Chapter 26

Chapter 26
WARNING: The next scene is not suitable for young readers. Please don't do it, please wait for the right time. Again, just read and don't you dare do it. Be a responsible reader. :))
Nakatitig ako sa puntod ni ama habang naluluha. I really miss him lalo na kapag nagke-kwento ang pamilya namin tungkol sa kanya.
Sayang nga lang at hindi ko naranasan na matikman ang lucky me na may upo na niluluto n'ya. Naalala ko no'n lagi n'ya akong hinahatid sa school tapos isang beses uwian na kami wala pa siya sa labas ng school. Umiyak ako nang umiyak sa labas ng school habang naglalakad. Tinatawag pa ako noon ng isang tindera na roon muna ako sa tindahan n'ya maghintay habang wala pa si ama.
Lagi kami sa kanya nabili ng mga pagkaing baon ko kaya kilala ko siya pero hindi ako nakinig sa kanya. Nagdire-diretso ako hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng pinto namin at kumakatok. Tinawag ko si ama at katatapos lang pala na maligo at gulat na gulat siya kung paano ako nakauwi. Mula noon ay nauwi na ako mag-isa galing school. Isa 'yon sa pinakamemorable na pangyayari sa buhay ko.
Nagpunas ako ng luha at huminga nang malalim. Masaya kami rito ama, pero mas masaya sana kung nandito ka. Bantayan mo kami lagi ha? Si nanay pa naman ay matigas ang ulo at ayaw paawat sa pagtitinda.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Jai sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.
"Tahan na, masaya sigurado si tito. Mahal na mahal ka n'ya, alam mo 'yan." Napatango ako at pinigilan ang pag-iyak. Sigurado kasing maiiyak din si nanay at malulungkot siya.
"Anak, nakabili na ako ng posporo, o. Sindihan mo na," utos ni nanay at iniwas ko ang aking tingin para hindi n'ya makita ang namumula kong mata. Nanginginig na hinawakan ko ang kandila at iniabot kay Jai ang posporo. Hindi ko kayang gumamit no'n dahil sa panginginig ng kamay ko.
Nilagay ko iyon sa puntod at pinanood ko si nanay na ilapag ang bulaklak na binili namin kanina.
Makalipas ang kalahating oras na pagke-kwentuhan ay naubos na ang dalawang kandila. Ang isa naman na malaki na galing sa akin ay nangangalahati na. Umalis na rin kami dahil tanghali na at hindi pa kami nakakakain.
"Saan tayo kakain?" tanong ko at sumakay na sa trycicle na pagmamaya-ari ni Jai.
"Sa bahay na lang, may dala kagabi si Zaki, hindi pa naman ubos. Tara na!" Natahimik ako sa sinabi ni nanay. Hindi ko pa rin ma-contact si Zaki at mamaya pag-uwi ko ay titingnan ko siya sa condo unit n'ya o kaya sa bar. Gusto ko talaga siyang makausap, sa tingin ko ay nasaktan ko talaga siya. Dahil ba pinaalis ko siya? Hindi ko na naman siya pinilit noong huli at nagpaalam na lang muna ako kay Jai. Tapos malalaman kong wala na siya roon.
Habang nakatingin sa dinadaanan namin ay may kasalubong kaming truck na naglabas ng kulay itim na usok. Agad akong inubo at tinakpan ko ang ilong ko. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib kaya napahawak ako. Ganito talaga ako kapag inuubo, nasakit ang dibdib. Kahit sino naman basta ang ubong-ubo ka.
Uminom ako ng tubig at malalim na huminga nang ilang beses. Ang sarap i-report ng mga ganoon sasakyan. Paano na lang 'yung may mga lung disease? Edi nakaperwisyon pa sila.
Makalipas ng isang oras ay nakauwi na kami sa bahay. Dumeritso ako sa kwarto para ilagay ang bag ko at nag-alis ng maong jeans. Hindi ako komportable, mas gusto ko ang cotton pants. Umupo muna ako sandali dahil nakaramdam ako ng pagod at bahagyang hinihingal pa.
