Miam POV Lumipas ang ilang buwan .. Huhuhu! Tinatamad akooo T^T Wala akong ganang bumaba sa dinning pag gising ko at naupo ako sa harap nang lamesa sabay tumango.. "Good Morning!" Bati sakin ni Hyun pero hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong nakatungo sa lamesa .. Masama kasi pakiramdam ko ehh .. Para akong nasusuka na ewan pero parang may gusto akong kainin na hindi ko alam kung ano.. Nac-crave ako for something na hindi ko naman alam kung aano .. Basta gusto kong kumain pero hindi ko alam kung anong gusto kong kainin? Gets nyo ba? Hindi? Ako rin eh .. Ilang linggo na kong ganto, Hindi ko alam anong nangyayari sakin .. "Kain na!" Aya niya matapos maglapag ng pagkain sa harap ko at naupo sa tabi ko .. "Oh? Bakit parang hindi ata maganda gising mo? May problema ba? Masama ba pakiramdam mo? Are you okay?" Nag aalalang tanong niya at hinipo yung noo ko para suriin kung may sakit ako.. "Pwede bang wag muna tayong pumasok? Kahit ngayon lang?" Lamnyang lamnya kong sabi tsaka ko umalis sa pagkakatungo ko at sumandal sa balikat niya ... "Bakit? Eh diba sabi mo may midterm quiz ka?" Aniya habang hinahaplos yung buhok ko at bigla niyang pinisil yung braso ko na medyo ikinagulat ko.. Anak ng~ "Mmmn~Ang taba mo naaa!" Nang gigil niyang sabi na siya namang kinairita ko at mabilis kong tinapik yung kamay niya sabay tinulak siya palayo sakin at sinampal .. "Arayyy!!!! Bakit?" Gulat niyang sabi habang nakahawak sa pisnge niya dahil sa ginawa ko .. Inis naman akong pinaghahampas siya sa braso "Nakakainis kaaaang bwesit kaaaaa!!!" "Araay araay!!! Bakit ba! Inaano ba kita?!" Singhal niya habang sinasalag yung hampas ko sa kanya, Padabog naman akong tinulak siya at tumayo .. "Magbreakfast ka mag isa mo!" Singhal ko na mabilis tumalikod sa kanya pero agad niya kong pinigilan at tumayo sa kinauupuan niya .. "Miriam naman?" Pag susumamo nang tono niya pero iritable ko lang siyang pinabitiw sakin .. "Wag mo ko ma-Miriam! Miriam dyan! Nabubuwesit ako sayo!" "Ano bang ginawa ko? Bakit bigla kang nagkakaganyan?" Tila nauubusan na niya ng pasensyang sabi, Pinagsalubong ko naman yung brasong umirap sa kanya .. "Oh tapos inaaway mo ko?!" "Ano? Hindi nag sasabi lang ako.. Ang weird mo kasi eh.." "Ayaw ko makita yang pagmumukha mo!" "Ano? Lintik na yan!" "Tas ngayon minumura mo ko?!! Ayos ka ah!!" Galit kong sabi na siyang tila kinataranta niya . "Ha?? Hindi ah!" "Tapos sinabihan mo pa kong weird!!!" "Eh kasi naman Nakakagulat ka bigla bigla kang nagagalit! Ilang linggo ka nang ganyan? Bigla biglang naiinis tas nagagalit sakin kahit wala naman akong ginagawa! Para kang naglilihi! Napakamoody mo! Magpapalambing ka tas mamaya bigla kang magagalit? Ano bang nangyayari sayo? Hindi na kita maintindihan! Buntis ka ba?" Reklamo niya saglit naman akong natigilan at napaisip .. A-Ako buntis? H-Hindi~ Imposible! Tinignan ko lang siya ng masama tsaka ko siya malakas na binatukan .. "Ang lakas mo kasing mang asar!!" Singhal ko tsaka ko tumalikod at padabog na nag lakad pabalik nang kwarto .. Tss! Nakakairita! Tama bang asarin na naman niya ko at sabihing mataba? Akala niya ba di nakakaoffend sakin yon? Napapangetan na nga ako sa sarili ko these following days tapos ganyan pa siya! Nakakairita! Ang sama talaga ng ugali! Napakapilyo! Bwesit! Nakakabwesit yung pagmumukha niya! Nakakairita! Ayoko siyang makita! Nag iinit yung dugo ko sa kanya! Pakiramdam ko pag nandyan siya nasisira yung mood ko lalo na pagbumuka yung bibig niya! Wala akong marinig na magandang sasabihin niya kundi pang aasar! ************* Matapos ang ilang oras na pag iinarte ko .. Duh? Alam ko sa sarili ko na ang arti ko ngayon at yon yung hindi ko maintindihan, Bakit napapadalas yung pagiging maarte ko.. Eh hindi naman ako ganon at lalong hindi ako pabebe! Nakakairita! Nakabusangot akong naglalakad sa hallway mag isa .. Iniwan ko si Hyun! Nakakabwesit eh! Wala pa man siyang ginagawa pero naiirita na ko sa kanya! Makita ko lang yung mukha niya naiinis na talaga ako at umiinit na yung dugo ko sa di ko malamang dahilan para bang pag nakita ko siya sirang sira na yung araw ko .. Napakapanget niya sa paningin ko ngayon parang pag nakita ko siya wala siyang magandang dulot sakin! Panget niya! Letche! Pero teka! Kanina pa masakit yung tyan ko! Para akong sinisikmura! Kanina ko pa gusto kumain ng maasim! Kanina pa ako natatakam sa mangga saan ba ko makakabili non! Gusto kumain non T^T "Hi Noona!" Bati sakin nang isang batang makulit pag lapit niya sakin at sinabayan ako sa pag lalakad .. Pero agad akong tinakpan yung ilong ko ng maamoy yung napakatapang na aamoy ng pabango niya .. Ambaho mashadong matapang yung amoy nakakasuka.. "Parang tumataba ka Noona!" Ani niya gusto ko sana siyang batukan dahil biglang nag init yung dugo ko sa sinabi niya .. Bwesit! Pati ba naman siya yon yung napansin? Ang pagtaba ko? K*ng*na isa pa siya para siyang si Hyun! Kung ano anong napapansin! Binigyan ko lang sya ng iritableng tingin habang takip takip ko pa rin yung ilong ko ng kamay ko .. "Pabango mo ba yon?" Tanong ko sa kanya .. Agad naman niya inamoy yung sarili nya at ngumiti sakin .. "Oo Noona bakit mabango?" Tanong niya,Umiling naman ako at biglang tumabi sa pinakamalapit sa basura ng hindi ko na pigilan yung pagduduwal ko .. "Noona?" Nag aalala niyang tono tsaka ko naramdaman na hinawakan niya ko sa balikat pero pilit ko siyang pinalayo sakin dahil para talaga babaliktad yung sikmura ko sa amoy niya.. Ahh grabe! Bakit ganon yung pabango niya nakakapang hina yung amoy pakiramdam ko para akong nasa bumabyahe ng malayo tas para akong walang lakas na hilong hilo.. "Miriam!" Narinig kong sambit ni Hyun paglapit niya sakin at agad akong inalalayan .. Kumuha naman ako ng tissue sa bag ko at tinakip sa bibig ko dahil nasa tabi ko pa rin si Soobin tsaka ko hinawakan yung sikmura ko kasi mas tumindi yung pananakit niya at pangangasim.. Mukhang hindi talaga maganda yung lagay ng tyan ko ngayon kahit yung pakiramdam ko parang sobrang sensetive ko naman ata para manghina ng ganto sa amoy lang ng pabango ni Soobin .. "Okay ka lang?" Tanong sakin ni Hyun tsaka bumaling kay Soobin .. "Anong nangyari?" "Ewan ko nag uusap lang kami tas bigla na lang siyang nag ganyan! Okay ka lang ba Noona?" Tanong rin ni Soobin sakin na siyang sinagot ko ng tango .. "Oo ayos lang! May nakain lang ata akong hindi kasundo ng tyan ko! Pasensya na!" Paliwanag ko pero hinihimas ko pa rin yung tyan ko .. "Ahh!! Akala ko buntis ka ehh! Kasi minsan ganyan ang buntis ehh! Bigla biglang duduwal pag may naamoy o natikman silang hindi kasundo ng sense nila! Bigla ka kasing nagtanong sa pabango ko tas nagkaganyan kana! Kaya naisip ko baka buntis ka!" Nakanguso niyang sabi .. Umiwas naman ako nang tingin ng mapansin yung nagtatakang titig sakin ni Hyun.. "A-ahh? Pumasok na tayo! May Quiz pa ako sa first subject ..." Aya ko sa kanya tsaka ko naunang maglakad at iniwan sila habang hawak hawak ko pa rin yung tyan ko ... Naduduwal padin ako at medyo nahihilo .. Jusme ilang araw na kong ganto .. Ilang linggo ko na rin nararanasan yung pasulpot sulpot na gantong pakiramdam .. Kaylangan ko na ata mag pacheck up baka may sakit na ko .. Pero paano kung tama si Hyun at Soobin? Paano nga kung buntis ako?? Paano nga kung may baby yung tyan ko kaya ko nararamdaman yung mga ganto bagay or pakiramdam? Ahhh! Hindi imposible! Napag usapan na namin ni Hyun na pagkagraduate namin tsaka kami magkakababy .. Pero may nangyari samin ni Hyun isang beses kaya.. Ah~ Hindi impossible talaga! Hindin naman ganon yon agad agad! Wag kang paranoid miriam Okay! Med student ka dapat alam mo to .. Stress ka lang sa school kaya nag kakaganito .. Hindi ka buntis .. Pero paano nga .. Huhuhuhu 😭😭😭😭😭 Kaylangan ko malaman.. ********* Lumabas ako nang banyo habang nakatitig sa pregnancy test na hawak ko ... Napapikit ako at bumuntong hininga sa frustration na nararamdaman pero laking gulat ko nang pag dilat ko sumulpot si Jae sa harap ko .. Agad akong napaatras pero saktong pag atras ko ay natapilok ako at naoutbalance .. "Ohhh!!" Pigil sigaw akong napapikit ulit nang maramdaman kong sinapo niya yung bewang ko dahilan para mapalapit ako sa kanya .. Gulat akong napadilat at tumingin sa kanya na nakatitig din sakin .. Tinapa? Bakit ba bigla bigla na lang to sumusulpot? Jae POV Nakatitig ako sa mga mata niya habang sapo sapo ko siya sa likuran niya at malapit yung mukha namin sa isa't isa.. Sh*bal bakit naman ganto~ Napalunok ako nang aksedenteng bumaba yung tingin ko sa mga labi niya kaya mabilis akong bumaling muli sa mga mata niyang hindi naalis yung tingin sakin .. Wala parin siyang pinag bago? Kung ano parin yung awra niya pamula noong una kaming magkita ay ganon pa rin yon .. Wala paring pinag bago na sa tuwing malapit sya sakin ay nawiwindang ako at nagugulo yung mundo ko na para bang nawawala ako sa wisyo at hindi ko alam yung gagawin ko.. Yung sa tuwing nandyan at nakikita ko palang siya para akong tanga kinakabahan at natataranta sa di ko malamang dahilan .. Mukhang malakas ata talaga ang tama ko sa kanya.. At nalintikan pa kasi siya rin yung babaeng nagustuhan at pinakasalan ng bestfriend ko..
Na parehas kami ng babaeng nagustuhan.. Sayang lang nauna si Hyun sa kanya .. Sayang lang at kay Hyun siya napunta .. Sayang lang at nahuli ako ..((Owww sad yerrn?)) G*g* ayan ka namang owtor ka ang epal mo talaga amp*ta! Maghanap ka ng ng lovelife mo para hindi ka bitter ng ganyan para kang t*nga eh! Moment ng character mo sinisira mo! Sira*lo amp*ta! ((Hahahaha bat ka gigil?)) Tang*na mo kasi! ((Pffftt Hahaha)) Umiwas ako nang tingin at tinulungan siyang umaayos ng tayo .. Halata naman yung pagkailang sa mukha niyang umiwas ng tingin sakin .. "A-ano ba? Bat ka kasi bigla biglang sumusulpot? Pahara hara sa daan.. Magbabanyo ako eh!" Nauutal kong singhal pero natigilan ako ng aksedenteng kong nakita yung pregnancy test na hawak niya .. Ba-bakit meron siya non? Napansin kong lumingon siya sa pinto ng banyong nasa tapat namin .. "Kasalanan ko bang bigla kang sumulpot at mali ka ng napuntahan? Ayon yung banyo ng lalaki oh?!" Malamig niyang sabi tsaka tinuro yung banyo na nasa likuran ko bigla naman akong nakaramdam ng hiya kasi mali nga ko ng pintong nilapitan .. Nakita ko kasi eh at ewan ko ba bakit hinila ako ng mga paa ko papalapit sa kanya .. Para na talaga akong t*nga palala na ng palala to amp! Umiwas lang ako ng tingin tsaka ko pilit kinubli yung hiya ko sa pag yuko .. "S-sorry naman di ko napansin malabo na yung mata ko eh! Papa-eye check up nga dapat ako ngayon kaso bawal umabsent kasi may quiz so mamaya na lang.." palusot ko .. Hindi naman siya umimik at nag kibit balikat lang.. "Mamboboso ka lang eh.." Narinig kong bulong niya .. "H-Hoyy? A-Ano? A-ako mamboboso? K-kapal ng mukha mo mag bintang ah! Di ko gawain yon! Tsaka bat kita bobosohan eh wala naman akong makikita dyan.." "Bat nauutal ka?" Walang gana niyang tanong kaya naman hindi ako nakaimik kasi mashadong malamig yung naging awra ng tingin niya sakin .. Bakit ba ganto to makatingin.. Parang hate na hate niya yung presensya ko.. Inaano ko ba to? Suplada niya lang akong inismiran tsaka siya naglakad paalis sa harap ko .. Wala naman akong nagawa kundi sundan siya ng tsaka ko nag baba nang tingin sa hawak niyang pregnancy test .. "Ho-Hoyy?" Sigaw ko, Lumingon naman siya sakin na siyang kinabalisa ko dahil hindi ko na alam yung sasabihin ko .. Anak ng.. Bat ko ba siya tinawag wala naman ako sasabihin ah.. Hayyyss st*p*d ka talaga Jaehyun! "Co-congrats!" Palusot ko tsaka nahihiyang umiwas nang tingin habang ramdam ko yung pag iinit ng mukha ko sa hiyang nararamdaman ko dahil sa kanya.. Tumingin lang siya sa pregnancy test niya at bumuntong hiningang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad paalis .. Eh? Bat parang dissapointed pa siya sa sinabi ko? Nag congrats ako kasi may hawak siyang pregnancy test tsaka hindi naman impossibleng buntis siya kasi may asawa na siya.. May mali ba don? Mukhang positive naman kasi may line akong nakita .. Di ko lang sure kung 2 lines or hindi .. Kasi pag 2 lines positive pag 1 line lang hindi.. So paano kung 1 line lang yon tas binati ko na siya?? Edi nakakahi---- Aiiishhhhiii?? Para talaga akong sira*lo bat ko ginawa yon eh hindi ko naman alam kung positive o hindi? T*nga Jaehyun Lee.. Hayyysss pakabaliw ko talaga pag dating sa kanya! Nakakabwesit .. 😭
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ok isso foi incrível bro
15/03/2025
0Nice story
10/11/2024
0thank you
07/09/2024
0Tingnan Lahat