Homepage/His Possessiveness/
Chapter 42
Chapter 42
SANDRA
"N-Nanay... "
Ramdam ko ang sakit sa aking dibdib at lalamunan. Lambot na lambot ako at hindi agad maimulat ang mata.
"Sandra! Damn!" rinig ko sa hindi ko makitang tao. Pamilyar ang kanyang boses pero hindi ako sigurado. Ginalaw ko ang aking paa at kamay para makaramdam.
Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto kaya nagutla ako. Naramdaman ko na lang na may humahawak sa aking mata at idinidilat ito. May nakakasilaw na tumama sa aking mata, sa tingin ko ay flashlight. Doctor Axel?
"Ms. Sandra is now awake. Be careful to her because of her new heart. It's not fully healed, we need a very long time for a recovery. Also being comatose for two months affected her body. Alam kong mahihirapan siyang gumalaw dahil sa tagal na siya ay nakahiga. We need a therapy for her, even a simple exercise can help. Doctor Axel had an emergency in Cavite that why I'm here to be his substitute. Anyway, I will back here later to check her." Bulungan ang mga narinig ko kaya naman pinilit kong buksan ang aking mata. Namamanhid ang aking katawan at nasakit ang lalamunan kaya hindi ako makapagsalita.
I don't know what's happening. All I know is I'm alive and my operation was successful.
Unti-unti kong minulat ang aking mata at bumungad sa akin ang puting kisame. Malabo pa pero nang paulit-ulit kong ipikit ay luminaw na. Nilibot ko ang aking mata at nakita ko si nanay, kasama ang mga kaibigan ko.
Nakangiti sila sa akin at naluluha. Lumipat ang tingin ko kay Zaki na nakatitig sa akin. Hindi n'ya ata namamalayan na natulo na ang kanyang luha.
Bigla n'ya itong pinunasan at ngumiti sa akin na para bang wala akong nakita. My babe...
"N-Nanay, t-tubig po," utal kong bulong dahil masakit ang aking lalamunan. Base sa narinig ko kanina ay dalawang buwan akong na-comatose, kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.
"Anak, eto o! Okay ka lang? May masakit? 'Yung dibdib mo? Gutom ka?" sunod-sunod ni nanay na tanong kaya napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago. My mother is still the best girl in the world. Super caring!
I gazed to her eyes that are full of emotions that I can't read. But I know she's happy. I happy too, nakayanan ko ang operasyon. Nagbalik ako para kanila, lalo na kay nanay.
Hindi pa ako umuupo dahil para akong nanlalambot. Sa tingin ko ay medyo mahihirapan nga akong gumalaw. Para akong walang lakas na gumalaw at pagod na pagod.
"K-Kamusta?" tanong ko kina Jace at Andrei. Si nanay at Alice ay bumaba dahil may mga bibilhin pang gamot. Si Zaki naman ay pumuntang CR.
Ngumiti sila sa akin at nagbukas ng chips. Dahil sa aircon ay agad na na-amoy ko 'yon. Gusto ko rin sana pero dapat healthy ang kainin ko for fast recovery.
"Okay lang naman, na-miss ka namin kasama, lalo na sa bar. Kung hindi mo naiitanong, mas lalo akong naging guwapo. Pansin mo ba?" Napatawa ako kay Jace. Hindi pa rin siya nagbabago, sobrang daldal at masayang kasama.
"P-Pansin ko nga, may dalawa kang pimple sa noo," pang-aasar ko kaya napasimangot siya.
"Bakit mo naman binilang?! Kapag ito dumami, ikaw sumagot sa derma ko ha! Nagkaroon ako ng pimple kasi sa puyat, minsan dito kami natutulog para may kasama ang aking medyo bestfriend na si Zaki," kwento n'ya pa kaya nakaramdam ako ng guilt.
"Pasensya na kayo, alam kong maraming problema ang dinala ko sa inyo. Babawi ako promise, kapag okay na ako. Simula ngayon, okay lang kahit hindi na kayo bumisita. I'm okay now!" Ginulo ni Andrei ang buhok ko.
"Ayan ka na naman, tigilan mo 'yan. Tandaan mo lagi na kaibigan mo kami, lahat ng ginagawa namin ay walang kapalit. Ginagawa namin 'to kasi mahal ka namin, hindi ka problema. Thankful pa nga kami na kasama mo kami sa challenge na 'to sa'yo. Hmm? Take care of yourself," nakangiting sabi ni Andrei habang ako ay nakaawang ang labi. Hindi ko inaasahan na ganito ang tingin nila sa akin.
"S-Salamat sa inyo, pero babawi talaga ako. Medyo matatagalan pa nga lang lalo na at ganito ang sitwasyon ko," pilit ko at tumawa lang sila.
"Kahit tips na lang sa babae, okay na ako, Sandra. Nga pala, 'yung babes mo hindi mo itatanong? Kung may naging kalandian ba? Nako, kung alam mo lang ay sobrang"
"Sobrang ano ko, Jace?"
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at si Zaki pala 'yon habang nakatingin nang masama kay Jace.
"Sobrang bait ni Zaki! Sobrang faithful, trabaho at ikaw lang ang inaatupag n'yan." Tumango-tango pa siya sa akin kaya napatawa ako. Hilig n'ya mang-asar pero takot naman.
Na-miss ko talaga sila, lalo na ang kakulitan nila sa isa't isa. I wonder kung sina Alice ay kamusta na rin, pati si Ruby at Dia. Ang tagal na naming hindi nagkikita.
"Tsk, malapit na ang meeting. Hindi pa ba kayo aalis?"
"Shit! Sandra, bro, alis muna kami. Kami ng bahala ni Jace sa meeting, usap muna kayo. Tara na Jace!" tarantang bilin ni Jace at hinanap ang wallet n'ya at susi.
"Anong kami? Ikaw na lang! Idadamay mo pa ako!"
"Tara na gago!" Hinila na ni Andrei si Jace palabas habang nagpupumiglas ito. Napatakip na lang ako ng bibig dahil may ganoong side pala si Andrei. Lihim akong napatawa sa inasal nila.
Narinig ko ang pagtikhim ni Zaki habang nakaupo sa harapan ko. Hindi ko alam ang sasabihin lalo na at ang huli naming usapan ay medyo malalim. Nakakailang ang kanyang maririin na tingin kaya napayuko ako.
"So?" simula n'ya kaya napatingin lang ako sa kanya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ni Zaki. Ganito ba kapag inlove?
"How are you? Bakit parang ayaw mo akong kausapin?" Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nataranta ako sa kanyang sinabi. Napakagat ako sa aking labi at hindi malaman ang sasabihin.
"K-Kasi... nahihiya ako sa'yo. Last time we talked, I confessed to you." Napaiwas ng tingin sa akin si Zaki at nakita kong pumula ang kanyang tainga. Lihim akong napangisi dahil mukhang nahihiya rin siya sa akin. I still have an effect on him. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Jace kanina.
"Y-Yeah! So, okay ka na? Wala bang masakit?" Lihim akong napangiti nang mapansin na para bang inililihis ni Zaki ang usapan about my confession.
"Wala naman, pero bakit iniiba mo ang usapan? I confessed to you, right?"
"I know na nabigla ka lang sa sinabi mo. No need to give me your yes, I can wait until you're ready. Hindi naman ako mawawala sa tabi mo," malambing n'yang sabi at hinawakan ang kamay ko. I missed the warmth of his palm. I held his hand too and flashed a smile.
"Zaki, gusto kong umupo." Umiling siya sa akin kaya napasimangot ako.
"Dali na, nangangalay ang leeg ko. At saka tingin ko naman kaya ko namang umupo," pamimilit ko at bumuntong hininga siya. Napangiti ako at nag-paalalay na umupo. Medyo nahirapan siya sa posisyon namin pero nakaya naman lalo na at ginamit ko rin ang lakas ko.
"Listen, okay?" utos ko kay Zaki at nagsalubong ang kanyang kilay. Napatawa ako at hinarang ang aking kamay sa kanyang mukha.
"Huwag mo kong tingnan ng ganyan, babe. Just listen okay? Babe?" pang-aasar ko at nakita kong napangiti siya habang napapaiwas ng tingin.
Sinimulan kong kumanta at bahagya pa akong nahiya dahil hindi naman ganoon kaganda ang aking boses. Pasalamat siya mahal ko siya. Lakas talaga ni Zaki sa akin.
Mahina kong kanta ko at tinitigan si Zaki na nakatingin din sa akin. I can feel my cheeks heated up. Live na live ko siyang kinakantahan.
Hinawakan niya nanag mahigpit ang aking kamay habang titig na titig sa akin na para ba akong lang ang nakikita niya sa. paligid. I feel so beautiful.
Patuloy pa rin akong kumakanta habang tinititigan siya. Inilagay n'ya ang buhok kong tumatabing sa aking mukha sa likod ng aking tainga. Namula ako at napaiwas ng tingin. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya naman kitang-kita ko ang kagwapuhan n'ya.
Sa sobrang ilang ko ay nakalimutan ko na ang lyrics at nagulat nang si Zaki ang magpatuloy.
Sobrang bilis ng tibok ko at para akong nasa ulap. I'm so happy right now and contende. Thank you God for letting me feel this again. It feels so wonderful and overwhelming.
Patuloy pa rin siya sa pagkanta n'ya habang yakap ako at hindi ko na mapigilang maluha.
Sabay naming kinanta at nagkatinginan sa huli. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin habang nakatingin sa aking mata.
After a second, I felt his soft lips on mine. It took seconds before he pull away.
"We belong together, always and forever, Sandra. Call my name and I'll be there, always baby." Hinalikan n'ya muli ako sa aking labi at sunod sa aking noo.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tinitigan siya.
"Babe, it's a yes... "I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
novel and
30/12
0Nice
03/09/2025
0the story its super good
06/06/2025
0Tingnan Lahat