logo text

Chapter 42: The Truth

"Kahit gaano mo ka-close ang isang tao kung iba ang pakay niya saiyo, gagawa talaga yan ng ikakapahamak mo."
Lumipas ang ilang araw, palagi na kaming magkasama ni Andrew. Pinupuntahan na namin ang mga lugar na hindi ko pa napuntahan. Kaya masasabi kong, siya na ang best buddy ko. Hindi man kami pinalad na magkatuluyan pero pinalad naman kaming magkaibigan habang buhay.
Nandito kami ngayon sa beach. Pinuntahan namin ang importanteng lugar na kung saan dito kami unang nagkita ni Andrew.
"Love! Naalala mo ba ang lugar na ito?" tanong ni Andrew sa akin habang nakangiti. Alam kong masaya siya ngayon kaya masaya na rin ako sa kanya.
"Di ba sabi ko saiyo, huwag mo akong tawaging love?" nakakunot-noo kong sabi sa kanya.
"Sorry pero pwede ba ngayong araw lang? Tatawagin kitang love? Sige na please!" hiling ni Andrew sa akin habang naka-pout kaya pumayag nalang ako. Ang cute kasi niyang tingnan.
"Sige na nga! Ang kulit mo!"  nagagalit kong sabi sa kanya pero ang totoo masaya ako dahil naalala ko noon kung gaano kami kasaya.
"Salamat, Love!" pasalamat niya na may ngiti na sa labi.
Habang nagkukwentuhan kami, mayroon akong mensahe na natanggap. Pag-open ko sa mensahe biglang na-turn off ang aking cellphone dahil lowbat na ito. Kaya napagdesisyonan kong pag-uwi ko nalang 'yon basahin dahil naiwan ang charger ko sa bahay.
Sa kabilang banda, nagtaka ako ngayong araw na magkasama kami ni Andrew dahil nakita ko kung gaano siya kasaya. Sobra niya akong inaalagaan. Lahat ng gusto kong pagkain pinaluto niya, binilhan niya ako ng mga gamit na wala sa akin. Kaya hindi ko mapigilang magtanong sa kanya.
"Drew? Ano tong ginagawa mo sa akin? Aalis ka ba ulit?" diretso kong tanong sa kanya. Nararamdaman ko kasing parang may malayo siyang pupuntahan at wala nang planong bumalik.
"No! Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap kaya sinamantala ko na ang pagkakataong ito na kasama pa kita. Gusto ko lang makabawi sa'yo sa mga pagkukulang ko noon. Alam mo ba? Na-iinsecure ako noon, noong tayo pa dahil hindi kita mabigyan ng regalo dahil wala talaga akong pera that time kaya pinapangako ko sa aking sarili na kapag mayaman na ako, babalik ako at bibigyan ka ng mga bagay na gusto kong ibigay sa'yo. Pero hindi ko naisip na sa pagbabalik ko, huli na pala ang lahat. Kaya masaya ako ngayon dahil kasama kita. Ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko, yung wala akong iniisip regarding money matters. Alam mo, yong natatakot kang mag-order ng food baka ma-short ka nang pera? Hahaha!" kwento sa akin ni Andrew. Kaya naaawa ako sa kanya lalo. Dahil nararanasan ko rin ang pinagdaanan niya noong nag-aaral pa ako. Nakakahiya kaya ma-short ng pera lalo na't kasama mo ang iyong kasintahan. Hahaha
"Salamat, Drew! Dahil minahal mo ako hanggang ngayon. Napakabait mo sa akin, sana hindi ka magbabago! Hindi ako nagsisisi na nakilala kita at naging bahagi ng buhay ko," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Salamat din dahil pinagkatiwalaan mo ako sa pangalawang pagkakataon," sabi niya sabay halik sa aking noo.
"At dahil pinagkatiwalaan kita, h'wag na h'wag mong sisirain ito. Dahil kapag nasira na ang tiwala ko sa isang tao, mahirap na itong maibabalik pa! Tandaan mo yan!" seryoso kong sabi sa kanya.
"Yes, Love! Kung may kasalanan man ako saiyo in the future, sana mapapatawad mo ako. Dahil kapag hindi mo ako mapapatawad, mapipilitan akong tapusin ang aking buhay. Ano pa ang silbi ng aking buhay kung kinamumuhian ako ng taong mahal ko, di ba?" makahulugang sabi ni Andrew sa akin.
"Bakit Drew? May kasalanan ka ba sa akin?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"May sinabi ba ako? Sabi ko in the future! Ikaw talaga!" nakatawang sabi ni Andrew sa akin habang ginugulo ang aking buhok.
"Okay! Dahil hindi ko matatanggap kung may ginagawa kang masama behind my back!" sabi ko sabay ismid sa kanya.
"Taray naman! Kumain na nga tayo!" saad niya sabay hila sa akin. Nakaupo kasi kami habang tinitingnan ang paglubog ng araw.
"Wait! Selfie muna tayo!" sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala! Nakalimutan ko para may remembrance tayo dito. Baka ito na ang huling araw na magkasama tayo dito sa ating favorite place," sabi niya sabay tawa ng mapakla.
"Andrew! Huwag kang magsalita ng ganyan! Naiirita ako!" galit kong sabi sa kanya. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung "iniiwan ako ng taong mahal ko". Oo, mahal ko si Andrew bilang isang pinakamatalik na kaibigan.
"Sorry, Miss E!" sabi niya habang hinahalikan niya ako sa noo, sabay selfie.
"Hey! Ang pangit ko diyan!" sabi ko sabay kuha sa cp niya.
"No! Ang ganda mo kaya dito. Tayo na love, gutom na talaga ako." sabi niya sabay pout. At tinago na niya ang kanyang cp.
"Sige na nga!" pilit kong sagot sa kanya.
Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami.
Pagdating ko sa bahay namin ni Zach, nag-charge na ako ng phone dahil na-curious talaga ako sa message ng unknown user. Lumipas ang ilang minuto, naopen ko na ang aking phone at binasa ko ang message.
"Take a look at your IG, I sent you a video!"
Kaya kinabahan na ako...
"Ano kayang video ang sinasabi niya?" bulong ko.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita kaya pinanuod ko ang video.
"Kumusta Kaye?" tanong ng isang lalaki na nakasumbrero ng Red. Hindi ko masyado makita ang mukha ng lalaki.
"Good news! Dahil tinanggap na ni KJ ang offer ko na pera at ang kapalit ay hiwalayan niya si Evah Lynne! Hahahaha," tumatawang sabi ni Kaye. Kahit kailan, kontrabida talaga si Kaye sa buhay ko.
"Mabuti naman at ma-solo ko na si Evah Lynne!" sagot ng lalaki sabay talikod.
"Wait, Drew!" tawag ni Kaye sa lalaki. Drew? Kaya kinabahan ako lalo dahil si Andrew ang pumasok sa isipan ko. Pero impossible naman.
"Bakit?" sagot ng lalaki sabay lingon at nakita ko ang mukha ni Andrew. Hindi ako makapaniwala biglang gumuho ang mundo ko.
"Thank you dahil tinulungan mo akong maibalik sa akin si KJ," sabi ni Kaye. At doon nagtapos ang video.
So, pera pala ni Andrew ang ginamit ni Kaye kaya pala biglang nagbago si KJ. Hindi ako mapakali sa aking napanuod kaya tinawagan ko si Andrew.
"Yes, Love! Namiss mo na agad ako?" nakatawang tanong niya sa akin.
"Mahal mo ba talaga ako?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Bakit mo naitanong yan?" gulat niyang tanong sa akin.
"Sagutin mo ang tanong ko!" galit kong sabi sa kanya.
"Oo naman! Mahal na mahal!" mahina niyang sagot.
"Kung mahal mo ako bakit nagawa mong paghiwalayin kami ni KJ? Kung mahal mo ako dapat nagpaubaya ka nalang dahil may mahal na akong iba! Akala ko, kaibigan kita pero hindi ka pala mapagkatiwalaan! Sorry pero sa ngayon, hindi ko na gusto makita pa ang pagmumukha mo!" diretso kong sabi sa kanya.
"Pero love magpaliwanag ako!" hiling niya pero ayaw ko nang magtiwala pa sa kanya.
"Para saan pa? Sorry! Pero ayaw ko nang marinig pa ang paliwanag mo! It's too late!" sagot ko sabay end call.
Galit ako sa aking sarili dahil naniniwala pa ako kay Andrew at galit ako kay KJ dahil nilihim niya ang lahat sa akin. At tinawagan ko ang number na nagsend sa akin ng video pero hindi na ito macontact.
Kinabukasan...
Matamlay akong bumangon at tiningnan ko ang aking inbox. Wala nang message galing kay Andrew, every morning kasi siyang nagpapadala sa akin ng mensahe kaya nanibago ako ngayon. Parang may kulang at dahil mabait ako, sinubukan kong tawagan si Andrew.
Ngunit hindi na ito macontact, tiningnan ko ang kanyang IG account pero deactivated na ito kaya naawa ako at naalala ko ang kanyang sinabi.
"Yes, Love! Kung may kasalanan man ako saiyo in the future, sana mapapatawad mo ako. Dahil kapag hindi mo ako mapapatawad, mapipilitan akong tapusin ang aking buhay. Ano pa ang silbi ng aking buhay kung kinamumuhian ako ng taong mahal ko, di ba?"
"Baka nagpapakamatay na 'yon o di kaya'y tumalon sa bangin," nag-alala kong tanong sa aking sarili.
Worried ako sobra pero binaliwala ko nalang ang lahat dahil marami pa akong kailangan tapusin ngayon sa office. Pag-open ko ng pintuan, may nakita akong maliit na box.
"Kanino kaya to?" tanong ko sa aking sarili.
Pag-open ko sa box, may laman itong patay na daga kaya natatakot ako.
"No!" sigaw ko sabay tapon sa basurahan at may nakita akong "Death Notes"
"Tapos na ang maliligayang araw mo!"
"Baliw!" sigaw ko.
Kaya dali-dali akong umalis ng bahay at dumiretso sa office. Hindi ako makapag-concentrate sa aking trabaho dahil natatakot ako. Sino na ngayon ang magligtas sa akin? Wala na si Zach, wala na si Andrew at wala na rin si KJ. Paano na ako?
Sinubukan kong tawagan si KJ pero hindi ito sumagot kaya nawalan na talaga ako ng pag-asa. Nagulat ako ng biglang pumasok ang aking secretary.
"Yes? Anong problema?" galit kong tanong sa kanya.
"Ma'am pinabigay po ng gwapong lalaki," sabay abot sa akin ng sobre.
"Anong pangalan niya? Bakit mo tinanggap?" galit kong tanong sa kanya.
"Sorry po, Ma'am dahil nakalimutan kong itanong sa kanya. Nagmamadali kasi siya dahil may naghihintay sa kanya sa labas," paliwanag ng aking secretary.
"Hindi hitsura ang batayan para malaman mo ang saloobin ng isang tao! Looks can be deceiving! Tandaan mo yan! Porke't gwapo hindi na gagawa ng masama? Pwes! Nagkamali ka dahil kadalasan sa mga gwapo, mukha na nila ang puhunan para umangat sa buhay! Kaya sa susunod, tanungin mo muna ang ka-transact mo na tao! Gets?" galit kong sabi sa kanya. First time kong nagalit dahil sa natanggap ko kanina. Itatapon ko na sana ang sobre pero may nagtulak sa akin na basahin ang laman ng naturang envelope. Kaya binuksan ko...
At pag-open ko nakita ko ang sulat kamay ni Andrew kaya namimiss ko na naman siya.
Hi Love/Miss E,
Alam ko pagtanggap mo nitong sulat ko, wala na ako. Hindi ako mahilig gumawa ng love letter or any kind of letter pero nagpaturo ako sa aking secretary para mabigyan kita nito. Alam ko kasi na mahilig ka sa love letter.
Sumulat ako sa'yo para humingi ng tawad. Nadala lang ako sa aking emosyon pero sa maniwala ka at sa hindi, gusto kong tulungan si KJ dahil alam kong mahal ka niya. Ayaw kong ma-worry ka sa kanya pero nagmakaawa sa akin si Kaye na tulungan siya dahil mamamatay raw siya kung mawala si KJ sa kanyang buhay. Kaya yun, pumayag ako. Sorry talaga love. Alam kong wala na akong karapatan para tawagin kang love. Pero bahala ka na kung magagalit ka sa akin. Total hindi ko na marinig pa ang masakit mong salita. Alam ko naman na mangyayari talaga ito kaya hinanda ko na ang aking sarili.
By the way, tingnan mo ang selfie natin. Di ba bagay tayo? Nag-print ako kagabi para ibigay yan sa'yo bilang remembrance saiyong ex-bf and ex-bestfriend. Sorry, hindi ko napanindigan ang pangako ko sa'yo. At alam mo? Kinantahan kita ng "Kahit Mali ang Puso by Garry Cruz". Nasa flash drive, play mo nalang.
Thank you for everything.
PS: Hanggang sa muli nating pagkikita sa kabilang mundo.
Loving you always,
-Andrew-
Tumulo ang aking luha habang binabasa ko ang letter ni Andrew. 
"Patawad Drew," bulong ko.
Pagplay ko sa kanta niya, umiiyak na naman ako dahil naalala ko na naman ang aming nakaraan. Akala ko noon, hindi niya ako minahal pero nagkamali pala ako. Pero huli na nang malaman ko dahil bf ko na si KJ.
"Kahit mali ang puso pilit kong tuturuan
Dahil tama ang pag-ibig na nararamdaman."
Ang sad naman sa linyang ito. Damang-dama ko talaga na mahal ako ni Andrew dahil nakikita ko kung paano siya kumanta. Kumanta siya ng galing sa puso.
"Kung sakali mang di tayo ang magkatuluyan
Sapat na sa aking naging bahagi ka ng buhay ko"
Nasasaktan ako para kay Andrew dahil tinamaan talaga kami sa lyrics ng kantang ito. Hanggang sa matapos na niya ang kanta at nakita ko ang pagtulo ng luha niya.
"Hi love! Ito na ang last kong kanta na mapapakinggan mo. Una, yung "She's gone" at ang huli "Kahit Mali ang Puso". Siguro pinanganak na talaga akong walang swerte sa pag-ibig. Sana mag-ingat ka palagi. Uwi ka nang maaga dahil kahapon may nakita akong sasakyan na nakamasid sa bahay ninyo ni Zach. At saka, doon ka muna umuwi sa bahay ninyo para may kasama kang matutulog. Okay? Love,  I love you, goodbye!"
Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganito ang buhay ko. Wala naman akong kaaway. Tinawagan ko si Andrew pero hindi pa rin ito macontact. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin.
"God! Help me!" bulong ko habang tumutulo ang aking luha.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Frinzes Norrien Sunga

    goods

    25/07/2023

      0
  • avatar
    MoitJosephine

    ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist

    05/08/2022

      0
  • avatar
    Wenandriasuzzaine Castillon

    ang ganda nya

    24/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata