logo text

KABANATA 35

Ilang oras pa ang lumipas ay nagkanya-kanya na sila ng punta sa dagat. Nandito sila ngayon ni Vraid nagkamasid sa mga ito. "Did you enjoy?" tanong nito.
"Oo na nag-i-enjoy na ako tama ka na, kung umuwi pala ako ng bahay baka magmukmuk lang ako dun," she answered na pilit na pinapatigas ang boses in front of him. Yung normal lang na pakikitungo niya rito.
"Hindi ka pa ba maliligo?"
"Maya't maya siguro."
"Sige, I'll go there, sunod ka na lang,"
Umalis naman ito at naglakad palayo sa kanya. "So anu? Nag-confess ka na ba?" Si Vingy na bigla na lang sumulpot sa may likuran niya kaya napalo niya ito ng mahina dala ng pagkagulat.
"E, bakit ako mag-ko-confess?"
"E, kasi nga po ikaw ang may gusto sa kanya, tyaka malay mo naman ma-realiaze niya na ikaw pala ang gusto niya at hindi si Princess, malay mo naman 'di ba?"
She gulped. Parang hindi niya yata kaya. Mamaya niyan ma-reject pa siya since si Princess nga ang gusto nito. Sa unang pagkakaroon nakaramdam siya ng insecurity, sa buong buhay hindi pa siya nakaramdam ng ganito. Ngayon lang at si Vraid pa talaga ang dahilan kung tutuusin mas marami pang mga lalaki ang nakahihigit Kay Vraid ang nanligaw sa kanya, maga mayayaman at bilyonaryo pa. Pero bakit kay Vraid? Bakit sa isang tao pa na hindi siya ang gusto?
Napatigil si Savenna sa malalim ng pag-iisip ng tawagin siya ni Vraid. "Savenna halika dito! 'wag kang magpaka-lonely d'yan! dito ka! let's enjoy this day!"
"Ate tara!" tawag sa kanya ni Kuwayon at kumaway naman ang iba pa para sabihing lumapit siya at pumunta sa kinaroroonan nila. Nakita niyang may hawak itong bola. Marahil ay mag-lalaro sila ng volleyball. Nang hindi pa siya kumilis lumapit sa kanya si Vraid at inaya siya siya palapit sa mga ito.
Tinukso tulo'y sila ng mga tao roon. "Ooooyyy!"
Tanging kiming ngiti na lamang ang itinugon niya sa mga ito. But seriously speaking deep inside kinikilig talaga siya. Pakiramdam niya nga ay nag-init ang magkabilang pisngi niya. Buti na lang hindi siya napansin ng mga ito. At naituon na ang atensyon sa pagsisimula ng laro.
Mga ilang isang oras din bago sila natapos maglaro ng volleyball. Hanggang sa naisipan pa nilang mag-laro ng iba pa. Isa na rito ang paghawak ng sand castle. Kailangan makaggawa sila ng Isang mahandang Sandle castle sa loob ng 25 minutes, three members in each group ang nangyari. Siya, si Vraid at si Save ang magka-team. Natatawa naman siya kay Vraid na mabilis ang pag-iipon ng sand para makabuo ng isang castle. Napatingin rin siya mga kasamahan niya na pabalik-balik sa may dagat para kumuha ng tubig. Kailangan kasing lagyan ng kaunting tubig ang buhangin para medyo tumigas ito.
Hanggang sa siniko siya ni Vraid at ngumiti ng malawak. Na napapangisi na, at bumulong sa kanya. "Gamitin mo yung powers mo para makagawa tayo ng castle, pagandahin mo hah, kapag tumalikod na si Save saka mo gawin, hahaha,"
Wari'y nakuha naman niya ang kalokohan sa isip nito kaya't bago natapos ang Trent's minutos ay nakagawa na sila ng castle. As in napakagandang sand castle. Parang, pang Disney castle talaga!
"Okay! Times up!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nila. At inisa-isa nilang tiningnan ang gawa ng isa't-isa. Narinig pa nga niyang nagtatalo si Ving-Ving at Kuwayon. "Ang sabi ko gumawa tayo ng sand castle hindi sand volcano!" inis na sambit ni Ving-Ving Kay Kuwayon. "'di ba ang sabi ko gamitin mo yung maliit na timba? Bakit hindi mo ginawa? kainis ka naman eh!"
"Inuutusan mo ako?"
Nagtawanan naman ang ibang naroroon dahil sa itsura ng sand castle ng mga ito na mukhang Mayon volcano sa Albay. Sunod naman ang isang grupo ang pinuntahan hanggang sa makarating sa kanila. Natahimik naman ang lahat ng makita sand castle nila. "Wow!" dinig niyang sambit ng mga ito at parang natulala sa sand castle na gawa nila.
"Yeheey! panalo kami! natapos namin ang paggawa ng sand castle namin!" masayang wika ni Save.
"Sand castle ba talaga 'yan?" maayos kasi at pulido ang pagkakahulma eh, aba meron pang maliit na flag sa itaas at may bubong pa?"
Lumayo muna sina Savenna sa mga kasamahan nila. Naglakad siya papunta sa may dalampasigan dahil ayaw niyang malasing ng husto. Pagkatapos kasi ng mga palaro nag-inuman sila ng mga kasamahan niya. Some of them are already lasing na kaya't umalis na siya sa kubo bago pa mangyari yun sa kanya. Ayaw niyang malasing ng husto kasi may trabaho pa sila bukas. Kaya't maglalakad-lakad saglit para makalanghap ng sariwang hangin. She search around habang papunta sa may dalampasigan natanaw niya si Mang William at si Aling Rita. Nakaakbay si Mang William sa asawa at nakayapos naman si Aling Rita sa may beywang nito. Napangiti siya ng malungkot. Naalala niya ang mga magulang nung nabubuhay pa ang mga ito.
Her tears suddenly rolled her cheeks sa sobrang lungkot. Pinahid niya iyon gamit ang mga palad niya. Napatingin siya sa paligid to make sure na walang nakakita sa kanya. Wala naman. Busy naman ang lahat sa loob ng kubo at halatang lasing ng mga ito dahil na rin sa ingay ng video machine sa loob. Lahat gusto ng kumanta. Yung mga bata naman abala rin na pinaglalaroan ang sand castle na ginawa nila kanina. "Savenna!"
Tawag sa kanya ni Vraid so she immediately wipe her tears. "Yes?"
Lumapit naman agad ito sa kanya, "Naiwan mo," sabay pakita nito sa pamaypay niya. Ang wand in disguise niya. Kumunot ang noo nito na napatingin sa kanya. "Umiyak ka ba?"
"Hindi no! ba't+ naman ako iiyak!"
Napatingin ito sa kinaroroonan ng mga magulang nito at napayuko siya. "May sasabihin ka pa ba? sige alis na ako hah," kinuha niya ang wand niya at naglakad palayo rito papunta sa may tabi ng dagat.
"Hey!" pero sinundan pa rin siya nito. At hinaklit ang braso niya. "Ano ba! Okay nga lang ako, 'wag mo na akong sundan!"
"Alam mo kong may problema ka you can lean on me, marunong naman akong makinig eh,"
She breathed out at hinigit niya ng malumanay ang kamay niya sa pagkakahawak nito. "Wala 'to, naalala ko lang yung mga magulang ko." Her lips trembled and she can't explain kasi kusa na lang namuo yung luha sa mga mata niya and suddenly she bit her lower lips to stop it from falling Pero wala eh, no matter how she tried to stop it, kusa na lang images yung luha sa mga mata niya. Lalo na ng lumapit pa sa kanya si Vraid at hinaplos ang balikat niya. And totally embraced her.
"Grabe, Vraid, sa isang trahedya lang nawala yung dalawang tao na pinakamamahal ko! sa isang iglap lang nawala lahat ng mga pinapangarap ko para sa family ko!" She covered her hands with her faces. Kasi hindi talaga siya sanay na merong isang taong nag-k-comfort sa kanya. Kinalakihan na niya ang ganun.
"Grabe, iniwan lang nila kami ni Kuwayon, ang bilis naman, mahal na talaga nila kami? grabe... yung pinagdaanan ko para lang mabuhay kaming dalawa ni Kuwayon! idagdag mo pa ang pagiging extraordinary namin yung fears ko na baka bigla na lang malaman yung ng ibang tao at baka kung anung gawin nila sa amin..."
Hindi alam ni Vraid kung ano ang sasabihin niya to make Savenna's stop from crying and he just found himself hugging her tightly through his arms.
"You're not alone nandito lang din naman ako,"
"Alam mo naiintindihan kita, dumaan din ako sa phase na 'yan danas na danas ko 'yan. Kaya nga they call me weird eh, 'couse I'm acting weird madalas pa nga akong napapahiya dahil dun. Alam mo na? Dahil sa super powers ko. So, 'wag mong iisipin na nag-iisa ka, gusto mo samahan kita? dalawin natin sa puntod nila ang mga magulang mo?"
She looks at him. Oo nga hindi na nga pala siya nakakapunta sa punta sa puntod ng mga ito since nagkaproblema siya sa mga kustomer niya.
"Huwag ka ng umiyak baka masira ang pretty face, 'di ba ikaw si Savenna Felura?" He smiled. And she smiled her back.
Natapos ang araw na 'yun na puno ng saya. Kung pwede nga lang 'wag ng matapos ang araw na 'yun. She thought.
TRAFFIC. "Hoy! Bruha ka! nasaan ka na? sunduin mo ako dito sa airport hah, dapat makita kung magandaers ang aking name hah!"
"Oo na! nagmamadali na nga eh!" Bitbit ang karatula habang nakasulat na 'Creyuwa my bessy' itinaas iyon ni Savenna at iwinasiwas sa paitaas. Mula sa malayo natanaw naman agad niya ang kaibigan.
"Bessy!" sigaw nito habang hila-hila ang traveling bag na agad naman niyang sinalubong agad. "Oh my gosh! you're so sexy and beautiful pa rin!" pagpupuri nito sa kanya. Tanging ngiti lang ang naisagot niya rito. Mga ilang minuto pa ay sumakay na sila ng taxi. Tutuloy daw ito sa isang hotel na ipinareserve niya. Wala si Vraid nagpaalam ito sa kanya na aasikasuhin daw nito ang mga requirements sa nalalapit na exam nito at may binanggit pa ito about sa pag-review nito sa nalalapit na exam. Pero may usapan sila na sasamahan siya nito sa pagdalaw sa puntod ng magulang niya.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    DecaymanJosie

    maganda po ang story

    16/07/2024

      0
  • avatar
    AnievasNaricon

    ganda

    22/02/2023

      0
  • avatar
    Julie Anne Armea Bacus

    Van. Congrats s story mo

    09/09/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata