logo text

Chapter 42

Jun POV
Nasa field ako nakatanaw sa mga babaeng nag lalaro nang baseball for tournament habang iniisip ko si Hyun at Yoonha ..
Nabalitaan kong sila na ulit at nakita kong mag kahawak kamay silang pumasok sa school ..
Nabalitaan ko rin na alam na ni Miriam yung tungkol ko don kaya hindi ko rin maiwasang hindi mag isip para sa kanya ..
Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Ano kayang iniisip niya?
Ano kayang pumasok sa isip ni Hyun para gawin ang bagay na yon sa asawa niya?
Hindi man lang ba siya nag iisip na mas kaylangan siya nito at dapat mas nanatili siya sa tabi nito dahil kung mas nasaktan siya hindi niya ba naisip na mas lalo yung asawa?
Baka naman iniisip niya na walang pakialam si Miriam kasi sobrang cold at hindi ito showy sa mga emosyon niya maging sa reaksyon niya?
Hindi ba dapat alam niyang yon kasi siya ang asawa nito? Hindi ba dapat siya ang mas nakakilala kay Miriam kasi pinakasalan niya to?
Hindi ba niya alam na mas nakakatakot yung behavior na pinapakita ng asawa niya dahil hindi man lang to umiiyak o nag sasalita! Walang nakakabasa ng iniisip nito o nararamdaman!
Hindi niya ba alam na mukha lang emotionless yung asawa niya pero lagi itong tulala at wala sa sarili dahil humaharap ito sa severe depression?
Hindi niya ba naisip na baka dumating sa puntong makagawa si Miriam ng bagay na pagsisihan niya dahil lang sa matinding lungkot at emosyon na kinikimkim nito? Hindi niya ba naisip yon?
HINDI NIYA NAIISIP YON KASI BOBO SIYA! NATURINGANG NAG AARAL MAGING DOCTOR NAPAKA BOBO ANG POTANGINA! HINDI NA KO MAGTATAKA KUNG BAKIT ILANG BESES SIYANG BUMAGSAK SA MED COURSE AT TINANGGIHAN YON KASI PAKABOBO NIYA! BOBO! PINAKABOBONG NILALANG NA NAKILALA KO! PAKABOBO TALAGA! TANGA PA!
OO OBIVOUS NA GALIT AKO DIBA! FIANCE KO KAYA SI YOONHA TAPOS SILA? KUNG HINDI SIYA ISANG KALAHATING DRUM NA TANGA AT BOBO HINDI NIYA GAGAWIN YON! PAG MAMAY ARI KO SI YOON EH!
Pero sabagay inagaw ko lang din kasi si Yoonha sa kanya kaya siguro kwits na kami ..
Pero hindi si Yoonha ang concern ko ngayon .. Wala akong pakialam sa kanya!
Kay Miriam! Kay Miriam ako may paki dahil alam kong sa lahat nang nangyari alam kong sya ang mas apektado ..
Hayyyy punyeta nakukunsensya nako .. Sisipain ko talaga pabalik ng korea si Yoonha pag may nangyaring hindi maganda kay Miriam silang dalawa ni Hyun!
Tumayo ako sa bench na kinauupuan ko saka ko nag lakad para umalis na nang makita ko si Miriam na nakayukong nag lalakad ..
Tulad nang inaasahan ko walang emosyong mababakas sa muka niya pero halata mo sa mga mata niya yung lungkot pero hindi ko naiwasang magtaka ng mapansin kong tila namumutla siya at nakahawak siya sa tyan na para bang may iniinda sya don.
"Hoyyyy waittttttt!!" Sigaw nung isang player dahilan para mabaling yung atensyon ko sa kanila at mabilis na tumakbo papalapit kay Miriam ng makita kong tatamaan siya ng bola ng baseball ..
Agad ko siyang hinila at kinulong sa bisig ko para iiwas nang bigla akong maoutbalance at parehas kaming natumba..
Nakita kong tumama yung bola sa pader ng building malapit kung nasan kami nakapwesto ngayon pero nag aalalang tumingin sa kanya na nakasandal sa dibdib ko at mabilis na nagsalubong yung kilay ko sa pagtataka ng may maramdaman akong mainit na likidong umaagos sa kamay ko at nakita kong may bola ng baseball na gumulong sa harap ko dahilan para mapagtanto kong nababalot na dugo niya yung kamay ko ..
WTF? Anong nangyari? Hindi ba naiiwas ko siya?
"S-Sorry po!" Pag papaumanhin nung player na nag aalalang lumapit samin pero hindi ko siya pinansin at natataranta na kong hinawakan si Miriam sa balikat saka ko siya niyugyog..
"G-Gumising ka! M-Miriam?" Singhal ko saka ko mabilis na tumayo para buhatin siya at halos lalong tumindi yung pag aalala ko ng makita ko yung napakarami niyang pasa at sugat maging yung napakaruming uniform niya ...
Nangyari sa babaeng to? Saang gera sumabak to? Bat ganto itsura nito?
"A-ano pong nangyari?! O-Okay lang po ba kayo? H-Hala si Ms. Miriam pala yan!" Nag aalalang sambit nung isang estudyante.. Hindi naman ako umimik at dali dali ko siyang dinala sa clinic habang ramdam ko yung galit ko ng mapagtanto ko kung bakit ganon yung itsura niya ..
Yoon Yoonha ~Mashado ka ng nawiwili sa kapilyahan mo! Mashado na kong natutuwa sa'yo!
Yoonha POV
"Hahahaha!! Yung itsura niya kanina grabbeee Yoonha."
"Bagay siya don sa basurahang pinag tapunan natin sa kanya."
"She look like a beggar! Beggar na dapat lang na nasa basurahan kasi mukha naman siyang basura!" Natatawa kong sabi saka ko sumimsim ng kape ... Nasa isang coffee shop kami malapit sa Hanyang at don namin napiling mag palipas muna since wala pa naman kaming klase ..
"Yoonha? I have a good news!" Ani Sera pag dating niya naupo siya sa harap ko at hinubad yung baseball gloves niya ..
"Tinamaan ko siya kanina, and guess what nasa clinic siya ngayon! Luckily walang nakakita o nakahalatang iba yung nakatama sa kanya ng bola dahil akala ng mga nakakita ay galing yon don sa mga student na humampas ng bolang nakaserve hindi nila alam may iba pang bolang tatama sa kanya out from nowhere." Tuwang tuwa niyang sabi napangiti naman ako at natawa lang ..
"Napakagaling mo talaga Sera, You are a good baseball player."
"Ako pa! MVP kaya to!" Biro niya dahilan para mas mag tawanan kami ..
"Kaso iniligtas siya ni Jun eh! At si Jun pa mismo ang nagdala sa kanya sa clinic? Hindi ba kayo parin ni Jun? Paano mo napagsasabay si Jun at Hyun. Angas mo girl ah! Two Timer ka ah!" Biro niya dahilan para sarkastiko ko siyang ngitian ..
"Wala na kong pakilam kay Jun wala na siyang silbi sakin!" Simpleng sagot ko ..
"Paano si Hyun? Paano pag nalaman ni Hyun yung mga ginawa mo sa asawa niya? Yung pambubully natin kay Miriam? Hindi ka ba natatakot magalit ulit si Hyun sayo?!" Dugtong niya pa..
"Wala nang pakialam si Hyun sa kanya! Kaya okay lang kahit anong gawin natin sa basurang yon! Kahit ilang beses ninyo saktan at ibully wala ng pakialam si Hyun sa kanya! Nasakin na ulit si Hyun kaya kaylangan na natin siyang idispatya!"
"Nakssss!! Yan ang gusto namin sayo ehh hindi ka nag papatalo eh! Nilalampaso mo talaga sa huli ang kaaway mo! ikaw na! Ikaw na ang bida! Sayo na ang korona!"
"Well!" Confident kong sagot pero natigilan ako ng makita kong pumasok ng Coffeeshop si Jun at tila nang gagalaiti sa galit na lumapit sakin at walang sabi sabing hinaltak ako patayo sa kinauupuan ko..
"Ano Ba! Nasasaktan ako!" Singhal ko saka ko siya marahas na pinabitiw sakin ..
"Masasaktan ka talaga pag hindi mo sinasabi sakin anong ginawa mo kay Miriam!!!!!" Bulyaw na halos lahat ng tao sa Coffeeshop ay nasamin na yung atensyon.. Agad naman akong umiwas ng tingin ng magflashback sakin yung ginawa namin kay Miriam kanina sa likod ng Hanyang ..
****Flashback—
"Yoonha?" Nakangiting bungad sakin ng mga kaibigan ko habang dala dala nila si Miriam na siyang itinulak nila sa harap ko .. Napangiting akong nagbaba ng tingin sa kanya ng masubsob siya sa harap ko tsaka ko yumuko para magpantay kaming dalawa..
"Hello?!" Bati ko sa kanya na pero nakayuko lang siya at walang imik na para bang hindi ako narinig ..
"Ohh? Why so serious naman?? Hindi ka ba natuwa sa surprise namin ni Hyun sayo kanina?" Ani ko dahilan para mag angat siya nang tingin sakin at nakita kong mahigpit na hawak niya sa dulo ng uniform niya ..
"Sabi ko naman sayo ehh? Babawiin ko si Hyun sayo! Ikaw lang kasi mashado kang mayabang! So Kamusta naman? Anong pakiramdam na nakita mo yung asawa mo at yung ex niya na sweet na sweet na mag kasama?! Exciting ba?!" Pilya kong tanong yumuko naman siya at bumuntong hininga lang kaya deretso akong tumayo at ngumiti sa mga kaibigan ko ..
"Mukhang wala na kong aasahang sagot sa kanya kasi feeling ko naman natuwa siya sa surprise namin ni Hyun sa kanya! Feel free to play with her! Masaya siyang kalaro? Hindi ba Miriam?!" Pilya kong sabi tsaka ko tumingin sa kanya at piniga yung mukha niya para iharap sakin ..
"Makipaglaro kayo sa kanya hanggang sa malaman nya kung sino yung hinamon niyang makipaglaro sa kanya at kung sino yung kilaban niya! Gusto kong ipaalam nyo sa kanya kung sino yung nag wagi sa laro naming dalawa! Gusto kong malaman niya kung sino yung loser saming dalawa!" Sarkastiko kong sabi tsaka ko ngumiti sa kanya at marahas siyang binitiwan para lagpasan at iwan siya sa mga kaibigan kong excited paglaruan siya ..
"Hindi ko alam kung tanga ka o bobo ka o baka naman parehas yon na nasayo? Maganda ka lang pero ikaw na ata yung pinakatangang taong nakilala ko! Sino bang asawa ang matutuwa kung makita niya ang kabiyak niya na kasama yung ex nito na tinapon na niya .. mag kahawak kamay at sweet na sweet! Basurero pala talaga si Hyun. Akala ko hind na siya dumadampot ng basurang tinapon niya, yon pala napakagaling niyang mag recycle. Bagay kayong dalawa isang basura at basurero. At hindi malagkakailang basura din ang relasyon nyo nakakadiri kayong tignan! Lalo kana desperada, Well gawin mo kung anong gusto mong gawin kayong dalawa ni Hyun wala akong pakilam pero ipaalala ko lang sayo na yung lalaking kasama mo at inaangkin mo ngayon PAG MAMAY ARI KO! Kasal sakin si Hyun at hinding hindi ko bibitiwan yon! Ikaw man ang piliin niya hanggang kabit ka lang at kahit kaylan ang kabit laging pangalawa walang karapatan!" Narinig kong sabi niya kaya naman hindi ko napigilang iyukom ang kamay ko saka ko siya binalikan at sinampal ..
Halos hindi ko na napigilan yung sarili kong pagsasabunutan at paulit ulit pa siyang sampalin sa galit ko.
"Kabit? Pwes ang kabit na to ang magtatapon sayo at sisiguraduhin kong magiging pag una! At ikaw! Ikaw sisiguraduhin kong mawawala ka sa landas ko at si Hyun mismo ang gagawa non para sakin!"
"Tulad ba nang pag kawala ni Aeri?!" Tanong niya dahilan para matigilan ako at hindi makaimik ..
S-Si Aeri? Ma-may alam ba siya?
Agad akong umiwas nang tingin at tumingin ako sa mga kaibigan ko ..
"Pahirapan nyo siya! Wag kayong titigil hanggat hindi niya nalalaman kung sino ang kinalaban niya!" Galit kong sabi saka ko nag lakad paalis ..
H-Hindi! Hindi pwede? May alam ba siya? Alam niya bang ako yung driver nung kotseng sumagasa sa anak nila ni Hyun.
Hindi?? Paano ..
Hindi Yoonha! Wag kang paranoid! Tinted yung salamin ng kotse mo kaya paano niya malalaman at makikitang ikaw yung driver non! Imposible!
End of flashback------
"A-anong ginawa?!" Pag mamaang maangan ko ..
"WAG MO KONG GAWING TANGA!" Sigaw ni jun na muli akong hinaltak papalapit sa kanya at binigyan ako ng masamang tingin ..
"May mangyari lang na masama sa kanya! Sinisigurado kong pagsisihan mong bumalik ka dito sa pilipinas para lang sa walang kwentang Hyun na yon! Ako ang makakalaban mo pag napahamak siya ng dahil lang sa kabaliwan mo! Ninyo ni Hyun! Wag mo kong hamunin Yoonha! Namumuro ka na sakin!? Pinag bibigyan lang kita sa kabaliwan mo dahil mahal kita pero pag talagang umabot sa puntong napamahak siya ng dahil sayo! Sisirain kita tandaan mo yan! Sisirain ko yung carrer na meron ka! Ako mismo ang sisira sayo! Ako ang bumuo sayo Yoonha! Ako ang dumampot sa isang basurang tulad mo kaya hindi ako magdadalawang isip na itapon ka isang maling galaw mo lang! Ako mismo ang mag papabagsak sayo!!" Pag babanta niya saka ko marahas na tinulak dahilan para masubsob ako sa kinauupuan ko kanina mabuti na lang at naalalayan ako ng mga kaibigan ko kaya hindi ako mashadong nasaktan .. Agad ko siyang binigyan ng masamang tingin ng mabilis siyang tumalikod at lumabas ng coffee shop..
"Ahhhhh!!!" Sigaw ko saka ko hinawi yung mga gamit na nasa table namin dahil sa inis ko ..
Ano bang meron ang babaeng yan at lahat kayo kating kating protektahan siya?
Ano bang meron siya na wala ako at lahat kayo ay tila humaling na humaling sa basurang yon ..
Bakit ba mashado kayong concern sa kanya .. Wala naman siyang kwenta ..
Jun POV
Pag tapos ng nakakabwesit na eksenang iyon namin ni Yoonha sa Coffeeshop ay bumalik ako sa clinic para alamin yung kalagayan ni Miriam ..
Naabutan ko siyang mahimbing pa rin sa pagkakatulog at mukhang wala paring malay kaya naman dere-deretso akong lumapit sa kanya ng salubungin ako ni Nashlee .. Senior School Doctor dito sa Hanyang ..
"Kamusta na siya?" Agad kong tanong ..
"So far okay na naman hindi naman malala yung sugat niya yon nga lang sa ulo kasi kaya medyo madugo! Kaylangan niya lang ng konting pahinga! Magreresita na rin ako ng mild lang na pain reliever, Anyway tinawagan ko na nga pala si Hyun at sinabi yung nangyari .." Aniya Sagot niya malalim naman akong napabuntong hininga dahil tila nag init yung dugo ko ng sabihin niyang pinaalam niya kay Hyun yung nangyari ..
"Anong sabi niya?!"
"Ahh Hindi daw siya makakapunta kasi busy sya."
Wala siyang kwenta kamo~ Pakssshit siya!
"Anyway Jun. Since andito kana, Maiwan muna kita kukunin ko yung mga vitamins na nirequest ko sa pharmacy para sa kanila ng baby niya. Baka kasi maya maya magising siya tas magkikilos agad! Aguy! Baka mapahamak yung baby medyo maselan pa naman mag bubuntis niya."
"B-Baby? B-Buntis siya?" Nagulat kong sambit na nilingon siya, Nakanguso naman siyang tumango habang nakatitig kay Miriam ..
"Oum? 2 months na. Kaya nga gusto kong makausap si Hyun tungkol don kaso busy siya kaya kay Miriam ko na lang sasabihin, Masasabi din naman niya yon sa asawa niya pag nagkita sila diba?" Aniya hindi naman nakaimik at napatitig na lang ako kay Miriam ..
"Maiwan ko muna siya saglit ha!" Paalam ni Nashlee na lumabas na ng clinic ..
Naiwan at nanatili naman akong nakatitig kay Miriam saka ko yumuko at umiling at tumalikod para sana lumabas muna at makapag isip isip ng bigla kong maramdaman na hinawakan niya yung kamay ko ..
G-Gising na siya?
Agad akong humarap sa kanya para alamin yung lagay niya .. Dahan dahan naman siyang dumilat at tumingin sakin habang ako ay nag aalalang inalalayan siya ng bigla siyang bumangon ..
"Dahan dahan naman." Singhal ko pero hindi ko naiwasang mapatitig sa kamay naming dalawa ng mapansin kong magkahawak yon at nag angat ng tingin sa kanya ng mapansin ko ding nakatingin siya sakin ..
Halos huminto yung mundo ko ng mapagmasdan ko yung mga mata niya na nakatitig sakin na para bang punong puno iyon ng takot at pagsusumamo ..
Kingina! Bakit naman naman yung ekpresyon niya kung makatingin sakin? Bigla na naman akong nakunsensya dahil nagpapakamartir at hinanayaan ko si Yoonha na saktan siya! Nakakatanga talaga ang pag ibig! Bwesit!
Umiwas ako nang tingin saka ko lumayo at binitiwan yung kamay niya ..
"Ma-mag pahinga ka muna!" Naiilang kong sabi .. Yumuko naman siya at bumaba sa kama ..
"Salamat sa tulong mo pero pwede ko bang kapalan yung muka ko para humiling pa nang isang pabor sayo?!" Walang emosyon niyang sabi pero halata sa tono niya yung pakikisuyo kaya naman salubong yung kilay kong tinignan siya ..
"Wag sana makarating kay Hyun yung tungkol sa pag bubuntis ko! Ayokong malaman niya ang tungkol dito." Deretso niyang sabi saka ko ngitian at dere-deretsong naglakad palabas ng clinic ..
Nag aalala at naguguluhan naman akong sinundan siya ng tingin at napapaisip sa gusto niyang mang-yari ..
Wag makarating kay Hyun na buntis siya? Ba-bakit? Matagal na ba niyang alam na buntis siya pero??—
Aiiissshhhii~
Agad ako siyang sinundan at inis akong hinawakan yung kamay niya dahilan para mapaharap siya sakin at walang emosyon akong tinignan ..
Napakawalang kwenta niya talaga tumingin kaya tuloy akala ng marami wala siyang emosyon at pakialam eh kasi palagi siyang blanko kung tumingin ..
"Ano bang sinasabi mo? Bakit ayaw mong sabihin kay Hyun yung totoo? Matagal muna bang alam to?!" Sunod sunod na tanong ko habang nag aantay nang sagot niya pero ..
"Miriam!" Biglang dumating si Jae na hingal na hingal na huminto sa harap namin kaya wala akong nagawa kundi ang bitiwan siya at bumaling kay Jae na hinawakan yung mukha niya at halata sa mukha nito yung pag aalala ..
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?? Bakit kasi bigla kang nawala kanina? Miriam naman? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo! Bakit ba pinag aalala mo ko ng ganto?" Nanlulumong sermon ni Jae sa kanya pero nanatili lang siyang walang imik at bumuntong hiningang yumuko..
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil napansin ko yung malungkot na awra ng mukha niya pagyuko niya pero natigilan ako ng makita ko si Hyun nakatanaw sa kanya hindi kalayuan ..
Nasa likuran nila ito kaya naman hindi nila ito napansin ..
Halata din yung matinding pag aalalala sa mukha ni Hyun habang nakatitig sa asawa pero kitang kita ko kung paano mariin na nagyukom ang mga kamay nito ng mabaling yung tingin niya kay Jae na sobra yung concern at pag aalala sa asawa niya ..
Kita sa mukha nito yung matinding selos kaya hindi ko naiwasang lihim na napangiti na lang ..
"Asan si Nashlee?" Tanong ni Jae pero hinawakan lang ni Miriam yung kamay niya at hinila siya paalis ..
Pinanuod ko silang dalawa na palayo sa harap ko pero biglang huminto si Miriam nang makita niya si Hyun na napalitan ng masamang tingin yung pag aalala niya kanina tsaka naglakad paalis..
Bumuntong hininga naman si Miriam na sinundan lang siya ng tingin tsaka bumitiw sa kamay ni Jae at yumuko ..
***********************

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    BenevidesGuilherme

    ok isso foi incrível bro

    15/03/2025

      0
  • avatar
    Bebz Ambida

    Nice story

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Trh Jungwon

    thank you

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata