Homepage/His Possessiveness/
Chapter 39
Chapter 39
ZAKI
"Gusto ko lang sana itanong kung... " putol na sabi ni Alondra. We're sitting here inside the coffee shop while talking about business that turned into friendly talk.
"Kung?"
"Single 'yung kaibigan mo, si Jace ba 'yon? He always text me and I can't reply, baka kasi may girlfriend siya," malumanay n'yang kwento.
Lihim akong napangisi sa sinabi ni Alondra. So, that shit is making a move? Sa wakas naman at mukhang magkaka-girlfriend na siya.
"Nothing, he's single and ready to mingle. I can say that you can trust him but ready your patience because he is so childish."
Napatawa nang mahina si Alondra at hinawi ang kanyang buhok. She is like an angel while talking. Too soft. We talk more after a minute and bid our goodbyes.
I got my key to my pocket and played it to my fingers. While walking to my car, I felt something in my chest.
Bakit ako kinakabahan? I shook my head and erase my thoughts. Pumasok sa isip ko si Sandra, I left her in my unit. I should check her.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Sandra. After a minute, all I can hear is rings and operators voice. She's not answering my call. Agad akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maipaliwanag.
I got inside my car as fast as I can and drove it to the condo. I hope she's safe, because the last time I felt this feelings Sandra was on the hospital.
Nang makarating ako ay mabilis akong pumasok ng elevator at rinig na rinig ko ang kabog ng aking puso. The hell, what's happening?
I immediately went to my unit and silence welcomed me. Nasa kabila na kaya si Sandra? I checked my room and my mind went crazy. Wala siya rito, nasa kabila nga.
Patakbo akong nag-doorbell but no one answered me. I opened the door and thank God it's open. I checked the surrounding but no one's here. I went straight to Sandra's room here and my heart sank at the scene I saw.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatingin kay Sandra na nakahiga sa lapag. I slowly walking to her and touched her hand.
Nanginginig ang kamay ko habang tinatapik ang kanyang pisngi. Unti-unti akong binalot ng takot at kaba. I don't know what to do. Napahilamos ako sa aking mukha at tinapik si Sandra. This is just a joke.
"B-Baby? Sandra, come o-on, w-wake up!" nanginginig na sabi ko. Ilang segundo ang lumipas pero miski paggalaw ng kamay ay hindi ko maramdaman. Mabilis ko siyang binuhat kahit nanghihina ang mga tuhod ko at parang bibigay sa anomang oras.
"Sandra! B-Baby!"
Para akong nanlalambot habang nakikita ko ang maputlang mukha ni Sandra. Is it because of her asthma?
Nabibingi ako sa sariling tibok ng puso ko at ang alam ko na lang ay sumisigaw na ako ng tulong.
"Sir, calm down. The ambu"
"How can I calm down?! Look at my baby! Fucking open the door for me!" galit kong sigaw at isinakay si Sandra sa kotse ko. Hindi ko mahihintay ang ambulansya. Inilabas ko ang susi at nahirapan akong ilagay ito sa susian dahil sa panginginig ng kamay ko.
Pabalik-balik ang tingin ko kay Sandra na nasa backseat at sa daan.
"Damn the traffic!" Paulit-ulit akong bumusina at sumigaw sa bintana na may emergency.
"Emergency! Emergency!" sigaw ko at naramdaman kong basa na ang aking pisngi. Pinahid ko agad ang aking luha at nagpokus sa pagpapatakbo ng sasakyan.
Napabuga ako sa hangin nang magbigay daan sa akin ang mga sasakyan. Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa malapit na hospital, the V Hospital.
"Emergency!" Sinalubong ako ng nurses at stretcher habang isinasakay si Sandra. Patakbo akong sumusunod sa kanila habang hawak ang kamay ni Sandra.
Baby, come on wake up!
"Sir, sorry but you're not allowed to enter." Kahit ayaw kong bitawan ang kanyang kamay ay wala akong magagawa. I watched them while entering to the room. Napasandal ako sa pader habang nakatulala. I can't think straightly right now. Para akong nakakulong sa isang kwarto at walang nakikita.
Napaiyak na lang ako dahil sinisisi ko ang aking sarili. It's my fault, kung hindi ko lang sana iniwan si Sandra...
I get my phone to contact someone. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang isang message from Sandra.
From Sandra:
Zaki, may gamot ka ba rito sa unit mo?
Bakit hindi ko 'to narinig? Lalo kong sinisi ang sarili ko. Patuloy na tumutulo ang luha ko pera walang tunog ang lumalabas sa aking bibig. I'm crying silently while contacting Jace.
["Dude? May prob ba?"]
"J-Jace... I'm in t-the V Hospital. P-please... " Napaupo na ako sa lapag at itinukod ang aking siko sa aking tuhod.
Namatay ang tawag at walang gana na itinago ang cellphone sa bulsa. Tangina ka Zaki, kasalanan mo. Bakit ba kasi ang gago ko? Kung hindi ko lang sana siya iniwanan... kung nabasa ko lang sana ang text niya...
Makalipas ang kalahating oras ay dumating na sina Jace, Andrei at kaibigan ni Sandra. I don't know how she knew what happened. I don't have time to ask for it. They didn't ask me anything from the start that they saw me. Maybe they know what I feel right now.
"Pre, may tubig dito," kausap sa akin ni Jace at tipid akong nginitian. I didn't reply to him and just focused my eyes on the emergency door.
"What happened? Oh God! Ano bang nangyari kay Sandra? Hindi ko na talaga kaya!" Napaharap ako sa kaibigan ni Sandra.
"I l-left her in my room, to attend the meeting. Nag-text p-pala siya... but I didn't know. T-Tiningnan ko sa unit mo and s-she's lying on the cold floor. I-it's my fault... " garalgal ang boses kong paliwanag. Napahilamos ako at naramdaman kong may tumatapik sa aking likuran.
"Dude, walang may kasalanan. We don't know that this will happen. What we can do right now is pray for good news." Tumango ako kay Andrei at pinunasan ang luha ko. Lumalambot talaga ako pagdating kay Sandra, sa mga mahal ko.
"I just hope na hindi malala, pero bakit ang tagal nila?" tanong ng kaibigan ni Sandra. Hindi ko rin alam ang sagot, sana nga okay lang siya.
Napatayo ako nang biglang lumabas ang doctor. Alam kong ang doktor na 'to ang tumingin dati kay Sandra. I take a look to his ID. It's Dr. Axel...
"Where is the relative of Sandra?"
"I'm his suitor, can you explain what happened?" mabilis kong tanong.
"I guess I don't have choice but to say the truth since her parents are not here." Natahimik kami sa kanyang sinabi. Truth? Sandra is hiding something from us?
"She is suffering from congenital heart disease. May butas siya sa puso at kailangang operahan. I really want to talk her parent pero hindi ko pa sila nakikita. The first time I held her case, she also knew that she is sick. Can you contact her parents? We need to operate her heart ASAP since nagiging mahina na ang kanyang puso. Masyado nang matagal ang panahon na nasayang." Napaawang ang aking labi sa aking narinig. She has a heart disease? It explains why she fainted many times.
"D-Doc, are you serious? As far I know, may asthma lang ang kaibigan ko!"
"Alice, calm down!" saway ni Jace nang magtaas ng boses ang kaibigan ni Sandra.
"I'm serious, this matter is not a joke so I hope I can talk to her parent for the operation. I'm afraid that her case will be worse than the expected. Aalis muna ako, you can visit Sandra on the next room. Just call me when she waked up." Hindi ako makaimik at para bang nawalan ako ng lakas. Sakit sa puso? How the hell I never noticed that she's suffering from it?
Napasuntok ako sa pader at napapikit nang mariin. Nanginginig ang aking mga kamay sa kaba at pagpipigil ng pag-iyak.
"Dude, nandito lang kami." Napayakap ako sa kanila at tumulo ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.
Nang mahimasmasan ako ay pumunta kami sa kwartong pinaglipatan kay Sandra. I observed her appearance, her lips is so pale as her skin. May oxygen mask sa kanyang ilong para mas makahinga siya nang maayos. Pinagmasdan ko siyang muli. My baby is still beautiful as always.
Ang kaibigan niya na si Alice ay nasa labas kasama ang dalawa para tawagan si nanay. Parang hindi ko kayang ibalita kay nanay ang kondisyon ni Sandra. Hindi ko kayang marinig na umiiyak siya. Nanay is also so precious to me.
Nilibot ko ang tingin sa kwarto ni Sandra at nagpakawala ng malalim na hininga nang makita na ayos ang kwarto. May malaking space para sa couch at mesa. May TV at aircon rin dito.
Biglang nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagtungo ako sa sariling CR ng kwarto. Naghugas din ako ng kamay at naghilamos para mahimasmasan ako sa mga nangyayari.
"You need to be strong, for Sandra," kausap ko sa aking sarili sa may salamin.
Lumabas ako at nanlaki ang mata nang maabutan si Sandra na pinipilit umupo habang pinipigilan ng kanyang kaibigang si Alice.
"Sandra!" sigaw ko at napatingin siya sa akin.
"W-Wala akong sakit! W-Wala!" sigaw n'ya at nagpupumilit pa ring umupo.
Pinindot ni Jace ang button sa gilid ng kama at makalipas ang ilang minuto ay pumasok ang doktor na si Axel.
"Miss Alexandra, stop it." Hinawakan niya ang braso ni Sandra at bahagyang hinaplos kaya pinaglapat ko nang mariin ang aking labi.
Umiwas na lang ako ng tingin dahil alam kong dapat pigilan ang pagseselos ko. Wala ako sa lugar at tamang sitwasyon.
"D-Doc, okay pa n-naman hindi ba? L-Lalabas na ako," naiyak nang sabi ni Sandra. Hindi ako makalapit sa kanya dahil nasa tabi n'ya si Axel at Alice.
Kahit naiinis kay Sandra tungkol sa pagtatago nito ng sitwasyon n'ya ay binalewala ko muna.
"I told you to be careful, we need an operation ASAP. I'm just waiting for you to wake up," rinig kong sabi ni Axel.
"Alam mo naman hindi ba ang dahilan kaya ayoko? Kaya ko pa naman!"
"Hihintayin mo na lang na hindi na natin magamot 'yan? Your condition is getting worse, Miss Sandra. This is a public hospital, there's so many agency that can help you in financial assistance. Besides, there's a heart donor already, I'm just waiting for your answer. I will back here to monitor your condition for operation. Please rest and eat properly, Miss Sandra." Dahan-dahang tumango si Sandra at nginitian kami ni Axel nang tipid. Silence enveloped the place and I don't know what to say.
"Uhm, bibili lang kami ng pagkain," paalam ni Alice at sumunod sina Jace at Andrei na tumango lang sa akin.
Lumapit ako kay Sandra na nakayuko at walang imik. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ramdam ang pagkislot nito. Maybe she doesn't know what to do.
"Baby... " tawag ko at lihim na napangiti nang tumunghay si Sandra.
"Are you okay? Rest, you need it." Tinulungan ko siyang humiga at inayos ang kumot.
"Okay lang ako, nahihirapan lang ako sa sitwasyon ko."
"Nandito naman kami, kaya mo 'to. Tutulungan kita, namin... "
"I know, pero masyado na akong abala sa inyo. Dapat nasa kompanya ka ngayon, pero eto ka nagbabantay sa akin. Pati mga kaibigan natin, naaabala ko pa," mahina n'yang saad. Napailing ako sa kanya at mas hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay.
"Mahal ka namin, of course we can sacrifice things for you. Magpa-opera ka, okay? If you have a problem in financial assistance, I can lend you some." Inalis n'ya ang kamay ko sa kanyang kamay kaya napaawang ang labi ko.
"Go home, Zaki. Just... forget about me, tigilan mo na ang panliligaw. Mamatay rin naman ako, alam ko sa sarili ko na lumala ang kalagayan ko. Umalis ka na, huwag mo nang sayangin ang oras mo sa akin." Agad kong hinawakan ang kanyang pisngi.
"Baby, look at me. What are you saying? Wala akong paki kung hindi mo ako sagutin, basta nandito lang ako sa tabi mo. At anong mamamatay? Magpapa-opera ka, gagaling ka at makakasama ka pa namin. Bawiin mo 'yung sinabi mo." Mas lalong nawalan ng buhay ang kanyang mukha sa sinabi ko.
"Hindi mo ba ako naiintindihan, Zaki?! Umalis ka na! Tigilan mo na ang panliligaw! Hayaan n'yo na ako. Huwag na kayong makisali sa problema ko! Ayokong mahirapan din kayo, ako na lang. Magpatuloy kang magtrabaho para magkaayos na kayo nang tuluyan ng daddy mo. Hindi ba 'yon ang gusto mo? Umalis ka na!" Umiling-iling ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"B-Baby, ano ba naman 'to! Kung kailan kailangan mo nang masasandalan, doon mo pa ako tinataboy. Wala akong paki sa pag-aayos namin ni dad, we're okay now. Mas kailangan mo ako rito, sasamahan kitang lampasan 'to." Niyakap ko siya kahit pilit n'ya akong tinutulak. Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi at ginagawa niya ay pinili ko pa ring manatili.
"Z-Zaki, I know I can't m-make it. I'm w-weak... go now," nanghihina n'yang sabi habang naiyak.
Napapikit ako nang mariin habang yakap siya. Paulit-ulit kong hinalikan ang kanyang noo.
"N-No, don't say t-that! Lalaban tayo kasama ako."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
novel and
30/12
0Nice
03/09/2025
0the story its super good
06/06/2025
0Tingnan Lahat