Chapter 43

Chapter 43
Sandra
Malungkot akong nakatingin kay Zaki at nanay. I'm guilty, ang dami kong problema na dinala. Alam kong nahirapan sila nang sobra sa akin. Sa oras na okay na ako ay babawi ako sa kanilang lahat.
"Anak, tigilan mo ang pag-iisip ng ganyan. Mahal ka namin," malumanay na sabi ni nanay habang inaayos ang damit ko. Papauwi na kami mamaya at iniisip ko ang bill ko. I'm sure na umabot 'yon ng hundreds thousand or a million? Ayaw sa aking sabihin ni nanay at Zaki, baka raw isipin ko nang isipin. Malamang iisipin ko talaga nang iisipin dahil alam kong hindi biro ang halaga non.
"I told you baby, tutulungan kita." Umiling ako sa kanya at hinarap siya. Ayokong umasa sa kanya, marami na akong problemang naidulot sa kanya.
"Babe, may pera ako. May itinago akong pera for my operation. Please let me? Ako ang dahilan kung bakit nasa hospital kaya siguro tama lang na ako ang magbayad? Kung kulang man, tatanggapin ko ang offer ni Doc Axel na pautangin ako."
"What? Baby, bakit manghihingi ka pa ng tulong sa doktor na 'yon? I can help you too!"
"Zaki, ayaw mo naman akong pautangin, e. Gusto mo kasing mangyari is bigay mo, which is ayoko. Malaking pera 'yon at pinaghirapan mo. Please?" Napikit si Zaki nang mariin at nagpakawala ng buntong hininga.
"Fine, papahiramin kita pero... huwag ka nang hihingi ng tulong sa doktor na 'yon. Okay? Baby?" Nakatitig lang ako sa kanya at natatawa dahil iniiwas n'ya talaga ako kay Doc Axel. I don't know what Zakis problem to Doc Axel is. Napakabait kaya ni Doc Axel, sobra talaga akong nagpapasalamat sa kanya.
"Bakit ba lagi mo ako iniiwas sa kanya? Nagseselos ka?"
"Yes, ayoko lang humingi ka ng tulong sa kanya kung nandito naman ako. You can still talk to him, hindi naman kita pagbabawalan." A month passed at sa wakas ay lalabas na rin ako. Nagkaroon ako ng therapy para sa aking katawan. Mabuti na lang at naging madali ang recovery ko, but in my heart situation, I'm not yet fully recovered.
Kailangan hindi ako laging mapagod at higit sa lahat uminom ako ng gamot ko. Minsan sumasakit ang dibdib ko pero nawawala rin agad.
"Oo na, boyfriend. Basta kukuhanin natin 'yung pera ko sa bank ko ha? Zaki, I'm serious."
"Fine, naiintindihan ko ang point mo. Basta kapag kulang, I'll lend you some and you can gave it back once you're okay and fully stable."
Tumango ako at nagtiklop na ng mga damit ko. Napalingon ako sa may pinto nang magbukas iyon at pumasok si nanay. Hindi ko siya napansing lumabas, siguro gawa ng pag-uusap namin ni Zaki.
"Anak, pwede ka na raw lumabas mamayang 10 AM. Uuwi ka ba sa atin? Nagtitinda naman ako kaya kitang alagaan."
Agad ko siyang inilingan, ayokong mahirapan si nanay. Alam kong baon sa utang sina ate, may problema na naman. Hindi naman ata mawawalan ang tao ng isang problema. Just like me, I have a problem too.
"Sinabihan po ako ni Alice na pwede pa muna ako sa condo unit n'ya. At saka katabi lang po no'n ang kwarto ni Zaki. Don't worry about me, nanay. Kukuha rin po siguro ako ng shoot na hindi gaanong mabibigat, nakausap ko na po ang manager at boss namin. They know my situation." Alam kong hindi sang-ayon si nanay sa gusto ko pero nginitian ko siya para ipakitang kaya ko at okay lang ako.
She nodded and because of happiness I hugged her. I'm so thankful to my mother.
***
Pumasok ako sa kotse ni Zaki matapos kong magpaalam kay nanay. Ihahatid kasi ng driver ni Zaki si nanay sa Cavite. Ayaw n'yang pumayag na mag-commurte si nanay, maging ako ay pumayag na. I'm waiting for him now here in the car.
Thank God, nakalabas na ako ng hospital. Ang problema ko ay pagta-trabaho at pera. Kailangan kong mabayaran si Zaki sa laki ng utang ko. Nakakahiya sa kanya, kahit sabihing boyfriend ko na siya at hindi pa rin 'yon dahilan para patagalin ko ang hiniram kong pera.
The thought of him, being my boyfriend is still fresh. Tuwing naiisip ko ay kinikilig ako. At last, after so many challenges we've faced, we're together now.
Bumukas ang pinto ng kotse at pumasok si Zaki. He leaned over to me and I stilled.
"Seatbelt baby... " Napapikit ako nang mariin kasabay nang pagkagat ng aking labi. Bakit ba ako kinakabahan?
"Umaasa ka?" aniya habang nakangisi sa akin. Hinampas ko ang kanyang braso dahil inaasar ako.
"A-Anong umaasa?! Syempre, hindi!" alma ko at tumingin lang sa daan. I can hear his chuckle but I didn't mind since he's just teasing me.
Narinig ko ang kanyang pagtikhim kaya napatingin ako sa kanya. Hinawakan n'ya ang aking kamay na nasa aking hita.
Sinimulan n'ya sa pagkanta at napaawang ang labi ko sa ganda ng kanyang boses. I'm inlove to his voice. Lalo akong namula nang kindatan n'ya ako.
His smile can make my heart crazy and beat faster. Para akong kamatis na namumula dahil sa kilig na pinipigilan. Ang gwapo-gwapo ni Zaki habang kumakanta at nagmamaneho.
His muscles flexes as he move while driving and singing. Mahal niya talaga ang gym. Kaya mas lalong narami ang nagme-message sa kanya sa social media. Body, looks, and other thiings. Full package but he's mine.
Sinabayan ko na siya at nag-head bang pa ako. The smile on my lips didn't leave until we reached the condo building.
Sinuot ko ang aking sumbrero at shades para walang makakilala sa akin. Bilin din sa akin ni Cyrel 'yon lalo na at marami na raw ang naghahanap sa akin. Mabuti na lang at naintindihan nila ang kalagayan ko. Im so thankful to Zia dahil tinanggap pa rin nila ako.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Zaki at inalalayan palabas. I saw the guard holding my things.
Nagulat na lang ako nang may magsigawan at mga kumpol ito ng tao na ang ilan ay may hawak pang camera. Media!
"Baby, hold on me!" Yumakap ako kay Zaki at tinakpan ang aking mukha. Mabuti na lang at maraming guards ang alerto at na-escort-an kami.
May ilan pa ring reporters na masyadong makulit at talagang kinukuha ang braso ko. Ingay ang aking naririnig kaya mas lalo kong sinubsob ang aking mukha sa dibdib ni Zaki.
"Ms. Sandra! Totoo po bang buntis ka?"
"Bakit po kayo nawala nang matagal? May sakit daw po kayo?"
"Miss tingin po kayo rito!"
Rinig kong mga tanong ng mga tao sa akin. Mabilis hinarangan ng iba ang mga tao at sa wakas ay nasa elevator na kami. Napahinga ako nang malalim at medyo hiningal sa nangyari.
"Baby? Are you okay? May masakit sa'yo?"
"Medyo napagod lang, I'm okay. Salamat, babe," malambing ko sabi at hinalikan siya sa labi. Nakita kong natigilan siya kaya napahalakhak ako.
"Don't do that, lagi na lang akong hindi ready." Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at lalong napatawa.
"Wow ha! Grabe naman sa pagiging demanding 'yan," saad ko at lumabas na kami ng elevator.

Hinawakan ni Zaki ang aking pulso at hinila sa... condo unit n'ya?
"Hoy teka! Bakit dito mo ako dinadala? Sa kabila tayo, roon ako kay Alice!" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Nandoon na ba si Alice?"
"Wala pa, mamaya pang gabi."
"Exactly, kaya rito ka muna until Alice came. Baka kung ano na namang mangyari sa'yo, I can't risk you, baby."
Tumango na lamang ako sa kanya at umupo sa couch. Gusto ko sanang tulungan siya sa gamit ko pero tinitingnan n'ya ako nang masama.
Matapos ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng antok. Natanaw ko si Zaki na nagluluto kaya lumapit ako sa kanya.
I hugged him from behind and sniffed his back. Ang bango grabe, miski pawis ata n'ya ay mabango. Ipunin ko kaya tapos ibenta ko? Im really crazy because of him.
"Baby, I'm cooking. Stop doing that, nakikiliti ako."
"Okay, ang bango mo kasi, e. Pwede ba makitulog? Inaantok kasi ako," saad ko at hinarap n'ya ako.
"Kumain ka muna at uminom ng gamot. Tapos pwede ka ng matulog." Napakamot ako ng kilay sa sinabi n'ya. Hindi pa naman ako gutom kaya ayokong kumain. Dahil sa kuryosidad ay sinilip ko ang kanyang niluluto at natakam agad ako.
"Hindi pa ako gutom, basta tirhan mo na lang ako ng sinigang na isda."
"No, umupo ka tapos kumain. Iinom ka ng gamot at matutulog. Gano'n ang mangyayari, Sandra." Napangiwi na lang ako nang tawagin n'ya ako sa aking pangalan. Okay, kailangan ko talagang kumain. Kumuha na ako ng plato naming dalawa at inayos ang mesa. Kahit pinipigilan ako ni Zaki ay wala siyang magagawa dahil sinasamaan ko siya ng tingin.
Akala n'ya masisindak ako lagi sa kanya. Hindi kaya!
"Mainit pa, baka higupin mo agad." Tumango lang ako sa kanya at kumain nang tahimik. Sarap na sarap ako sa gulay at sabaw. Grabe, isang chef talaga ang boyfriend ko.
Hindi ko na matiis ang paghigop ng sabaw gamit ang kutsara kaya naman kinuha ko ang tasa at hinigop. Nasamid ako sa sobrang init at agad kong ibinaba ang tasa. Natapon pa ang kaunting sabaw.
"I told you, hardheaded baby." Inirapan ko lang siya at napakagat ako ng dila. Ramdam ko ang pagkamanhid ng aking dila dahil mainit pa talaga ang sabaw.
"Sakit, kainis," bulong ko at uminom na lang ng tubig.
"Gusto mong mawala ang sakit?" tanong ni Zaki at kahit nagtataka sa tanong n'ya ay tinanguan ko na lang.
He leaned on me and I felt his lips on mine. All I know is he's kissing me aggressively. I moaned when he bites my lower lip and he take it as an advantage to enter his tongue on my mouth.
Napakapit ako sa buhok ni Zaki dahil sa sensasyong nararamdaman. Para akong nalulunod sa sobrang sarap ng pakiramdam. I did what he's doing and trying my best to do the same.
I angled my face on the other side so, he can kiss me properly. Zaki is really a great teacher. He sucked my tongue and I moaned.
"Hmm..."
Naramdaman ko ang kamay niya na pumipisil sa aking bewang na nakakadagdag sa kiliting hatid ng kanyang halik. Humiwalay ako kay Zaki dahil para akong mauubusan ng hininga.
"Z-Zaki... " hingal kong tutol sa kanya at inilagay ang aking mukha sa kanyang dibdib. Nahihiya ako sa pinaggagawa namin kanina.
"My baby is shy. Wala na bang masakit?" malambing n'yang sabi at tiningnan ako gamit ang mapungay n'yang mata. Wala sa sarili akong tumango at muling namula.
Kasalanan 'to ng sinigang!

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    CeledonioKaren

    novel and

    30/12

      0
  • avatar
    이지이

    Nice

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Nate Jared Raza

    the story its super good

    06/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata