Homepage/His Possessiveness/
Chapter 8
Chapter 8
Tiningnan ko ang oras at 8:36 AM na. Nakaligo na ako at naghahanap ng isusuot. Hindi naman sa excited ako pero lang talaga hindi ma-late at madagdagan ang kahihiyan kong nagawa.
"Alin ba kasi?" tanong ko sa aking sarili ko habang iniisa-isa ang mga damit. Halos lahat ng damit ko ay nakalabas na, pero wala pa rin akong mapili. Wala naman kasi akong magandang damit para sa date.
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko na may kumatok.
"Pasok!"
"Sandra! Ang tagal mo naman! A---kaya naman pala girl." Namewang siya habang tinitingnan ang itsura ng kama. Napakamot ako sa aking kilay.
"Wala ka pang isusuot?" Umiling ako sa kanya at napabuga sa hangin. Nakaka-stress palang makipag-date.
"As you can see, wala pa. First time ko 'to, so I don't have any idea about dating. Tulungan mo naman ako," saad ko.
"It's my pleasure, girl! OMG, excited na ako!" Napailing na lang ako sa kanya. Akala mo ay may inasinan siyang bulati. Pinanood ko siyang tingnan ang mga damit ko sa kama at humarap siya sa akin na nakangiwi.
"E, puro shirt at pants ang damit mo, girl. Do you think pang-date 'to?
"Magpa-pants na lang ako, baka sabihin ni Zaki over dress ako at halatang pinaghandaan ko. Malay ko ba kung saan n'ya lang ako dadalhin," paliwanag ko.
"Seriously?" Umirap siya sa akin.
"I'm serious, baka sabihin n'ya nag-assume ako. Basta gano'n!" Ayokong mapahiya ulit sa kanya. Baka ma-turn off sa akin at hindi na niya ako kausapin.
Napatingin siya sa kanyang relo, "Ay nako, may meeting pa ako kaya hindi na kita masasamahan. Late mo na kasing sinabi! Basta kung need mo ng blouse or what, just open my closet okay? Goodluck to your boring date!"
Akala niya naman maaasar ako sa sinabi niya. Ang mahalaga sa akin ay makabayad ako sa utang ko kay Zaki at magkaroon ng date with him.
"Bye! Mapatapilok ka sana!"
Narinig ko siyang sumigaw kaya napatawa na lang ako. Ang sarap n'ya talagang asarin. Namomroblema akong tumingin sa mga damit ko, hindi nga to pang-date. Ano ba kasi talaga ang susuotin ko? Nakakainis naman, dapat pala hindi na ako pumayag kung ganito pala ang stress na aabutin ko.
May kaunting blouse naman ako at pinili ko ang red square neck puff blouse and maong jeans. I chosed the red heels and get a black slingbag. Of course galing ang bag sa closet ni Alice. Wala naman akong bag na marami.
Nag-make up ako ng light lang at inalala ang turo nina Diamond at Alice sa akin. Maging ang tips ng nag-make up sa akin last time ay nakatulong dahil nagmukha naman akong disente.
Pumunta ako sa kwarto ni Alice at kinuha ang curler n'ya. Gusto kong makulot ang buhok ko kahit ngayon lang, kaya lang ay baka masunog ang buhok ko. 'Wag na lang kaya? Napabuntong hininga ako, bahala na. Isinaksak ko na ito at pinindot ang on button. Nakikita ko lang naman si Alice na gumagamit nito. Hinintay ko itong uminit at inikot ko sa aking buhok. Napangiti ako nang makita ko ang resulta, kumulot ang aking buhok. Grabe, ang galing ko!
"Okay na to!" saad ko sa aking sarili at umikot ako sa harap ng salamin.
Lumabas na ako ng kwarto dala ang aking bag at dumeritso sa kusina. Medyo nakaramdama ako ng gutom dahil nagkape lang naman ako kanina bago mag-ayos ng sarili. May nakita akong donut at gatas sa refrigerator kaya kinuha ko yon. Alam kong tinirhan ako ni Alice, kaya mahal ko 'yun e.
Habang nakain ay napatingin ako sa aking relo at nanlaki ang mata ko nang makita na 9:55 AM na. Five minutes na lang! Dali-dali akong lumabas at isinarado ko ang condo. Ang baliw ko, male-late na ako
Pagkarating ko sa parking lot ay hinanap ko agad si Zaki pero wala akong makita. Nasaan na kaya siya? Dont tell me hindi tuloy? Sayang naman ang paghahanda ko.
"Sinong hinahanap mo?" Napahawak ako sa dibdib sa gulat at napatingin sa aking likuran. Lumiwanag ang mukha ko ng makita siya. Its Zaki!
"Nakakagulat ka naman!" Hinampas ko siya sa braso sa sobrang inis. Lihim naman akong napangiwi dahil ang tigas. Shet, alagang gym nga pala siya.
"Okay, I'm sorry. Cute mo," natatawang saad niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Uhm, aalis na ba tayo?" Pinasadahan ko ng tingin ang kotse niya. A freaking mustang! Alam kong sobrang mahal ng ganitong klase ng kotse. Parang nakakahiya na sumakay dahil sa aking suot. This is my first time!
"Yeah, let's go!" Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at pumasok ako sa loob ng kotse niya. Sumalubong sa akin ang panlalaking amoy ng air conditioner. Si Zaki nga ang may kanya, walang duda.
"Wear a seatbelt. Safety first cutie!"
"T-Tigilan mo ako ha! Cutie ka d'yan!" namumula kong saway.
Tumawa lamang siya kaya naman napanguso ako. Ang hilig n'ya mang-asar, akala ko sobrang seryoso n'yang tao. Siguro depende talaga sa mood niya at sitwasyon.
"Saan ba tayo pupunta?" pagbabasag ko sa katahimikan.
"Secret, just rest. Ako ang bahala sa iyo," sagot n'ya.
Napatitig ako kay Zaki at pinasadahan ko ng tingin ang suot n'ya. Nakasuot siya ng black V-neck shirt at may white Adidas jacket na nakapatong. Naka-jeans din siya at rubber shoes. Ang gwapo n'ya talaga, kainis. Ang simple lang, pero ang lakas ng dating. Mabuti na lang at hindi ako nag-dress dahil simple lang ang suot niya.
"You can take me a picture, if you want. I don't mind, Sandra." Umiwas ako ng tingin at bumaling sa kalsada.
"Ewan ko sa'yo, ang feeling-ero mo!"
"If you say so, by the way you look great," mahina n'yang sabi. Ramadam ko ang pag-init ng aking pisngi kaya bahagya akong ngumuso. Pabigla-bigla naman siya.
You too, bulong ko. At agad na napapikit dahil sa antok.
ZAKI
Nilingon ko si Sandra at nakita kong tulog na. She's so cute and her lips are slightly parted. Its so tempting but I want to respect her. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa park. I want a peaceful date for us. Sinakto ko na hindi matao ngayon.
Tinitigan ko si Sandra at hindi maiwasang haplusin ang kanyang pisngi. Napakaganda n'ya talaga. Mapula-pula ang kanyang pisngi kaya lumilitaw ang maputi niyang kutis. I wonder kung bakit wala pa siyang boyfriend. And that's okay for me, dahil... nevermind.
Lumapit ako lalo sa kanya at napatingin sa kanyang mapulang labi. Magaan ko itong hinalikan at ilang segundo lang ang lumipas ay binitawan ko na. Her lips is so soft and sweet. Damn, it's so addicting. I really like her damn.
"Sandra, wake up," malambing kong gising sa kanya. I dont want to wake her up but were already here.
Bahagya kong tinapik ang kanyang pisngi. Unti-unti siyang nagmulat at parang bata na gumising. Shes so cute to the point that I want to pinch her cheeks.
"Nasaan na tayo? Ang ganda rito!" Parang kumikinang ang mata nito sa nakikita. Shes like a child who found a playground.
"Nasa park tayo, let's go?"
Tumango siya na parang bata at inalis ang seatbelt. Sa sobrang excited niya ay hindi na niya ako hinantay. I think I need to babysit a cute baby of mine. Napailing ako habang pinapanood siya at inilagay ang aking kamay sa bulsa ng aking pantalon.
"Wait for me!" sigaw ko.
SANDRA
Narinig ko ang sigaw ni Zaki pero hindi ko siya pinansin dahil sobrang aliw na aliw ako. May mga rides sa kabilang banda at playground for the kids. Mayroon din na field para magpahinga at tanawin ang mgandang view. This is so perfect! Ang relaxing sa lugar na to. Grabe, it's my first time to go in the place like this. Laking probinsya ako kaya naman hindi ako gaanong nakakapamasyal sa ganito. Meron din naman sa amin na ganito pero hindi ganon kalaki at kaganda. Hindi rin naman kasi ako gala dati.
Sinalubong ko ang sariwang hangin at napapikit para damhin ito, pero napangiwi ako dahil naramdaman kong sumakit ang paa ko.
"Aray, pashnea!" daing ko. Tumakbo kasi ako kanina ta's naka-heels nga pala ako. Engot mo self! Umupo ako sa bermunda grass sa ilalim ng malaking puno at inalis ang heels ko.
"What happened?" nag-aalalang tanong ni Zaki. Taas-baba ang dibdib nito dahil sa pagtakbo. Na-guilty ako dahil iniwan ko nga pala siya kanina. How rude of me.
"Masakit kasi, siguro paltos lang," nakangiwi kong sabi.
Umupo sa harap ko si Zach at kinuha ang aking paa. Inalis niya ang heels ko kaya nakita ko ang istura ng aking paa. Mamula-mula ang sakong nito maging ang gilid ng aking paa. Naramdaman kong hinilot n'ya 'to ng bahagya at napapikit ako sa sakit. Ang galing n'ya, nawawala nang kaunti ang sakit.
"Look, may sugat ka tuloy." Napatingin ako sa gilid ng paa ko at may sugat nga roon. Napalabi ako dahil kasalanan ko naman.
"Here, para hindi madumihan." Napangiti ako dahil sa nilagay n'ya. A polka dots band aid. I do not expect him to have a polka dots band aid. Look at himself, hes so manly
"Ang cute naman nito. Sa'n mo nakuha?" Wala namang mali na magkaroon ang isang lalaki ng polka dots design or what sa kanyang gamit. Hindi ko lang talaga ine-expect sa isang Zaki.
"Well, my mother loves to give me a band aid. In case of emergency raw and here it is."
"Salamat sa'yo," namumula kong sabi. Pinagmasdan ko siyang tamaan ng sinag ng araw kaya mas lalong nakikita ang kagwapuhan niya.
"You're very welcome, cutie." Pinisil n'ya ang aking pisngi at tinawanan ako. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha kaya lalo akong napangiti.
"Kainis ka! Malalamog ang pisngi ko!" kunyaring inis kong sabi.
"Alam kong maganda ka pa rin kahit malamog 'yan. Let's go?" Kinindatan niya ako kaya pabiro ko siyang hinampas.
"Pero... " Napatingin ako sa paa ko.
"C'mon! Piggyback?"
Masaya akong tumango at hinayaang akayin ni Zaki para tumayo. Napahawak ako sa bench at umupo siya sa aking harapan. Niyapos ko ang kanyang leeg gamit ang aking dalawang braso at bumaba kay Zaki. Medyo nailing ako dahil ramdam na ramdam ko ang kanyang malapad na likod.
"Are you okay?" Nagsimula na siyang maglakad at ang ilang taon ay napapatingin sa amin. Medyo nahiya naman ako dahil sa ayos namin. Sa gwapo ba naman ni Zaki tapos taga-buhat ko lang.
"O-Oo! Salamat pala!"
"You're very welcome!" Sinilip ko ang kanyang mukha at nakangiti naman siya. I dont kung nabibigatan at nangangawit siya sa akin. Ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat para mas mapanood ko siya nang maayos.
"Gwapo ko ba?"
"H-Hindi 'no! Tinitingnan ko lang pimples mo," dahilan ko. Wala naman siyang pimples, parang mas makinis pa nga ang mukha niya sa akin dahil may maliliit akong pimples sa aking noo.
"Really? One lie, one kiss. What do you think?"
"Ayoko nga! Akala mo naman papayag ako, ha? Dream on!"
"Okay, I'm just trying."
"Saan ba kasi tayo pupunta? Baka pagod ka na, ang bigat ko pa naman," ani ko.
"Of course not, hindi ako mapapagod sa'yo." Napatahimik ako dahil para sa akin ay iba ang kahulugan no'n o baka assuming lang talaga ako.
Natanaw ko ang blanket na puno ng pagkain pero walang tao. Siguro para sa isang pamilya iyon na magpi-picnic. Nanlaki ang mata ko dahil ibinaba ako roon ni Zaki sa blanket na puro pagkain. Napalingo-lingon ako sa paligid at baka may sumasaway sa amin. Grabe, ang daming pagkain. Baka naman nagkamali lang siya?
Are you sure na rito tayo? Ngumiti lang siya sa akin at binalewala ang tanong ko. I think I know the answer already.
"Did you like it?" Dahan-dahan akong tumango dahil na-surprise ako. Ang ineexpect ko ay sasakay kami sa mga rides pero iba pala talaga.
"I love it!" I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
novel and
30/12
0Nice
03/09/2025
0the story its super good
06/06/2025
0Tingnan Lahat