Chapter 17

CHAPTER 17
At the end of the discussion, sumabay ako kina Zaki at Mang Lester pauwi. Pumayag rin kasi si nanay dahil delikado raw. May point naman sila kaya pumayag na ako.
"Zaki ano ba!" mahina kong singhal sa kanya. Tumawa lang ito at hinawakan pa rin ang kamay ko.
Kung ano-ano kasi ang sinusulat niya sa palad ko gamit ang daliri niya kaya nakikiliti ako. Ang kulit talaga ng lalaking ito. Saan ba siya pinaglihi ng mommy niya?
Napatigil kami sa pag-uusap nang tumigil ang kotse.
"Gagamit po muna ako ng banyo Sir Zaki at Miss Sandra." Tinanguan lang siya ni Zaki pero ako nginitian ko. Ang bait kaya ni Mang Lester.
Naiwan kaming dalawa na tahimik at biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at ni-check dahil number lang ang nakita ko.
"Sino 'yan? Baka nanloloko lang 'yan," usisa ni Zaki.
Sumenyas ako kay Zaki ng huwag maingay at alam kong nakasimangot siya.
"Hello po! Sino po ito?" bati ko.
Nakarinig ako ng mga ugong ng sasakyan kaya bahagya kong nailayo ang cellphone. Sino kaya ito?
["Alex! Ako ito si Jairus!"]
Napaawang ang aking labi at mahinang napatili.
"Ikaw lang pala 'yan Jai! Akala ko naman kung sino. Bakit ka napatawag? May problem aba?
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Zaki at idinikit din ang tainga sa cellphone ko. Tinakpan ko ang cellphone ko at hinampas si Zaki.
"Hoy, ano ba! Huwag kang tsismoso! Shh!" saway ko sa kanya pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin at hindi umiimik.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa tawag at hindi na pinansin si Zaki. Sinusumpong na naman siya.
"Hello Jai! Ano nga ulit 'yon?"
["Ang sabi ko sa Saturday makakapunta na ako dyan. May nag-alok ng trabaho sa akin, e. Byahe muna ako ha? Tawagan na lang ulit kita!"]
"Sige! Ingat ka!" paalam ko at pinatay na ni Jai ang tawag. Na-miss ko talaga ang lokong 'yon. Noong mga bata kami, si Jai ang nagsisilbing clown sa aming magkakaklase dahil ang galing niyang magpatawa. At may pagkapilyo rin kasi ang isang yon
Muli kong binalingan ng tingin si Zaki na nakatingin lang sa may bintana at tahimik. His lips are in thin line. He looks annoyed.
"Oy! Okay ka lang?" tanong ko at kinalbut siya.
Hindi pa rin siya nagsasalita o lumilingon man lang sa akin. Aba, nagtatampo nga ata.
"Oy! Galit ka ba?"
"Zakiiiiii! Yuhoooo!"
"Zaki, ano ba!" Nakaramdam na ako ng inis dahil hindi niya ako pinapansin.
"Baby!"
At nagulat ako dahil sa mabilis nitong paglingon.
"What?" masungit niyang sabi. Ngiting nang-aasar ang isinukli ko sa kanya. Kunyari pa siya, gusto lang naman siyang tawaging baby. Akala niya ay hindi ko alam at tama nga ako dahil effective.
"Bakit ba ang sungit mo ha? Nagseselos ka ba?"
Alam kong makapal ang mukha ko pero malay ko rin hindi ba. At sabi niya may gusto siya sa akin so possible talaga iyon. O baka tungkol sa pakikinig niya ng tawag? Its not okay to listen to others conversation.
"Tinatanong pa ba 'yan? Ang saya-saya mo kausap 'yang friend mo tapos sa akin hindi ka naman ganyan kasaya," tampo niya. Hindi ko napigilan na pisilin ang kanyang pisngi.
"Masaya akong kasama ka Zaki, baliw ka ba ha? Kaibigan kita!" At gusto kita! Hindi ko talagang ugali na umamin dahil nahihiya ako. At kailangan kong mag-focus sa career bago sa love life.
"Yeah, you're my friend. Tulog lang muna ako," tipid niyang sabi at pumikit na.
Pinagmasdan ko na lang siya dahil alam kong na-dissapoint siya sa sagot ko. I'm sorry Zaki, but I'm not sure and I'm not ready.
"Miss Sandra," tawag sa akin ni Mang Lester. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya.
Napatawa ako para takpan ang lungkot ko kanina. Nasasaktan ako para kay Zaki. Sa sitwasyon naming ay may namumuong pag-asa sa kanya. Hindi ko naman atang layuan siya.
"Nandyan na po pala kayo," kunyaring bati ko.
"Okay ka lang ba ma'am?"
"Opo naman! Tara na po," nakangiti kong sabi at sumandal sa upuan. Hindi naman siguro 'yon big deal kay Zaki. Alam niya na hindi pa ako handa sa ganoon at masyado siyang mabilis.
***
Nakalipas ang ilang oras at malapit na kami sa building. Gising na rin si Zaki at nililingon niya ako habang nanonood ako sa tiktok ng mga sayaw. Sabi dati ng mga kaklase ko magaling daw ako sumayaw pero hindi ako naniniwala.
Halatang pilit ang sayaw ko at sa totoo lang medyo malaman ako. I'm not sexy, hindi ako naniniwala sa iba na sexy ako. Tumatango na lang ako sa kanila dahil ayokong makipag-argumento pa.
Itinago ko na ang phone ko nang lumabas si Zaki para pagbuksan ako.
"Salamat po Manong Lester!" Sumaludo siya sa akin kaya napatawa ako. Kahit sandali ko lang siya nakilala ay magaan ang loob ko sa kanya. Alam kong mabait siya.
"Sandra, galit ka ba?"
Nagtataka akong tumingin kay Zaki. Hindi naman ako galit sa kanya, a. Siya nga ang inakala kong galit sa akin.
"Syempre hindi! May dahilan ba? Anyway, salamat sa paghatid." Pumasok kami sa elevator at kami lang dalawa ang sakay.
"Always welcome, anyway free ka ba bukas?"
"Uhm, may trabaho ako so, I will not be free this week. Gusto kong galingan since it's my first job. Gusto kong mag-focus," paliwanag ko.
Nakita kong lumaylay ang balikat niya. I'm sorry Zaki but I'm not always soft like other girls. I can be hard as a stone.
Nakuha pa rin niyang ngumiti kahit alam kong malungkot siya. Mas lalo akong na-guilty kaya nag-iwas ako ng tingin. Parang sama-sama ko habang pinagmamasdan ang ekspresyon niya. Maybe avoiding him for the mean time can help?
Baka ma-realize niya na hindi niya talaga ako gusto. At maging ako ay baka may ma-realize na nalilito lang pala sa mga bagay-bagay.
"I hope nag-enjoy ka na kasama ako Sandra. And good luck to your job tomorrow!" Tipid lamang ang kanyang ngiti siguro dahil sa pagod. Sa pagod nga ba? Malungkot siguro talaga siya. Im so sorry Zaki.
"Thank you rin! Bye!" Hinalikan ko siya sa pisngi at alam kong dahil doon ay napangiti ko siya.
Pumasok na ako sa unit at wala akong nadatnan na tao. Ala-sais na pero wala pa rin si Alice. Siguro naggala pa ang lukang 'yon. Pagod akong tumungo sa kusina para uminom ng tubig at ilagay sa refrigerator ang isda.
"Sandraaaaa!" Muntik ko nang maibuga ang tubig dahil sa sigaw na 'yon.
Inis kong nilingon si Alice na naka-peace sign at inirapan siya.
"Sorry na, so kamusta? Magkwento ka dali! OMG! I think naging masaya pag-uwi mo roon 'no?"
Kahit kailan talaga chismosa 'to. Umupo ako sa isang upuan at tamad na sumandal.
"Bukas na lang, I need to regain my energy," mahina kong sabi.
"Pe-"
"Bye!" putol ko sa kanyang sasabihin. Tumayo na ako at sinakbit ang bag patungo sa kwarto.
Basta na lang ako humiga at hindi alintana ang suot ko dahil komportable naman. I can feel that my eyes want to close, so I did.
***
Napamulat ako nang marinig ang malalakas na katok sa pinto na para bang sisirain ito.
"Wait lang namannnn!" sigaw ko. Ang ganda ng tulog ko, e! Gosh! May trabaho nga pala ako kaya dali-dali akong napabangon. Engot self!
Naligo agad ako at nagbihis nang mabilis. Palibhasa ay napagod talaga ako kahapon kaya ang sarap ng tulog ko. Binuksan ko na ang pinto at hindi ko na naabutan si Alice. Baka nainis na sa akin.
Nagtungo ako sa may kusina at naabutan ko siya na nakain kaya umupo ako sa tabi niya.
"Malapit ka na sana ma-late, babaita. Bakit ba kasi nagpuyat ka?! Ha?" galit niyang sabi.
"Sorry na nga, napagod lang talaga ako kahapon. Anyway, dahil first day ko gagalingan ko!"
Tinaasan niya ako ng kilay kaya nagpatuloy ako sa pagkain. Ang ulam namin ay daing at itlog. Sarap!
"Aba, dapat lang! Alaga kita kaya dapat ipakita mo nang mabuti ang mga tinuro ko. Mauna na ako sa'yo at kailangan na ako sa office. Byeee! Let's kwentuhan latur!" paalam niya at nawala na lang bigla.
Mabilis akong kumain at lumabas na rin. Sa paglabas ko sa pinto ng unit ay natanaw ko si Zaki na may kasamang babae. Pumasok sila sa elevator kaya naman napako ako sa aking kinatatayuan.
Ewan ko pero may biglang kumirot sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman parang nawalanan agad ako ng gana kahit hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho.
Huminga ako nang malalim at inayos ang buhok. Kailangan mong magtrabaho, Sandra.
Inalis ko sa isip ko si Zaki dahil nawawala ako sa focus. Lumabas na ako ng building at laking pasalamat ko nang hindi ko makita sina Zaki at ang kasama niya.
Sumakay agad ako ng jeep at pagkarating ko sa ZB Agency ay sinalubong ako nina Diamond at Ruby. Bigla akong kinabahan dahil nag-aalala silang tumingin sa akin.
"Sandra, pinatatawag ka ni Zia. And she's not in a good mood today so, be ready," saad ni Ruby na lalong nagpakaba sa akin.

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    CeledonioKaren

    novel and

    30/12

      0
  • avatar
    이지이

    Nice

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Nate Jared Raza

    the story its super good

    06/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata