Homepage/His Possessiveness/
Chapter 37
Chapter 37
SANDRA
"I told you to rest, baby. Bakit ba subsob ka sa trabaho?" sermon sa akin ni Zaki habang nakapamewang sa harapan ko. Napanguso na lang ako at hindi makaimik.
Simula noong natapos ang grand ball ay maraming sponsorship and endorsement ang dumating. Pumayag ako at malaki na ang naipon ko pero hindi pa rin sapat for my operation. Titingnan daw ni Doc Axel kung kaya pang maagapan ang butas o kailangan na talagang magpa-heart transplant. Kailangan kong mag-ipon dahil hindi biro ang halaga nito. Naging issue ang nangyari sa akin at ang sinabi na lang ng agency ay dahil sa sobrang pagod kaya nahimatay ako. Ayoko pang kumalat ang kasinungalingan ko kaya hiniling kong itago nila at pumayag naman sila.
At si Zaki naman ay naging mas maalaga sa akin. He's busy because of his business but he never failed to call me even just once a day.
Today is my day off and I'm planning to go in hospital for check-up kaya lang ay binisita ako ni Zaki. Mamayang hapon pa ata ang meeting n'ya.
"Kailangan sa bahay, tsaka para sa kotse," dahilan ko. Totoo naman ang sinabi ko kaya lang ay kulang. Nakakahiya kasing magpahatid kay Zaki lalo na ngayon na mas busy siya. Tsaka kailangan ko na rin magkaroon dahil kung saan-saan na ako napunta for shoot.
Namomroblema rin ako kay nanay dahil sakto na lang ang padala ko sa kanya pero ang kalahati ay ibinibigay n'ya pala kay ate. Isang beses ay nag-chat sa akin si Rome para magsumbong. Ang papa kasi ni Rome ay walang trabaho at puro inom ang inaatupag kaya si nanay ang nagbibigay.
"I can help you, baby. Huwag naman ganito, isinusumbong ka sa akin ni Cyrel, baka hindi mo alam." Hindi ko naman talaga alam. Ang baliw na 'yon, talagang napapasunod ni Zaki.
"Malusog naman ako at laging nagpapahinga. At saka bakit ka pa nandito? Baka ma-late ka!" Agad na tumaas ang kilay n'ya sa akin at sinuyod ng tingin ang aking kabuuan.
"Akala ko ba ay day off mo, bakit ganyan ang suot mo?" I'm wearing a pink floral dress and white open toe sandals. Marami na rin akong nabili na mga damit at heels pero lalong nadadagdagan dahil sa sponsors.
"Ahm, kakamustahin ko si Alice kasi nasakit ang ulo n'ya. Hindi na kami gaanong nagkakausap dahil nga busy kami," dahilan ko. Ayokong malaman n'ya na magkikita kami ni Doc Axel dahil uusisain n'ya pa kung bakit kami magkikita at kung ano-ano pa.
"Really?"
"Fine, gagala lang naman sana ako. Chill muna sa mall, gano'n sana."
Napabuntong hininga siya at umupo sa tabi ko.
"Hindi kita pipigilan, gusto ko lang ipaalala sa'yo na kailangan mong mapahinga. Baka atakihin ka ng asthma mo." Niyakap ko siya nang mahigpit at naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik.
"I know, healthy ako at okay na okay. Walang mangyayari sa aking masama," mahina kong saad. Hindi ko alam Zaki kung talagang kaya ko pa, sana nga okay pa ako.
Naramdaman ko na naman ang pagsakit ng aking dibdib pero binalewala ko 'yon. Wala na rin akong gamot kaya ngayon sana ako aalis.
Ang dami kong problema sa buhay. Minsan iniisip ko, sobrang mapaglaro ni God, kasi kung ano 'yong problemang hindi mo inaasahan, 'yon ang dadating sa'yo.
Until now I can't ask my mother about heart disease. I know my mother, ke-kwestiyunin n'ya ako kung bakit ako nagtatanong ng ganoon. At natatakot akong malaman n'ya, pero walang magagawa ang takot ko kaya once na makauwi ako ay sasabihin ko sa kanya.
"Tawagan mo ako lagi kung may problema, okay? Hindi na kita mabibisita mamayang gabi, pero tatawagan kita kapag may time ako. I love you, baby," malambing na paalam n'ya at hinalikan muna ako sa noo bago umalis. Pinanood ko siyang lumabas ng pinto at napabuga na lang sa hangin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may sakit ako sa puso, pero ngayong nararamdaman ko na ang mga sintomas ay parang ginigising ako sa reyalidad. May financial problem ang kapatid ko at kami na lang ang maaasahan n'ya. Ayokong magsabi ng problema kung kanino man dahil ayokong maging dagdag sa problema. Lalo na kay Zaki, kita ko ang pagod n'ya tapos dadagdagan ko pa. Hindi ko ata kaya.
"God, please help me," bulong ko at napapikit nang mariin. Huwag kang iiyak Sandra, huwag...
"Bakit kasi ganito?" naiiyak kong tanong sa aking sarili.
Nakatulala lang ako habang natulo ang luha. Parang nakalimutan ko ang mga plano ko, hindi ko na alam.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Pinahid ko ang luha ko at ikinalma ang sarili.
"Hello Rome!" masigla kong bati kahit gustong-gusto ko nang umiyak.
["Hello tita, gusto ko lang sana magtanong... "]
"Ano 'yon? May problema ba d'yan sa bahay?"
["Kasi tita, 'yung kapatid ko may lagnat, e. Mag-i-isang linggo na sa tagal tapos tumirik pa ang mata kagabi."] Agad akong binudol ng kaba at napatayo.
"Ano?! Bakit ngayon lang kayo nagsabi? Kamusta na?" nag-aalala kong tanong. Talagang sakitin ang kapatid ni Rome dahil kulang siya buwan nang ilabas ni ate.
["Mataas pa rin ate ang lagnat. Gusto sana naming patingnan sa hospital kaya lang ay 'yung perang binigay ni nanay na galing sa padala mo ay binayad namin sa utang at pinambili ng gamot. Hindi na kami makahingi ng pera kay nanay kasi pinaalis na siya sa pwesto n'ya ate sa palengke, hindi kasi siya makabayad sa renta dahil binibigay n'ya sa amin ang kalahati ng padala mo. Pasensya na tita... "] Para akong naupos na kandila sa aking narinig. Alam kong hindi kayang matiis ni nanay si ate, miski ako rin naman na kapatid n'ya. Maaga kasing nag-asawa si ate at ang asawa naman ay walang trabaho. Kung minsan pa ay laging lasing kaya walang aasahan sa kanya.
Alam ko ring maraming utang si ate sa mga hulugan kaya hindi malabong kulang pa ang sampung libo sa utang n'ya.
["Tita? May pera ka ba riyan? Kahit limang libo lang po tita, babayaran ko rin kasi mag-la-labor ako sa nagpapagawa rito ng bahay. Ayaw kasi ako pabalihin lalo na at sa isang Sabado pa ang simula. Pasensya ka na tita, alam kong nahihirapan ka na riyan."]
Hindi ako makaimik sa narinig ko. Parang ako napipi at naiiyak dahil hindi ko man lang agad nalaman. Romes sacrifices are so heartbreaking. Mabuti na lang at responsible siya dahil nagawa siya ng paraan para lang makatulong sa magulang niya.
"H-Hello? Sige, magpapadala ako at uuwi p-pagkatapos ko sa trabaho. Huwag n'yo pilitin si nanay maglabas ng pera at alam kong pinambili n'ya na 'yon ng v-vitamins n'ya. Nakapagbayad na ba kayo ng kuryente?"
Hindi ko na mapigilang lumuha sa problema ko. Paano pa kaya kung malaman nila na may sakit ako?
Marami pa naman akong naiitabi dahil nga sa sunod-sunod kong trabaho.
["Opo tita, nagbayad si nanay. Sorry tita sa abala riyan, hihintayin ko na lang po. Salamat po talaga tita!"] Nagpaalam na rin ako at agad na tiningnan ang aking pera. Magpapadala ako ng sampung libo, tapos magpapa-check up ako. Saka ko na iisipin ang pag-iipon ko para sa operasyon, magtatrabaho naman ako bukas. Marami rin akong schedule na shoots this week.
Tumayo na ako at sinaraduhan ang unit. I was greeted by other staffs here and I just smiled. Dahil sa mga ngiti nila ay kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Nawala ang bigat sa aking dibdib na dulot ng masamang balita kanina.
I shook my head to erase those thoughts again. Habang nasa elevator ay nagsuot ako ng shades at sumbrero, baka may makakilala pa sa akin.
Nang makalabas ako ay naghanap agad ako ng taxi at sumakay patungo sa PEPP para makapagpadala na ako kina Rome af nanay. I hope maging okay na ang pamangkin ko. Matagal na rin noong nakauwi ako. I miss them.
Muli akong sumakay ng taxi at tiningnan ang oras. Maaga pa naman, mabuti na lang at nakakahiya kay Doc Axel.
"Saan po tayo, ma'am?" tanong ng driver.
"V Hospital po, manong," sagot ko. Nginitian ko siya at nginitian n'ya rin ako, pero iba ang ngiti niya.
"Ayos lang po kayo manong?"
"Nako, ma'am opo naman!" pinasigla n'ya pa ang boses n'ya pero halata pa rin ang lungkot.
"Manong, kahit anong pilit nating itago ang ating nararamdaman, mararamdaman pa rin po 'yan. Bakit po kayo malungkot?"
"Ang anak ko kasi ay na-dengue, ilang araw na siyang confined at alam kong malaki ang bayarin. Iniisip ko kung saan ako makakahanap ng pambayad lalo na at ang kinikita ko ay hindi sapat," malungkot n'yang kwento. Natanaw kong papalapit na kami sa parking lot at itinigil na rin makalipas ang ilang segundo.
"Bibigyan ka po ni God ng paraan, maybe I'm one of God's way?" Iniabot ko sa kanya ang limang libo at tinapik ang kanyang braso nang mapatulala ito.
"N-Nako ma'am, huwag na po! Mukhang may problema rin po kayo kasi sa hospital ang punta n'yo," tarantang sabi. Napatawa ako habang napapailing sa kanya. Mabait si manong at halatang responsableng haligi ng tahanan.
"Hindi naman po, tanggapin n'yo na po ito kahit maliit lang. Alam kong makakatulong po ito sa pagkain n'yo," pilit ko pa at nakita kong umalpas ang luha sa mata ni manong.
"Ma'am, salamat po! Malaking tulong po ito lalo na at una ko po kayong pasahero. Maraming salamat po!" Naiyak n'yang sabi at niyakao ako. Niyakap siya sandali at nginitian.
"Pakisabi po sa anak n'yo ay magpagaling. Mauna na po ako!"
"Makakaabot po ma'am! Salamat ulit!" masaya n'yang paalam at naramdaman kong basa na pala ang aking pisngi. Somehow, I remembered my father to him, a responsible father too. Iyon nga lang ay hindi ko siya nakasama nang matagal, I miss him.
Nagpunas na ako ng luha at pumasok na ng hospital. I hope Doc Axel can tell me some good news. Napahinga na lang ako nang malalim habang naglalakad papasok.
ZAKI
"You should focus on our business, Zaki. Look, you're doing great, I'm proud of you."
Napangiti ako sa sinabi ni dad. Kaaalis lang ng board members dahil tapos na ang meeting.
"Thank you dad, focus naman ako." And I have my inspiration, my Sandra.
"No you're not, kanina nakatulala ka. Mabuti na lang at nalusutan mo ang tanong ni Mr. Hernandez. Focus!"
"Sorry dad, inaalala ko lang si Sandra. May asthma kasi," kwento ko. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkunot ng noo n'ya.
"Why do you like her? She is just a model, hindi kayo bagay. Just focus on our business and to your business, masasayang lang ang oras mo." Napatiim ako ng bagang sa aking narinig. Why can't he understand that I love Sandra?
"Dad, we talked about this, right? I love Sandra! Please, if you can't accept then respect her. She's not doing anything bad to us, lalo na sa iyo," pakiusap ko. Napailing na lang siya sa akin na para bang suko na.
"Do what you want, huwag mong sabihin na hindi kita pinagsabihan. Goodluck, Zaki!" Pinanood ko lang siyang umalis at napaupo ako sa swivel chair. I'm really worried about Sandra. Matigas pa naman ang ulo at sobrang malihim.
Napangiti ako nang maisip na nagiging malapit na ako kay dad. Hindi ko nga lang narinig na tinawag n'ya akong anak, kaya ko namang maghintay na masabi n'ya 'yon. Nakakalungkot lang na kahit 'yon lang sana ay marinig ko ngayong birthday ko.
Sapat na sa akin ang salitang 'anak' bilang pinakamagandang regalo. Hindi rin alam ni Sandra, si Ace at Andrei lang siguro ang may alam. I'm not into celebrating my birthday since it's my mother's death.
Maya-maya ay may kumatok at pinagbuksan ko. Sumalubong sa akin sina Andrei at Jace kasama ang ilang staffs ng company habang may hawak na cake at lobo. I stunned just seeing what they want to do. I know what will happen next. Agad akong napatalikod at tumingala. You won't cry, Zaki. Damn!
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" kanta nila pero nanatili akong nakatalikod. Hindi ko kayang makita nila na naiiyak ako. Kilala ako ng mga employee rito bilang seryoso na CEO.
"Hoy humarap ka naman! Patago-tago ka pa riyan, if I know sobrang na-touch ka kaya humagulhol ka na," rinig kong sabi ni Jace kaya napangiti ako. Siraulo talaga ang lakaking 'to.
"Gago!" sigaw ko at humarap sa kanila. Hinipan ko ang kandila sa cake at dinutdot ang icing.
"Zaki! Gago kaaaa!" Malakas akong tumawa habang hinahabol si Jace dahil papahiran ko siya ng icing.
"Come to daddy!" He showed me his middle finger and I just laughed.
Nang ako ay mapagod ay pumasok kami sa opisina at doon kumain. Inimbita rin namin ang ilang empleyado para kumain dahil ang daming dala nina Jace at Andrei.
If dad knew about this, he will scold me because I'm so friendly to my employees. But who cares? It's my birthday today, let me enjoy for the meantime.
Nilibot ko ang aking tingin at napangiti nang makita na nagkakasiyahan sila. Nainom ang iba ng wine habang may pizza, burger at fries. A simple celebration yet full of happiness.
I drank the glass of wine in my hands and observe the people. In this way, I can feel my freedom. Sadly, wala si Sandra. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Sandra. I'm going to invite her if she has a time.
["Hello? Zaki!"]
"Hello baby, sorry sa istorbo. May ginagawa ka ba?"
["I told you, I can help Yes Zaki, mamaya na lang ha? Ingat ka at bye!"]
Namatay ang tawag nang hindi man lang ako nakakapagsalita. Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos o magtanong kung sino ang kasama n'ya.
I heard a man's name, it's familiar but I can't remember. Ayokong mag-isip ng kung ano habang hindi ko pa nalalaman ang sagot ni Sandra, pero hindi ko maiwasan.
She told me that she will go to the mall. Maybe she met her friend or just acquaintance? I shook my head to erase the thoughtS RUNNING IN MY HEAD.
Hindi man lang n'ya nalaman na birthday ko. Hindi ko maiwasang magselos kahit na alam kong hindi dapat.
"Hoy, okay ka lang? Nasaan ang babes mo?" bati sa akin ni Jace. Napangiti ako nang mapait dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Nasa mall, siguro? 'Yon ang sabi n'ya kanina," sagot ko at inabot ang beer na hindi pa binubuksan.
"Binibilhan ka ng regalo? Sana all! Sa susunod meron na akong ganyan, sinusuyo ko pa, e." Napangisi na lang ako, how I wish na gano'n nga.
"Hindi, hindi n'ya nga alam na birthday. Goodluck sa'yo!" walang gana kong sabi at tinungga ang beer. Hindi mawala ang bigat sa aking dibdib. Hindi ko naman si Sandra matanong kung sino dahil hindi ko alam kung anong irarason ko.
Hindi pa naman n'ya ako boyfriend at nirerespeto ko ang privacy n'ya. Kung ayaw n'ya ipaalam, okay lang. Tanggap ko dahil nanliligaw pa lang ako, 'yun nga lang may sakit pa ring kaunti. Kpag talaga tungkol kay Sandra ay nawawala ako sa aking sarili.
"Kaya pala napainom ka ng beer dude. Bakit kasi ayaw mong sabihin? Malay mo naman maisipan kang puntahan," tanong n'ya pa.
Napailing na lang ako sa kanya.
"Ayaw ko siyang maistorbo, kagagaling lang niya sa ospital dahil sa sakit n'ya. Hayaan ko muna siyang sumaya at baka mapagod pa sa biyahe."
Nang lingunin ko si Jace ay nakaawang ang kanyang bunganga kaya napakunot ang noo ko.
"You look crazy, tigilan mo 'yan."
"Best suitor goes to Zaki Gomez! Akala ko pa naman mahigpit ka, sa ganda ni Sandra at sumisikat na."
"Hindi pa siya akin, wait for the time Jace and let me show to you." Kailangan ko muna ng karapatan bago ko siya pakialamanan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
novel and
30/12
0Nice
03/09/2025
0the story its super good
06/06/2025
0Tingnan Lahat