Homepage/His Possessiveness/
Chapter 38
Chapter 38
WARNING: The next scene is not suitable for the young readers. Again its not suitable for young readers. I know I cant stop you but please be a responsible reader.
SANDRA
"May hinihintay kang text or tawag, girl? You're looking to your phone every second." Napakamot ako sa aking gilid ng noo. Kanina ko pa kasi hinihintay ang tawag ni Zaki. It's already 10 in the evening and I don't know where he is. We're having a midnight snack and movie marathon to chill. Trabaho na naman kasi bukas at miss ko na itong si Alice.
"Hinihintay ko kasi ang text or tawag ni Zaki," mahina kong sagot. Sinubukan kong tawagan pero walang nasagot.
"Iba na 'yan ha! Feel ko inlove ka na," tukso n'ya kaya inirapan ko siya.
"Huwag ka nga riyan, marunong ka pa sa akin. Puso mo 'te?"
"I suggest na puntahan mo sa kabila, neighbor lang natin remember? Gosh!" Oo nga ano? Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Napailing na lang ako at tumayo para lumabas.
"Pupuntahan mo? Goodluck! Mag-kiss sana kayo then you'll say the three magical words! Yey!" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Alice.
"You're hopeless, Alice. Humanap ka na nga ng boyfriend, nalululong ka na naman sa K-Drama." Tuluyang ko siyang tinalikuran at napatawa.
I'm sure gaganti sa akin ang lukang 'yon. Lumakad-lakad muna ako sa harap ng unit ni Zaki para mag-ipon ng lakas ng loob.
"Go, se"
"Alexandra?" Napatalon ako sa gulat napahawak sa dibdib. Shete, nakakagulat!
"H-Hi! You're Andrei right?" Tumango siya sa akin at ngumiti. Lumabas ang mapuputing ngipin na lalong nagpagwapo sa kanya. I bet there are so many women who want him.
"Mabuti at naalala mo ako. Anyway, you're here for Zaki?"
Tumango ako at napakamot sa kilay. Nakakahiya! Siguradong nahuli n'ya akong palakad-lakad habang nabulong sa aking sarili. Hindi naman n'ya siguro ako pinag-isipan na baliw, right?
"Tamang-tama at may problema kami. He is drunk right now at hihingi sana ako sa staff ng tulong for medicine. At saka nahihirapan kami kay Zaki kung paano siya lilinisan," paliwanag n'ya. Nabalot agad ako ng pag-aalala. May event ba siyang pinuntahan? Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga.
Napalingon ako sa pintuan dahil may naririnig akong mga ungol.
"Uhm, try kong tingnan kung ano ang maiitulong ko." Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at sumalubong sa akin si Jace na nagmumura.
"Gago ka Zaki, tumihaya ka! Damn you, how can I unbutton your polo? Napakahina kasi! Weak!" Napangiwi na lang ako sa mura n'ya. Pinanood kong itihaya ni Jace si Zaki at muli akong napangiwi nang makita na mukhang nahihirapan talaga siya. Lumapit na ako sa kanila at tinulungan siya.
"Nandito ka pala babes ni Zaki, tumulong ka at kasalanan mo rin naman." Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Ako? Ano ang kinalaman ko?
"Jace! Your damn mouth!" sigaw ni Andrei. Napakamot ng ulo si Jace at ipinaltok ang bimpo na tumama sa mukha ni Zaki kaya dali-dali n'ya itong inalis.
"Sorry na, pero totoo naman! At least may katulong na tayo, hindi ko yata kayang hubaran at punasan si Zaki."
"You're so gay, alis nga!" inis na sigaw ni Andrei samantalang ako ay tahimik na nanonood sa kanila. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano ako naging dahilan. Inalala ko ang nagawa ko kanina. We're okay in unit, not until on the... phone call? Hindi kami gaanong nakapag-usap kasi binaba ko agad. Doc Axel told me something about financial assistance. Tumanggi ako dahil nakakahiya, nagpupumilit siyang magpahiram ng pera.
"Damn," rinig kong bulong ni Andrei habang tinitingnan ang suot ni Zaki. Maaring naiilang sila na alisan ng damit si Zaki. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.
"A-Ako na lang, I mean baka kasi nahihirapan kayo," suhestiyon ko. Agad na napasuntok sa hangin si Jace.
"At last! Grabe, hulog ka ng langit babes ni Zaki. O siya ikaw na!" Tumango ako at lumapit sa tabi ni Zaki. Napalunok ako at naramdam ng kaba dahil miski ako ay hindi alam kung ano ang gagawin. Bakit ba kasi ako nag-volunteer!
Unti-unti kong inalis ang butones ng polo ni Zaki. Pinagmasdan ko si Zaki at mukhang lasing na lasing nga.
"Sandra, birthday n'ya ngayon. Nagkaroon kami ng simple celebration in his office, kaya nalasing siya. Don't trust this asshole," biglang sabi ni Andrei kaya napaawang ang bibig ko sa gulat. It's his birthday and I don't know about that. Hindi kaya tumawag siya kanina para sabihin sa akin?
Napapikit ako nang mariin at nakaramdam ng lungkot. Hindi ko man lang siya nabati, binabaan ko pa agad kanina. Nanginginig man ang kamay ko pero pinagpatuloy ko ang pag-aalis ng polo ni Zaki.
"Si Sandra naman talaga ang dahilan, hindi ka kasi belong kanina sa kwentuhan namin ni Zaki, e. Malungkot si Zaki gawa hindi siya nabati ni Sandra, pero okay lang naman daw kasi... ano nga ba 'yon? Ah! Kasi hindi naman alam ni Sandra na birthday n'ya," mahabang kwento ni Jace kaya lalo akong nakaramdam ng guilt.
Biglang napatakip ng bibig si Jace at nanlalaki ang mata.
"Lagot, nasabi ko! Ayaw n'ya ipasabi e!"
"Gago ka talaga, isusumbong kita," wika ni Andrei at humarap sa akin.
"Don't mind this talkative shit here, hindi mo kasalanan." He smiled at me and I nodded. I know that it's not really my fault but my conscience is bugging me.
"Sandra alis na kami, pasensya ka na pero may kailangan pa akong tingnan sa bar, e. Ikaw na bahala riyan," paalam sa akin ni Andrei at tumango ako.
"Bye babes ni Zaki! Punas lang ha!" Agad na nang-init ang pisngi ko. Muli kong binalingan si Zaki na tulog na tulog at napabuntong hininga na lang. Kailangan ko na siyang alisan ng damit.
Dahan-dahan kong inalis ang kanyang damit at tinutok lang ang paningin sa damit. Baka may makita akong hindi nararapat. Napahinga ako nang malalim at naramdaman ko na lang ang na nakatitig na ako sa tiyan ni Zaki, or should I say, abs?
Pinilig ko ang aking ulo at kinuha ang basang panyo para ipunas sa katawan ni Zaki at mukha.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong palitan siya ng damit. Akmang tatayo na ako nang yumapos ang braso n'ya sa bewang ko. Nakapagpakawala ako ng impit na tili kaya napatakip ako ng bibig. Sana hindi magising nang tuluyan si Zaki. Sinubukan kong kumawala pero mas lalo lamang humigpit ang kanyang pagyakap at idinantay pa ang binti sa akin.
Lalong lumakas ang kabog ng puso ko na para bang gustong makawala sa dibdib ko. What should I do?
***
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Papikit-pikit akong bumangon at umupo lang muna sa kama.
Ilang minuto muna ang nakalipas bago ako magising sa reyalidad. Nakatulog ako katabi si Zaki. Nilibot ko ang aking paningin at agad na hinanap ng mata ko si Zaki.
"Zaki?" tawag ko pero walang nasagot.
Lumabas ako ng kwarto at wala rin siya sa sala. Paglingon ko sa kusina ay may nakatalikod sa akin at alam kong si Zaki 'yon.
"Zaki?" tawag ko at lumapit sa kanya.
"Hmm?"
Tiningnan ko ang mukha n'ya pero hindi siya nakaharap sa akin. Nakapokus ang mga mata niya sa pagluluto.
Gumuhit ang sakit sa dibdib ko dahil parang ang cold n'ya at walang gana.
"Okay ka na?" tanong kong muli at baka may hangover lang siya kaya gano'n niya ako pakitunguhan. At last he faced me and I smiled brightly to him. He gave me a faint smile and nod.
Kahit nalulungkot ay pinilit ko siyang ngitian.
"Wala kang pasok? Tanghali na."
"Ayokong pumasok, hindi pa maganda ang mood ko." Pinanood ko siyang kumuha ng plato at ilagay ang mga pagkain. Nagluto siya ng fried rice, bacon, and longganisa.
"Zaki, galit ka ba sa akin? Nasabi ni Andrei na birthday mo"
"No, okay lang sa akin. Stress lang sa trabaho, don't mind me baka ma-late ka sa trabaho mo." Agad akong umiling sa kanya at hinawakan ang braso n'ya.
"Wala akong schedule ngayong umaga ayon kay Cyrel. I'm free, sasamahan muna kita rito..." Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pag-aayos ng mesa.
"...kung wala kang lakad or kung pwede lang naman," dugtong ko at nakatigtig sa kanya. Baki kasi may lakad siya o may gagawin siya rito na.
"Titingnan ko, baka bumisita ako ng bar at coffee shop. Sasabihan na lang kita." Tumango na lang ako at tinabihan siyang umupo para kumain.
Magana akong kumain dahil masarap talaga magluto si Zaki pero hindi ko maiitanggi na hindi ako sanay sa ugali niya ngayon. Wala naman akong kasanalan pero bakit feeling ko kasalanan ko?
Naalala ko may kasalanan ako. Nagsinungaling ako sa kanya tungkol sa pinuntahan ko kahapon. Tunog lang ng utensils ang naririnig habang nakain kami nang biglang tumunog ang phone n'ya sa ibabaw ng mesa.
Bumagal ang pagnguya ko nang mabasa ang pangalan ng tumawag sa kanya. Hindi iyon si Jace o Andrei. Sino si Alondra? For the first time, nakita kong may tumawag sa kanyang babae.
Parang may tumusok sa dibdib ko nang mabasa 'yon. Hindi ko pa alam kung sino siya pero parang natatakot na ako.
"Sagutin ko lang 'to, eat more para hindi ka bumalik ng hospital." Napangiti naman ako sa kanyang sinabi pero agad din na nawala nang pumasok muli sa isipan ko ang tumawag sa kanya.
Sino 'yon? May gusto kaya 'yon sa kanya? Maganda ba? Baka naman business partner n'ya.
Ilang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Zaki kaya naman binilisan ko na ang pagkain at niligpit ko na ang mesa. Tinakluban ko na lang ang mga pagkain kung sakaling kakain pa siya.
I checked Zaki in sala and my smile faded when I heard that he is laughing over his phone. Ang saya-saya n'ya sa katawagan samantalang kanina ay parang napipilitan lang siya sa akin na ngumiti. Bumalik ako sa kwarto n'ya at kinuha ang phone ko.
Sinarado ko ang kwarto ni Zaki at tinawagan si Alice. Kailangan kong mailabas ang sama ng loob ko at may gusto akong makumpirma.
Ilang ring pa lang ay sinagot na agad ni Alice ang tawag ko.
"Alice... "
["Anyare girl? Bakit ka malungkot? Makikinig ako!"]
Napangiti ako sa kanyang sinabi. She really knew when I'm sad or happy.
"Para kasing galit sa akin si Zaki, pero ang sabi n'ya hindi naman daw."
["Gulo n'yo, ano nga ba ang nangyari kagabi? Hindi ka na nakabalik ng unit. Bruha ka!"]
"Lasing si Zaki, birthday n'ya pala kahapon. Hindi ko 'yon alam tapos kahapon noong nasa mall ako binabaan ko agad siya ng tawag. Iniisip ko baka sasabihin n'ya sa akin na birthday n'ya pero binabaan ko siya agad," paliwanag ko. Kailangan ko ring itago sa kanya ang totoo dahil ayaw kong mag-alala siya.
Ilang segundo na natahimik si Alice sa kabilang linya.
["Actually wala kang kasalanan kasi hindi mo naman alam, pero siguro nagtatampo ang bebe mo lalo na at binabaan. Baliw ka kasi!"]
"Hindi ko alam, basta medyo cold siya. Eto pa, may tumawag sa kanyang Alondra ang pangalan tapos ngiting-ngiti at tumatawa pa kanina habang kausap. Samantalang ako kanina, hindi man lang mangitian nang gano'ng kalawak. Nakakainis!"
Hindi pa ako kinakatok ni Zaki, baka hindi pa sila tapos magtawagan. Sino kaya talaga 'yon?
["Nagseselos ka girl! I told you inlove ka na, pero syempre. ide-deny mo pa rin."] Napasimangot naman ako sa sinabi n'ya.
"Oo na, nagseselos na ako at mahal ko na si Zaki. Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya, pero ganito pa ang nangyari," pag-amin ko. Narinig ko ang pagpalakpak ni Alice sa kabilang linya kaya napatawa ako. I'm sure proud na proud siya sa sarili n'ya.
["I knew it! OMG! Chika us later, may kakausapin lang ako ha? Byeeee and stay inlove!"] Bago n'ya patayin ay humalakhak muna siya kaya napatawa na lang din ako.
"Bakit ka natawa?"
Napalingon ako sa nagsalita at nakasalubong ko ang matalim na titig ni Zaki.
"Ahm, gawa lang ni Alice. Kinuha ko lang ang phone ko kaya nandito ako sa kwarto mo," paliwanag ako at umalis sa kanyang kama.
"I don't mind that you are here in my room," saad n'ya habang papalapit sa akin. He held my chin and pulled his face close to mine. He planted a soft kisses on my nose and lips and eventually he bite my lower lip.
I kissed him back and encircled my arms on his nape. I felt his arms on my waist. Parang mauubusan ako ng hangin habang patuloy ang kanyang paghalik sa akin.
Nawala na ako sa aking sarili dahil sa paraan ng paghalik ni Zaki. I suppress my self to moan but his kissed goes down from my jaw to my neck. May kung anong kiliti ang hatid nito isabay mo pa ang pagpisil at haplos niya sa aking bewang.
I pushed him and he rested his face on my neck.
"H-Hindi n-na ako makahinga," hingal kong sabi.
He chuckled and pulled me closer him for a hug.
"Damn, you're so adorable."
***
Ilang minuto na ang nakalipas nang mangyari 'yon at bumalik na ulit sa dati si Zaki. Hindi ko na alam kung ano ang problema n'ya.
Uuwi na lang ako sa unit ni Alice mamaya dahil naiinis na ako kay Zaki. Hindi ko kasi siya maintindihan.
Napalingon ako sa mesa na nasa aking tabi nang marinig ko na tumunog ang cellphone ni Zaki. Alondra's name is written again on his screen. I looked around to check if Zaki is still on his room. Alam kong mali ang gagawin ko but I'm curious, hindi ko na talaga kaya.
["Hi Zaki, papunta ka na ba rito? I'll wait for you."]
Malumanay ang kanyang boses na para bang hindi makabasag ng pinggan.
["Zaki? Are you there?"] Pinatay ko na ang tawag at ibinalik sa dating pwesto ang cellphone.
Lumabas si Zaki sa kwarto n'ya na nakasuot ng jeans at white polo. He looks so handsome, para bang pupuntang date.
"May meeting ako, you can stay here if you want. May pagkain sa ref, magluto ka kung gusto mo. Take care, okay?" Hindi na ako nakasagot dahil umalis na rin siya. Parang may dumagan na kung anong mabigat sa dibdib ko.
Ano ba kasing mali? Hindi n'ya ako tinatawag na baby. Napagod na kaya siyang manligaw sa akin? I'm really busy these past few weeks, aminado akong hindi ko siya gaanong kinakausap sa mga tawag dahil pagod ako sa gabi. Busy rin naman siya kaya hindi ako gaanong nangungulit. Ayoko rin siyang maabala.
Walang gana akong tumayo at lumabas ng unit ni Zaki. Wala naman akong mapapala kung nandito ako, wala naman siya. Naramdaman ko na sumakit ang dibdib ko pero hindi ko gaanong ininda. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.
Pumunta ako sa unit ni Alice at dumeritso sa kwarto. Matamlay kong tiningnan ang cellphone ko. Mag-re-reply kaya siya kung mag-te-text ako?
To Zaki:
Zaki, may gamot ka ba rito sa unit mo?
I waited for his reply but I got nothing.
"Nasa meeting pa kasi siya, Sandra. He is with Alondra, busy siya," pagkikipag-usap ko sa aking sarili at namalayan na basa na pala ang aking pisngi.
I hate over thinking but I can't help it but to overthink. Hindi kaya napagod na sa akin si Zaki? Kung kailan na mahal ko na siya, ngayon pa kami nagkaganito.
Naramdaman kong muli ang pagsakit ng dibdib ko kaya napahawak ako roon. Napaiyak ako lalo nang maisip ang sakit ko, ang dami kong problema.
Lord, please guide me. Napatayo ako para hanapin ang gamot ko nang biglang manlabo ang mata ko. Para akong mauubusan ng hangin isabay mo pa ang pagkirot ng dibdib ko.
Kahit nahihirapan at napapapikit na ay nagawa ko pa ring gumapang. Napasigaw ako sa sakit ng aking dibdib.
"Ahhhhhhhh!" sigaw ko at umiyak nang umiyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Tuluyan na akong napapikit at hindi na alam ang nangyari.
I love you, 'nay. I love you Zaki....I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
novel and
30/12
0Nice
03/09/2025
0the story its super good
06/06/2025
0Tingnan Lahat