Homepage/Dreamt The Hyacinth Game/
Chapter 24
"Elliese may problema ba?" My Mom asked me.
"W-wala naman po," I sounded so bitter.
"You're crying... anak ko" She hugged me, gently caressing my hair.
Am I? Because hell yeah, I felt so numb for no reason. Ewan ko ba pero pinunasan ko nalang kung ano man meron sa pisngi ko at inayos ang sarili. Binalewala ko nalang ito. Lalampas din naman ito e.
Medyo late na tuloy kami nakauwi ni Mom dahil sa drama dramahan ko do'n. Tsaka baka mamaya namalikmata lang ako. Hindi naman siguro siya 'yon. I know him well at alam kong hindi niya ako magagawang lokohin pero si Aria ang hindi ko kilala.
Graduation na and here i am, gahol sa pagaayos. E paano ba naman kasi e late akong nagising. Mga around 4:00 ako nagising e 'yong sched is mamayang 6:00 na.
Yes, 2 hours pa bago magstart ang event pero sa sobrang perfectionist ng nanay ko, I doubt na on time kami dadating.
Ate Bea was busy doing my make-up and hair when I suddenly recieved a text kaya naman agad kong kinuha ang phone at binuksan ko ito. It was from him.
From: Josh
Message: I'll meet you at the Starbucks after ng event. Sabay tayo pupunta sa after party. I love you :)
Hindi na ako nakapagreply sa kaniya lalo na at magtatype palang sana ako ng message ng biglang hinablot ni Ate Bea ang phone ko mula sa kamay ko at inilapag iyon sa vanity table.
Hindi daw kasi niya daw kasi mailagay ng maayos ang eyeshadow ko kaya tumigil daw muna ako sa pagpophone.
Medyo matagal din niya ginawa ang make-up ko lalo na at umabot kami halos 40 minutes kaya naman pagtayo ko sa kinauupuan ko, sakit ng pwet ko.
Nagunat lang ako saglit at umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Sa living room niya kasi ginawa ang pagmemake-up sa akin e. Sinuot ko na ang uniform at ang toga ko.
Medyo hirap ako magbihis lalo na at may make-up na ako. Baka kasi malagyan damit ko niyan e bagong plantsa pa naman ito.
Pagkadating namin ay nasa kalagitnaan na ang ceremony pero buti nalang at hindi pa natatawag ang apilyedo ko kung hindi lagot talaga ako. Umupo nalang ako do'n sa bakanteng upuan na katabi ng kaklase ko.
She smiled at me at ibinalik ko din sa kaniya ang ngiti. I roamed my eyes around obviously trying to find someone. Napako ang tingin ko sa lalaking kausap ni Aria.
One thing I knew is that it was him, my man. Gusto ko man siyang lapitan pero parang ayaw ng sistema ko kaya naman pinili ko nalang maupo dito at manahimik nalang.
I know there's some part of me na nasasaktan pero wala naman ako magagawa e. Natatakot akong baka mamaya kapag nagsalita ako, masakal siya sa akin.
"The class Valedictorian of school year 2021-2022, Elliese Zaine Gomez" The emcee said.
And yeah, umakyat ako sa stage ng bagsak ang balikat ko. Nakatayo ako ngayon dito, masaya. Kita ko ang lahat na nakangiti, pumapalakpak sa akin. Not until I saw him, with his eyes on her at hindi sa akin.
Oo nasasaktan ako, sobra. Kahit man lang sulyap ay hindi niya magawang maibigay sa akin. Nagseselos ako. Pinapatay ako ng selos, ilang beses kong tinatanong sarili ko kung ano bang mali sa akin. Bakit ganito?
Ni hindi ko na nga alam kung naiiyak ba ako kasi magtatapos na ako at nagi-speech ako ngayon dito sa harap o dahil sa kaniya.
Boyfriend ko nga ba talaga siya?
Sa tuwing magkasama kami at nandiyan ang tropa niya palagi niya akong pinagiiwanan, inintindi ko 'yon. Pero ito? Ayoko na.
Bumaba ako ng stage at wala ang lalaking gusto kong sumalubong sa akin. Niyakap ako ni Mom bilang pagbati sa akin.
I feel so numb the entire hour at parang ambilis din ng oras at natapos agad ang ceremony. Nagtungo ako sa meeting place namin ni Josh. I waited for almost 30 minutes.
I even thought na hindi na siya dadating, sa tagal kong naghihintay dito para lang akong timang. Napaayos ako ng upo nang biglang may pamilyar na tao ang oumasok dito, it was Kayle.
"Ellieski!" Bati niya sa akin agad nang nakita niya ako dito sa gilid. "Ginagawa mo dito?"
"Hinihintay si Josh" I said straightforwardly.
"Kayo pa rin?" He sounds so confused.
"Uh... what do you mean?"
"Hindi ba't break na kayo? Kasi dare lang naman 'di ba? Sabi nga niya sa amin no'ng last week pa daw kayo wala" He was even scratching the back of his head. "Ayun na pala siya--"
Agad akong napalingon sa tinuturo ni Kayle and I saw him, kissing another woman, kissing Aria. And yeah, my world went black.
Gulong gulo ang isip ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magugulat ba ako o magagalit na ano?
Nakita ko ang pagdilat ng mata niya kasabay ng pagtulak niya kay Aria palayo. Is it because he saw me? Kaya niya ginawa 'yon.
"Huli pero 'di kulong" Kayle was laughing not until he saw me crying in front of him.
"Huy Ellie! Okay ka lang--" Malakas na sampal ang natanggap niya mula sa akin as I stood up to get my things and made my way out.
Hindi ko alam saan ako papunta basta aalis ako dito iyon ang mahalaga. Ayoko na nito.
I was about to go at Kenji's car when someone grabbed my hand. Wala na din naman akong lakas manlaban pa because I was fucking drained.
"Let's talk about this properly--"
"Ano pa bang dapat natin pag-usapan Joshua?!" Sinampal ko siya.
"Look, I'm not having an affair--"
"Stop explaining! Sapat na ang nakita ko. Wala kang dapat ipagaalala tungkol sa atin because our relationship ended last week right? Oo nga pala, dare lang" My voice broke.
I hit him with my bag countless times at paulit ulit na sinapak sa mukha. Ayoko na, ansakit sakit na. Pinapatay na ako ng sakit. Nadala ako ng galit at sakit na nararamdaman ko ngayon. Ni hindi ko na alam kung ano pa ba ang gagawin ko.
"Putangina mo alam mo ba 'yon?" Dinuro ko siya. "Tangina mo?! Ginago mo ako!"
"Elliese makinig ka naman sa akin please..." Pagmamakaawa niya sa akin, was kneeling in front of me.
"Tumayo ka diyan punyeta!" I shouted at him. "Cheater!"
"Ilang beses ko tinatanong sarili ko kung alam mo lang, okay pa ba kami? mahal pa ba niya ako? ayaw na ba sa akin ni Josh? Pumapangit ba ako kaya ayaw mo na sa akin? ayan ang mga tanong na palaging bimabagabag sa akin everytime na nakikita ko kayong magkasama ni Aria. I was expectingan explanation from it pero ano ang isinusumbat mo sa akin? 'Pagod ako' Kaya 'di na kita tinatanong because I don't want to bother you about it. Baka magkatotoo lang 'yong iniisip ko so I suffered alone. Mas pinili kong sarilihin lahat ng sakit" I cried harder.
"You are the only girl beautiful in my eyes kahit ano man ang mangyari... Ikaw lang. You know you have me right? You don't have to carry all the burdens all by yourself kasi nandito ako"
"Wala ka. Never kang nandyan para sa akin because you were always there for her, for Aria. Pagod na pagod ako Joshua pero ano? Mas pinili ko pa rin na intindihin ka but 'yon? 'Yon ang ibabawi mo sakin matapos ang lahat? Putangina?!"
"She forced me to do it" Pagdadahilan nito.
"Pero ginusto mo 'di ba? Hindi ka naman nanlaban o lumayo man lang 'di ba?" I smilled bitterly.
"Kahit na minsan nalang tayo magusap, hindi mo man ako nakakasama araw araw, kahit na hindi mo ako batiin o ngitian kahit magkasalubong man lang tayo... okay lang sa akin 'yon, kaya kong tiisin josh kasi mahal kita..." My voice broke. "Wala akong paki kahit na palagi kang may gala, o game kung palagi mo ako natutulugan okay lang sa akin kasi iniintindi kita, kasi alam kong pagod ka. Pilit kitang inintindi kasi mahal kita..."
"I love you" He whispered looking down.
"Araw araw, gusto kong kasama ka makipagkwentuhan sa'yo, our mini dates I missed it. Kahit 'yong sabay man lang tayo kumain okay na sa akin 'yon kasi alam kong akin ka kahit saan ka pa pumunta akin ka pa rin" I was crying.
"Sa'yong sa'yo lang ako Elliese please... 'wag naman tayo umabot dito oh"
"I missed every inch of you, gusto ko mang magreklamo kasi wala kang oras sa akin pero hindi ko magawa kasi ayokong masakal ka sa akin. Tapos 'yon lang makikita ko?"
"You misunderstood it"
"Saan banda Josh? Kitang kita ko na naghalikan kayo ng babaeng 'yon" Mas lalong lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi ko mailabas.
I inhaled a large amount of air bago ako ulit magsalita.
"Am I just your rebound girl?"
"No" Diretso niyang sagot habang nakatitig ang mga mata niyang lumuluha sa akin.
"Then why? You said you love me pero bakit mo ako sinaktan?" Napaluhod nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Tanging pagiyak ko nalang ang nagingibabaw sa katahimikan dito sa fire exit.
"Tapos malalaman ko pa 'yong tungkol sa putanginang dare na 'yan gago?!"
"Elliese..." He was speechless.
Napaupo ako sa hagdan yakap ang sarili ko. Pilit kong pianpatahan ang saril ko habang nakatingin sa kawalan.
"Ellie kausapin mo naman ako" Inabangan na naman niya ako sa gate. I glance at him na halatang kulang sa tulog. He was holding a box of cupcake from my favorite bakery.
Does he think gano'n lang ako kadali? Isang box lang ng cupcake okay na? 'Yon ang pangarap ko. A month passed at walang mintis niyang ginagawa iyon. Pilit din siyang pinagtatabuyan ni Dad sa harap ng bahay namin because he's just wasting his time.
He's just torturing himself makuha lang ang pagpapatawad ko sa kaniya. Every time na magtatagpo ang tingin namin, walang buhay ang sistema niya and can feel how devastated he is.
Pero mas pinili ko pa rin siyang ipagtabuyan kasi ayoko na. Masasaktan lang ako ulit kung nagkataon. Hindi na.
"Ellie" I can smell alcohol from him. "Saan ka galing?"
"Why do you care?" I don't know saan ko nakuha ang lakas kong makipagusap pa sa manlolokong ito.
"Because you're my woman, and I care for you, only you" His voice broke as a tear from his eye escaped.
"Doctora ko." His voice broke. Joshua kissed my forehead as he stare at the sky, counting stars.
"You know what?" I looked at him. "With you I feel secure."
With him I feel at ease. He is my rest, my love. But that was what I thought.
He glanced at my ring before leaning to give me a soft kiss and hug for the last time. I stared for him so long before letting go of his hand removing the promise ring he gave. I feel numb for no reason.
Gusto kong umiyak pero wala nang luha pang lumalabas sa mga mata ko. I handed him the ring, still looking down. I can't even feel anything but the heavy atmosphere around us.
"I loved you." I whispered for the last time as he cried silently in front of me looking down.
"I always love you, only you" He gave me a faked smile only to give me a hint that he never regretted. I glanced at him staring directly at his eyes that only reflects sadness and doubts.
Thank you...
I walked away leaving him behind. I don't wanna hear all of his fucking excuses makes me sick. I opened the gate of our house at tuluyan siyang iniwan. Pumasok ako sa bahay at diretsong nagkulong sa kwarto ko.
I feel my knees crumble as my heart shuttered into pieces like a piece of a glass as I held my chest. Ngayon ko palang naramdaman ito. Wala akong ibang magawa kung hindi iuntog ang sarili sa pader.
I cried as hard as I can hugging myself because wala naman akong ibang meron kung hindi ang sarili ko right? I was even telling myself that its okay. I was trembling when I took my hydroflask out of my ref to drink water trying to calm myself.
I even inhaled a large amount of air before exhaling slowly, calming myself. I keep telling myself that it was okay, it was nothing but my heart just keep on resisting.
5 months passed at naayos na din ang papeles ko. Pupunta ako ng ibang bansa para doon magaral since Dad didn't want me to stay here because the past always there. Keeps me in horror.
Halos matagal na din ang nakalipas matapos no'n at ito ako, nasasaktan pa din sa tuwing naalala 'yon. The only escape I can only think of right now ay ang pagaaral ko. Yeah, I need to keep myself occupied and busy with stuffs para lang hindi ko maalala ang araw na 'yon.
Maaga akong nagising ngayon since ngayon din ang flight namin ni Dad. Gusto ko sana munang maglakad-lakad o mamasyal sandali bago man lang ako umalis dito. Nakapagpaalam naman na ako sa mga kaibigan ko kaya wala nang problema tungkol doon.
Iyak nga ng iyak si Bianca na parang bata. Akala mo naman hindi ako babalik.
I was walking down the streets when I saw Josh with a woman, again. I was planning to walk around since it was my last day here in the Philippines at isasama na ako ni Dad papuntang States para doon magaral.
As I glanced at them, he caressed her hair as it flashbacks on my mind how he care for me like that before. He looks at her the way he look at me before, his dazzling eyes were plastered only at her.
He was laughing and smiling at her na para bang wala nang bukas pa. All I can see through his soul was only happiness.
I'd never saw this smile of him before...
The smiled I was longing to see for, today, I saw it he gave to the girl he was with. Finally, he found the girl that won't ever leave him like how I abandoned him before.
Why do I keep watching this fucking scene? Bakit parang galit sa akin ang mundo para saktan ako ng ganito.
Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang bigat na buhat ko ngayon. Bigat na galit sa akin ng lahat.
Bakit nga ba nandito pa ako? Hoping that he will come to me. Hoping for nothing.
Okay na rin siguro iyong magkaibigan kami. That made me think that I am still part of his life. He was once become part of me, the missing me. But, now that I see what the world had gave as a punished for me, maybe this time I can look forward.
At least I was happy for him that finally he won't ever never get hurt again.
Can I?
I keep telling others that I hated them for lying at me, for betraying me dahil lang sa mababaw na dahilan but look, ako pala itong hindi matanggap-tanggap na ako mismo ang nagsisinungalin sa sarili ko. Nagawa ko nga magsinungalin sa kaniya dati, sa sarili ko pa kaya.
I always keep telling myself lies. I keep lying that I didn't want him in my life anymore. But still he was the only one I wanted.
"Ipinagtabuyan kita... pero ba't tuluyan kang umalis?" I whispered as I my eyes teared unconsciously.
Why does it so easy to you na bitawan na lang ako ng ganoon lang?
At least I believed in forever once...
From: Unknown Number
Message: Ikaw pa rin kahit na anong mangyari, handa akong ipaliwanag sayo lahat kapag handa ka nang makinig sa akin ulit. 'Till we meet again, doctora ko.
[End Of Chapter]I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (80)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
happy
07/03/2025
0maganda po
18/11/2024
0thank you more
06/11/2024
0Tingnan Lahat