logo text

Chapter 16

Hyun POV
Nasa veranda ako nang kwarto ko, Nakatanaw sa malayo kasama si Jaehyun at Mir na Magkasundong naglalaro ng mobile games sa ipad ni Jae habang umiinom kami ng konting alak lang naman ..
"Hoy bata, Di ka papagalitan nang parents mo ha at nakikijoin kana samin ni Hyun sa pag inom? " Singhal na parang Kuya Kuyang umaktong si Jae kay Mir na mukhang minor de edad pa ..
Baby face ~
"Hala hindi na ko bata Kuya Jae! 19 na ko kaya pwede na tsaka kasama ko naman kayo at puro tayo lalaki kaya hindi mag aalala si Mama at Papa sakin kasi wala naman akong mabubuntis sa inyo ni Kuya Hyun! Wag kang ano!"
"Hoy gago! Hahahaha! Angas sumagot ah! Parang si Hyun ah!"
"Wahahahaha Tropa ko ata to! Diba Kuya Hyun?" Aniya ni Mir kinindatan at nginitian lang ko ..Ngumiti lang ako pero napabuntong hininga lang akong yumuko ..
"Hoy anong nangyari sayo parang kanina ka pa tahimik dyan? May problema ba?" May pag aalalang tanong ni Jae na siyang tinapik yung braso ko dahilan para saglit ko siyang tinignan at tumanaw sa mga bituin sa langit ..
"Isip bata ba talaga ako mag isip Jae? Sa tingin mo tama bang magpakasal kami kahit alam kong saming dalawa ako lang naman yung may gusto at siya ay napipilitan lang? Alam kong mali na dinamay ko siya sa magulo kong buhay pero wala eh! Gusto ko talaga siya at gusto kong maramamdaman niya na seryoso ako sa nararamdaman ko! Mahal ko siya Jae! Mahal na mahal! Gusto ko isecured sa kanya yon! Gustong iparamdam sa kanya na seryoso ako at hindi ko siya iiwan tulad nang iba! Ng mga taong umiwan sa kanya pero ang hirap dahil parang kahit anong gawin ko at sabihin ko ay parang hindi niya ko pinaniniwalaan at hindi niya ko kayang pagkatiwalaan!" Malungkot kong sabi ..
"Oum~Bakit may sinabi na naman ba siya sayo para mag isip ka ng ganyan?" Tanong niya, Napapikit naman ako at yumuko ng maalala ko yung mga sinabi niya kanina nung nasa prenup photoshoot kami..
"Pinipilit niyang panandalian lang tong nararamdaman ko at magsasawa rin ako Jae, Na iiwan ko siya pag ayoko, Na mawawala rin ako sa kanya at may hangganan lahat ng to!"
"Hindi nga ba ganon, Hyun?!" Pagseseryoso ng tono niya kaya lalo akong nasaktan at pilit na pinipigilan yung emosyon kong lumingon sa kanya ..
"Hindi yon yung nararamdaman ko, Jae! Hindi yon ang nasa isip ko! Totoo yung nararamdaman ko sa kanya kahit pa napakabilis ng mga pangyayari, Maski ako Jae naguguluhan rin at nagtataka sa sarili ko kasi hindi ko akalaing maiinlove ako ng husto sa isang babaeng unang beses ko lang nameet at panandalian ko pa lang nakilala .. Maski ako hindi makapaniwala sa sarili ko na nabaliw ako sa babaeng one time ko lang nameet sa tren!"
"Sa tingin ko ... Mmmnn ..Nagtagpuan mo kasi siya in the midst of your devastation sa babaeng minahal mo bago siya, Hyun pati sa pressure na binibigay sa'yo ng parents mo! Nakilala mo siya sa panahong broken ka at kaylangan mo ng taong magsasalba sa'yo sa pagiging broken mo, Nag hahanap ka ng taong bubuo sayo kaya hindi na bago na mashadong nagboost yung emosyon mo at bilis kang nafall sa kanya kasi sa tingin mo siya yung magiging comfort zone mo! Lalo na may bagay nakaattract sayo ka kanya in first meet nyo .. Tawag dyan infatuation love!"
"Hindi yon Jae! Hindi infatuation to at hindi ko siya nakikita bilang saviour ko sa kahit ano mang sakit na dulo ni Sera sakin, Iba hindi ko siya nakikita as crush or mapagbabalingan lang ng nararamdaman ko para makalimot sa nakaraan ko, kundi siya yung babaeng gusto kong alagaan at makasama habang buhay! Jaehyunmashadong naging tough yung naging buhay niya gusto ko siyang alagaan, gusto ko siyang ingatan, Gusto kong maramdaman niya na worth it siyang mahalin at alagaan, Gusto ko maramdaman niya kung paano alagaan at pahalagahan!"
"Mashado ng maraming pinagdaanan si Ate na masasakit na bagay, Siguro yon yung dahilan kung bakit naging bato yung puso niya at naging harsh siya para sarili niya, Hindi lang sa sarili niya kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya! Natuto siyang maging self dependent at hindi na rin siya nagtitiwala pa sa mga taong nasa paligid niya kundi sa sarili niya lang! Sarili niya lang yung kinapitan niya kasi natatakot siyang masaktan!" Sabat ni Mir sa seryosong usapan namin ni Jae kaya nabaling yung atensyon namin sa kanya na abala pa rin sa paglalaro niya sa ipad ni Jae habang nakaupo sa couch..
"Hindi naman talaga difficult na tao si Ate! Hindi siya cold o harsh na tao! Katunayan napakasoft niya.. Palangiti, Palabiro at mapagmahal! Pag nagmahal siya halos lahat ng meron siya ibibigay niya kahit pa walang matira sa kanya! Palagi niyang iniisip at inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya kaya ang ending siya ang madalas mawalan at masaktan! Nainlove na din si Ate before at tulad mo sobra din nag effort nung lalaking yon para lang mapasagot siya, Mahal na mahal niya din si Ate at ganon din si Ate sa kanya! Sobrang perpekto na nga ng relasyon nila at kasal na lang yung kulang .. Akala namin sila na yung end game kasi sobrang bait nung lalaki at nakikita naming mahal na mahal niya talaga si Ate katunayan nangangarap na silang dalawa na magpakasal pero biglang nahuli ni Ate na may affair pala sa iba yung lalaking mahal niya at matagal na siyang nilolok! Ang masakit pa sa bestfriend niya kaya sobrang nasaktan si Ate at siya na mismo ang nakipag hiwalay, Kahit masakit sa kanya pinili niyang pakawalan yon at magpa-ubaya sa bestfriend niya! Walang alam don sina Mama at nagsinungaling lang siya na na-fall out of love siya kaya nakipag hiwalay na siya at sa tuwing tatanungin siya ni Mama tungkol sa kanilang dalawa ng bestfriend niya palagi niyang dinadahilang busy siya .. Palaging nagsisinungaling si Ate sa tuwing nasasaktan siya at palagi niyang tinatago yon! Ganon magmahal si Ate, Kuya Hyun! Martir at hindi iniisip yung sarili niya! Sobrang sarap niyang magmahal at kahit kaming pamilya niya.. ramdam kung gano siya kasarap magmahal .. De baling walang matira sa kanya basta makita niyang masaya yung mga taong mahal niya magpapaubaya siya kahit gano kahirap at kasakit sa kanya!" Dugtong niya at binigyan niya ko ng seryosong tingin at ibinaba sa tabi niya yung ipad tsaka tumingin sakin ..
"Kaya kung gusto mo talagang makuha yung pagmamahal at tiwala ni Ate, Mas mag tyaga pa ka Kuya Hyun! Mas mag effort ka pa! Gawin mo lahat para mapalambot siya! Iparamdam mo sa kanya na hindi ka katulad ng unang lalaking minahal niya! Na hindi mo siya iiwan at hindi mo siya sasaktan! Mahirap makuha yung tiwala at pagmamahal niya pero napaka-worth it non pag ibinigay na niya sayo! Sa totoo lang ang swerte mo nga eh kasi binigyan ka na niya ng pagkakataon kaya sana wag mong sayangin yon!" Dugtong niya nagkatinginan naman kami ni Jae at parehas pang salubong ang kilay na nilapitan siya ..
"Woah! Hoy ikaw ang bata bata mo pa ang dami mo nang alam! Patingin nga ng nilalaro mo ano rank muna?! Wow ang angas ah mythic! Kagaling naman ni idol!"
"Arrrgggghhh! Kuya Jae! Ano ba! Wag mo nga guluhin yung buhok ko! Kpop style nga eh! Pinaayos yan nang mama ni Kuya Hyun tas gugulhin mo lang! Ayos ka talaga eh!" Singhal nito kay Jae ng gulhin ng loko yung buhok niya na natawa lang habang ako ay nag iisip sa mga sinabi niya ..
Napakasarap magmahal ni Miriam? Talaga?! Kung ganon pala hindi ko dapat talaga siya sukuan kahit anong tulak niya sakin palayo!
Kahit napakadifficult niyang tao at parang mahirap mahalin dahil sa likod pala ng cold at wala niyang ekpresyon lagi ay nagtatago pala ang mapagmahal at maalagang Miriam Fran!
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganon na lang yung mga sinabi niya sakin kanina, Takot siyang masaktan at maiwan!
Kung ganon lalo niya lang akong binigyan ng dahilan para wag siyang sukuan at mag effort na wag siyang mawala sakin!
Lalo niya lang akong binigyan ng dahilan para mahalin at hangaan siya ng husto!

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    BenevidesGuilherme

    ok isso foi incrível bro

    15/03/2025

      0
  • avatar
    Bebz Ambida

    Nice story

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Trh Jungwon

    thank you

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata