonha POV Nasa covered court ako nag lalakad papasok for rehearsal ng pageant nang maabutan ko si Hyun na nakaupo sa sulok at nakasandal .. Agad akong lumapit sa kanya at ngumiti .. "Good morning! Babe!" Bati ko, Nilingon naman niya ko at nginitian pero hindi ko naiwasang magsalubong ang kilay ng mapansin kog tila nakainom siya dahil agad kong naamoy sa kanya yung prsensya ng alak .. "L-Lasing ka?" Tanong ko, Hindi naman siya umimik at tumayo lang .. "Are you okay?!" Pag aalala ko tsaka ko sinilip yung mukha niya ng mahalata kog namamaga yung mga niya at mukhang galing sa pag iyak.. "Hey?!" Singhal ko ng pilit niya kong iwasan hanggang sa palayuin nya ko sa kanya at lagpasan ako .. Tss! Napakaarti~ "Hyun!" Muling singhal ko at agad siyang sinundan tsaka ko siya hinila sa braso .. "Hindi ako okay! Ano ba?" Sigaw niya at halata yung galit sa muka niyang nilingon ako at tinulak palayo.. Natigilan naman at napatitig na lang sa kanya .. "Parang awa muna? Ngayon lang Yoonha! Ngayon lang! Nagmamakaawa ako patahimikin mo ko! Gusto kong mapag isa!!" Naiiyak niyang sabi saka ko muling tinalikuran .. Nagtaas kilay akong sinundan siya ng tingin tsaka ko tumingin sa paligid at agad siyang hinila pabalik sakin tsaka ko siya mabilis na hinalikan sa labi .. "You're not okay? Well then hayaan mo kong pagaanin yung nararamdaman mo!" I said with sudective tone habang hinahaplos yung mukha niya tsaka ko siya muling hinalikan sa labi na agad naman niyang ginantihan dahilan para maakap ko siya sa leeg ng hapitin niya ko papalapit sa kanya .. Kaming dalawa pa lang yung tao sa covered ko at mabilis ko lang siyang mapapasunod sa temptasyon dahil nasa ilalim siya ng presensya ng alak .. Naramdaman ko yung pag higpit ng hawak niya sa bewang ko na siyang dahilan para mapasunod ako sa kanya ng isandal niya ko sa pader at napangiti na lang sa sarili kong isip ng masa lumalim pa yung halik niya at tila dalang dala sa ginagawa naming dalawa .. Sige lang Hyun? Kalimutan mo yung problema mo sa pamamagitan ko! Let's enjoy ~ "Noona kausapin mo naman kami? Aissssshiiii bat ba ganyan ka? Nag aalala lang naman kami sayo! Tignan mo oh ang lala ng sugat mo sa kamay! Anong nangyari dyan? Aiiisshiii sina Noona Yoonha na naman ba ang may gawa niyan?" Narinig kong pag singhal ni Soobin na mukhang papasok ng covered court at mukhang kasamas si Miriam kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng tuwa .. Ano kayang magiging reaksyon niya kung maabutan niya kami ng asawa niya sa ganitong sitwasyon? Excited na kong makita! Excited na kong makita na unti unti siyang nadudurog sa sakit! Excited na kong makitang tuluyang masisira yung relasyon nilang dalawa ni Hyun at tuluyan ring maghihiwalay .. Nang sa ganon sa'kin na ulit si Hyun! Akin lang! Jae POV "Noona!? Sige na! Hindi na ko mangungulit sabihin mo lang anong nangyari sa kamay mo? Bakit may sugat yan? Kausapin mo naman kami?" "Miriam? May nangyari ba?!" Pangungulit namin ni Soobin habang nakasunod kay Miriam na simula palang pag pasok ay tila wala na ito sa sarili at mas dumoble pa yung pagiging tahimik nito kaysa nung una na nagrerecover pa lang siya sa pagkawala ni Aeri .. Kapansin pansin rin yung namumugto niyang mga mata na para bang galing siya sa matinding pag iyak pati na yung napakalalim na sugat sa kamay niya na nakabalot na ng bandage .. Nanatili siyang walang imik na para bang hindi niya nararamdaman yung prensensya namin ni Soobin at patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa covered court .. Nanlulumo kaming nagkatinginan na lang ni Soobin bago kami pumasok sa court tsaka namin nilingon si Jun na tila kakarating lang at nakasunod pala samin na nagpalubo ng chewing gum na ninunguya niya at nilagpasan lang kami papasok ng court .. "Jusko! Para akong masisiraan ng bait kay Noona! Ano na naman kayang problema? May ginawa na naman kaya si Hyun sa kanya at si Noona Yoonha? Tama ka ng Hyung! Nakakastress si Noona pag ganon siya! Hindi mo siya makausap ng tama! Nakakabaliw!" Stress na stress na sabi ni Soobin napabuntong hininga naman akong inaakbayan siya at sabay kaming naglakad papasok ng court pero sabay rin kaming nahinto ng makita namin si Miriam na nakatayo sa gitna ng court .. Nung ginagawa niya don?~ Lumapit ako sa kanya para sana magtanong pero mabilis na nagsalubong yung kilay ko ng mapansin yung lalong paglamlam ng mga mata niya habang nakatingin sa kung saan kaya naman nilingon ko kung saan siya nakatingin .. at halos magpuyos ako sa galit na naiyukom yung mga kamay ko ng makita ko si Yoonha at Hyun na naghahalikan sa isang sulok ng court .. "Napakatarantado mo talaga!!!!" Galit na sigaw ko at mabilis na nilapitan silang dalawa tsaka ko hinila si Hyun at walang pagdadalawang isip na sinuntok siya sa mukha na siya namang ikinasubsob niya sa harap ko at ikinagulat ni Yoonha.. Agad ko siyang kinuwelyuhan at muling sinapak dahil sa gigil at bwesit ko .. "Hayop ka Hyun! Napakagago mong tarantado ka!" Hindi maibsan sa galit kong sambit at sinugod siya pero mabilis lang siyang tumayo at ginantihan din ako ng suntok sa mukha .. "Ikaw ang tarantado sating dalawa Jaehyun! Ikaw ang unang nang gago! Bakit galit na galit ka? Hindi ba ginawa nyo rin naman ng asawa ko yon? Hindi ba't hinalikan mo rin siya! Sarap na sarap ka pa nga sa labi niya!" Sigaw niya na lalong nakapagtindi ng galit ko at muli siyang sinugod tsaka mahigpit na kinuwelyuhan.. "Nang gago? Kahit kaylan hindi ko ginawa sayo yon! Hindi ko ginawa sa asawa mo yung binibentang mo sakin dahil may respeto ako sa kanya at relasyon ninyong dalawa!" Diin kong sabi habang nang gigil ako sa pagkahawak ko sa kanya at pilit kong pinipigilan yung sarili ko na wag siyang saktan ulit pero nginisian niya lang ako .. "Ahh talaga? Respeto? Kaya pala inahas mo siya sakin at nagawa nyo pang maghalikan sa harap ko nung nakaraan? Ang sweet nyo nga eh! Kumusta? Nakakailan ka na Jae? Kayo ng asawa ko? Ilang beses nyo ng ginawa yon? Hanggang don lang ba yung ginagawa nyo o mas higit pa? Nakasama mo na ba siya sa kama? Enjoy ba? Masarap ba ang asawa ko?" "GAGO KA HYUN!!!!!!" Sukdulang galit na sabi ko sa mga sinabi niya tsaka ko inangat yung kamao ko para suntukin siya pero natigilan ako ng hawakan ni Miriam yung kamay ko at pigilan ako.. Nanginginig sa galit akong nilingon siya na nginitian lang ako at dahan dahang ibinaba yung kamay ko tsaka inalis yung mahigpit na pagkakahawak ko sa kwelyo ng asawa niya para naman akong nabatong sumunod lang sa kanya ng mapansin ko yung matinding panlulumo sa mga mata niya na pilit niyang ikinukubli sa blanko niyang ekpresyon.. Lumingon siya kay Hyun na may dugo at sa gilid ng labi na siyang nakuha niya sa mga ginawa ko tsaka niya hinawakan yung mukha nito.. "So-sorry!" Mahinang usal niya na siyang kinainis ko at kinapanlumo ko.. Bakit ka nag sosorry Miriam? Bakit ka nag sosorry sa lalaking nagdulot ng nakakamatay na sakit sayo? Hindi dapat siya ang gumawa non sayo kasi siya ang dahilan kung bakit magulo yung buhay mo ngayon at kung bakit ka nasasaktan ng ganyan? Hindi ba dapat siya ang mag sorry sayo kasi sinaktan ka niya! Walang imik na galit na tinapik ni Hyun yung kamay niya tsaka ito tumalikod pero mabilis lang din siyang sinundan ni Miriam at hinawakan sa braso .. "ANO BAA!!!" Sigaw niya kasabay non ang marahas na pagharap niya dito at pagtapik niya sa kamay nito na siyang nasubsob sa harap niya ng masampiga niya ito ng malakas.. "Wag mo kong hahawakan!! Magsama kayo ni Jae!! Parehas kayong basura at walang kwenta!!!" Galit niyang sabi na parang walang pakialam kung nasaktan niyang pisikal yung asawa niya tsaka muling tinalikuran ito pero agad lang ding tumayo si Miriam dahilan para magulantang ako ng makita ko yung nagdurugo niyang labi at namumula niyang pisnge sa ginawa ni Hyun.. Lalapitan ko sana siya para pigilan sa paghabol niya kay Hyun pero bigla niya itong hinila pasandal sa pader at pwersahang hinalikan sa labi kasabay non ang sunod sunod na pagtulo ng luha niya na sa wakas sa kauna unahang pagkakataon ay nasilayan ko rin pero hindi ko maiwasang masaktan dahil tila bawat patak non ay matinding pighati yung katumbas .. Sinubukang kumawala ni Hyun sa kanya pero parang tila mas malakas siya dito dahil nagawa niyang ilagay yung braso niya dibdib ni Hyun at diniin niya yon kasabay rin ng pagdiin ng halik niya dito .. Ano bang ginagawa mo Miriam? Hyun POV Halos madurog yung damdamin ko habang nakita ko yung sunod sunod na pagtulo ng luha ni Miriam habang nakahalik ito sa labi ko at nakatitig sa kanya .. Gusto kong kumawala sa ginagawa niya pero hindi ko magawa dahil napako na ko sa pagkakatitig sa mga luha niyang tila ramdam ko yung matinding sakit sa pagtulo .. Unang beses ko siyang nakitang umiyak ng ganyan simula ng mawala si Aeri at parang ang sakit sakit non.. Bakit? Bakit niya ginagawa to? Bakit ngayon pa? Kung kaylan ayoko na! Sawa na ko! Pagod na ko! Marahan siyang bumitiw sa labi ko tsaka siya yumuko habang tuloy tuloy parin yung pag tulo nang luha niya na para bang wala na iyong katapusan at punong puno yon ng pighati sa bawat paghikbi niya.. Napapikit lang akong hinawakan yung kamay niya at yumukong inalis yung braso niya na nasa dibdib ko tsaka binaba yon .. "Mabuti pang tigilan na natin to! Mag hiwalay na tayo! Pagod na ko at ayoko na! Ayoko nang makita ka kahit kaylan! Tapusin na natin to!" Malamig kong sabi pero lalo lang tumintindi yung paghikbi niya at humigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko .. Parang awa muna Miriam! Wag mong gawin to! Nasasaktan ako! Tumango tango lang siya at pilit pinigilan yung paghikbi niya tsaka siya tumingin sakin at ngumiti .. "G-Ganon ba? S-Sige! T-Tapusin na natin to Hyun! P-Pinapala--- Natigalan niyang sabi tsaka yumuko ng muling tumintindi yung paghikbi niya.. "Maraming salamat sa lahat Hyun! Salamat sa pagtuturo sakin kung paano mag mahal at maging masaya ulit! Salamat kasi naging masaya akong kasama ka sa maikling panahon! Salamat sa pagtuturo sakin kung paano magmahal ng totoo at kung paano ka mahalin! M-Masaya akong nakilala ka! M-masaya akong naging parte ka ng buhay ko sa maikling panahon! Salamat sa pagpaparanas sakin ng mala-fairytale ng pag ibig at walang katumbas na pagmamahal! Patawarin mo ko kung hindi ko nasuklian at napantayan yon ng katulad ng sayo! Patawarin mo ko sa mga pagkukulang ko! Patawarin mo ko maha-- "Hindi na kita mahal at mas magandang pang dumistansya na tayo sa isa't isa! Umpisa palang niloloko na natin yung sarili natin! Lalo na ako! Niloloko yung sarili ko sa isang pagmamahal na kasinungalingan lang! Wala na si Aeri! Wala ng dahilan para ipagpatuloy natin to! Makakalaya kana Miriam! Pinapalaya na kita!" Ani ko tsaka ko muling yumuko dahil bigla ko ng naramdaman yung pagtulo ng mga trydor kong luha .. Muli lang siyang tumango at nginitian ako tsaka lumayo sakin .. "Maraming salamat Hyun! Makakaasa ka! Makakaasa kang ito na yung huli nating pagkikita! Makakatakas kana sa lahat ng sakit na ako yung dahilan! Patawarin mo ko! M-makakalaya kana! P-Pinapalaya na kita! Pinapalaya na kita Hyun! Maha--- Nahinto niyang muling sabi habang ako ay hindi na nakaimik na nilagpasan siya dahil kung iimik pa ko lalo lang titindi yung sakit na nararamdaman ko .. Dere-deretso akong naglakad papalayo sa kanya pero narinig ko pa yung huli niyang sinabi .. "Mahal na mahal kita Hyun! Mahal na mahal kita!" Salitang matagal ko ng gustong marinig pero hindi ko alam kung dapat ko pang gustuhin marinig ngayon dahil wala na kong iba pang maramdaman kundi sakit at hindi ko alam kung dapat ko pang paniwalaan dahil huli na! Huli na para marinig ko yon sa kanya! Pagod na ko! Pagod na kong mahalin siya! Ayoko na! Ayoko nang masaktan pa! Nakakapagod at nakakasawa na .. ******************* A/N: Sinong kaylangan ng tissue? Hahahahahahaha....
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ok isso foi incrível bro
15/03/2025
0Nice story
10/11/2024
0thank you
07/09/2024
0Tingnan Lahat