"Anak, nakahain na ang pagkain. Bumaba ka na agad," tawag ni nanay na nakasilip pala sa pintuan ng kwarto.
"Opo, aayusin ko lang po ang bag ko." Tumango ito at nauna nang lumabas.
Pagkatapos kong mag-ayos ay tumungo na ako sa mesa at alam kong hinihintay nila ako. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.
"Ano bang oras ang alis mo anak? Magpahatid ka kay Jai sa terminal para kampante ako," tanong ni nanay. Uminom muna ako ng tubig bago siya tiningnan.
"Mamaya pong alas-kwatro, magpapahinga lang po ako." Hinarap ko si Jai na nakatingin din pala sa akin.
"Okay lang bang magpahatid?"
"Oo naman, sabihan mo lang ako dahil nandyan lang naman ako sa labas."
"Salamat Jai!" Pinagpatuloy ko na ang pagkain at napatingin ako sa balat ng manok. Kinuha ko ito at ninamnam ang sarap. Favorite ko talaga 'yon.
"Paborito mo talaga 'yan ano?" Tumango lang ako kay Jai dahil puno ang bibig ko. Tinawanan n'ya ako sa itsura ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo na, hindi na kita gagambalain." Tumawa rin si nanay kaya naman inalis ko ang mumo sa gilid ng aking labi. Lagi na lang akong inaasar sa pagkain ko. Ano bang magagawa ko kung makalat ako kumain kapag masarap ang pagkain?
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi sila pinansin. Minsan ay nakikitawa at tango ako sa kanila.
Pagkatapos kumain ay nag-volunteer si Jai na magligpit dahil nahihiya raw siya sa amin.
"Ang sipag talaga ng bata na 'yon, Sandra. Kung wala ka lang pagtingin kay Zaki ay okay sa akin 'yang si Jai," biglang sabi ni nanay kaya naman nanlaki ang mata ko.
"Tumigil nga kayo 'nay, nakakahiya. Baka marinig pa kayo at kung anong isipin n'ya. At crush ko lang si Zaki, hindi ko siya gusto. Magkaiba ho 'yon," depensa ko. Kailangan ko munang ilihim dahil dumadaldal si nanay kapag si Zaki ang kausap.
"Ay ewan ko sa iyong bata ka, pati ikaw ay manhid na sa sarili mo. Ang sarap mong kurutin sa singit! Mag-ayos ka na!" Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. Alam ko na nana yang nararamdaman ko kaya lang ay hindi pa oras. Marami pang bagay ang kailangang unahin.
Matapos kong magpababa ng pagkain ay dumeritso ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. Baka may maiwan akong importanteng gamit. Siguro ay matatagalan ako bago makabalik dito kaya mamimiss ko talaga ang bahay na 'to.
Lumabas na ako ng kwarto dala ang aking mga gamit at nakita kong nagke-kwentuhan sina Jai at nanay. Siguradong nagtatanong si nanay kung kamusta ang nanay ni Jai.
"Ayan na pala si Sandra, dalian n'yo at baka maabutan ka ng dilim sa pagsakay. Ingat ha?"
"Nanay, tatawag kayo kung may problema. 'Wag kayong mahihiya at pahinga rin minsan. Uuwi talaga ako rito para lang pagalitan kayo, okay po?"
"Opo na, Nanay Sandra! Oo na, lumakad ka na dahil susundin kita. Bye! Ingat!" Kumaway ako sa kanya at sumakay na ako sa tricycle ni Jai.
"Siguradong mamimiss ka ni Nanay Cita. Si Rome lang naman ang karaniwang kasama n'ya roon at hindi gaanong nagala ang ate mo," kwento ni Jai.
Napatango ako sa sinabi n'ya dahil alam kong totoo 'yon. Mga apo n'ya ang karaniwang kasama n'ya.
"Makikisuyo sana ako kay nanay. Pakitingnan mo minsan, ha? Nag-aalala ako at baka pinapagod ang sarili, e wala ako para alagaan siya," malungkot kong sabi. Kung pwede lang agad na isama siya kaya lang ay hindi pa sapat ang pera ko lalo na at nagsisimula pa lang ako. Isa pa ay wala pa akong tirahan doon.
"Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko 'yon, hindi na kayo iba sa'min ni mama," nakangiti n'yang sabi at sinaluduhan pa ako. Napailing na lang ako at natawa sa kanya. Mabait si Jai at minsan ay maloko kaya hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya.
"Thank you so much! You don't know how big is your help."
"Nako, simpleng salamat ay okay na. Huwag mo na ako inglesin at baka hindi kita maintindihan. Nakakatakot baka sa susunod ay inglesera ka na at dumugo na ang ilong namin kapag kinakausap ka," biro n'ya.
"Baliw ka, hindi 'no. Mag-drive ka na nga lang, at dahan-dahan lang bako-bako ang daan baka tumalsik tayo."
"Yes, madam!"
***
Bumaba ako ng jeep at naglakad na papasok ng building. Nanlalambot ako at anong oras na ngayon. Grabe, nakakapagod magpabalik-balik ditto sa Maynila.
"Sandra?" Kahit pagod ay nagawa ko pa ring lingunin ang tumawag sa aking pangalan.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na si Zaki 'yon kaya naman dali-dali akong lumapit at niyakap. Naramdaman kong natigilan siya sa aking ginawa. Miski ako ay hindi maintindihan ang sarili. Sinusunod ko lang ang tinitibok ng puso ko.
Napapikit ako at dinamdam ang yakap ko sa kanya. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango kaya naman hindi ko napigilan na ilagay ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Sandra? Are you okay?" Tumango ako at naramdaman ko ang pagyakap ni Zaki pabalik sa akin.
"Bakit nawala ka? Nag-alala ako sa'yo!" Agad na nanggilid ang luha ko nang maalala ang nangyari kagabi.
"S-Sorry! May emergency lang ka"
Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Sinungaling ka! Alam kong... nasaktan kita. Bakit hindi mo ako hinintay ha? Tapos nakapatay pa ang phone mo! Nababaliw ka na ba? Pati si nanay nag-alala sa'yo," frustrated kong sabi. Inilabas ko lahat ang inis na kinimkim ko kagabi.
"B-Baby, mag-e-explain ako. Okay? Let's go to my unit, doon tayo mag-usap," malambing n'yang sabi at siya na mismo ang kumuha ng gamit ko sa aking kamay. Hinawakan niya ang aking pulso at bahagya akong hinila dahil nakatitig lang ako sa kanya nang mariin.
Hindi ko siya inimik hanggang sa makapasok ako sa unit n'ya. Inilibot ko ang tingin at masasabi kong wala itong ipinagbago noong huli at unang pasok ko rito. Malinis naman ang kanyang unit. May bote lang ako ng wine na nakita sa may mesa.
"Upo ka muna, may gusto ka ba? Inumin? Pagkain? O kaya naman ako?"
Hindi ko alam kung tama ba ang pandinig ko at agad na nataranta si Zaki nang makita ang naguguluhan kong expression.
"I mean, o ako ang mamimili? Yeah! So, ano bang gusto mo?" Bumuntong hininga ako at kinutkot ang kuko ko. Ang pangit ng kuko ko, ipapaayos ko ito kapag nakaluwag-luwag.
"Gusto kong mag-usap tayo. Ano ba ang nangyari sa'yo kagabi? Bakit ka nandoon?"
Umiwas siya sa akin ng tingin at nakita kong namula ang kanyang tainga. Umupo siya sa tabi ko at napakamot sa sentido n'ya.
"Gusto kong bumawi sa'yo. Hindi ko kasi natupad 'yung sa Palawan na pangako ko, so naisip ko na bisitahin. Naalala ko rin na father's day and I know your situation. Tapos naabutan kita na kausap mo 'yung kaibigan mo, naasar lang ako nang kaunti. Pero okay na 'yon, mali naman ako dahil basta na lang ako sumingit sa inyo." Nakikita ko sa mata  n'ya na malungkot siya pero nagawa n'ya pa ring ngumiti sa akin. It breaks my heart to see him like this. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ito. Sa tingin ko ay kasalanan ko naman talaga.
"B-Bakit ka umalis? Hindi ba gusto mong makabawi? Alam kong malungkot ka rin gawa ng daddy mo." Umiwas siya sa akin ng tingin at tumingala.
"May emergency kasi sa bar. I need to go, and besides nakakaabala na rin ako kagabi. And I'm with my friends last night, I'm okay. Ikaw? Kamusta?" Hindi siya makatingin sa akin at alam ko na ang ibigsabihin non.
"Bakit parang nagsisinungaling ka Zaki? Ayoko sa sinungaling kaya sabihin mo sa akin ang totoo. Please?" Hinawakan ko ang kanyang braso. Kahit hindi pa ganoon katagal ang samahan namin ay medyo kilala ko na siya.
"Okay, I admit I'm a jealous person. I easily got jealous even though you're not mine. Nakita mo ako pero parang ayaw mong nandoon ako, pero noong pinapanood ko kayo ng kaibigan mo na-insecure ako. Kaya ka niyang pangitiin, tapos naiinis ka sa akin. Hinayaan na lang kita roon kaysa pilitin kang umuwi, mukhang ayaw mo pa talaga. At the end na-realize ko baka mapaano ka, kaya sinabihan ko ang pamangkin mo na tingnan-tingnan ka. That's it, and I got home safely." Naiiyak akong nakatingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita, para akong nawalan ng boses.
Niyakap n'ya ako kaya agad akong napaiyak. Ang sama ko, hindi ko man lang naisip si Zaki. Ako na laging iniisip na pinaglalaruan lang ako.
"S-Sorry Zaki... " bulong ko.
"No, it's okay, ako ang may kasalanan. Wala kang kasalanan, okay? Sorry, if I can't stop myself loving you, even though you said that you're not ready. Alam kong hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan, okay lang. Naiintindihan kita, kaya kong maghintay. Tumahan ka na," malambing n'ya sabi at ramdam kong hinalikan n'ya ang aking buhok.
Mahal n'ya ako? Tinakasan ako ng salita. Bakit ka nagmahal ng babaeng ganito lang?
"Zaki... bakit ka ganyan? Bakit ang bait mo? Bakit ayaw mo pang tumigil kahit nasasaktan na kita?"
"Hindi ba sabi mo, treasure my love ones habang nandito pa sila? Kahit nasasaktan na ako, mamahalin kita. Kaya kong maghintay, kahit ayaw mo pa rin sa akin. Ayokong dumating sa point na papalayuin mo ako pero hindi ko man lang naparamdam sa'yo ang pagmamahal ko. Alam kong naiinis ka na sa pangungulit ko," mahaba n'yang lintanya at tumawa. Hinampas ko siya sa dibdib at mas lalong humigpit ang yakap n'ya sa akin.
"Baliw ka Zaki, pinapaiyak mo ako!" Tiningnan n'ya ang aking mukha at siya mismo ang nagpunas ng luha ko. Nakangiti ko siyang pinagmamasdan. Ang gwapo...
Hinila ko ang kanyang necktie at walang sabing hinalikan ko siya nang mariin. Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko, miski ako. Naramdaman kong gumalaw ang kanyang labi at hinapit ang aking bewang palapit sa kanya. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti dahil sa paghaplos n'ya roon.
He bit my lower lip and used his tongue to explore my mouth. I can't help it but to moan because of the sensation that it gives to me. Nagsitaasan ang balahibo ko sa kanyang mga haplos at halik.
"Uhm, I like y-you, Zaki," mahina kong sabi. Tinigilan n'ya ang aking labi at gulat na humarap sa akin.
"Damn! I'm not hearing it wrong, right?" Tinakpan ko ang aking mukha nang ma-realize ang kagagahan kong ginawa.

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    CeledonioKaren

    novel and

    30/12

      0
  • avatar
    이지이

    Nice

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Nate Jared Raza

    the story its super good

    06/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata