Epilogue

Mattina Paglinauan:
Graduate from Everything.
Mattina Paglinauan's Point of View
"LET US ALL give her a round of applause as she'll deliver her school presidential and highschool graduation speech." Agad namang humarap sa akin ang head faculty kaya, kaagad akong tumayo nang mayroong ngiti sa labi. This is it, this is the final moment. "Please come here, the highest honor, Mattina Paglinauan from ABM-C!"
As I started traipsing towards the podium, wala akong tanging marinig kung 'di ay ang masigabong palakpakan at hiyaw ng buong estudyante sa loob ng gymnasium kung saan kasalukuyang ginaganap ang aming pagtatapos.
I roamed my eyes into this spacious gymnasium at kahit wala pa namang nasisimulan sa talumpati ay bigla na lamang nagkaroon ng bikig ang lalamunan at bumigat ang mga talukap ng mata. All their cheers are very overwhelming. Ngayon lamang ako na-compliment ng gan'to buong buhay ko.
Nang makarating sa podium kung saan kitang-kita ko na silang lahat, unang hinanap ng aking mga mata ang mga kasama ko— ang pinakang proud sa pagsasalita ko sa unahan: sina Papa, Auntie, and Uncle Alejandro. Nginitian ko silang tatlo nang makita at lalo pang tumalon ang puso nang bukal sa loob silang naghiyawan at nag-thumbs up pa sa akin.
Tumikhim naman ako bago bumuntong-hininga at nagsimula na sa talumpati. “Your life is your story, and the adventure ahead of you is the journey to fulfill your own purpose and potential.” I looked up to analyze all the people around me before looking back at the paper I have. "Good morning everyone and it's a great pleasure to welcome the students, families, and the faculty to the graduation day at Sebastian University. You have made us what we are today, and it is an honor to be a part of this alma mater."
"Maraming bagay ang ating napagdaanan sa paglipas ng panahon. Sa ilang taong pag-aaral hanggang makarating sa kasalukuyang nakasuot ng toga at handa ng magmartsiya, hindi natin maiwasang hindi makapasok sa mundo ng kaguluhan, kasiyahan, at minsan... kalungkutan. Nagkaroon man tayo ng paghihirap hanggang maabot ang araw na ito, atleast alam natin sa sariling in exchange if this hardship was this sweet moment, that forever we'll cherish.
Hindi ako nanggaling sa pamilyang maykaya. Nagkaroon ng pagkakataong hindi na ako makakain, magawa lamang ang nararapat na thesis. Minsan, hindi na natutulog para sa general math na lalong nagpabubuhol ng ating brain cells." narinig ko ang mahina nilang tawanan at natawa na rin nang bahagya kahit nanginginig ang tuhod sa kaba. "Kahit paulit-ulit na nararamdaman bilang outcast kapag ako'y nakikipaghalubilo, kahit minsan nang naputulan ng buhok nang dahil sa chismis na gusto ako ng kanilang crush, ang lahat ng iyon ay aking natiis. Ngunit kahit ano pa man ang mga pagtitiis na ginawa simula nang makatapak ako sa hagdan ng SHS, really all endings are meant to end well.
I would like to thank my parents... f-for the hard work. Lalong-lalo na noong mga panahong walang-wala pa tayo. Nagawa n'yong araw-araw na tiisin ang mga usok na nagmumula sa ulingan, makabenta lamang ng sako-sakong uling mula sa niyog na nilukad, magkaroon lamang ako ng pam-project. Papa, alam kong kahit kailan hindi ko pa ito nasasabi sa iyo, pero... proud po akong naging tatay kita. Sa dami ng dugong nawala, mga kalyong sandamakmak sa iyong kamay, maniwala ka man po o hindi... mahal na mahal ko kayo ni mama."
Sandali akong tumigil upang punasan ang ang mga luhang pumapatak na pala nang hindi ko namamalayan. I used my hands as fan so that tears may stop from falling. Kahit alam kong maiksi lamang itong isinulat ko, nakaaapekto pa rin ang mga emosyon sa bawat salita na aking binibitawan.
"Ma, Marinella. I know you guys are looking at me from above, wish me luck kasi kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko," natatawa kong usal bago ipinilig ang ulo at ipinagpatuloy na ang sinasabi. "I would also like to take this advantage of thanking all the teachers that believed in me for years and years of us being together. I salute to all of you, madams, sirs.
And to you, my best friend..." I looked into the seat of where my best friend is sitting before waving my hand to him. He the smiled, iniangat pa ang saklob upang batiin ako. "...eight years. Eight years na tayong magkasama rito sa paaralan na ito, but we still managed to graduate side by side. Thank you sa confidence na ibinuhos mo sa akin. Pati na rin sa mga sagot na minsan kong ginagaya mula sa 'yo. I won't be here today, if it wasn't for you and your best friend." I chortled before looking at the guy behind me, sitting proudly as I stated my speech.
Narinig ko naman ang tilian ng ibang guro na narito ngayon sa entablado at natawa nman akong bumalik na sa sinulat at tinapos na ito.
"Just an advise as we took another step of our life, huwag kayong matakot na magkamali. Dahil as we make mistakes, the more we learn from that. Actually, graduation is not the end, it is just only the beginning.
Connecting to what I have been said, it's not the numbers of mistakes that counts. It is the lessons you have learned from accepting those mistakes." I then fold the paper I have brought with me and smiled from ear to ear. Matapos no'n, pinili kong ilihis ang mga katagang nasa papel at sabihin nang bukal sa loob ang pangwakas kong talumpati. "And always remember what Taylor Swift said: no matter what happens in life, be good to people. Being good to people is a wonderful legacy to leave behind.
Now go, and make interesting mistakes, make amazing mistakes, make glorious and fantastic mistakes. Break rules. Leave the world more interesting for your being here. Kudos to all of you, at mabuhay kayong lahat!"
As everyone around here filled my ears with their loud claps, naramdaman ko ang paghignaw ng malakas na kabog ng aking dibdib at ang pagtuwid muli ng likod dahil sa wakas, natapos ko na ang speech na hindi ko inaasahang ako ang magpapahayag ngayong commencement.
Akala ko kasi ay si Seaun, dahil tulad ko ay magaling ang isang ito. Kahit sabihin na nating Diliman siya, hidni pa rin mawawala sa kanilang dugo ang talinong bawat henerasyon ay napalalawig at napalalawak. Agad kong hinarap si Seaun na todo rin sa pagngiti at pagpalakpak. Lumapit ako sa kaniya at sumandal na.
Hanga pa rin ako sa katatagan niya. Kahit mayroong masimuot na nakaraan ang aming pamilya'y nagawa niya pa ring ipagpatuloy ang nararamdaman para sa akin. Nang dahil sa dedikasyon niyang mapasaaking muli, hindi naman nagtagal nang mapapasok ko siyang muli sa loob ng pinaka-inaangatan kong puso.
And he also promised that he'll stay tough and unbreakable handling ang protecting me from the hostiles. At nang dahil doon, lalo akong napamamahal sa kaniya. After all, we deserve second chances.
___
"Congratulations graduates!" habang yakap-yakap ang aming diploma, lahat kami'y napahiyaw sa tuwa nang bigla iyong inianunsyo ng punongguro ng paaralan. Everyone keep on jumping and jumping with their best friends, boyfriend, cousins, and etc while waving their hat up in the sky.
Habang nagsasaya, hindi ko mapigilang mapatingin sa katabi. Bukod sa katotohanang nakatingin lamang siya sa akin, namumuo ang mga luha sa kaniyang mata. Nang dah doon, natigilan ako sa pagtalon at hinarap siya. Pinunasan ko gamit ang mga palad ang luha niya bago siya nginitian.
"Why? It's okay, Seaun. Trust me!"
Agad naman siyang umiling bago ipinagdaiti ang aming mga palad at pinagdaop ito. Aniya, "Seeing you happy fades all the doubts I have in life. God is right, you are destined with me. And I never regretted the day I put myself together and woo you back. Thank you for giving me again a chance. I love you."
I then hugged him and squeezed him tight. Even though some are pointing their eyes on us, I don't care. As long as I love and loving him, kailanman ay hinding-hindi ko pagsisisihan ang lahat ng desisyon na ginawa.
Nang lumipas ang ilang oras mula sa paglalagi sa paaralan, matapos batiin ang lahat ng congratulations, matapos makipag-bonding sa mga Diliman at sa pamilya ni Shoaf, sumunod na tinahak ng pamilya ko ay ang lugar kung saan nakahimlay ang ina at ang kapatid.
Ilang metro pa ang layo mula sa kanila ay kaagad na akong tumakbo at hindi na pinagpagan pa ang mga Damo at lumupagi na. Agad kong inilapag ang diploma, kasama ang larawan kong nakasuot ng toga at agad silang binating dalawa.
"Mama, Marinella! Napanood n'yo ba ako kanina? Grabe, kung nando'n kayo, siguro uuwi tayong lahat nang nakangiti ngayon!" bati ko sa kanila habang gamit ang mga palad at pinagpagan ang kanilang lapida na mukhang naalikabukan ng malakas na hangin.
Naramdaman ko naman sa aking likod ang presensya ng tatlong bahagi pa ng pamilya at hinayaan silang panoorin ako. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kanilang mga pangalan sa lapida bago bumuntong-hininga at nilingon ang mga tao sa likod. Agad naman nila akong nginitian at ipinahayag na ipagpatuloy ko ang ginagawa.
"Mama, alam mo bang isang buwan mula ngayon, pinayagan ako ni papa'ng sumama kay Tita Cherry patungong America upang ipagpatuloy ko ang pagkuha ng inaasam kong kurso? Huwag kang mag-alala, si Tita lang naman ang makakasama ko, eh. Si uncle, maglalagi siya rito sa Pilipinas upang bantayan si Papa. Babalik na nga pala siya sa bukid, sabi niya."
Lumingon naman ako sa lapida ng kapatid at hinaplos ang marbol nitong tekstura at ngumiti. "Sana masaya kayong nakikita akong nakangiti ngayon. Miss na miss ko na kayo, sa totoo lang."
Agad kO namang ipinuwesto sa kanilang gitna ang diploma at sertipiko kaninang nakuha. Ngumiti ako nang pagkalapad-lapad at sinabing, "Mama, Marinella! Graduate na 'ko!"
___
Ten years later,
March 17
Reading the new from my phone, I smiled faintly as I have read what the news says: Bar Examination for Lawyers, Now Posted.
A student once from Sebastian University, tops.
Agad kong inalis mula sa aking mukha ang maliwanag na screen ng cellphone bago pinaandar ang sasakyan at nagmaneho na patungo sa kung saan dapat ako pupunta.
Kahit nabasa na ang heading ng news ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Although I am sure na kaya kong ipasa ang bar examination na 'yon, hindi pa rin ako mapakali sa aking tayo nang dahil nga sa lumabas na result.
Sa totoo lang, hindi ko pa nakikita ang buong resulta. Tanging 50-25 passers pa lamang ang nababasa ko at ang pang-apatnapu't apat hanggang kaunahan ay hindi ko pa itinuloy. Ang hinihiniling ko kasi ay mapasama lamang kahit pang-30 pa iyan o kahulihan. Ang tanging importante ay magkaroon ako ng lisensya bilang isang abogado upang mayroon nang maipagmalaki sa mga magulang.
I parked the car at the Central Cemetery's parking area, not too far, not even near from the central gate. As I get out from the car, cool restful shady world with light filtering lazily through the treetops that meet high overhead and shut out the direct sunlight welcomed me.
Sa paglipas ng tao, paiba na nga nang paiba ang estilo ng sementeryong ito mula sa nakasanayan ko, simula noong namatay si Marinella at Mama. Before the gate here is painted with white and simple arch embedding central cemetery, but now, it's brick walls all over the gate. And I could define the arch now in a lavish way as it was now cemented with paints (of course) and the logo. Denote that the gate also is made out of a smooth metal with a guardhouse at the left part.
As I walked inside the central cemetery, I hanged as there were tons of flowers every beside the gravestone. Varieties of flowers are planted such as: tulips, rosemary, rose, and daisies. I am fascinated towards the set of the newly renovated cemetery, a plan of the current mayor in town.
Nang makarating sa puntod nina Mari, kaagad akong umupo at inalis ang high heels na suot. Hanggang ngayon, kahit araw-araw akong nakasuot ng ganiyan ay hindi pa rin ako nagiging komportable. Mas prefer ko pa rin talaga ang rubber shoes.
"Hi Ma, Mari. I am home," I whispered before laying my naked hands at their gravestone. I am now celebrating my birthday inside the cemetery, but it feels great.
Papa said earlier that he can't go back to the Philippines due to the meeting he'll held this day. Auntie even jolted that she and uncle can't even see me today because their adopted daughter is sick. And so as my best friend and Seaun, due to their plans in life.
I don't care, though. Hindi naman na bago dahil noong nakaraang taon din ay hindi sila nakadalo dahil sa sobrang busy nila mula sa sari-sariling trabaho. Buti nga sila't may mga trabaho at lisensya na. Samantalang ako, heto't katatapos lamang ng law school, at kaka-exam pa lang.
Nakangiti kong ipinaling ang ulo sa envelope na dala at kaagad na binuksan ito upang ibahagibsa kanila. Plano ko talagang tingnan ang resulta kasama sila at mag-celebrate kahit wala ako sa top ten (na hindi ko talaga ine-expect na mapapasama ako dahil masyadong maraming magagaling na estudyante ang masmatalino sa akin.).
"Mama, kapit lang kayo d'yan, babasahin ko ang mga nakapasa. Titingnan natin kung nandito ba talaga ang pangalan ko. Ayon kasi sa trending new ngayon, taga-Sebastian daw ang top. Siyempre, hindi ako 'yon. May taga-HUMSS na magaling, 'no!"
Binuklat ko na ang envelol at sinimulang halukayin ng mata ang mga pangalan at kaagad na hinanap ang apelyidong Paglinauan. Parang deja Vu lang ang nraramdaman nang makarating ang hintuturo sa pang-sampu ay nanghina ang loob ko nang wala pa ring Paglinauan ang nasa listahan.
Naku, Lord. Ayaw ko nang umulit ng exam. Masyadong nakalulugaw ng utak.
"Five, Siguerra.... Four, Cruz.... Three, Osmeña.... T-Two, Marquez...."
Agad namang bumuhos ang luha ko nang sa pangalawa ay wala pa rin ang apelyido. Nakanguso kong inalis ang palad na nakatakip sa pang-una at nanghihinang tiningnan ito.
"One... Pag... Paglinauan? Paglinauan!" Sigaw ko at napatayo na mula sa pagkakaupo kahit pinagtitinginan na ng ibang tao. Sinubukan kong ipamulagat ang mata nang masmalaki pa sa ilalaki nito at talagang apelyido ko ang nakalagay roon. Agad akong nagtatalon sa pwesto bago pinanggigilan ang papel bago umupo pabalik at ibinahagi sa kanila ang tagumpay.
"Mama! Grabe, top notcher ako! Hala, ang gandang pa-birthday! Grabe!" Tili ko at tumingin pa sa langit at pumikit, nang sandaling parang kumot na bumalot sa akin ang hanging mahalumigmig.
Nang makauwi sa bahay, kaagad kong ipinarada mula sa malawak na tarangkahan ang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob, ipinagdarasal na sana ay naroon ang nobyo at hinihintay ako. Nais kong ipaalam sa kanila ang nakamit na achievement para sa aking kaarawan.
Hinubad ko pa ang heels bago tuluyang tumakbo, bitbit ang envelope. Nang makarating sa hamba ng pinto, agad kong ikinalma ang sarili upang hindi masyadong maingay sa pagbalita, but my nerves just can't help it. So, I twisted the knob in a counterclockwise manner before entering the whole house. But as I opened the light switch—
"CONGRATULATIONS, MAYORA! WE ARE SO PROUD OF YOU, HAPPY BIRTHDAY!" sigaw nilang lahat at biglang nagpaputok nang naglalakihang confetti. Ako naman ang natigilan sa pwesto habang hawak ang dibdib sa gulat.
Sino kasi ang hindi magugulat kung makita ang mga Hindi mo inaasahang makararating pala sa kaarawan mo. They all are complete. Papa, Auntie, Chelsea (auntie's adopted daughter), Uncle, Shoaf,  Seya, Ate Seda, and Dean Sandro... and Seaun.
"MAYORA LANG SAKALAM! MA-YO-RA! MA-YO-RA!"
Natawa pa ako at kaagad na tinakpan ang mukha nang dahil sa pamumula at pag-iyak sa harapan nila. Nahihiya rin ako sa kanilang pagtawag sa aking mayora kahit ayaw na ayaw kong tawaging ganoon. Palibhasa'y nobya ng Mayor na si Seaun, hindi na ako magugulat pa.
"A-Akala ko, may mga plano kayo. B-bakit 'andito ka-kayo?" humihikbi kong tanong bago lapitan ni Seaun at yakapin ako. Agad ko siyang hinampas ng heels na suot sa mayparteng bewang at tuluyan nang naiyak nang dahil sa pagkanta pa nila ng happy birthday.
"Of course, kami pa ba? We can't let this special moment uncelebrated, honey. Last year, we weren't present. But today, here we are!" Seaun beseeched before heading my hand to interlock it. I then squinted my eyes at him and suddenly analyzed himself for a while. Masyado kasi siyang sweet today. As if ang dami niyang trabaho.
"Naks naman kasi, top notcher. How to be you po!" Bati ni Shoaf bago inilahad ang regalo sa akin. Dagdag pa niya, "Tanggapin mo na. Dahil sa susunod na buwan, ikaw naman ang magreregalo sa binyag ng anak ko!"
"Anong gender?"
"Secret!" tugon naman ni Ate Seda bago tuluyang iginayak kami patungo sa dining kung saan naroon ang iba pa nilang handa.
Grabe, hindi ko ito inaasahan. Ang araw na ito ay punong-puno ng sorpresa at hindi ko na kakayanin pa kung sakali mang magkaroon pa muli ng isa pa. Gosh, ganito pala talaga ang pakiramdam kapag palagi mong binubuksan ang puso para sa iba. How jubilant and heart skipping this is!
"Magbibihis muna ako, ha. Dito muna kayo. By the way, thank you sa pag-surpresa sa 'kin!" I announced before leaving the table smiling and went upstairs to change my clothes. I was still holding the suit from the court earlier. Of course, I need practice for my upcoming projects. And as the 'mayor's lady', I need to also plan something helpful towards the community. And that are, free scholarships for every students around Sebastian.
I tucked out the buttons of the suit and remove it from my body. Bra is the only thing left at my upper body, and so as my cycling shorts as I took off, as well, my pants. Kaagad ko namang isinilid ang mga ito sa laundry basket at kumuha na ng damit.
But I was on the verge of getting my dress from the bed when suddenly, an arm snaked into my belly following the another. I looked up and tried not to hide my smile as I could smell his fragrant scent from behind. Although he isn't wearing his glasses, I could still define that he's longing for me.
"Kamay mo, Seaun. Nagbibihis ako, kita mo naman," I warned him before trying myself to remove his snaked arms I to my waist. But as I pulled and pulled it off, the tighter it gets.
"Seaun... what kind of behavior is this?" I asked him and he just chuckled. And afterwards, his small kissed was all I have felt, tingling. It gave me butterflies though. Shortly after, using those barehands, he rotated me, facing me to him.
"Mattina," he whispered huskily making my brows arched. I then bit the tip of my tongue as he cleared his throat and looked away.
"What is it?" I asked, pretending that I am starting to get pissed. Paano kasi, hindi niya muna ako hayaang makapagbihis. Nakahihiyang kinakausap niya ako nang nakaganito lamang na pawang bra at cycling lang ang suot.
"I don't care about what you're currently wearing. Even if you're naked, I won't mind. As long as I am and will be the last person who'll see that feature of yours," panimula niya making me choke from my own saliva and scratch my neck. "Why do I have the most intelligent, gorgeous, kindest girlfriend?"
"Because God said that you are worth to give that kind of a girlfriend."
"Pwede bang i-level up natin 'yang label na iyan into something more appropriate?" tanong niya na ikinakunot ng aking kilay. Mayamaya, namamalayang ko na namang nakayakap siya sa akin mula sa aking likuran. Even his bulk is pressing on my butt.
"W-What do... you mean by that?" I asked him, whispering.
Later on, his hands starts to roam around my body. He even touched my breast, before tripping around my neck, going back to my breast and going to the lip. I then faced him and asked him again.
"Answer me by words, Seaun. Not by your lusty acts. What do you mean by th—"
I didn't even finished my statement, doesn't even got the change to add some questions as he cutted me off.
"—be my wife."
Bigla akong natigilan nang marinig iyong lumabas sa kaniyang bibig at kaagad na naestawa mula sa pagkakatayo. I don't know why but... those three words shocked me as if I have been grounded by a thousand bolts. Nang maka-recover, agad kong sinilip ang kaniyang mata clarifying if it's true or not.
"I can't even think or imagine you, being in love with someone else, Mattina. And so as I to another girl. Nakikita ko na ang kinabukasan kong kasama ka— habang may karga-kargang anak." suminghap siya bago pinisil ang aking kamay na nanlamig dahil sa nerbyos.
I don't know why am I feeling like this. Yes, I am enjoying the words that I am hearing from his melodic mouth, yet it's the pleasure that shivers me. I am just new to this and maybe this is fine for first timers like me.
"S-Seaun..."
"I want to spend the rest of my life with the girl who gave light to my lost paths. I want to enjoy every achievement with my lucky charm. And that's you, you're my everything." He then kissed my hands before pulling me closer to him even more. I smiled and even almost tearing up, I remained feeling tingly.
"Marry me, Tina and you'll see how and what does the sky looks like when we collide. Darling, I love you so much. I love you so much to the fact that kahit takipan man ng kadiliman ang kalangitan, mananatiling ikaw, araw-araw."
Agad naman akong napayakap sa kaniya at hindi maiwasang napahikbi dahil sa sobrang sinseridad at pagmamahal ang nadarama ko sa kaniya. Napapikit ako habang nilalasap ang higpit ay saya ng yakap na iyon nang matigilan nang mayroon siyang biglang hinugot sa bulsa. Nang umalis ako sa pagkakayakap, yanong mangha ko nang makita ang kumikinang na singsing habang mayroong naka-ukit na araw sa ilalim.
I smiled as he kneeled in front of me and asked those five. words in front of me. Sabi ko, magbibihis lamang ako. Pero bakit ganoon at lalabas ako sa kuwartong engaged?
"Will you marry this moon, and be my sun?"
Seeing the both of us loving each other perpetually feels like heaven. Like him, I can't even see my future without him, being my husband, and the father of my future kids. When we are together, we are the perfect description of masterpiece made in heaven. Together, we eclipse.
"Mayor Seaun Poul, sa kabutihan at kasamaan, umulan, umaraw. Araw-araw, pipiliin ko'y ikaw."
— END —

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Honeylyn Delacruz Perez

    uegdbmdksoisjdhkyfjhfhjdjhjxgkdjdjgdjgdjgdjgdgjxjggkgkhldydggkkfyocuhfkhkdkyyijggjgkdhgkdgkgkgkgkcgkkgkggkgjjgdjckhcjggjjggjjgjggjjggkxggkgkoykhhcgogdkgdoyiggigigkkgogkgkhkggkjchkgfigtiiyciigittxiggjxtigiggxgxiiggcigigiggcigiggcgiigkgihihihigigigiyiyiygiigigigtiigigigiiggiigjgjgjggxigigjgjgxiigigcuugigigci igigihihkhihihiciguyufcugigigicihgcjgjgjgjghzjhzvdbdjdjdhdvxjjxhxbxbxjjdhdbdbdkxodjdhrjejdjdjdjdjjdjdjdjdkdieijejdhdhdhdhdhdhdhdhdhddhdhdhhddjhdjdjbbdjosgbdorgakkdhdbbdbdbdbsbbdbdbdbbbbbhhhhhj

    08/09/2024

      0
  • avatar
    Mariafe Ilao

    kamosta ta ka ibigan ko

    30/08/2024

      0
  • avatar
    Rayyan A Manalocon

    wow 🥰

    02/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo