Chapter 23

"May training kami,"
"Oh, e 'di manonood ako" I said.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Oo nga" Sabi ko naman sa kaniya. Malapit na kasi ang game nila kaya todo ang training sa kanila ni Coach ngayon.
Naglakad kami papunta sa court. Sabi niya magpapalit lang daw siya ng jersey niya kaya naman umalis muna siya papunta sa locker room. Pumunta muna ako sa bleachers at doon nagtambay.
Ewan ko ba bakit ganito ang feeling. Parang may mali na ewan.
I was waiting patiently when I saw Sean approaching me. He stood in front of me nang nakakunot ang noo. Hindi ko alam pero medyo kinilabutan ako sa inasta niya.
"Bakit mo siya sinagot?" Bungad niyang tanong sa akin.
"Kausap mo... ako?" I pointed at myself.
"Then who am I talking to?" Sarkastikong tanong niya sa akin.
"Because I love him" That's the only thing I can only think of noong tinanong niya sa akin iyon. I know he's portraying to Josh.
"Wrong move woman. You shouldn't be in love with him" He said. "Well, its my fault. I didn't warned you enough"
Naguguluhan na ako sa pinagsasabi ng gunggong na 'to kaya naman dinedma ko nalang ang gago. Kung ano ano sinasabi niya e hindi ko man lang siya maintindihan. Pwede bang pakiexplain naman ng mabuti?
Hindi din nagtagal ay nagumpisa na din agad ang training nila. Madali lang naman sila i-train since sanay naman na sila kaya siguro mabilis lang natapos training nila.
Just the usual routine, kumakain kami sa labas at namamasyal bago niya ako ihatid sa bahay. That routine of ours ay nagtagal ng 2 months.
Nothing really interesting happened lalo na at masyado na kami nagiging busy sa kaniya kaniyang buhay. Parang ngayon, nagpoproblema ako saan ako kukuha ng palaka.
E paano naman kasi e, kailangan daw namin para sa pagdadisect niyan.
"May palaka ka?" I unconsciously asked him.
"What?" He laughed. "I don't have but huhulian kita"
"Buti naman" Inirapan ko siya.
"You're so grumpy, may problema ba?" He chuckled.
"Oo meron, malaki to be exact"
"What is it--" Hindi pa niya natatapos sasabihin niya when I already talked.
"Its been 2 months since you kissed me," I pouted.
Ewan ko kung bakit pero napahinto siya sa paglalakad at naestatwa mismo sa kinatatayuan niya. May mali ba sa sinabi ko? Tama naman kasi e.
"Gusto mo?" He asked as he plastered a teasing smile on his face. "Ako din"
"Ikaw din what?" Yeah, I don't get it.
"Gusto ko din but," He sighed. "I don't want to force you about... I mean you're still a woman, and ayoko naman nang hinahalikan nalang kita basta without even asking for your permission kahit na boyfriend mo ako still that doesn't mean I can kiss you all the time whenever I wanted it"
"Yeah, that's why I love you" I smiled at him.
"So... can I?" He asked for permission.
Dahilan ng ngiti niya ang pagtango ko. He grabbed my waist and pulled me closer to him as I wrapped my arms on his neck 'till my lips touched his.
"Alam mo na ba?" Tanong sa akin ni Bianca.
"Na late ka na naman ngayon? Oo syempre alam ko" Pilosopong sabi ko. E paano ba naman kasi monday na monday late ang gaga. Nakita ko pa kanina sa corridor, tumatakbo.
Mukhang na-late din kasi siguro sa first period niya.
"Hindi tanga!" Binatukan niya ako ng libro.
"What?"
"May issue si Josh" She whispered.
"Issue what?" Syempre may pagka-chismosa ako kaya nagawa kong tanungin.
"About daw do'n sa pustahan kineme" She was unsure about kaya naman hindi na ako nagtanong pa ng follow up questions sa kaniya.
Naglalakad kami ngayon papunta sa canteen para bumili ng snacks since its our health break. Nakita namin si Josh na nakatambay sa pinto ng canteen kasama ang mga tropa niyang gunggong.
I ran towards him not until I saw Aria appeared out of nowhere. Looks like they have a serious business kaya naman hindi ko na piniling lapitan pa sila. I know they need some sort of privacy.
Bumili lang ako ng burger and drinks the same with Bianca. Pumunta kami sa student's area para doon kumain.
"Josh wake up! That was just a dare" Rinig kong sabi ni Aria. Hindi ko alam kung ano iyon pero mas minabuti ko nalang na lumayo para naman hindi ko na marinig gaano ang paguusapan nila. 
Kahit na curious ako tungkol doon, kailangan ko pa din pigilan ang sarili ko. Alam ko naman kasi na hindi ito ang tamang oras para pairalin ko ang pagkachismosa ko e. 
Magmula nang araw na 'yon, hindi na kami masyado naguusap ni Josh. Ayaw ko naman siyang kulitin lalo na at alam kong baka may problema lang o stress siya kaya naman hinayaan ko nalang. May mga times naman na nagkakasalubong kami, nginingitian ko parin ang boyfriend ko kahit na hindi niya magawa itong ibalik sa akin. 
Kahit na pagtitig lang ang tangi niyang nagagawa. 
"So you're going to take med?" He coldly asked. 
"Oo naman, ikaw ba?" I tried to make our conversation long. 
"You already forgot--"
"Hindi naman" I laughed awkwardly. "How can I forget that my man wanted to be lawyer hmm?" 
He glance at me later then he smiled, bitterly. He parked his car in front of our house. 
"May lakad--"
"Ka" I finished his sentence. Alam na alam ko na ang sasabihin niya lalo na at kabisado ko naman na ito. Ikaw ba naman makarinig nito halos kada magkikita nalang kami, nasanay na ako. Thought okay lang naman, that's  his life and ayoko mag-set ng boundaries about doon.
"You don't need to make paalam sa akin I mean its not like I don't care, its just that you also have your own circle of friends and I don't want to limit you on hanging out with them" Pilit akong ngumiti sa kaniya. 
Kinuha ko ang bag ko at bumaba na ng kotse. Naglakad na ako papasok sa bahay at dumiretso na lang sa kwarto ko.
Bakit ganito? Bakit parang may mali? 
'Josh nasasaktan ako' 'yan ang katagang gustong gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawa. Bakit ba kami nagkaganito?
Okay naman sa una 'di ba? Okay pa kami 'di ba? Okay pa ba?
Ewan ko pero nablangko ang utak ko at tanging paghagulgol nalang dito ang nagawa ko hanggang sa makatulog ako. Late akong nagising kinaumagahan kaya naman hindi na ako nagabalang magbihis para pumasok pa. 
Wala din naman akong gana kaya para saan pa 'di ba?
Tsaka wala naman maghahanap sa akin e kaya alam kong okay lang. Next week naman na ang graduation namin at college na ako niyan. Dati excited ako kasi kasama ko si Josh pero ngayon, parang wala lang. Hindi na ako naeexcite. 
"Just what are you thinking at hindi ka pumasok?" Galit na tanong niya sa akin. 
"Why do you care? I mean you should hang out with your friends na" Walang buhay na sabi ko. 
He really did, he really did leave me alone here. And here we go again, iyak na naman ako. Bakit ba hindi niya ako magawang tanungin kung ayos lang ba ako? Bakit hindi katulad ng dati?
May mali ba sa akin? Pumangit ba ako kaya ayaw na niya ako? Alam ko naman pangit ugali ko e, hindi kaya nagsasawa na siya? 
"Elliese, let's go shop some new clothes para sa graduation mo" Mom smiled at me. 
Wala naman akong ginagawa ngayon kaya naman um-oo nalang ako. Umakyat ako sa kwarto to take a quick shower. I decided to wear a plain white t-shirt and maong shorts. Kinuha ko nalang ang isa sa designer bag ko na nakadisplay sa upper shelf ng collection ko and doon inilagay ang mga gamit ko. 
Pagkababa ko ay wala si Mom sa living room kaya naman I expect her na inistart na siguro 'yong car at hinihintay na ako do'n kaya naman sinuot ko na ang sneakers ko at lumabas ng bahay. 
"Ellie!"
"Sumakay na ako agad sa kotse nang marinig ko ang boses ni Mom na tinatawag ako. Not that long when we arrived at the mall. Naglalakad kami obviously naghahanap kung saan store ang matitipuhan ng nanay ko at doon daw kami mamimili ng mga clothes. 
Somehow, I kinda felt happy kasi its been awhile since Mom and I did this together. Nakakamiss din kasi e. Napadaan kami ni Mom sa arcade and memories flashed on my mind dahilan ng pagngiti ko nang mapatingin ako sa mga laro doon sa loob not until I saw Josh and Aria together, happily playing at the arcade.

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    MA RK

    happy

    07/03/2025

      0
  • avatar
    Quehmoi

    maganda po

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Mark Noven Napila

    thank you more

    06/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata