Chapter 43: Kidnap

"Saka muna malalaman ang tunay na halaga ng isang tao kapag ito'y nawawala na sa'yo."
-EVAH LYNNE POV-
Hindi ako makatulog dahil sa natanggap kong "Death Note" ngayong araw. Hindi ko alam kung kanino 'yon galing. Wala naman akong kalaban. Okay lang sa akin kung ano ang gagawin nila sa akin huwag na huwag lang nilang idadamay ang aking pamilya.
Kaya kinuha ko ang aking laptop at nanuod nalang ako ng movie hanggang sa....
"Drew? Bakit ka nandito?" natatakot kong tanong kay Andrew dahil may dala siyang kutsilyo at ang mukha niya puno ng dugo.
"Sumama ka sa akin!" seryoso niyang sabi sa akin habang tinitigan ako.
"Ayaw ko! Bakit may hawak kang kutsilyo?" natatakot kong sagot sa kanya at unti-unti akong lumayo.
"Love, lumapit ka sa akin! Please!" tawag niya sa akin ngunit hindi ako nakikinig sa kanya.
"Ayaw ko! Natatakot ako sa'yo!" sagot ko habang umiiling.
"Bravo!!!" sabi ng babae sa likuran ko habang tumatawa. Paglingon ko, nakita ko si Kaye na may dalang baril kaya mas lalo akong natatakot.
"Kaye? Bakit nandito ka?" nagugulat kong tanong sa kanya.
"Nandito ako para maghiganti!" sagot niya habang hinihimas-himas ang kanyang baril.
"Wala akong kasalanan saiyo!" sigaw ko sa kanya.
"Meron! Dahil inagaw mo sa akin si KJ!" sigaw niya sa akin habang papalapit sa akin at ako naman umaatras.
"Wala akong inagaw saiyo! Nasa saiyo na si KJ kaya huwag mo na akong guguluhin pa!" galit kong sagot sa kanya.
"Nasa akin nga si KJ pero ikaw pa rin ang mahal niya! Kaya mas mabuting papatayin na kita! Nang sa gayon, makalimutan kana niya ng tuluyan!" sigaw ni Kaye at nanlaki ang kanyang mga mata para na itong kakain ng tao.
"Kaye! Ako nalang ang patayin mo! Huwag mo nang idamay pa si Evah Lynne!" interrupt ni Andrew kay Kaye!
"Sorry Drew, pero ito lang ang tanging paraan para mahalin ako ni KJ!" sagot ni Kaye sabay tutok sa akin ng baril.
"Nagkakamali ka Kaye! Sa tingin mo? Mamahalin ka ni KJ kapag nalaman niyang pinatay mo ang babaeng mahal niya? Ang puso kusa itong titibok sa taong nararapat sa ating pagmamahal! Kaya ikaw, mag-move on ka na!" sabi ni Andrew kay Kaye ngunit mas lalong nagalit si Kaye.
"No! Huwag mo akong turuan dahil buhay ko ito! At ikaw Evah Lynne! Mamamatay ka na!" sigaw niya at nakarinig ako ng putok ng baril. At nakita ko si Zach, binaril niya si Kaye.
"Zach? Ikaw ba yan?" tanong ko na umiiyak.
"Oo, umuuwi ako para iligtas ka! Tahan na!" sabi ni Zach habang yakap-yakap ako.
"Salamat dahil niligtas mo ako! Namimiss na kita, sobra!" umiiyak kong sabi sa kanya.
"Sino siya?" tanong sa akin ni Andrew.
"My first boyfriend! Zachary Gomez!" pakilala ko.
"Okay! Thank you, bro!" sabi ni Andrew.
"You're welcome," sagot ni Zach.
"Goodbye, love! Mag-ingat ka palagi," nakangiting sabi ni Andrew sa akin at tuluyan na itong nawala.
"Drew? Drew?" tawag ko sa kanya ngunit wala na ito.
"Evah Lynne! Anong nangyayari sa'yo? Bakit mo tinawag si Andrew?" tanong sa akin ni Mom.
"Mom? Nasaan ako?" tanong ko kay Mom habang tinitingnan ang buong paligid.
"Nasa kwarto mo! Bakit? Ano ba ang nangyari sa'yo, ha?" tanong sa akin ni Mom.
"Ang sama-sama po ng panaginip ko," umiiyak kong sabi kay Mom.
"Huwag kang mag-alala, hindi yan matutuloy! Panaginip lang yan! Halika na, kumain na tayo!" sabi ni Mom habang hinahalikan ang aking noo sabay hug. Kaya napanatag ang aking loob.
Na-surprise ako ngayon dahil kasama namin si Ivan na kumakain at Marjoy. Kaya masaya ako para sa kanilang dalawa dahil sila pa rin hanggang ngayon.
"Anak? Bakit ang tamlay mo? Huwag ka na munang pumasok," nag-alalang sabi ni Mom sa akin.
"Mom, marami akong kailangan tapusin sa opisina ngayon kaya bawal akong mag-absent," saad ko pero tama si Mom, masama talaga ang pakiramdam ko ngayon.
"Anak! Health is wealth! Maiintindihan nila kung bakit absent ka at saka, ikaw ang Boss kaya wala silang pakialam!" nagagalit na sabi ni Mom.
"Okay! Mamaya na akong hapon papasok!" sagot ko.
"Ganyan dapat sis!" sabi ni Ivan habang nakangiti.
"Ikaw Ivan? Kailan mo papakasalan si Marjoy?" diretso kong tanong sa kanya.
"Sis! Hindi pa ako ready no?" taray na sagot ni Marjoy.
"Kailan ka maging ready? Kapag may iba na si Ivan?" biro ko sa kanya.
"Wala namang ganyanan sis!" sagot ni Ivan.
"Hindi! Nagsasabi lang ako ng totoo dahil hindi natin hawak ang utak ng tao kaya dapat maging handa tayo!" sabi ko sabay buntong hininga.
"Huwag kang mag-alala sis, mahal na mahal ko si Marjoy! Hinding-hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba. Ewan ko kay Marjoy baka malaman ko nalang may bago na siya," seryosong sabi ni Ivan sa akin.
"Marjoy?" sambit ko sa pangalan niya.
"Ate, hwag kang mag-alala! Hindi ako habulin ng mga lalaki, di kagaya mo! May apat na lalaki ang nagmamahal sa'yo ng totoo!" tukso ni Marjoy sa akin.
"Tama ka! May apat na lalaki na nagmamahal sa akin pero ang tanong saan na sila ngayon?" tanong ko sa kanila sabay tawa ng mapakla.
"Sorry, sis!" paumanhin ni Marjoy.
"It's okay! Sige, pahinga muna ako," paalam ko sa kanila.
"And mom, gisingin mo ako mga 12 noon! Salamat," saad ko at iniwan ko sila na nasa mesa.
"Okay! No problem!" sagot ni Mom.
Pagpasok ko sa kwarto, dumiretso ako sa kama at humiga. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Ngunit nagising ako sa malakas na ring ng aking phone.
"Hello?" nakapikit kong sagot sa tumatawag, inaantok pa talaga ako.
"Good day Ma'am Collins, may problema po tayo! Nandito si Kaye at hinahanap ka!" sabi ng aking secretary.
"What? Anong ginagawa niya diyan?" nagulat kong tanong sa aking secretary. First time na pumunta si Kaye sa aking company kaya alam kong may mahalaga itong pakay.
"Ewan ko, Ma'am! Ang taray niya, hindi naman kagandahan!" reklamo ng aking secretary.
"Hahaha! Sinabi mo pa! Sige papunta na ako diyan," sagot ko sabay end call.
Dali-dali akong naligo at nagbihis para maabutan ko si Kaye sa aking opisina ngunit ng nasa kalagitnaan na ako papuntang opisina, hinarang ako ng Black Van kaya nanginginig ako sa takot.
Mayroong apat na lalaki na naka-masked na lumalabas galing sa Van at papunta sa aking kotse kaya tinawagan ko si Marjoy pero hindi ito sumagot. Kaya nagtext nalang ako kay KJ, Ivan at Marjoy nagbabakasakaling matulungan nila ako.
"Buksan mo ang pinto ng iyong sasakyan!" sigaw ng isang lalaki habang kumakatok sa bintana ng aking kotse.
Hindi ako sumasagot, hinayaan ko nalang sila na siraan ang kotse na binigay sa akin ni Zach. Ayaw kong sumama sa kanila dahil natatakot ako.
"God help me!" bulong ko habang tumutulo ang aking luha.
"Open the door! Gusto mo bang sirain namin to?" sigaw ng isa na namang lalaki pero hindi ako nakinig sa kanila. Instead tinawagan ko si Ivan at KJ pero hindi sila sumagot.
Hanggang sa sinira nila ang window ng aking kotse gamit ang kanilang baril.
"Halika na! Gusto mo talagang saktan ka namin!" galit na sabi ng isa pang lalaki.
"Sino ang nag-utos sa inyo! Wala akong kasalanan! Pakawalan ninyo ako!" sigaw ko.
"Hwag kang maingay diyan!" sabi ng isang lalaki at may nilagay sila sa aking ilong na maitim na panyo at nawalan na ako ng malay.
-KLINT JAMES POV-
Hindi ko ma-explain ang aking nararamdaman ngayon habang nasa meeting ako. Parang may something na nangyayari, kaya kinuha ko ang aking phone ngunit wala ito sa pocket ko.
"God! Saan ko ba iyon nalagay?" tanong ko sa aking sarili.
Dahil hindi ko makita, tinapos ko na kaagad ang aming meeting at dumiretso ako sa aking office. Hinanap ko ang aking phone at nakita ko ito sa drawer. Nagtataka ako kung bakit nasa drawer ito, hindi naman ako mahilig maglagay ng gamit sa drawer. Pagtingin ko, wala namang message at call.
"Pero impossible! Ngayon ko lang nararamdaman 'to!" sabi ko sa aking sarili.
Kaya tiningnan ko ang back up sa aking phone at ni-restore ko. At nabasa kong may message pala si Evah Lynne sa akin. 
Sino kaya ang traydor dito? Malalaman ko rin soon. Maghintay kayo kung paano ako magalit!
"Please help me! May apat na lalaki na nakasakay sa itim na Van at hinarang ako," message ni Evah Lynne kaya nataranta ako.
Kaya tinawagan ko si Evah Lynne pero hindi na siya macontact. Out of coverage na ito. Humingi ako ng tulong sa aking kakilalang police para hanapin si Evah Lynne.
Ang tanga-tanga ko kung bakit pinabayaan ko siya. Hindi ko talaga mapapatawad ang aking sarili kapag may mangyaring masama sa kanya ngayon.
Simula noong naghiwalay kami ni Evah Lynne, hindi na ako umuuwi ng bahay. Kung uuwi man ako kapag may kukunin lang. Gusto kong hanapin si Evah Lynne kaya kinuha ko ang aking mga gamit na nakatago sa aking secret room.
Pagpasok ko sa aking bahay, sinalubong ako ni Yaya.
"KJ, iho, mabuti naman at umuwi ka. May pinabigay sa'yo si Ma'am Evah Lynne," saad ni Yaya kaya nagulat ako.
"What? Saan na yaya? Kailan siya pumunta dito?" hindi makapaniwalang tanong ko kay yaya.
"Noong isang araw, iho!" sagot niya sabay bigay sa akin ng sobre.
Kaya binuksan ko kaagad ang naturang sobre at nakita kong may picture ito ng patay na daga at may "Death Note" na nakasulat sa puting tela na may nakasulat na... 
"Tapos na ang maliligayang araw mo!" gamit ang pulang pentel pen.
Kaya naaawa ako kay Evah Lynne, alam kong natatakot siya. At binasa ko ang sulat niya para sa akin.
"Hi Keej,
Magandang araw sayo! Hindi ko alam kung kailan mo ito mababasa ang aking sulat or baka hindi mo na ito babasahin pa dahil may pamilya ka na pero nagbabakasali pa rin ako na basahin mo ito.
Gusto ko lang ipaalam saiyo na mayroong sasakyan na palaging nakabuntot sa akin tuwing uuwi ako ng bahay at ngayong araw nakita kong may box na nilagay dito sa pintuan namin kaya binuksan ko. Nagtataka ako kung bakit siya nakapasok sa gate. Nasa picture ang laman ng box at natatakot ako. Hindi ko pinaalam sa kanila Mom dahil ayaw kong mag-alala sila sa akin, ikaw lang ang sinabihan ko nito dahil kung may mangyari man sa aking masama, ikaw na ang magsabi sa kanila.
Sana mabasa mo ito habang wala pang nangyari sa akin. Natatakot kasi ako Keej, wala na kasi si Zach para ipangtanggol ako at wala ka na rin para iligtas ako at mas lalong wala na si Andrew na po-protektahan ako. Si AJ naman, malayo kami at siguro hindi na kami magkikita pa. Sana tulungan mo ako. Hindi pa ako handa na iwan ang aking pamilya. Salamat.
PS: Nagagalit ako sa'yo dahil hindi mo sinabi sa akin ang iyong problema pero naiintindihan kita kung bakit mo ako nilalayuan dahil si Kaye ang nagligtas sa iyong kompanya. Pero hindi mo ba naisip kung saan galing si Kaye ng pera? Hindi naman sila ganoon kayaman, di ba? Bago pa tuluyan kang magalit kay Andrew, si Andrew ang sumagip sa kompanya mo, hindi si Kaye. Kay Andrew galing ang pera na binigay ni Kaye sa'yo. Sana maliwanagan ka.
Hanggang dito nalang...
Truly yours,
Evah Lynne
Habang binabasa ko ang sulat ni Evah Lynne, dahan-dahang tumulo ang aking luha. Hindi ako magalaw, naaawa ako sa kanya. Naniniwala ako sa aking maling akala. Sana hindi pa huli ang lahat para maitama ko ang lahat ng pagkukulang ko sa kanya.
"Kung alam mo lang, Evz! Kung gaano kita kamahal! Sana hindi pa ako huli," bulong ko sabay buntong hininga.
Tinawagan ko si Kaye para makapag-usap kami. Dahil gusto kong tapusin ang lahat na meron kami.
Dinala ko si Kaye sa private restaurant na pag-aari ko para kung sakaling magwala siya hindi kami mapapahiya.
"Yes, babe! Bakit gusto mong makipag-usap sa akin ngayon?" malanding tanong ni Kaye sa akin. Akala niya, ma-iinlove ako sa pang-aakit niya sa akin. No way! Dahil kahit kailan hindi ko siya minahal.
"Ikaw ba ang nagpadukot kay Evah Lynne?" diretso kong tanong sa kanya. Siya lang kasi ang may kakayahang gumawa ng masamang bagay.
"What? Bakit ko naman gagawin yon?" tumatawa niyang tanong sa akin kaya naiinis na ako sa kanya.
"Sagutin mo ang tanong ko!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit ako ang tatanungin mo? Di ba mayaman ka? Bakit hindi mo utusan ang mga tauhan mo para hanapin siya?" galit na ring sagot ni Kaye sa akin.
"Ganoon ba? Once na malaman kong ikaw ang nagpadukot sa kanya, papatayin kita kasama ang buo mong pamilya! Tandaan mo yan! Nagtitimpi lang ako sa'yo noon dahil isa ka sa tumulong sa aking kompanya pero nagkamali ako dahil niloloko mo ako! Kay Andrew pala galing ang pera na iyon kaya hindi kita mapapatawad! Nakakalimutan kong mahirap ka pala!" galit kong sabi sa kanya.
"Sino ang nagsabi sa'yo na kay Andrew 'yong funds? Akin ang pera na iyon!" galit niyang sabi.
"Hindi na ako maniniwala pa saiyo, Kaye! Isa kang dakilang manloloko. Pinagkatiwalaan kita ng dalawang beses pero sinayang mo ang pagkakataon. Hindi mo talaga ako mahal kundi ang pera ko kaya simula sa araw na ito, hindi ko na gustong makita pa ang pagmumukha mo! Bye!" sabi ko sa kanya sabay tayo.
"Kung sasabihin ko ba saiyo kung nasaan si Kaye babalik ka ba sa akin?" tanong ni Kaye sa akin.
"So, ikaw nga ang nagpadukot sa kanya!" galit kong sabi sa kanya. Gusto ko siyang patayin pero pinipigilan ko lang ang aking sarili baka mapano si Evah Lynne.
"Hindi ako! Si Andrew!" tipid niyang sagot. 
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Bakit naman gagawin 'yon ni Andrew? Alam kong tuso si Kaye kaya magpapakabait ako sa kanya ngayon kahit gusto ko na siyang patayin.
"Sabihin mo muna sa akin, saan siya ngayon!" sabi ko sa kanya.
"No! Mangako ka muna sa akin na once maligtas mo si Evah Lynne, ako ang pipiliin mo!" kondisyon ni Kaye sa akin pero hindi na ako susunod pa sa kanyang mga sinasabi. Hindi na niya ako maloko pa.
"Okay! Kapag nasiguro kong ligtas siya!" sagot ko kay Kaye pero iba na ang plano ko.
"Okay, Babe! Text ko nalang sa'yo bukas ang address. Bye!" saad niya sabay kiss sa aking pisngi.
Nandidiri ako sa kanya kung wala lang akong kailangan sa kanya matagal ko na siyang tinapon.
"Hon, hintayin mo ako! God, Sana safe si Kaye ngayon." bulong ko sa hangin. 

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Frinzes Norrien Sunga

    goods

    25/07/2023

      0
  • avatar
    MoitJosephine

    ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist

    05/08/2022

      0
  • avatar
    Wenandriasuzzaine Castillon

    ang ganda nya

    24/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata