logo text

KABANATA 34

“Ate Savenna!”
Huli na para umiwas pa siya. Saka lang siya natauhan sa kanyang dream ng biglang tumama ang bola sa pagmumukha niya. Pak! At nahulog nga siya. Nahulog siya sa kinauupuan niya. Ouch!
Pakiramdam may umiikot na ibon at star sa ulo niya. “Ate..” inalalayan naman siya ni Ving-Ving na halatang alalalang alala sa kanya. Natigil naman ang games sa nangyari. Tinanong pa siya ng isa sa mga opisyal roon kung gusto niyang dalhin siya nito sa clinic. Agad naman siyang naka-recover sa pangyayari kaya't tumanggi siya.
“I’m fine,” sagot niya sa tanong nito at saka inayos niya ang kanyang sarili. Pakiramdam niya she was in a middle of attention. Because the game stop because of her. Nang masigurado ng opisyals na maayos naman siya nag-thumbs up ito means na okay na siya.
Mga ilang minuto lang din ay nagsimula na ulit ang laro naging alerto na nga lang siya sa tuwing papunta sa kinaroroonan nila ang bola. Habang tumatagal siya sa panonood she find herself shouting.
“Go! Bilis! Bilis! Pass the ball!”
namamalayan na lang niya inaalog na niya ang balikat ni Ving-Ving sa sobrang excitement papaano ba naman kasi dikit ang laban. Halos one point lang ang lamang ng kalaban nila Vraid. She was hoping na makahabol sila sa point then suddenly parang nag-slow motion ulit ang mga pangyayari at biglang naagaw ni Vraid ang bola at nag-three points ito.
Naghiwayan naman ang mga supporters nito na kung hindi siya nagkakamali ay mga ka-baranggay lang din nito. Pumalpak naman sila ni Ving-Ving at narinig niya pa ang kantyawan ng bawat supporters ng magkabilang team. Lamang na ng tatlong points ang mga ito at ilang sigundo pa ay nag-three points shoot ulit si Vraid na sinundan pa ng tig-iisang points ng mga ka-team mates nito.
“Hindi ko alam na ganun siya kagaling mag-laro ng basketball,” she said. Nagsalita naman si Ving-Ving habang nakatingin sa may court at pumapalakpak.
“Oo, kagaling talaga siya nag-laro ng basketball,”
“Hindi lang halata.”
“Baka marami ka pang hindi alam sa kanya.” Anu pa nga ba? Lalo tulo’y siyang nagkakaroon ng interest sa binata.
NAGHIWAYAN ang mga supporters nila Vraid (isa na sila dun) ng manalo ang mga ito. After that lumapit sila rito at iki-nong-gratulate ito. Sabay-sabay silang naglakad pauwi. “Magkakaroon nga pala kami ng swimming baka gusto mong sumama?” wika nito na hindi mo alam kung nagpapaalam o inaanyayahan siya but as he said ‘baka gusto mong sumama?’ it means inaalok siya nito. “Oy, kuya Rid, kami rin sama kami!” wika ni Ving-Ving na parang bata. Pagkuwan ay tinawag ito ni Kuwayon na mukhang may ipag-uutos na naman dito kaya naiwan silang dalawa habang sabay silang naglalakad sa may tabi ng kalsada. Ang tahimik nila. Mga tunog lang ng sasakyan ang tanging narinig at boses ng mga taong nadadaanan nila. Awkward! She gulped bakit ganito ang atmosphere nila ngayon. “Ehem, okay lang ba na sumama ako sa swimming?”
“Oo, basta huwag ka lang magsusuot uli ng swimsuit, bihira kasi sa mga babae rito sa lugar namin ang nagsuot ng swimming kada may swimming, just a reminder,” saka hinawi nito ang buhok sa may noo at inilagay ang white headband na may design na red check. At dahil nahapid ang buhok nito sa unahan dun niya lang napansin ang nunal nito sa may noo.
Bakit ba ganito siya? Kahit na maliliit na bagay basta patungkol kay Vraid at nagiging mahalaga sa kanya. It’s just nunal bakit kailangan ko pang pansinin yun? Haist. She crossed her arms at tumingin sa unahan kung saan naroroon si Save, smiling. Pagkalapit nila agad na sinalubong sila nito at nagpakarga kay Vraid. “Kuya, sumali ako sa pageant!” masayang pagbabalita nito. “Talaga?” Vraid answered back. “Manonood ba kayo?”
“Syempre naman! Ikaw pa ba?”
“Ikaw ate Savenna manood ka ba?”
“Of course baby! Kailan ba ‘yan?”
“Mamaya po!”
Marami pang sinabi si Save habang papasok sila sa tarangkahan ng bahay nila. Nakita rin niya sa may pintoan na busy ang Aling Rita habang inaayos ang gown ni Save. Kulay puti ito nagiinsayo pala si Save at ang Mama nito sa pagrampa. Preparation para sa kompetisyon ni Save mamaya. Nakakatuwa meron palang little pageant para sa mga bata. Naalala niya tulo’y nung bata pa siya nung sumasali rin siya sa mga pageant. Namiss niya tulo’y bigla ang mama niya habang nag me-memorize sila ng mga answers and intro niya sa stage. “Ate! Ikaw raw ang mag-m-make up sa akin?” masayang tanong ni Save. “Magaling ka raw mag-m-make sabi ni Kuya Vraid.!”
“Hah? Really?” grabe parang lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Masaya siya kasi for the first time pinuri siya nito. Napatingin siya rito habang karga-karga si Save. Nag-init tulo’y ang magkabilang pisngi niya. Kinagabihan nga ay ang pageant competition ni Save. Dahil sa mga itinuro niya at pagpupursigi ng bata ay itinanggal itong little Miss Rose. Natalo ni Save ang sampung kandidata sa pageant na ikinasaya naman nilang lahat. Kinabukasan maaga silang gumising para sa outing. Napagdeaisyunan nilang pumunta sa isang malapit na resort since marami sila. “Sige sa beach na lang tayo malapit lang yun, saka isa pa namimiss ko na rin ang dagat,”
“Yahooo! Gora na tayo!” masayang wika ni Ving-Ving habang nakasuot ng shade at may bitbit na basket na may laman ng pagkain nila. Naghihintay naman sa labas ang inarkila nilang van. Dahil kakapili niya ng damit na sususotin nahuli tuloy siyang sumakay ng van at nawalan na nang upuan.
Si Vraid nakaupo sa unahan sa may katabi ng driver seat. Nah-suggets naman ang driver na mag-tabi na lang sila sa upuan. Maliit lang siyang babae kaya nag-tabi na lang sila at ipinagkasya ang sarili sa upuan katabi si Vraid. Dahil dun lalong lumapit ang mukha niya sa mukha nito. Bigla tulo’y lumakas ang kabog ng dibdib niya at namula siya. Nanatili naman itong nakatingin sa may cellphone at nag-ta-type. Napatigil lamang siya sa pagmamasid dito ng nagpadala ng mensahe si Ving-Ving sa kanya. Saya ka? Katabi mo si papa Vraid? Mapang-asar na chat nito. At napatingin siya rito at nakangiti sa kanya. Hanggang sa may ipinagutos dito si Kuwayon kaya binawi na nito ang tingin sa kanya.
Ganun ang naging pwesto nila sa loob ng dalawang oras na byahe. Hindi tuloy siya mapakali.
Pagkarating nila sa beach agad silang naghanap ng bakanteng cottage sakto naman na kaunti lang ang taong naroroon. Gumaan naman ang pakiramdam niya ng maramdaman niya ang buhangin sa mga paa niya idagdag mo pa ang masarap ng hangin sa beach. Napatingin siya sa dagat habang may mataas na alon na humahampas dito. “It feels good!”
“Oo nga, ngayon na lang din ulit ako nakapunta sa dagat,” sagot sa kanya ni Vraid. “Tara?” Aya nito sa kanya. Nauna na ito at sumunod naman siya rito. Mga ilang minuto pa ay pinaandar ng isa sa mga member nito sa basketball team ang video machine sa may kubo na ikinaingay naman ng paligid. Nanatili naman silang nakaupo ni Vraid. Si Save naman at ang mga magulang nito ay nasa may tabi ng dagat .
Si Kuwayon naman nasa may tabi niya at si Ving-Ving, “Sound check! Sound check!” wika nito sa may microphone at saka mahinang tina-tap iyon. Hanggang sa rumugtog na ang videoke machine at nagsimula na itong kumanta.
“Mahal na mahal 'yan ang damdamin na sa'yo’y nararamdaman, kung ‘di mo alam puso’y 'di mapalagay 'pag ‘di ka namamasdan o bakit ganyan at maging sa'king pagtulog laging alaala ka Nais makapiling nais magkayakap sa t'wina..."
"Go Vingy!" sigaw sa isa mga basketball player na kung hindi siya nagkakamali ay dating crush nito. Pinakinggan niya ang kanya at napatingin siya kay Vraid na tumatango habang sumasabay sa kanta.
"Nang dahil sa'yo ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan sana pag-ibig na nadarama'y pagkaingatan wag paglaruan dahil minsan lang umibig... ang napili ay ikaw huwag sanang sasakyan ang puso na sa'yo nagmahal..."
Napangiti naman siya ng makitang iwinagayway ng ibang mga player doon ang isang kamay at itinataas sa ere. May narinig pa siyang sumigaw na
"Pakantahin naman natin ang ating MVP!"
"Yeah! Oo nga!" sang-ayon naman ng iba na walang ibang tinutukoy kundi si Vraid. "Vraid ikaw na!!" agad na itinapat ni Ving-Ving ang microphone rito nung una'y parang ayaw ito pero pinilit ito ni Ving-Ving.
"Tawag ng aking damdamin ay ikaw at walang iba... ang lahat-lahat sa'kin ay ikaw lang talaga puso'y huwag paluluhain ang pagsamo ko'y dinggin tunay na tunay mahal ka sa'kin..."
Vraid was singing right now hindi naman ganun kaganda ang boses nito pero pakiramdam niya dinaig pa nito ang mga hearthrob na singer sa tv na napapanood niya. Bigla tulo'y siyang napasabay sa pagkanta.
"Nang dahil sa'yo ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan .. sana pag-ibig na nadarama'y pagkaingatan o huwag paglaruan dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw huwag sanang sasakyan ang puso na sa'yo'y nagmahal..." patingin-tingin naman sa kanya para makipag-duet rito.
"Ooooyyy, bagay sila!" hanggang sa napuno na nang kantyawan at tampulan ang Kubo dahil sa kanila. Is this what they call kilig to the bones? tagos hanggang buto 'cause I'm feeling it right now...

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    DecaymanJosie

    maganda po ang story

    16/07/2024

      0
  • avatar
    AnievasNaricon

    ganda

    22/02/2023

      0
  • avatar
    Julie Anne Armea Bacus

    Van. Congrats s story mo

    09/09/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata