Chapter 44

Chapter 44
["Hintayin mo ako r'yan, Sandra. At may good news din ako sa'yo!"] Tumango ako kahit hindi nakikita ni Cyrel. Bigla akong na-excite dahil sa sinabi n'yang goodnews.
"Okay, ingat ka manager!" paalam ko at ibinaba na ang tawag.
I'm wearing a crop top shirt and high waist jeans. Nagsuot din ako ng strappy sandals. Pupunta ako ngayon sa shoot in Makati. Kumukuha ako ng ilang magaang projects dahil hindi ako pwedeng umasa sa iba lalo na kay Zaki. Kailangan kong kumilos para sa sarili ko.
Nakapuwesto ako sa may gilid ng parking lot nang may dumaang kotse sa unahan ko. Bumaba ang salamin at bumungad sa akin ang nakasakay, walang iba kung hindi si Zaki ang driver.
"Miss, do you love me?" tanong n'ya at kumindat pa.
"Who you? May boyfriend ako," saad ko.
"What's his name?"
"Vincent, that's my best man."
Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Zaki at mabilis siyang lumabas ng kotse.
"What? Zaki ang pangalan ng boyfriend mo," giit n'ya pero inilingan ko siya at nagbigay ng inosenteng ngiti.
Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakasimangot. Pinipigil ko ang aking tawa dahil gwapo niya sa kanyang itsura.
"Huh? Ang sabi ko, si Vincent ang best man for me."
"Sandra, sino 'yung Vincent? Your cousin? Your nephew?" sunod-sunod n'yang tanong at hindi ko na napigilan matawa.
"Tatay ko, weak mo namang manghula. Siya ang best man for me, but Zaki Gomez naman ang pangalan ng boyfriend ko." Bigla n'ya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik. Isiniksik n'ya ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Damn, I love you baby. Pakasal na tayo," bulong n'ya kaya naman hinampas ko siya.
"Bilis, a? Actually, hindi Vincent name ni ama. Vicente talaga pero para maasar, ginawa kong Vincent."
"You're changing the topic. Ayaw mo?"
"Masyado pang maaga, tigilan mo ako Zaki Gomez." Napatingin ako sa pumaradang kotse at lumabas mula roon si Cyrel.
"Tara na!" sigaw ni Cyrel.
Tiningnan ko si Zaki na nagtatakang tumingin sa akin.
"Saan ang punta mo?"
"Shoot sa Makati, mamaya ko pa sana sasabihin sa'yo, e. I need to go, babe. Tawagan na lang kita?" Niyakap n'ya ako sa aking bewang at binigyan ng isang damping halik sa aking labi.
"Please call me, okay? Kung gusto mo sunduin kita, just text me your place. I love you baby, take care." Tumango ako at tinapik ang kanyang kamay.
"I love you, too. Take care also!" sigaw ko at patakbong lumapit kay Cyrel. Nakakahiya kasing paghintayin lalo na at nakikisabay lang ako. I'm now saving money for a car.
"Blooming!" Napatawa na lang ako sa kanyang sinabi. Hinawi ko ang buhok ko sa likod dahil sumasalimpad ito sa mukha ko. Siguro ganoon nga kapag inlove kasi laging nakangiti at may energy na kumilos.
"Thank you nga pala sa pagsundo. Wala pa kasi akong kotse," saad ko.
"May goodnews ako, at tungkol 'yon sa kotse mo. May alam akong bilihan ng kotse na afford mo, Ford, gusto mo?" Mahal 'yon, a!
"Magkano naman?" Nang sabihin niya sa akin ay para akong nabingi sa narinig ko. Ang mahal grabe, hindi ko makita kung saang part 'yung afford na word.
"At may goodnews ulit ako," wika n'ya kaya napataas ang kilay ko.
"Ano na naman 'yan? Nako, Cyrel ha!"
"Ano ka ba hindi 'yan! May sikat na banda ang gagawa ng music video. Naghahanap sila ng gaganap sa music video since ang song ay about love. I recommend you!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Ano'ng alam ko sa pag-arte? Dati ay gusto kong mag-artista pero jusko wala naman akong talent do'n.
"Hindi ako marunong! Ano bang name ng banda? Baka kilala ko sila."
"Ang nag-iisang 'The ZENTSURIE'. Grabe, ang ganda ng mga boses ng mga 'yon." Napatili agad ako dahil sa narinig ko. Crush na crush ko ang vocalist nila na si Rienne. Ang ganda ng timbre ng boses n'ya tapos sasabayan ng tugtog ng ibang ka-banda.
"Kilala ko syempre, sikat na sikat kaya sila. OMG! Grabe talaga! Pero mapapahiya ako, wala akong talent sa pag-arte. Nakakahiya talaga, Cyrel."
"Malaki ang bayad nila, I'm sure maiidagdag mo na 'yon sa ipon mo."
"Kahit na daang libo pa, wala naman akong talent do'n."
"Why don't you try? Just audition, malay mo may talent ka pala ro'n hindi mo lang talaga alam. Malay mo matupad ang pangarap mo dati." Napaisip ako sa sinabi n'ya. Should I give it a shot?
ZAKI
I nodded to the guard before I enter. Marami nang naitulong sa akin ang guard na 'yon. He's so nice.
Pumasok ako sa condo unit ko at nagpalit ng damit. I get my laptop and opened it to check my messages from my secretary.
Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito kaya sinagot ko agad.
["Hello sir! Good afternoon! This is Dianna, I just want you to remind about the reports you need to check and the documents you need to sign... "] Sinabi n'ya ang mga documents na kailangan bukas kaya agad kong inilabas at napahinga ako nang malalim. Ang dami nito, maybe I'll stay up late.
"Okay, noted. Please arrange my table early tomorrow. I will have a meeting with the investor in my office. Thank you!"
["Welcome sir! Good afternoon again!"] Pinatay ko na ang tawag at sinimulang tingnan ang aking messages. Most of my messages are about work but one message caught my attention.
Fr: Mr. Santino Dela Cuesta
To: Mr. Zaki. Gomez
Hi, inaanak! Your ninang's birthday and wedding anniversary is on December 4. I will marry again your ninang. If you have time, you can visit us here in my farm. Have a nice day!
Let's see ninong, I don't know my schedule yet. I started replying to my Ninong Santi and close the tab after I send it.
Napangiti ako dahil naalala pa rin nila ako. Sa tingin ko ay dalawang taon na kaming hindi nagkikita. They are my mom's bestfriend so, I'm really comfortable with them.
I start doing my paperworks and signing the documents. Puro meeting ako kanina kaya nawalan ako ng oras na maggawa nito. Umuwi ako nang maaga para makapagpahinga dahil sumasakit ang ulo, pero wala rin dahil tumawag ang secretary ko.
I hope my headache is not getting worse. Napahilot na ako sa aking sentido at ginawa na ang kailangan kong gawin.
***
After three hours, I'm finally done to the reports. May ihahabol pa raw sa akin si Dianna mamaya, kaya siguradong late akong matutulog.
Tiningnan ko saglit ang phone ko at napakunot ang noo nang makita na walang text sa akin si Sandra. Hinanap ko ang pangalan n'ya sa contacts ko at tinawagan. Hindi ako makakampante kung hindi ko siya makakausap.
Ilang ring pa lamang ay sinagot na n'ya at narinig ko ang tawanan nila.
["Babe, hello!"]
"Where are you? Bakit hindi ka nag-text o tumawag? Sandra naman," mahinahon kong sabi kahit alalang-alala na ako. Baka kasi sumasakit ang dibdib niya o kung napaano na siya.
["Sorry babe, nakalimutan ko. I had a meeting with the band that Cyrel recommended to me. Sasabihan na lang kita about the meeting. Magpapaliwanag ako, babe. Pauwi na ako! I love you!"]
"Okay, mag-ingat ka. Mag-text ka or tumawag kung magpapasundo ka sa akin. I love you too!" Nakangiti kong pinatay ang tawag at inayos ang condo unit para malinis pagdating ni Sandra. I know sesermonan n'ya na naman ako kapag nakita n'yang magulo ang gamit ko.
Napagpasyahan kong maligo muna. I can feel my sweat. Even it is December right now, the heat is still rising and giving me a hardtime.
Makalipas ang kalahating oras ay tapos na ako at narinig ko na rin na may nag-doorbell. When I opened the door, Sandra with her shades and cap welcomed me. I hugged her and kiss the top of her head. I missed her so much.
"Babe, tama na." Humiwalay siya sa yakap ko at umupo siya sa couch. She looks tired so I sat beside her.
"Are you okay? You want a massage?" Kahit hindi ako marunong ay nagtanong ako. I watched some movies with massage scenes. I think I can do that, too?
Napamulat siya sa sinabi ko kaya natawa ako. Hinaplos ko ang kanyang buhok at inalis ang nakaharang sa kanyang mukha. She looks like an angel. My baby has long eyelashes, almond shape eyes, fine eyebrows, smooth skin, cute nose, and my favorite, her pinkish lips.
She's so pretty. I want her to lock on my pocket so I'm the only one who can see her. I shook my head because of the crazy things I'm thinking in my head.
"Marunong ka? Seryoso?" gulat n'yang tanong. I think she's excited. Napailing na lang ako at hindi ko napigilang pisilin ang kanyang pisngi. She's so cute, like a little girl who will have a candy from his dad.
"I don't know, but I'll try for you." Her face lightens up and lay down properly. My lips formed a grin because of her act.
"Sige! Try mo sa akin! Okay, I'm ready!" I started massaging her forehead and she moaned so I stopped.
"Sandra," banta ko pero narinig ko lang siyang tumawa.
I started massaging her and thank God she stopped moaning. Narinig ko ang kanyang pagtikhim kaya napatingin ako sa kanya.
"Babe, kanina hindi ba pumunta ako for my commercial shoot? Tapos habang nasa kotse kami ni Cyrel, she told me about the famous band na naghahanap ng babae para sa music video nila. Cyrel want me to audition and I didn't expect that we will have a meeting with the band. 'Yon ang dahilan kaya nagtagal ako. Sabi ng leader ng band ay tatawagan na lang daw si Cyrel kung tanggap ako." Napangiti ako sa narinig ko. I'm so proud of her. I know that she has a dream to be an actress and finally she was given an opportunity.
"I'm so proud of you, goodluck. Whatever the result, I know your the best. Okay? But baby, think about your health. Don't exhaust your self, baka kung mapaano ka." Umupo si Sandra at niyakap ako.
"Of course, ayoko kayong mag-alala sa akin. Nga pala, 'yung music video is about love so, kung matatanggap ako may possibility na may lalaki akong partner. Are you okay with that?"
"Of course, alam kong trabaho mo 'yon at pangarap mo. I'm here to support you." I saw her eyes shine because of the tear she's stopping to fall. My baby is so soft.
"Bakit ka ganyan? You can stop me, babe. Hindi naman ako magagalit." Lumapit ako sa kanyang tabi at mataman ko siyang tiningnan. Humiga rin ako at niyakap siya nanag mahigpit.
"I know, baby. But I chose to support you because I love you. Alam kong gusto mo 'yan at pangarap mo. I want you to be happy," malambing kong sabi at hinalikan ang kanyang noo.
"I love you so much, babe."
"I love you too, baby." Pinatakan ko siya nang magaang halik sa labi at noo. Her hug became tighter and I smiled because of that.
"Ako naman ang magmamasahe sa'yo!" excited n'yang sabi sa akin at tumayo na siya.
"Alam kong pagod ka rin sa trabaho. Dapat ka ring magpahinga at chill, CEO. I'll treat you sometimes after work."
Napapikit ako dahil sa masarap na pakiramdam dulo ng ginagawa ni Sandra.
"Kailan 'yon? Para masigurado kong free ako sa araw na 'yon."
"Surprise 'yon, basta ako naman ang babawi sa'yo. Nga pala, kamusta kayo ng dad mo?" Lihim akong napangiti, even though my dad didn't like her, she still cares for him. My father is civil to Sandra whenever I'm with her in the company.
"We're okay, I can say that our relationship improved."
"Good for you, that's your dream, right? Natutupad na, I'm so happy." Umupo ako at hinila si Sandra paupo sa aking hita kaya napatili siya.
"Aalis na ako, Zaki. Magbibihis pa ako ng damit," tutol n'ya sa pagkakahawak ko. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanyang bewang at ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg.
After a minute of silence, I leaned on her and give her a light kiss on her lips. His pinkish lips moist and I love to kiss it everyday.
"Babe! Nakikiliti ako!" saway n'ya sa akin.
"I love you, baby." I felt she stilled in a moment and I chuckled. Hindi pa rin siya masanay-sanay sa mga sinasabi ko.
"I-I love you too, babe. May kasalanan ka ba at ang lambing mo, ha? Umayos ka Zaki Gomez!" Napahalakhak ako sa sinabi n'ya lalo na nang sikuhin n'ya ako.
"Nothing, of course wala. Kung may nagawa man ako, aamin ako. Hindi ko maiipangakong wala akong magagawang kasalanan, but I promise I will be always faithful to you. Okay?" She nodded and I kissed the tip of her nose. I love this girl so much.

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    CeledonioKaren

    novel and

    30/12

      0
  • avatar
    이지이

    Nice

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Nate Jared Raza

    the story its super good

    06/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata