Chapter 26

"Hoy gaga may after party pa" Pagpipigil sa akin ni Caca umalis.
"Kailangan ko pumunta sa ospital, I have a lot of patients and may nagpapa-appointment pa" I said, exhausted.
She looked said though naiintindihan naman niya ang sitwasyon kaya naman nagpaalam nalang siya sa akin.
Kahit gusto kong pumunta sa after party na sinasabi niya wala naman ako magawa lalo na at may duty pa ako. Marami pa naman nagpa-appointment sa akin so yeah, I don't have choice.
Naglakad ako papunta sa parking but naalala ko nga pala, hindi ko dala ang kotse ko at nakisakay lang ako kay Tita. Ano na bang nangyayari sa akin? Kung minamalas nga naman.
Ayaw pa kasing sagutin ni Kenji ang phone niya. I was trying to contact him to pick me up here pero wala. Matagal na kasi nag-quit sa job 'yong driver namin kasi daw lilipat na daw sila sa mindoro, si Kuya Roel. That's understandable naman but if he wants to go back were open to accept him again.
Dahil sa pag-quit ni Kuya ay natuto na din ako magdrive but how can I? Now na wala ang kotse ko. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Dapat pala kasi dinala ko nalang.
In my shock, biglang sumulpot kung saan itong si Josh. If he's here then hindi din siya a-attend ng after party? That's not like him, the Josh I know— Nevermind, kung ano ano na naman ang iniisip ko.
I don't know if sinasadya niyang harururutin ang sasakyan niya para maalikabukan ako or what. This guy is really god at showing off. Akala mo kung sino talaga e, sana ma-flat tires niya, gosh.
Napaupo nalang ako dito sa gilid kakahintay kay Kenji na sagutin ang tawag ko. Its been 10 minutes at wala pa din. Siguro nambababae na naman ang gunggong na 'to, as always.
Napatulala nalang ako sa sahig. Ano nalang kaya sasabihin ng secretary ko niyan sa akin. I'm pretty sure na she will definitely scold me. Usapan kasi namin 11:00 nandoon na ako but look, its 11:10 na. Ni hindi pa ako nakakasakay ng car or what.
At ewan ko kung bakit ganito. Hindi ko alam kung saan sumulpot itong kotse sa harapan ko. Lasing na ba ako? Hindi naman ako uminom ng marami kanina e, wine lang naman 'yon. But this? Minumulto ba ako or ewan. Napatayo nalang tuloy ako dito at napaayos sa sarili para naman mamaya kapag kikidnappin ako nito medyo maayos naman itsura ko 'di ba?
I watched how he remove the cover of his car, Joshua. At ano na naman bang gusto niyang gawin? Oo na, maganda kotse mo. You don't need na ipakita iyan sa akin. Gosh. 
"Get in" He said and my soul just left my body as soon as I heard his voice.
"No" Tipid kong sagot at tumalikod sa kaniya. Hindi ko alam pero ramdam kong may masamangnakatingin sa kaluluwa ko ngayon kaya naman na-conscious ako agad at napatingin nalang sa kaniya. 
"Okay, fine" Hindi ko alam kung ano na lang ang kung anong sumapi sa kaluluwa ko ngayon at sumakay nalang ako bigla sa car niya. Sabi ko nga may topak nga talaga ako I mean uhmm... lasing ako. Oo, lasing ako. 
Binalot kami ng katahimikan buong biyahe, not until he cleared his throat as he got my attention. Hindi ko alam pero para na akong mamatay dito dahil sa awkwardness between us like hindi ko 'to kaya. Nakakamatay, literal.
"Kamusta? I hope you didn't cried that much..." His voice broke. "I hope you didn't cried as much as I cried... I don't know what you did to me but until now, still you. Ikaw pa rin Ellie."
"Stop this fucking thing at bababa ako" Galit na sabi ko sa kaniya. Yeah, I sounded so galit pero hindi ibig sabihin no'n galit din ako sa loob. Ayoko lang naman makita niya akong umiyak kaya dinadaan ko nalang sa galit ito. "You know what? You're just drunk, just drop me off somewhere at umuwi ka nalang and please... 'wag na 'wag kang magpapakita sa akin" 
"I love you... I still do" He cried.
"Hindi kita mahal" Hindi nga ba? Pati ako nagduda na din sa sarili ko e, sa mga salitang galing sa akin kasi alam kong baliktad lahat ng salitang sinasabi ko.
"You didn't changed... mapanakit ka pa rin" He sounds so bitter and faked a smile as he stopped the car at nagpark sa gilid ng highway. "Can you please just give me an hour para magpaliwanag--" Agad akong nagsalita obviously not letting him to finish his sentence first.
"Shut up?!" Inis kong sigaw sa kaniya as I inhaled a large amount of air before talking again. "Matagal na tayong wala Josh! Bakit ba umaasa ka pa din na mahal kita ha?! Tangina! Sa tingin mo ba kapag nagpaliwanag ka ngayon, may chance pang paniwalaan pa kita matapos mo akong sirain... matapos mong sirain ang tiwala ko sayo sa tingin mo ba magagawa ko pang magtiwala sa'yo ulit? Gago... gago ka... " I looked up para mapagilan ang mga luha ko sa pagtulo. 
"Then what? Gagawin mo akong kabit mo ulit? Putangina mo Josh... Mahal na mahal kita e, binigay ko sa'yo lahat... hinayaan lang kita kasi ayokong masakal ka sa akin pero ano? 'yon ang malalaman ko? Pustuhan? 'Yon lang ba ang halaga ko? Tangina mo sagutin mo ako!" Kwinelyuhan ko siya as he stare at me with his sad and teary eyes. 
"I love you..." He caught me off guard as he gently kissed my lips. "You're more than that"
"Then why?" I cried. He held my face at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya sabay ng pagpapatahan niya sa akin. 
"Please 'wag kang umiyak" He sounds so hurt seeing me cry here in front of him. Wala ako sa sistema ko ngayon. Para bang trinaydor ako ng sarili ko.
I keep on saying na hindi ako iiyak sa harapan niya, hindi ulit, never, but look, here I am, pinapatahan ng gago na 'to.
"Can I explain love?" Tumango ako sa kaniya as he gave me a forehead kiss. 
[End Of Chapter]

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    MA RK

    happy

    07/03/2025

      0
  • avatar
    Quehmoi

    maganda po

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Mark Noven Napila

    thank you more

    06/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo