Chapter 25

Kakauwi ko lang dito sa Philippines tapos halos 'yon agad bubungad sa akin? Kasal ba dapat agad? Sana naman bingyan niyo ako ng warning oh.
Ilan taon na ba nakalipas? I lost count. Siguro 15 years I guess. Nakakamiss din pala ang hangin dito 'no? Iba din kasi ihip ng hangin dito lalo na kung ang makikita mo agad bespren mong nakasuot ng bridal gown sa harap kasayaw ang asawa niya.
Sinenyasan ako ni Bella tungkol sa pera. Well, ganoon naman kasi kapag may kinakasal, 'yong may sinasabit sa damit ng mag-asawa na pera basta 'yon. I don't know how they call that one.
Since I don't have cash with me right now, check nalang binigay ko naglalaman ng 500,000 pesos. I don't know why pero sa dami kong pera hindi ko na din kasi alam saan ko gagastusin. I already have my own house, company, and even a business.
Lahat meron ako but not my own family. Pagka-pin ko ng tseke sa damit nilang dalawa, yes I divided the 500,000 pesos into two para masabitan ko din no'n si Edward, bumalik na ako agad sa pwesto ko kung saan ako naglalamutak ng cupcakes.
May napadaan sa akin na waiter kaya naman kumuha ako no'ng isa sa drinks na hawak niya then I smiled at him. Wala naman akong ibang magawa dito kung hindi kumain at mag-inom lang. Every people here have their own businesses so I should mind my own.
Nagkaguluhan na ang mga babaita when its the time do'n sa tinatawag nilang ewan ko 'yong ihahagis ng bride 'yong bouquet niyang flowers at kung sino makakasalo no'n siya daw susunod na ikakasal. Nagtipon tipon na pati ang mga Tita niyang matandang dalaga really hoping for them to get married pa.
I don't give a fuck about it even if Stella calls me. Ayoko nga besides I don't have a man I can marry. Mas pipiliin ko nang mamatay ng single kaysa magpakastress sa lalaking gago. Ewan ko din bakit ako biglang napatingin kay Josh pagkaisip ko sa lalaking gago.
Agad akong umiwas ng tingin when I noticed he is staring at me. Awkward kaya. I just watched them here na nagkakaguluhan dahil sa bouquet. Madami din naghihiyawan at tumatawa.
I missed the taste of a wine kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang inumin ng diretso ito not until something hit my head.
Gusto ko lang naman uminom dito ng tahimik e ba't may nambabatok sa akin? Tarantado.
Nang makarecover ako ay napatingin ako sa lahat na gulat, looking at me. Some of them were shock and some of them are smiling lalo na ang nanay ko na pabalik balik ng tingin sa akin at sa kung sino man.
Napatingin ako sa sahig kung saan bumagsak ang bagay na tumama sa ulo ko kanina lang, late that I realize na 'yong bouquet pala ni Bianca iyon. Agad kong pinulot at naglakad papalapit sa kaniya.
"Tanga ayusin mo naman daw" Hinampas ko sa kaniya 'yon. "Oh ulitin mo walang nakasalo, 'wag mo 'ko dinadamay gusto ko lang naman uminom e" Akmang aalis ako when she grabbed my hand at ipinahawak sa akin ang bouquet.
"Tanga ka din" Binatukan niya ako. "Malas daw 'yon and ba't ko pa uulitin kung nay nakasalo na" She's portraying me.
"I didn't caught it Caca, its just that accidentally nag-land sa akin ang bouquet. Gosh"
"Tanggapin mo na kasi ano ba, may naghihintay naman sayong makasal e" Ibinaling niya ang tingin sa iba.
Napatingin din ako sa tinitignan niya tuloy just to see Josh minding his own business at the corner talking to a random guy.
"Putcha!" Reklamo ko. "Matagal na kaming wala okay? Move on move on din beh" Tinapik ko ang balikat niya.
"Talaga ba?" Dudang tanong sa akin ni Edward.
"Aba baka pagumpugin ko pa kayong dalawa ng bespren mong gago" Sigaw ko sa kaniya dahilan para mapatingin sa akin ang lahat.
Nailang tuloy ako medyo lalo na at naagaw ko pati ang atensyon niya. Medyo nahiya ako do'n ha.
"Wala na daw pero 'di pa move on?" Walang hiyang sabi ni Kayle na nasa likod ko lang pala sabay akbay pa sa akin.
"Mag-move on na kayo ano ba?!" Inis kong sabi.
"Uy nandyan siya" Nangaasar ang tono ni Kayle.
Gusto ko nalang magpakain sa lupa lalo na nang makita kong naglalakad siya papunta sa gawi namin dito sa harap. Napaatras tuloy ako nang wala sa oras at nagtago sa likod ni Kayle na pilit naman ako inihaharap.
Oo na, aaminin ko he really look good on his formal attire right now lalo na at he look so professional and mature at the same time. Oh gosh— just what am I saying?
Ewan ko kung bakit pero kinakabahan ako ngayon knowing that he's coming here. Ayoko magisip ng kung ano pero hindi ko talaga mapigilan. We have the same circle of friends kaya normal lang na magkikita talaga kami lalo na ngayon na may special event.
Napatingin ako sa gawi nila Stella na nakangiti lang ng nakakaloko sa akin. I hope I can smile too, kasi for now, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Kaya ko ba siyang harapin?
Iyan ang tanong na paulit ulit na dumadaloy sa isipan ko ngayon na nasa harapan ko na siya.
Hinarap niya kami at diretsong nakatingin sa akin. Oo nakatingin siya sa akin and I didn't really expect him to because bakit pa? Wala naman dahilan 'di ba?
And I don't know why is he looking at me intently but his eyes were shouting something that I can't even understand kung ano. His face are full of mixed emotions but I know he's trying his best not to show it lalo na at kasama namin ang mga kaibigan namin ngayon.
Nailang ako agad sa tingin niya sa akin kaya naman nagkunwari akong kumaway kila Cath. Kunwari nalang tawag nila ako.
"May problema ba dito? If I'm not mistaken I just heared someone cursing me right? Ellie?" May halong pagkasarkastiko ang tono niya sa akin.
Bahagya akong napaturo sa sarili ko as if it was like I was asking if he's talking to me or not. Napatingin din ako sa iba and yeah, I was right. Ako ang kausap niya.
"H-ha? Ewan" Tipid kong sagot.
"Muling ibalik" Kanta ni Kayle.
"Ang utak mong gago" Tuloy ko naman sa kanta niya.
"Oh ayan na pala ang groom e, tara kasal ko na kayo. Ako na pari" Pagprepresenta ni Sean.
"Tanga e 'di nasunog ka" Sabi naman ni Edward sa kaniya.
"Agree" Sagot ni Kenji na mukhang timang as always.
"Kailan ang kasal niyo niyan boss" Tanong ni Kayle kay Josh.
"Why don't you ask my wife?" He glanced at me as he plastered a teasing smile on his face.
[End Of Chapter]

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    MA RK

    happy

    07/03/2025

      0
  • avatar
    Quehmoi

    maganda po

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Mark Noven Napila

    thank you more

    06/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata