Homepage/Together, We Eclipse/
Chapter 29
HINDI PA NAGTAGAL, pumasok na ang isang armadong lalaki na mayroong takip ang mukha. His gun is pointed to us habang isa-isang kinukumpiska ang cellphone. Kahit nanginginig ang mga daliri, agad akong nagtipa sa sariling phone bago ito itinago. Good thing I am at the back, I can ask for help. Agad kong chi-nat si Shoaf na ngayon ay nagkakagulo na ang screen.
Dahil hindi nga nila ako napapansin, it was my chance to hide my phone. I lowered my brightness once more before opening my location, ipinagdarasal na sana ay magka-signal sa amin mang pagdadalhan. At dahil naka-mute ang kaibigan, it was an advantage for me to close my phone and hid it sa bulsa ng shorts na suot.
Sana, hindi nila mapansin.
"Ikaw?" tanong naman ng armadong lalaki. Agad kong itinaas ang mga palad na waring susuko bago tuluyang nadarag sa labas ng van. Muntikan nang mahulog ang cellphone, buti na lang at hindi natuluyan.
Agad naman akong nirespondehan ng tiyuhin na tahimik lamang habang nakataas din ang kamay. Lumapit siya sa akin habang hindi pa nakatingin ang mga armado.
Aniya, "Did you gave them your phone?"
Umiling ako at lumunok. Nanginginig na ako sa takot dahil naaalala ko ang kasing kulay at estilo ng baril na ginamit ng mga tauhan no Don Crisostomo sa pagpapalayas sa amin sa bukid. Ngunit base sa pisikal na anyo ng mga armadong lalaki, malaki ang kanilang diperensya sa kung sinu-sino ang mga tauhan niya.
Bigla akong hinawakan ng isa pang armadong lalaki at naihpit na hinawakan sa batok. Itinulak niya pa ako papasok sa van at muling itinulak, sanhi upang mapatama ang aking pisngi sa bintana ng sasakyan. Sa kaniyang ginawa, hindi maiwasan ng aking ina na bulyawan ang tumulak sa akin. But what's more blood-loosing is that, the man pointed the gun to my mother almost clutching the trigger.
"H'wag!"
Nang dahil sa galit, agad nilang pinagdaop ang aming mga kamay at ipinuwesto sa aming likod na para bang isang inaresto. Itinali ito ng pagkahigpit-higpit. Sa sobrang higpit, hindi ko na maigalaw at tumitibok na.
"Anak, ayos ka lang?" tanong ni mama sa akin. Tumango lamang ako kahit hindi niya kita, saka inayos ang upo, trying to find out how to escape from this kidnapping.
"Ang ingay n'yo naman!" sigaw ng driver yaong van bago isara ang sasakyan ng napakalakas at sinimulan nang magmaneho. Tumingin ako sa bintana upang pagmasdan kung saang lupalop kami pumupunta. Mayroong mga building but it was only in a shadowy form, almost entirely lost to view due the darkness.
Sa aming dinaraanan nagsisimula nang magkaroon ng mga halumigmig. Hindi ko maiwasang mangamba habang nakikita ang isang daanan na aming nililikuan. Fog began to billow across the road in a great grey mass like the effluent of a thousand smokestacks. But then, there weren't no sign of households. We're in danger.
"Saan n'yo ba kasi kami dadalhin?!" sigaw naman ni Marinella na kaagad na sinaway ni Uncle na hindi naman kalmado, hindi rin galit. Katabi ko ang tiyuhin habang nasa likuran sina mama na nakagapos din.
"Wala kang pake do'n. Inutos lang ito ni boss, wala kang magagawa."
"ANG MGA DILIMAN BA?" tanong naman ng katabi ko habang sinusubukan makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali noon.
Nakarinig naman ako ng tawanan ng iba pa ngunit nakagugulintang na pangyayari: It was like in movies, and in a blink of an eye, nakatutok na kaagad ang baril sa amin. Napayuko ako sa takot na baka mawakasan ang buhay ko ngayong gabing ito.
Hindi, hindi pwede. Marami pa akong mga pangarap na hindi pa natutupad. Ayaw ko pa.
"Lord, sana dumating sila Shoaf." bulong ng aking isip habang pinipigilan ang pagkakaroon ng bikig sa lalamunan dulot ng pag-iyak.
"ISA PANG INGAY MULA SA INYO, HINDI AKO MAGDADALAWANG-ISIP NA IPUTOK ITO SA INYO!" sigaw ng nasa katabing upuan ng van bago bahagyang tumayo at mag mask. Napansin ko naman ang paglalagay rin ng kaniyang mga kasapi ng mask kaya nagsimula na akong mag-panic.
"A-Anong gagawin n'yo?"
But afterwards, the last thing I saw was the man at the shotgun seat spraying something at the aircon before pressing the tip of his finger into his mask. Nang malanghap ang napakabahong amoy na iyon, bigla akong nahilo. Luminga-linga pa ako sa paligid at lumuluhang nakikita kung papaano umikot ang paligid na siyang dahilan ng pagdilim ng aking paningin.
___
"Wala akong alam sa sinasabi mo!"
Ilang sandali pa, namamalayan ko na lamang ang sariling nakatungo na habang nakagapos nang panibago sa upuan habang mayroong packaging tape ang bibig. Sinubukan ko mang sumigaw ngunit hindi ko magawa nang dahil sa higpit ng packaging tape na nasa bibig.
Pinagmamasdan ko ang paligid kahit medyo malabo ito. Sa aking pwesto ay ramdam na ramdam ang simoy ng hangin. It was icy and withering. Ang bintana lamang sa parteng kanan ko ang suporta na ilaw na nagmumula sa buwan. Inilibot ko pa ang tingin at agad na napamulagat nang makita sa isang sulok ng bodega na ubod ng dilim ang aking ina sa gawi ng kanan na nakagapos din sa isang poste at wala na ring malay. Kumpara sa amin, masmahigpit ang kaniyang tali pagkat bukod sa tali nito sa likod ay mayroon din sa binti.
Naalala ko bigla ang sumigaw kanina.
"TAMA NA!"
Agad akong napatingin sa unahan nang makarinig ng isang paghampas habang sumisigaw ang lalaking iyon. Halos malaglag na ang aking mga mata sa nakita. Si Tito Alejandro, dugoan na habang nakagapos ang mga kamay na parang nakabitin mula sa itaas. Hindi ko na siya makilala pa nang dahil sa puti niyang damit na ngayon ay pula na. Naliligo siya sa sariling dugo.
"UNCLE!" sigaw ko kahit naka-packaging tape nang muling hampasin ng baseball bat ang kaniyang likod sanhi upang mapaluhod siya sa sakit. Tumutulo na ang sariling luha habang pinipilit na makatakas kahit hindi magawa.
Kailangan niya ako roon! Kailangan na naming makaalis dito.
"ISANG TANONG PA, PAPATAYIN NA KITA! IKAW BA ANG NAGPLANO NG PAGSUNOG NG LUPAIN NI BOSS?"
Sinubukan kong higit-higitin ang aking mga kamay mula sa tali at sinubukang makawala kahit malabo na ang tingin dahil sa mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo. Kahit tinuruan noon ni Papa na makawala sa isang taking mahigpit, hindi ko ito magamit dahils a hindi pamilyar na tali na ito.
Sunog? Lupa?
Agad kong ipinilig ang ulo at naiiyak na pilit na iwinaglit ang isipang ngayon ay bumabagabag sa aking isipan. Hindi, hindi pupwedeng ang mayor ang mastermind ng lahat ng ito. Hindi, dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaki 'yon kung sakali man.
"WALA AKONG ALAM, TANGINA!"
Muli akong napasigaw kahit hindi maysadong marinig nang sa bahaging tagiliran ay muli nang hinampas ng armadong lalaki ng baseball bat ang tiyuhin sanhi upang tuluyan na itong mapahiga sa malamig na sahig.
"Boss, paano ba 'yan? Ayaw niyang magsalita. Mukhang malakas ang impluwensya ng hayop na 'yon!" ani ng hazer habang sinisipa-sipa pa ang katawan ng tiyuhin na ngayon ay hindi na makagalaw pa.
"Bugbugin n'yo lalo. Ako ang bahala sa asawa ni Chris," ani ng boses na ubod ng lamig. At sa kaniyang iniutos ay kaagad namang nagsipaglabasan mula sa liblib na sulok ng lugar ang mga tauhan ng hindi kilalang lalaki at pilit na itinayo si Uncle Alejandro.
"MAMA!"
"W..WALA AK-AKONG ALAM!" kahit namimilipit na sa sakit ay naisigaw niya pa ito. Hindi pa rin tumitigil ang aking pag-iyak kahit na napapagod sa kahihigit ng kamay sa pagkakatali. Walang pag-asa kung tutuusin. Sa dami nila ay wala kaming kalaban-laban doon.
Hindi na sila naaawa nang gawin ang susunod na pangyayari. Sigaw lamang ako nang sigaw habang pinipigilan ang lahat na bugbugin ang tiyuhin na parang kasali sa isang fraternity na naghe-hazing.
"Enough, boys!"
That voice commanded. Napatigil naman ako sa ginagawa nang bigla iyong umalingangaw sa loob ng bodegang ito. The cold wind swept inside the whole room making me shiver. He then snickered, tumatawa kahit wala namang nakatatawa.
Rinig na rinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos habang naglalakad mula sa bahaging akin kung saan ako nakagapos. He's also clapping his hands, enjoying the whole torturing. I gazed into him and almost lost my sanity as I saw Seaun's father.
No. No. This can't be happening!
Kahit na mayroon siyang sumbrerong suot ay naaaninag ko ang kaniyang matilos na panga at matangos na ilong. Hinding-hindi ko malilimutan ang kaniyang mukha dahil kahit noon ay ikinukwento na ito sa akin nina Tita Cherry at Seaun. Nanlamig ang aking katawan nang bigla niyang sipain si Tito ng ubod ng lakas.
"You guys are a bunch of a laughingstock. Hindi kayo pasado sa acting-an. Tangina, mga bobo sa aktingan. Walang talent!" Aniya habang humahagalpak pa ng tawa, waring hinahampas pa ang tuhod sa ubod ng taas ng laughing energy niya.
"G-ga...go!" Kahit hijang-hina na at nagawa pa ring magsalita ng tiyuhin. Hindi naman siya pinansin ng Mayor at tumungo na sa parte kung nasaan si mama. Mabilis na umiling-iling ang aking ulo at nagwala na sa pwesto nang higitin niya ang buhok ni mama at pagtawanan ito.
"Look what I have found. A dirty, tutor of mine... my ex lover!"
"BITAWAN MO 'KO!" sigaw pabalik ng aking ina kahit na maytapal ang bibig habang ipinipilit na alisin ang kamay ng mayor na nakadapo sa kaniyang baba.
Sa kaniyang paghila ng buhok ay naririnig ko ang pagsinghap ng ina. Nagkukumahog akong sinubukang makaalis upang matulungan si mama sa kaniyang pagkawala. But my strength won't ever be enough.
"Sabihin mo sa akin, Marisa... ang asawa mo bang bobo ang maykagagawan ng nangyari sa ari-arian namin?" tanong muli ng ama ni Seaun bago hiklasin ang packaging tape na nakatapal sa bibig ng ina. My body starts to feel the excruciating pain because of what's happening.
Nais ko mang makalaya ay hindi ko magawa dahil sa sobrang hina. I, back then, believed that I can conquer situations that are tough. But all was just a thought. Hindi pa pala sapat ang mga karanasan ko. Walang-wala ang hirap, pagod, at pagtitimpi na nagawa sa kasalukuyang kalagayan.
Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ay hindi ko na marinig ang nasa paligid. Nanatili akong nakatingin sa nag-uusap nila Mama at kinakabahan para sa kaniya. Huwag sana nilang saktan ang nanay ko dahil isang malaking giyera ang magaganap kung sakali.
"Wala akong alam—hindi namin alam, Frederick! Ano ka ba?!" naiinis na pahayag ni mama sa kausap ngunit agad ding napasigaw nang biglang inumpog ng nasabing Mayor ang ulo ng Ina.
"MAMA! BITIWAN MO ANG MAMA KO, HAYOP KA! PAKAWALAN MO KAMI RITO!"
Napatingin naman ako sa parteng kaliwa sa maydulong parte nang marinig ang kanina pa hinahanap na si Marinella. Walang busal o tape ang kaniyang bibig dahil malinaw ang kaniyang pagkakasigaw. Napahikbi pa ako nang sumigaw siyang muli dulot nang pagkainis ng Mayor.
"TULONG! HAYOP KA! SANA HINDI KA NA NABUHAY PA! HAYOP KA!—"
BANG!
Ako naman ang kaagad na napasigaw nang mula sa bulsa ng Mayor ay maglabas siya ng baril at kaagad na ipinutok ito. My body froze on the spot as no noise of my sister was heard. I felt nothing as my eyes started to peer into the direction of my sister. Pati na rin si mama ay napasigaw nang hindi na ako makarinig pa ng sigaw mula sa kapatid.
"DAMN! I HATE NOISES!"
Agad kong sinubukang makawala kahit nanghihina at patuloy na sa pag-iyak. Hindi, hindi maaaring natamaan ang aking kapatid, hindi. Hindi ako papayag. Agad ko namang nilingon ang Inang umiiyak na habang minumura nang paulit-ulit ang mayor na ngayon ay abot-tainga na kung makangiti.
Naalala ko bigla ang anak niya.
Alam ba kaya ni Seaun na ganito kasama ang kaniyang ama?
Dahil kung hindi, pinalaki siyang bulag sa katotohanan. Paano siya nakagigising sa umaga na parang wala lang ang lahat? Alam niya rin ba ang tunay na ugali ng kaniyang ama bukod sa pagpatong ng pressure sa ulo niya?
Agad akong tumigil sa pagsubok na makalag ang tali nang marinig ang mga salita mula sa Mayor na nasa harap. He's now grinning playing with his gun. Ako naman ay nag-panic na sa isip nang wala nang marinig na boses mula sa kapatid.
"Whoa, I never thought I was an ace of shooting someone. Nice!"
"MARINELLA, MARINELLA!"
Nais ko mang isigaw ito kahit na mayroong nakadikit sa bibig ay hindi ko magawa dahil sa takot na baka barilin ako ng lalaking ito. Naririnig ko ang paulit-ulit na pagsamo ng Ina, sanhi upang tahimik akong mapaiyak sa kinauupuan.
Ang tiyuhin naman kahit nakadapa ay naririnig kong humihikbi. Dito na ako nagsimulang tanggapin ang katotohanang si Marinella ay binaril na ng hayop na ito. Tahimik akong umiyak habang nakayuko at pinakinggan na ang ipinapahay ng hayop na Diliman na ito.
Hindi man ako nagmumura sa tanang buhay ko ngunit napaka-tangina niya! Pati ang kapatid kong walang muwang sa katotohanan ay siyang sinamay mo pa! Sana mabulok ka sa impyerno!
"That's what you get from being noisy. And one more thing," he said before walking towards the direction of his men. Ngunit sa kaniyang pagbalik, ang lahat ay napahiyaw nang makita ang Tiyahing si Cherry na dugoan din at naghihina. There's also oozing blood from her arms na siyang hawak mismo ng Mayor.
"Bi-bita...wan mo an-ang, asawa... asawa ko!"
I closed my eyes not wanting to stay in this nightmare. I wanted to escape this, tama na. Ayaw ko na. Agad kong sinubukang muli na kalagan ang tali at muling natuldukan ang namuong pag-asa nang magtanong ang taong mayhawak kay Tita.
"Uulitin ko ang tanong, Alejandro. Kayo ba ang maygawa ng panununog ng ari-arian ko?! Sagot o malalagit ang asawa mo?"
"Ch-Cherry..." nahihirapang usal ng tiyuhin at piniling tumayo kahit hindi niya kaya. Nang dahil sa sakit ay naririnig ko ang pagmamarahipit ng Tita Cherry na hawak ng Mayor.
Agad ko namang nakapa ang isang mahabang tali na naging bunga ng paghiklas sa talim agad ko itong hinigit at nagpasalamat sa Diyos nang lumuwag ang tai ay tuluyan na akong nakaalis. Agad kong inalis ang tape sa bibig at nagkunwaring wala pa ring malay at dahan-dahang kinapa ang cellphone, ipinagdarasal na sana hindi nila nakuha.
At dahil sa baba ng brightness ng cellphone, agad kong nabuksan ang messenger kung nasaan ay on going pa rin ang tawag at napamulagat nang tatlong oras na ang nakalagay sa tawag. Nakita ko sa screen ay walang iba kung hindi ay ang dilim.
Agad akong tumayo ay dahan-dahang gumapang patungo sa pwesto ni Marinella, kung saan ay walang bantay ay inalog-alog pa ang kapatid. But all what I get was nothing. Nakaramdam ko ng malagkit na nahawakan sa parteng dibdib ng kapatid at kinakabahan kung dugo ba ito o hindi.
"ARGH!" bigla na lamang akong napatingin sa una nang biglang bumagsak mula sa lupa ang isang armadong lalaki at nagsunod-sunod na ang iba. Agad ko namang kinakagan ang kapatid kahit na hidni alam kung papaano anng magsimula na ang pagpapalitan nila ng baril.
"TANGINA, NATUKYAN TAYO!"
"Marinella?" tanong ni Auntie nang makapalit sa amin. Nakatakas siya sa pagkukumpol-kumpulan ng lahat at pumunta sa aming gawi kahit na madilim at hidni namin matukyan ang bawat isa.
"TULONG!" Sigaw ni mama at agad kaong napatingin sa kanila. Kahit natatakot na pumunta sa kanila dahil sa palitan ng barilan, agad akong sumugod kahit na natatakot.
"Mama!" Umiiyak kong tugon nang sinubukang akayin si Uncle. Agad kaming nagtipon-tipon sa isang sulok, hindi ko alam kung saan. Bigla nman akong nakarinig sa cellphone nang biglang sumigaw si Shoaf.
"Tina, Tina?! Stay at the corner of this bodega, with your family. We and some help are on the way there!"
"Delikado!" Sigaw ko habang isinandal paupo si Tito at ginising muli si Marinella.
"NASAAN ANG MGA GAGONG 'YON?"
Lahat naman kami sa sulok ay tumahimik annag makita sa gitna ang Mayor na hinahanap kami, he was on the way to our side when suddenly, BANG!, napahiga soya sa sahig dulot ng pagkakabaril.
"Tina!" rinig kong sigaw at kalaunan ay nakita kami ng mga ilaw na 'yon. Nanghihina akong lumapit kay Papa na mayroon na ring hawak na baril at tuluyan nang nagwala habang umiiyak.
"PAPA! SI MARI! PAPA!"
Agad akong timulungan ni pala at siya namang binuhat ang kapatid. Tama nga ang nakapa ko kanina. Dugo ito at tinamaan siya. Gamit ang flashlight ni Shoaf at Papa, unti-unti na naming nahanap ang daan papalabas.
We were actually three steps away from the large door when suddenly, the Mayor's voice rang. "HINDI PA TAYO TAPOS!"
BANG!
BANG!
BANG!
Sumunod na narinig ko ay ang tatlong magakakasunod na pagbaril. Lumingon pa ako sa likod at nakitang nakadapa na ang ang mayor at halos wala ng buhay.
" BILIS, BAKA MABARIL PA KAYO!" sigaw nina Papa habang stretcher ay inilapag ang kapatid. Hindi ko minlamang narinig ang kanilang pagdating. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakarating sila, dahil hindi na kami makalalabas ng buhay roon kapag nagkataon.
"C-Chris..."
Bigla akong napalingon sa gawi ng Ina matapos niya iyong sabihin. She's walking toward us but then fainted. Agad ko siyang inasikaso ngunit nagulat nang makitang isa pa rin siyang dugoan.
"MAMA!" sigaw ko na kaagad namang timulungan ng iba pang katulong nina Papa at Shoaf sa pagligtas sa akin. Three bangs from the war earlier was the thing I have remembered. Jusko, sana hindi galing ang mga balang tumama sa aking Ina mula kay Mayor.
Agad naman akong isinakay ng kaibigan sa isang van kung saan naroon na si Tita at umiiyak na. Wala akong maramdaman bukod sa pagod. Wala na. Sana walang mangyaring masama kila Marinella. Sana magiging ayos sila.
Diyos ko, nakikiusap po ako.
___
"Mattina..."
Agad namang tumabi sa akin si papa at niyakap ako ng mahigpit. Isang oras na Ang nakalilipas at narito ako sa loob ng isang ward sa ospital, hinihintay ang resulta ng kung ano ba ang nangyari kila Mama, Uncle, at Marinella. Dito, bigla akong humagulgol na para bang anak na muling nakasama ang ama sa sampung taon na pagkakawalay.
Niyakap naman niya ako at inalo na. "Anak, nandito lang si Papa. Hinding-hindi kita pababayaan, okay? Tahan na, mahal." Hinalikan niya rin ang aking buhok sanhi ng paghahulgol kong muli.
Sa kaniyang yakap ay nakaramdam ako na hindi lamang ito isang yakap upang patahanin ito. May-iba rito na tanging nagpapadama sa akin na lalo pang umiyak. Agad namang dumagundong ang aking dibdib at mahigpit nang yumakap kay Papa. Ayaw ko ng masamang balita.
"Sorry, anak."
At sa kaniyang ibinulong, hindi lamang ako ang nagwala sa pag-iyak. Si Tita Cherry din. At sa anunsyong iyon, namamalayan ko na lamang muli ang mahigpit na pagkakayakap ng ama habang pinipigilan akong sugurin si Seaun at ang ama niyang dinala rin sa ospital.
"Anak... wala na ang Mama at ang kapatid mo."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
uegdbmdksoisjdhkyfjhfhjdjhjxgkdjdjgdjgdjgdjgdgjxjggkgkhldydggkkfyocuhfkhkdkyyijggjgkdhgkdgkgkgkgkcgkkgkggkgjjgdjckhcjggjjggjjgjggjjggkxggkgkoykhhcgogdkgdoyiggigigkkgogkgkhkggkjchkgfigtiiyciigittxiggjxtigiggxgxiiggcigigiggcigiggcgiigkgihihihigigigiyiyiygiigigigtiigigigiiggiigjgjgjggxigigjgjgxiigigcuugigigci igigihihkhihihiciguyufcugigigicihgcjgjgjgjghzjhzvdbdjdjdhdvxjjxhxbxbxjjdhdbdbdkxodjdhrjejdjdjdjdjjdjdjdjdkdieijejdhdhdhdhdhdhdhdhdhddhdhdhhddjhdjdjbbdjosgbdorgakkdhdbbdbdbdbsbbdbdbdbbbbbhhhhhj
08/09/2024
0kamosta ta ka ibigan ko
30/08/2024
0wow 🥰
02/08/2024
0Tingnan Lahat