logo text

Chapter 45: See You No More

"Hindi natin hawak ang ating buhay kaya habang kasama pa natin ang ating mahal sa buhay gawin natin ang nagpapasaya sa kanila."
-EVAH LYNNE POV-
Nagising ako ng may narinig akong umiiyak sambit ang pangalan ko.
"Keej? Bakit ka umiiyak?" inosente kong tanong sa kanya.
"Akala ko mawawala ka na at hindi ko iyon matatanggap," sabi niya sabay pahid sa kanyang luha.
"Nasaan si Andrew? Bakit nandito ako sa Hospital?" natataranta kong tanong sa kanya.
"Nahimatay ka kasi," tipid nitong sagot sa akin.
"Nasaan si Andrew?" kinabahan kong tanong sa kanya. Sana hindi nangyari ang nasa isip ko.
"Wala na siya Evz," malungkot na sagot ni KJ.
"No! Paano nangyari yun?" umiiyak kong tanong sa kanya.
-FLASHBACK-
"BANGGGGG!!!" isang putok ng baril na pinakawalan ni Kaye.
"NO!!!" sigaw ni Evah Lynne at saka ito nawalan ng malay.
Hindi alam ni Evah Lynne na niligtas siya ni Andrew at natamaan ang dibdib nito. Pero bago ito nawala kinausap pa niya si Evah Lynne habang wala itong malay.
"Love, mahal na mahal kita at isusugal ko ang aking buhay hindi ka lang masasaktan. Sorry hindi na kita makitang ikakasal. Sana lumigaya ka na. Patawad, I love you goodbye," sabi nito sabay halik sa kamay ni Evah Lynne at nawalan na ito ng malay.
"Drew? Gumising ka! Sorry, hindi ko iyon! Sinasadya!" natatarantang sabi ni Kaye kay Andrew ngunit wala na si Andrew.
"Sumuko ka na, Ms. Kaye kung ayaw mong masaktan ka namin!" sigaw ng police.
"Hindi ako susuko sa inyo!" sigaw ni Kaye.
"BANGG!!" isa na namang putok ang narinig namin at bigla na lang nahulog ang baril na hinawakan ni Kaye at natamaan ito sa kamay.
"Hayop kayo!" sigaw ni Kaye. Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang police na arestuhin si Kaye.
"Mr. Laocheqoe! Dalhin muna si Evah Lynne sa Hospital! Ako na ang bahala kay Andrew," sabi ng lalaki na naka-mask at siya rin ang bumaril kay Kaye.
"Salamat pero sino ka ba?" tanong ni KJ sa misteryosong tao.
"Malalaman mo rin soon. Sige na!" sabi nito sabay sakay sa ambulance.
-END OF FLASHBACK-
"Hindi ako maniniwala sa'yo! Buhay pa si Andrew!" sigaw ko kay KJ sabay tayo.
"Evz, wait! Hintayin muna natin ang doctor!" sabi ni KJ sa akin.
"Okay na ako! Gusto kong puntahan si Andrew! Hindi ako papayag na mawala siya!" umiiyak kong sigaw kay KJ.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Makinig ka naman kahit ngayon lang!" galit na sabi ni KJ sa akin.
"At sino ka ba sa tingin mo? Hindi kita kailangan dito! Umalis ka na! " galit kong sigaw sa kanya.
"Hindi ako aalis!" seryosong sabi ni KJ sa akin kaya naiirita na ako sa kanya dahil naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin.
"Kung hindi ka, aalis! Ako ang aalis!" sagot ko sa kanya.
"Bakit ba galit ka sa akin?" tanong ni KJ sa akin. May amnesia siguro si KJ dahil hindi na niya maalala ang ginawa niya sa akin.
"Wow! Ask yourself! Gago ka ba? Gusto ko ng peace of mind kaya pwede bang umalis ka muna?" pakiusap ko sa kanya habang tumutulo ang aking luha.
"Aalis lang ako kapag masiguro kong okay ka na!" maikli nitong sagot.
"Don't worry about me dahil hindi ikaw ang kailangan ko! Si Andrew ang gusto kong makita!" galit kong sabi sa kanya.
"Sandali lang, kakausapin ko ang doctor at dalhin kita kay Andrew," malungkot na saad ni KJ sa akin.
"Good! Mabuti naman at gumana na ang utak mo!" sagot ko. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko iyon kay KJ, siguro sa galit ko sa kanya.
"Salamat ha?" sagot ni KJ sabay alis.
Pagbalik ni KJ, ang lungkot ng mukha nito.
"Oh, ano na?" tanong ko sa kanya.
"Sorry Evz pero hindi ka pa pwedeng umalis," seryoso nitong sabi.
"Saan ang doctor? Kausapin ko! Wala naman akong tama ng baril ah!" sabi ko sa kanya.
"Papunta na 'yun! Hwag kang excited," walang gana nitong sagot.
"Hindi ako excited! Gusto ko lang makausap si Andrew!" galit kong sabi sa kanya.
"Paano mo kausapin ang patay?" nakakunot-noo nitong sagot sa akin.
"Hindi pa siya patay! Dahil buhay pa siya kahapon!" sagot ko.
"Whatever!" sagot nito.
Lumipas ang ilang minuto, pumasok na ang doctor.
"Good morning, doc! Pwede bang lumabas na ako?" diretso kong sabi sa doctor.
"Hindi pa pero dahil nakiusap si Mr. Loacheqoe sa akin na siya na ang mag-aalaga sa'yo, pumayag na ako," sagot ng doctor.
"Mag-alaga? Ano pala ang sakit ko?" naguguluhan kong tanong sa kanya wala naman akong sakit.
"May sakit ka sa puso kaya payo ko sayo kontrolin mo ang iyong emosyon kung gusto mo pang mabuhay. And Sir KJ ito po ang mga gamot na kailangan mong bilhin para kay Ma'am Collins. Sige po, Have a nice day!" sabi ng doctor saka ito umalis.
"Thank you, doc!" pasalamat ni KJ sa doctor.
Pag-alis ng doctor, dinala na ako ni KJ sa bahay nila Andrew. Nang nasa labas pa ako, tanaw ko na maraming tao sa labas.
"Let's go!" anyaya ni KJ sa akin.
Pagpasok namin, binati ako ng mga bodyguard ni Andrew at pinakilala ako ni Mang Pedro sa pamilya ni Andrew. Sobrang bait nila sa akin. Hindi ko akalain na kilala nila ako. Dahan-dahan akong lumalakad patungo sa kabaong ni Andrew. Pinipigilan ko lang ang aking luha dahil nakakahiya. Pagdating ko sa kabaong niya, nakita ko siyang masaya kahit namamatay na siya at ang gwapo pa rin niya.
"Drew! Ang daya mo naman! Bakit kailangan mo pa akong iligtas? Di ba sabi mo sa akin, aalis ka sa malayong lugar? Akala ko, sa ibang bansa lang 'yong tinutukoy mo. Ibang mundo pala! Sana pinaalam mo ako para sasama ako sa'yo! Paano na ako ngayon? Wala na akong makakausap sa aking mga problema! Sana hindi mo nalang ako niligtas!" umiiyak kong sabi kay Andrew habang tinitingnan siya sa kabaong.
"Hey! Drew! Sumagot ka naman diyan! Naiinis na ako sa'yo!" tampo kong sabi sa kanya.
Pagkatapos kong kinausap si Andrew, hinatid na ako ni KJ sa bahay namin ni Zach.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko kay KJ.
"Dahil sabi sa akin ni Andrew kapag may problema ka, dito kita dadalhin dahil ayaw mong makita ka nang Mom mo na umiiyak ka!" malungkot na sabi ni KJ sa akin.
"Keej! Mabuti ka pa, nagkausap kayo ni Andrew. Ang unfair lang sa part ko dahil hindi ko man lang siya nakita habang binabawian siya ng buhay," umiiyak kong sabi kay KJ.
"Ganoon talaga ang buhay Evz, sige magpahinga ka na. Dahil maaga pa tayo bukas," saad ni KJ sabay hug sa akin.
"Salamat, Keej." sagot ko.
Ngayon ang araw ng libing ni Andrew at hindi ko pa rin matatanggap na wala na siya. Nang matapos na ang libing, nagpa-iwan ako sa puntod ni Andrew. Gusto ko pa siyang makausap at naiintindihan naman yun ni KJ.
Nang makaalis na si KJ, dumating si Mang Pedro.
"Magandang araw po, Ma'am. Mayroon sana akong ibigay sa'yo!" ani ni Mang Pedro.
"Okay, ano yan?" malungkot kong tanong sa kanya.
"Pinabigay po ni Sir Andrew sa'yo," saad nito sabay bigay ng isang maliit na box.
"Ano to?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Buksan mo nalang, Ma'am. Sige mauna na po ako," paalam sa akin ni Mang Pedro. Alam kong malungkot sila sa pagkawala ni Andrew.
Pag-open ko sa box mayroon itong envelope at sa loob ng envelope mayroon akong letter na nakita kaya binasa ko.
Hi Love,
Nice day! Alam kong matanggap mo itong sulat ko, wala na ako sa Pinas. Gusto ko lang sabihin sayo na sobra kitang mahal. Sana masaya ka na sa paglisan ko dahil wala nang mangungulit pa sa'yo. Salamat sa una at huling araw na magkasama tayo. Iyon ang pinakamagandang araw na nangyayari sa aking buhay. Simula noong araw na nakilala kita, marami nang magagandang bagay na nangyayari sa akin. Utang ko sayo ang "success" ko. Kaya kung ano ang meron ako, ishe-share ko sa'yo. 
Regarding sa investment ko sa kompanya mo, regalo ko na sa'yo yon. Nasa envelope ang papers at ang bahay ko sa isla, saiyo na yun. Regalo ko sa'yo. Nandiyan ang susi sa loob. Tungkol naman sa kotse mo, pinaayos ko na. Sa beach ko naman sa Thailand, binigay ko yon sa aking sister pero yung kwarto ko doon, binigay ko na sa'yo nandiyan rin ang susi. Regarding sa investment ko sa kompanya ni KJ, saiyo ko na pinangalan. Ginawa ko ito bilang papasalamat sa kabutihang loob na binigay mo sa akin.
Isa lang ang hihilingin ko sa'yo, sana tutulungan mo ang aking pamilya incase na magkaroon sila ng problema sa aking ibang negosyo at sana hindi mo pababayaan ang aking apat na bodyguards. Bigyan mo si Mang Pedro ng 100k at 50k sa tatlo niyang kasamahan. Salamat, Love.
Kung sakaling ikakasal ka na, sana ipaalam mo sa akin ha? Excited akong makilala kung sino ang makakatuluyan mo.
PS: Tingnan mo diyan sa loob ng box may mga picture ka diyan.
Palagi mong tatandaan, mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay.
Love,
-Andrew-
Hindi ko maiwasang umiyak. Grabe ang sakit-sakit. Hindi ko akalain na iyon na ang huling ngiti na makikita ko siya.
"God, bakit mo kinuha si Andrew? Okay lang sa akin na lumayo siya pero yung mamamatay siya? Hindi ko yun matatanggap dahil hindi ko na ulit siya makikita pa. Hindi ko na makikita siyang tumatawa at ngumingiti sa akin. Hindi ko na siya mahahawakan pa. God! Ano ang gagawin ko?" umiiyak kong sabi sa panginoon.
"Drew, patawad. Bakit iniwan mo ako agad? Bakit hindi ka nagpaalam? Paano ko sasabihin na mahal pa rin kita? Iniiwasan kita noon dahil hindi pa ako sure sa aking nararamdaman. Oo, manhid ako pero hindi ibig sabihin nun na hindi kita minahal. May puwang ka pa rin sa puso ko. Hindi ko na alam kung bakit marami akong minahal na tao, hindi ko rin alam kung paano pumili. Sana hinintay mo akong magkamalay para masabi ko ang lahat. Drew! Paano na ako ngayon?" umiiyak kong tanong sa kanya.
Hindi ko namamalayan na umuulan na pala. At may taong nagdala ng payong para hindi ako mabasa. 
"Mang Pedro? Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko sabay tingin sa kanya at nagulat ako dahil hindi pala si Mang Pedro.
"Ikaw?" gulat kong tanong sa lalaking naka-mask.
"Tayo na, umuwi na tayo!" utos niya sa akin.
"Ayaw ko pa! Gusto ko pang makausap si Andrew," sagot ko sa kanya.
"Pakawalan mo na si Andrew. Paano siya lumigaya kung malulungkot ka? Tingnan mo, umuulan. Ayaw niyang makita kang umiiyak. Kung nasasaktan ka, mas lalo siyang nasasaktan dahil hindi ka na niya matutulungan dahil hindi ka na niya mahahawakan. Kaya please! Umuwi na tayo!" nalulungkot na sabi ng taong naka-mask.
"Tama ka pero pwede bang iwan mo muna ako? 1 minute lang! Gusto ko lang magpaalam kay Andrew," pakiusap ko sa kanya.
"Okay! Gamitin mo itong isang payong," saad nito sabay alis papunta sa sasakyan niya.
"Drew, alam kong hindi ka masaya na makikita akong umiiyak, di ba? Kaya sana, tulungan mo akong matanggap ko ang pagkawala mo. Alam kong huli na ang lahat pero alam kong maririnig mo ako. I love you, Love! and goodbye," sabi ko sabay pahid ng aking mga luha.
Pag-alis ko sa puntod niya, mayroong paruparo na dumapo sa aking kamay. Kaya napangiti ako dahil alam kong si Andrew yun.
Patungo na ako ngayon sa parking lot ngunit nagulat ako dahil nakita ko ang aking sasakyan. Pinaayos na pala ni Andrew at pagbukas ko, nandoon ang lalaking naka-mask.
"Bakit nasa sa'yo ang susi ng sasakyan ko?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Binigay sa akin ni Andrew. Tayo na!" saad niya kaya hindi na ako nagtatanong pa.
Habang nasa biyahe kami hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa aking kwarto dito sa bahay namin ni Zach. Paglabas ko, nagugutom ako sa sarap ng amoy ng pagkain kaya dumiretso ako sa kitchen.
"Wow! Ang sarap nito," saad ko sabay tikim sa sinigang baboy.
"Nami-miss mo ba ang luto ko?" tanong ng lalaki at nagulat ako dahil kanina pa pala siya nakatingin sa akin.
"Zach? Ikaw ba yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Hindi! Picture ko lang to!" nakangiti niyang sagot sa akin.
"I hate you! Bakit ngayon ka lang nagpakita?" sabi ko sabay hampas sa kanyang dibdib.
"Aray! Hindi ka pa rin nagbabago! Iyakin ka pa rin! Halika nga!" sabi niya sabay hug sa akin.
"Kailan ka bumalik dito sa Pinas?" tanong ko sa kanya.
"Matagal na!" tipid niyang sagot.
"Bakit hindi ka nagpapakita sa akin?" nagtatampo kong tanong sa kanya.
"Hindi mo kasi ako pinapansin! Kaya tinitingnan nalang kita sa malayo," saad nito sabay pout.
"Shut up! Zach! Alam mong kaytagal kitang hinanap! Hwag kang ano diyan!" nakakunot-noo kong sabi sa kanya.
"Huwag ka nang magtampo diyan! Kain na tayo!" sabi niya dahil nagugutom na rin ako pumayag nalang ako. At naalala ko si Masked Man, saan na kaya yun?
"Ahmmm... Zach, paano ako umabot dito? Saan na yong kasama ko kanina?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Wala kang kasama kanina. Nagulat nga ako dahil natutulog kang pumasok dito sa bahay," seryoso niyang sabi kaya bigla akong natakot.
"Zach naman eh! Hwag mo nga akong takutin!" sabi ko sabay hawak sa bisig niya.
"Hahaha! Ang tanda mo na, matatakutin ka pa rin? Ano ba yan, part!" sabi niya sabay pisil sa aking pisngi.
"Naiinis na ako sayo! Zachary Edzel Gomez!" galit kong sabi sa kanya.
"Hahaha! Sorry part! By the way, ako nga pala si Masked Man!" sabi niya sabay tawa.
"Wee di nga?" sabi ko.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala!" sagot niya.
"Bakit ngayon ka lang nagpakilala?" galit kong tanong sa kanya.
"Dahil ayaw kong ma-confused ka na naman sa iyong nararamdaman!" malungkot nitong sabi.
"Kung ayaw mong ma-confused ako bakit nagpakilala ka na ngayon?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Dahil ayaw kong malungkot ka! Sorry part!" saad niya.
"Hindi kita mapapatawad!" biro ko sa kanya.
"Okay lang! Baka ako na ang susunod kay Andrew!" seryoso niyang sabi.
"Shut up! Hwag kang magbiro ng ganyan! I hate you, Zach!" galit kong sabi sa kanya at hinampas ko siya sa dibdib. Hindi ko mapigilang umiyak dahil hindi ko kakayanin kung si Zach na ang mawala.
"Hey! Sorry! Biro lang yun! Lalaban ako para hindi ako mamamatay! Sana ikaw din!" saad niya sabay halik sa aking noo.
"Pangako mo yan, ha?" sabi ko na parang bata.
"Oo, pangako." sagot niya habang ginugulo ang buhok ko.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil kahit nawala si Andrew, binalik din niya naman si Zach. Kaya sana ay matatanggap ko na ang pagkawala ni Andrew.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Frinzes Norrien Sunga

    goods

    25/07/2023

      0
  • avatar
    MoitJosephine

    ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist

    05/08/2022

      0
  • avatar
    Wenandriasuzzaine Castillon

    ang ganda nya

    24/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata