Chapter 48

Chapter 48
Wearing a silver long sleeve but backless mermaid gown, I'm standing in the front of big mirror.
Hinaplos ko ang kurba nito sa aking bewang. My body changed. I'm proud of it. It's the fruit of my hard work.
Kitang-kita ko ang pagkintab nito sa repleksyon ko sa salamin. I'm glowing and I can't wait to Zaki's reaction.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako sa aking likuran. Mabilis akong lumapit nang makita na si nanay pala 'yon. Nakasuot din ito ng pulang dress na mahaba. Ayaw niya raw ng gown dahil mabigat at hindi siya kumportable.
"Nanay! Ang ganda mo!"
"Aba'y, saan ka pa ba magmamana?" Kinindatan n'ya pa ako kaya napatawa na lang ako. My mother is still beautiful. Kitang-kita ang ganda nito noong dalaga ito. Maybe, sa kanya nga ako nagmana.
"Syempre, sa'yo!" Umupo muna kami sa couch at kumuha ng ilang litrato.
"Anak, kinakabahan ako mamaya." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Nanay, 'wag kayong kabahan. Nandito lang kami, we're going to enjoy this night. At saka malalaman na natin ang Wine of the Year." Nakita n'ya itong ngumiti at naramdamang hinaplos ang buhok.
"Anak, ang layo na ng narating mo. Proud na proud ako sa'yo. Salamat sa iyo at hindi mo ako binigo. Natupad ang pangarap kong malagay ka sa ayos." Niyakap ko siya at isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib. Warmth of a mother is one of the best feeling ever here in the world.
"It's all because of you, nanay. Kayo ang inspirasyon ko, wala ako rito kung hindi dahil sa'yo. Thank you for always supporting me." Mas lalo ko siyang niyakap at naramdaman kong pumatak ang luha galing sa aking mata. Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ang pagsinghot ni nanay. Alam kong naiiyak siya sa saya.
Siguro ang pagiging emosyonal ko ay namana ko sa kanya.
"Nanay, naman e! Pinapaiyak mo po ako, sira na ang make up natin," kunyari kong reklamo at pinahiran ang luha ko.
"Iyakin ka kasi, e. O, siya tara na at tama na ang drama. Baka naghihintay na sa atin si Zaki." Tumayo na kami at saktong palabas ay siyang pagpasok ni Zaki.
Mabilis ako nitong niyakap kaya nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla.
"Hey, are you okay?"
"I thought something happened to you. Hinahanap kita, hindi ka pa pala lumalabas," nag-aalala n'yang sabi. Ngumiti ako sa kanya at sinapo ang kanyang pisnging mamula-mula.
"I'm okay, nagdramahan lang kami ni nanay at palabas na rin sana." Mabilis ko siyang binigyan ng magaang halik sa labi at lumabas na. Kilig na kilig si nanay sa amin kaya tawa kami nang tawa.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang event. Kagaya ng normal na party ay nagbigay ng mensahe si tito at ilang big boss na alam kong may pangalan sa industriyang ito.
"I need to check something, baby. Huwag kang aalis at kumausap sa kung sino-sino. I love you," bilin n'ya sa akin at hinalikan ako sa noo. Inayos niya pa ang gown ko bago umalis.
Napatawa ako nang maalala na inis na inis sa akin si Zaki. Ayoko kasing suoting ang coat niya dahil hindi naman bagay sa suot ko. May slit din pala ang gown, hindi ko lang napansin. My man is really protective or... possessive?
Lumingon-lingon ako sa paligid dahil nababagot ako sa sinasabi ng speaker. It's like throwing good words that they didn't really mean.
"Hi beautiful!" Nanlaki ang mata ko at niyakap nang makita kung sino 'yon. It's Jace, matagal ko na siyang hindi nakakausap dahil busy na rin.
"How are you? You look manlier than ever," puri ko at kinindatan n'ya ako.
"Talaga? Sabi na at effective talaga ang pag-g-gym ko! Nasaan nga pala si Zaki? Iniwan ka?"
"No, may pinuntahan lang siya sandali. How about Andrei? Where is he?"
"Nasaan pa ba, edi naghahanap ng chikababes. Let's go to buffet? Don't mind the event, it's boring. Right?"
"Oo, parang puro lokohan lang sila. Ganito ba talaga kapag business?"
"Of course, you can't just easily trust others. And of course, how would they treat you nice, if you're their competitor? Shet, ang talino ko!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa kaya napatakip ako ng bibig. Jace is really a mood.
Narinig kami ng pagtikhim sa aming likuran at nakita si Zaki na masama ang tingin kay Jace.
"Aalis na nga pala ako, sasama ako kay Andrei humanap ng chikababes. Bye beautiful at Zako! Este, Zaki!" Tumakbo na ito palayo at napailing ako sa kakulitan n'ya.
"That asshole! Crush ka pa rin ata," magkasalubong ang kilay na sabi ni Zaki na nagpakunot ng noo ko.
"You mean, naging crush n'ya ako?" Tumango siya kaya napatawa naman ako dahil parang ayaw siya nitong sagutin.
"Bakit parang masaya ka pa?"
"What? Syempre, I felt so honored na naging crush ako ni Jace. Jace is handsome and jolly man. He's also cute!" Bumaling ako kay Zaki at nagpigil ng tawa nang samaan n'ya ako ng tingin.
"Really?" madiin na sabi n'ya kaya agad ko siyang niyakap.
"Hey, hindi ko gusto si Jace. I just find him cute. Ikaw ang mahal ko at pinakagwapo sa paningin ko. Kumalma ka nga!"
"Tss, if I know you're so happy while talking to him." Ini-straight nito ang alak na nasa baso at hindi na umimik.
"Zaki, babe, come on. Face me!"
I kissed him to his lips and I felt he stilled at the moment.
"I love you, babe. Sorry for making you jealous, it's a little bit intended. Ang hot mo kasi mainis."
He rolled his eyes kaya napatawa ako.
"Bakit ba ang ganda mo? Look at the other guest, they admiring you even though I'm with you. And your gown is so sexy," reklamo nito.
"Hindi ko kasalanan 'yon, makinig ka na lang." The place is so elegant. The vintage colors with white are great combination. The lights from chandelier give us a palace feels.
Also the outfit from the staffs and guest are accurate. Masasabing may ibubuga talaga sila.
"After a year, I'm here again, announcing the wine of the year. Throughout the year, we are always finding unique wine. With the help of CEO of Wine Industry of Russia, we found the right company that produces a unique wine. Let's congratulate, Gomez Winery!" Narinig ko ang pagmumura ni Zaki sa aking tabi.
Malakas na palakpakan at ilang bulungan ang naghari sa loob. Parang hindi pa rin makapaniwala si Zaki kaya naman hinatak ko ang kanyang coat. Nakatulala lang siya sa akin at mariin na pumipikit.
"Babe, tinawag ang company name niyo!" tili ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman.
"Fuck! Damn!"
ZAKI
I don't know what to feel or say. Puro mura ang lumabas sa bibig ko dahil sa nerbyos. I snaked my arms to Sandra's waist. I want her to come with me in stage. She's also part of this success.
"Zaki, ikaw na lang," bulong n'ya sa akin kaya pinisil ko ang bewang niya.
"No, you will stay here beside me."
Nasa may hagdan si nanay at dad. Mabilis akong sinalubong ng niyakap ni nanay kaya napaluha ako. Fuck, I'm so emotional. Nakakahiya!
"Proud na proud ako sa iyo, anak." Tumango ako at niyakap din si dad.
"I'm so proud of you son, you didn't fail to amaze me." Tuluyan na akong napaluha sa kanyang sabi.
Apat kaming tumaas para tanggapin ang parangal. They are my inspiration, so they are also part of this success.
"Congratulations, Mr. Gomez! As Mr. Kneight request, they will invest to Gomez Winery. Congratulations again!"
Nakipagkamay kami sa matataas na tao ng winery industry sa Asya.
"You have a beautiful date, Mr. Gomez. I think she's familiar." Ngingiti-ngiti sila sa akin habang pinagmamasdan si Sandra. Sumerysoso ako dahil si Sandra na ang pinag-uusapan. Once I saw something wrong about their words I will not give a damn.
"Thank you, sir. She's my girlfriend and also a model." I can't help it but to say it. I'm so proud of my Sandra.
"Grabe, anak, ang galing mo!" rinig kong sabi ni nanay habang nababa kami ng stage.
"Thank you, nanay."
"You did a great job, Zaki. Mukhang mas lalago ang kompanya."
"Thank you, dad," pasasalamat ko at tiniigan si Sandra na nakayapos sa aking braso.
Sinalubong kami ng kislapan ng camera at tanong ng media kaya napalapit lalo sa akin si Sandra.
"Congratulations, Mr. Gomez! May I ask kung kailan po ilalabas ang latest wine n'yo? I'm sure pagkakaguluhan ito. At in demand sa market natin."
"Well, we're always ready for this moment. And we'll update soon, thank you." Tumango ang reporter at mabilis kaming umalis sa mesa. Naiilang na rin kasi si nanay.
"Anak, I'll just check something in the fountain." Binigyan ako ng titig ni dad at alam ko na ang ibigsabihin no'n. Nakaramdam agad ako ng kaba para mamaya. Shit!
"Ahm, iihi lang ako ha? Diyan muna kayong dalawa," paalam ni nanay.
"Nanay, samahan na po kita. Baka maligaw ka"
"I'm here beautiful! Sasamahan ko si nanay, enjoy muna kayo diyan." That asshole!
Kahit nag-aalangan ay tumango na rin si Sandra.
"Gwapo ba ako?" tanong ko kay Sandra kaya nanlaki ang kanyang mata.
"W-What? Ano ba 'yan Zaki," namumulang saad niya. She's so cute!
"What? Ibigsabihin hindi ako gwapo?" kunot-noo kong sabi. Kapag si Jace ay ang daling sabihin na gwapo at cute, samantalang ako ay hindi.
"Of course not, ang gwapo mo. Nahihiya lang ako, kung makatitig ka naman kasi."
She rolled her eyes to me and I kissed her soft lips. It's so addictive.
"Babe, sa totoo lang ang gwapo mo lalo ngayon. Ang sarap tirisin ng mga babaeng nagpapa-cute sa'yo kanina pa," nakasimangot n'yang sabi.
Hinapit ko siya palapit sa akin. She's so small compared to me, so I can easily hug her.
"Ikaw lang naman ang gusto at mahal ko, baby. Let's go, I'll show you something." Hinila ko siya sa labas at tinanguan ko si Andrei na na may hawak na camera para bantayan ang gamit namin.
"Babe, saan ba tayo pupunta? May event pa, nakakahiya kung mawawala tayo."
I just smiled to her and walk until we get there. I saw the fountain with lights and bahay kubo. Pinagawa ko lang siya saglit.
"K-Kanino 'to? Baka mapagalitan tayo!" Umiling ako sa kanya at dinala siya sa loob ng kubo.
"Trust me, okay? I love you, always remember that." Biglang namatay ang ilaw kaya narinig ko ang tili ni Sandra. Gusto ko siyang puntahan pero masisira ang plano ko.
"B-Babe!"
Naaninag ko si Jace at Andrei na hawak ang remote at gitara.
"Dude, congrats!" Tumango ako at sumaludo. I'm lucky to have my supportive friends. Nag-okay sign sa akin si nanay at dad kaya napatawa ako.
Binuksan ni Nanay ang bintana at biglang bumukas ang mga ilaw sa paligid. May mga lamp na may alitaptap sa loob na nagbibigay liwanag din.
I started strumming the guitar.
I give my heart in this precious time. I gave my efforts and I hope Sandra likes it. Nagsimula akong kumanta at ibinubuhos ko nag pagmamahal ko sa bawat letra at salita.
Nakita kong sumilip si Sandra sa bintana at napatakip ng bibig habang pinapanood ako. Tumitig ako sa kanya at pilit na tinitingnan ang kanyang magandang mukha. Nakatakip siya ng mukha na para bang nahihiya.
Ibinaba ko ang gitara at hinayaang ang banda lang ang kumanta. I ask for Sandra's hand habang siya ay inaakay ni dad. Namumula ang kanyang ilong at mga magagandang mata na kumikinang sa dilim.
"B-Bakit ka ganito?! Pinaiiyak mo na lang ako lagi!" I hugged her at tumulo na rin ang luha ko.
I swayed our bodies while kissing her forehead. I can hear Sandra's sobs and I can't help it but to chuckle. She's so cute. Hays, she is really my baby that I need to take care forever.
Lumayo ako sa yakap at kinuha ang kahon sa bulsa ng coat ko. I show her the pink box and I kneel in front of her, in front of our family and friends.
"Baby, alam kong marami tayong pinagdaanan. I'm so thankful that I heard you singing next to my veranda. Alam mong mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang mawala ka pa sa akin. I know I'm not a perfect man, but I assure you that I will be the best man for you. I'm a jealous and possessive man, I'm sorry but I can't help it. Thank you for always being at my side and taking my possessivenes. I'm sorry if I'm being cheesy and you will tease me after this. I'm here, kneeling in front you, can you be my baby for the rest of my life?" naiiyak kong sabi.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang tumango siya habang naiyak.
"Yes, Zaki!" sigaw niya at umagos ang mga luha niya. I put the ring to her finger and hug her immediately.
I can hear her sobs and feel her tears to my clothes. Narinig ko ang sigawan at palakpakan nina dad kaya lihim akong napangiti. She fucking said yes!
"N-Nakakainis ka talaga!" iyak n'ya at sinapo ko ang kanyang pisngi. Im looking at the tears streaming down to her cheeks.
"I'm so glad we made it. Look how far we've come my baby," kanta ko at hinalikan siya sa kanyang labi.
------

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    CeledonioKaren

    novel and

    30/12

      0
  • avatar
    이지이

    Nice

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Nate Jared Raza

    the story its super good

    06/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata