Homepage/My Dreamboy or Boyfriend/
Chapter 40: Broke Up
"Kahit anong perpekto ang relasyon ninyo darating talaga ang panahon na kayo ay magkahiwalay, hindi dahil sa hindi na ninyo mahal ang isat-isa kundi ito ay nakatadhana na at wala na kayong magawa pa."
-EVAH LYNNE POV-
Hindi ako mapakali sa aking panaginip kaya pinuntahan ko si KJ sa kanyang bahay. Gusto ko lang magkaayos kami at gusto ko ring tulungan siya sa kanyang problema.
Pagdating ko sa kanyang bahay, nag-doorbell agad ako at lumabas si Yaya Indang.
"Good morning Ma'am Evah Lynne, ang aga po ninyo," nakangiting bati sa akin ni Yaya. Actually, bago ko lang nakilala si Yaya Indang pero ang gaan na ng loob ko sa kanya dahil ang bait niya sa akin.
"Good morning too, Yaya! Nakauwi ba si KJ kagabi?" tanong ko sa kanya.
"Ma'am sorry po, pero hindi umuuwi si Sir KJ kagabi. May sumundo sa kanya kahapon, sayang lang at di ko nakita ang mukha nung nasa loob ng kotse. Tawagan mo nalang, Ma'am para malaman niya na nandito ka," suggest ni Yaya sa akin.
"Okay, Yaya! Maraming salamat," nakangiti kong sagot sa kanya sabay dial sa number ni KJ.
"Sige, Ma'am! Magluluto muna ako ng agahan ninyo ni Sir. Hintayin mo nalang si Sir KJ, ma'am!" sabi ni Yaya sa akin.
"Okay, Yaya! Take your time," sagot ko.
Nakatatlong tawag na ako kay KJ pero hindi pa rin niya sinagot ang tawag ko kaya pumasok nalang ako sa loob ng bahay at sa rooftop nalang ako maghintay sa kanya.
Pagdating ko sa rooftop, nag-picture ako sa magandang view tapos nag-post ako sa instagram na may caption:
"Waiting for you! I'm here again! Good morning!" tapos nag-turn off ako sa aking comment section dahil ayaw kong makabasa ng kahit ano.
Ilang minuto ang lumipas, dumating si KJ pero hindi niya sasakyan ang kanyang gamit parang hinatid lang siya. Tiningnan ko lang kung sino ang kasama niya.
Paglabas ni KJ, sumunod si Kaye.
"Bye! Babe! See you later!" saad ni Kaye kay KJ sabay yakap.
Tinitingnan ko lang sila habang tumutulo ang aking mga luha. Hindi ko matanggap kung bakit nagawa to sa akin ni KJ. Nanginginig ang kalamnan ko. Hindi ako makagalaw. Sa galit ko sa kanya, tumawag ako. Mabuti nalang at sinagot niya.
"Yes?" maikli niyang sagot.
"Mag-usap tayo! Nandito ako sa rooftop mo!" diretso kong sabi sa kanya sabay end sa call.
Dumaan ang ilang minuto, dumating siya. Hindi ko na kilala ang KJ na nakikita ko ngayon. Ang dating KJ na gwapo at presentable tingnan, ngayon para itong wala sa sarili! Walang ligo at walang ayos sa sarili. Naaawa ako habang minamasdan ang anyo niya pero wala akong magawa dahil choice niya kung bakit siya nagkaganyan.
"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.
"Wow! Hindi na kita kilala, keej! Hindi ko na kasi alam kung gf mo pa ba ako o hindi na dahil may kasama ka nang ibang babae!" nasasaktan kong sabi sa kanya dahil parang wala na siyang pakialam sa akin.
"Sa tingin mo? Nandito ka ba para hiwalayan ako? Okay! Fine! Payag na ako," diretso niyang sabi sa akin. Kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na umiiyak.
"Ganoon lang ba kadali para sayo na tapusin ang ating relasyon? Ha? Keej? Bakit nagkaganyan ka? Nandito ako para pag-usapan natin ang ating problema. Di ba nangako ka sa akin?" umiiyak kong sumbat sa kanya.
"Kalimutan mo na ako, Evah Lynne! Kalimutan mo na ang pangako ko sa'yo. Hindi totoo ang lahat ng iyon. Sorry, pero hindi ikaw ang tamang babae para sa akin!" cold niyang sagot sa akin. Si KJ ba talaga ang kausap ko ngayon? Parang laki ng pinagbago.
"Ang sama-sama mo! I hate you! Sa kabila nang iyong ginagawa sa akin, pilit kitang iniintindi dahil may problema ka pero ganito lang ang gagawin mo sa akin? Ikaw pa ang may kasalanan tapos ikaw pa ang may ganang makipaghiwalay sa akin? Gago ka!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak. Gustuhin ko mang intindihan siya pero ngayon, suko na ako. Hindi ko na kaya.
"Umuwi ka na! Gusto ko munang mapag-isa!" walang gana niyang sagot.
"Napakamanhid mo naman keej! Siguro nga, hindi mo talaga ako minahal! Tama nga si Kaye, naghiganti ka lang sa akin dahil binasted kita noon! Sige, tapusin na natin to. Pero ito ang tatandaan mo! Hindi ako bumabalik sa mga ex ko na kagaya mo!" sabi ko sabay pahid sa aking mga luha.
"Salamat dahil pinakawalan mo na ako. Sana lumigaya ka na," sagot ni KJ na nagpapaiyak na naman sa akin.
"Alam mo? Sana sinabi mo sa akin ng maaga na gusto mo nang makawala sa relasyon natin. Ibigay ko naman sayo yon eh, nang hindi tayo nagkasakitan! Pero bakit pinalala mo pa ang sitwasyon? Dapat hiniwalayan mo muna ako bago mo pinapasok ulit si Kaye sa buhay mo! Alam mo bang nanliliit ako sa aking sarili sa ginawa mo? Pinaasa mo ako Keej, eh! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo at ginanito mo ako? Ang unfair mo naman keej!" sumbat ko sa kanya.
"Patawarin mo ako Evz, kung marami akong pagkukulang saiyo. Late ko na kasing na-realize na hindi na pala kita mahal. Sorry, sana mapatawad mo ako," sabi ni KJ sabay alis. Ang sakit naman parang nagkapira-piraso ang aking puso.
"Wait, salamat sa lahat na pinakita mo sa akin keej! Para sa akin, totoo yun lahat. Kaya huwag kang mag-alala. Pinapatawad na kita. Sana magiging masaya na kayo ni Kaye. Thanks also dahil naging honest ka na ngayon. Take care," tawag ko sa kanya at nagpasalamat for the last time. Tapos, iniwan ko siyang nakatulala.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon pero grabe ang sakit. Hindi ko matanggap. Para makalimot, gusto kong pumunta muna sa province. Dahil hindi na ako nakapagpa-alam kay Mom, nagtext nalang ako.
"Mom, magbakasyon muna ako sa province. Huwag kayong mag-alala sa akin. Okay lang ako," message ko sa kanya.
Habang nagmamaneho ako, hindi ko napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha. Hanggang sa may truck na bumangga sa akin.
"BOOOOOOGGGGGGZZZZ!!!!!!"
-THIRD PERSON POV-
Naaksidente si Evah Lynne dahil binangga ng isang dump truck ang kanyang sasakyan, mabuti nalang at may isang lalaki na tumulong sa kanya at dinala siya sa Hospital. One week na wala pang malay si Evah Lynne kaya nalulungkot ang lalaking tumulong sa kanya.
Habang si Andrew naman ay hindi mapalagay dahil hindi na niya macontact si Evah Lynne kaya pinuntahan niya si KJ.
"Yes, Mr. Smith? Anong kailangan mo?" walang pakialam na tanong ni KJ kay Andrew.
"Nasaan si Evah Lynne?" galit niyang tanong kay KJ.
"Bakit sa akin mo siya hahanapin?" cold nitong sagot kay Andrew.
"Dahil ikaw ang boyfriend niya! Gago ka pala eh!" sigaw ni Andrew kay KJ.
"Matagal na kaming break ni Evah Lynne! 1 week na!" sagot ni KJ na para bang walang pakialam kay Evah Lynne.
"So, ikaw pala ang dahilan ng pagkawala niya! Kung may masamang nangyayari sa kanya, papatayin kita! Tandaan mo yan!" galit na sabi ni Andrew kay KJ.
Kinabahan si KJ, ang akala niya, nagbakasyon lang ito. Dahil iyon ang sabi ng Mom ni Evah Lynne.
Kaya nag-open si KJ ng TV...
BREAKING NEWS!!!
"Nandito po tayo ngayon sa liblib na lugar na kung saan mayroong aksidente na nangyayari isang linggo na ang nakaraan. Hindi pa natin alam kung kanino tong kotse ang nabangga ng isang dump truck. Wala na ang driver ng kotse at driver ng dump truck kaya kung sino man ang nakakilala sa kotse na ito, please contact our hotline number 09351110002. Thank you!"
"No!" sigaw ni KJ at pinuntahan ang nasabing lugar.
-EVAH LYNNE POV-
"Saan ako?" tanong ko habang minamasdan ang paligid ko. Bakit hindi ko familiar ang kwartong ito?
"Bakit ako nandito?" naguguluhan kong sigaw.
Hanggang sa may gwapong lalaki na pumasok sa aking kwarto.
"Thanks God at gising ka na!" masaya nitong sabi sabay check sa akin.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya habang sinusuri ang kanyang mukha dahil parang familiar sa akin ang mukha niya.
"I'm AJ Amsterdam, ang doctor mo!" nakangiti niyang sagot.
"AJ? Ikaw ba yan?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Si AJ Amsterdam ay kapitbahay namin at schoolmate ko rin sa high school. Hindi kami close noon dahil palagi niya akong inaaway. Talented rin siya kaya crush ko siya noon kaya lang, playboy. At nang mag-college na kami, wala na akong balita sa kanya.
"Hi, Evz! Kumusta ka na? May husband ka na ba?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Oo, may husband na ako at anak," biro ko sa kanya.
"Ganoon ba? Sige tawagan mo na para hindi sila mag-alala sa'yo," malungkot na saad niya.
"Ano kasi eh, wala akong number sa kanila kasi nasa future pa sila!" nakatawa kong sagot sa kanya.
"Ikaw talaga! Puro ka kalokohan! Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-alala niyang tanong sa akin.
"Okay naman! Pero bakit ako nandito? Saan ako?" tanong ko sa kanya.
"Nasa aking Hospital dito sa Province. Mabuti nalang at nasundan kita. Kung hindi pa kita nakita, ewan ko nalang! Wala kasing mga bahay doon at tao kaya matagal ang rescue. Plus, walang signal!" kwento niya.
"Ganoon ba? Salamat, ha? Saan na yung driver ng truck?" nag-alala kong tanong sa kanya.
"Pinakulong ko," diretso niyang sagot.
"Bakit naman? Baka nag-alala na 'yong pamilya nang driver kung bakit hindi pa ito nakauwi," nag-alala kong sabi kay AJ.
"Huwag kang mag-alala sa Driver ang alalahanin mo, kung paano mo sasabihin sa Mom mo, na hindi ka na makalakad," seryosong sabi ni AJ kaya natigilan ako.
"What? No! Hindi pwede! AJ naman! Doctor ka di ba? Gawan mo ng paraan, please!" umiiyak kong sabi sa kanya.
"See? Nag-alala ka sa driver pero sa sarili mo, hindi!" nagtatampong sabi ni AJ sa akin.
"Akala ko kasi, okay lang ako. Sure ka ba na hindi na ako makalakad?" nag-alala kong tanong sa kanya. Paano na ang trabaho ko?
"Joke lang yon! Na-comatose ka kasi kaya galit ako sa driver!" galit na sabi ni AJ.
"Thanks God! Ikaw talaga Ejjjj! Kinabahan ako sa joke, mo! Pero, maraming salamat ha? Dahil hindi mo ako pinabayaan! Imagine, crush ko noon, doctor na ngayon!" nakangiti kong sabi kay AJ. Sa wakas, nasabi ko na rin kay AJ ang feelings ko noon.
"Evah-Evah-Evah, huwag mo na akong bolahin! Sige ka! Ma-inlove ako sayo hindi na kita papauwiin sa inyo!" biro niya sa akin.
"Okay lang!" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Pero sorry, may asawa na ako!" seryoso niyang sabi sa akin kaya nadismaya ako ng konti.
"Ganoon ba? Maganda ba siya? Taga-saan ba siya?" mga tanong ko sa kanya. Gusto ko lang malaman baka kasi kilala ko ang napangasawa niya.
"Oo, sobrang ganda niya. Una ko palang siyang nakita, nahulog na agad ang puso ko sa kanya. At kausap ko siya ngayon," nakangiti niyang sabi sa akin sabay pa-cute.
"Aj naman eh!" sabi ko sabay pout.
"Hahaha! Sige, tawagan mo na ang iyong Mom para hindi na mag-alala yon. At huwag kang tatayo dahil hindi ka pa okay! Gets?" utos niya sa akin habang ginugulo ang buhok ko.
"Yes, Doc!" sagot ko. Hindi ko akalain na si AJ ang pangalawang tagapagligtas ko.
Pagkatapos naming mag-usap, lumabas na si AJ at tinawagan ko si Mom.
"Evah Lynne! Saan ka ba? Bakit hindi ka namin macontact?" nag-alalang tanong ni Mom sa akin.
"Don't worry, Mom! Okay lang ako. Nandito ako sa aking kaibigan sa province." sagot ko.
"Ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo bang nag-alala na kami sa'yo?" galit na tanong ni Mom sa akin.
"Sorry, Mom! Wala kasing signal dito," tipid kong sagot sa kanya.
"Saan ka ba para mapuntahan ka namin?" tanong ni Mom pero hindi ko sasabihin sa kanila dahil ayaw kong mag-alala lalo si Mom sa akin.
"Secret! Hehehe!" sagot ko.
"Evah Lynne! Saan ka? Para puntahan kita," seryosong sabi ni Mom.
"Mom naman eh! Gusto ko ng peace of mind. Don't worry nasa mabuti akong kalagayan. Sige Mom, bye! I miss you all," sabi ko. Ayaw ko nang humaba pa ang aming convo baka masabi ko sa kanya ang lugar na kinaroroonan ko.
"I miss you too. By the way, Pumunta dito si Andrew at KJ, hinahanap ka!" saad ni mom. Kaya kinabahan ako, bakit nila ako hinahanap?
"Sabihin mo, hindi mo alam. Huwag mo ring sabihin na tumawag na ako sa'yo. Thanks mom, I love you," sabi ko habang tumutulo ang aking luha.
Namimiss ko na si Mom. Naaawa ako kay Mom, what if tuluyan na akong nawala? Paano na si Mommy? Alam kong hindi niya kakayanin kung may masamang mangyari sa akin.
"Okay! I love you too, anak! Mag-ingat ka diyan! Bye!" sagot ni mom.
"Bye, mom! Mag-ingat rin kayo diyan!" sabi ko sabay end sa tawag.
"God, thank you for giving me another life and also thank you for sending me someone to save me from death," I whispered.
Lumipas ang ilang araw, nakarecover na ako...
" Evz, gusto mo na bang umuwi sa inyo?" tanong ni Aj sa akin. Nandito ako ngayon sa maganda niyang bahay.
"Ayaw mo na ba sa akin at pinapauwi mo na ako?" malungkot kong sagot sa kanya.
"What? Tinatanong lang kita, hindi ko akalain, matampuhin ka pala!" nakatawa niyang sabi sa akin.
"Grabe ka naman! I-tour mo naman ako dito sa lugar mo!" hiling ko sa kanya.
"Sure! Don't worry, mag-vacation leave ako ng 1 week. Pupunta tayo sa "Paradise Island"," nakangiti nitong sabi.
"Talaga? Thank you, ejjjjj!" masaya kong sabi sa kanya.
"Ahy! Wait, wala na pala akong damit na suotin!" malungkot kong sabi.
"Don't worry, mag-shopping tayo ngayon!" masayang sabi niya sa akin.
"Wow! Thank you, Ejjj! Don't worry! Babayaran kita pag-uwi ko! I-Total mo lang lahat pati na yong hospital bill, pagkain ko at saka ang pang-shopping natin mamaya!" saad ko sa kanya.
"No! Treat ko na sa'yo iyon!" sabi niya habang tinitigan ako.
"Wow! Ang yaman naman ng neighbor ko!" biro ko sa kanya.
"Hindi naman masyado, mayaman lang ako sa pagmamahal!" saad niya habang ginugulo ang buhok ko.
"Sana all, mapagmahal!" sabi ko sabay tawa.
"Yeah! Sa sobra kong mapagmahal pati ikaw minahal ko na rin," seryoso niyang sabi sa akin kaya namumula ang pisngi ko.
"Waaah! Nag-blush siya! Bakit Evz? May pag-asa pa ba ako?" seryoso na naman niyang tanong sa akin.
"Oo, may pag-asa pa!" sabi ko with a serious look.
"Waah! Ikaw rin nag-blush! Hahaha!" tukso ko sa kanya.
"Tayo na nga! Alam ko naman eh na wala na akong pag-asa sayo, noon pa! Let's go!" anyaya niya sa akin.
Dinala ako ni AJ sa Mall at pinapili ng kahit na anong damit na gusto ko. At tinitingnan niya kung bagay ba sa akin o hindi.
Pagkatapos, dumiretso na kami sa "Paradise Island". Namangha ako sa ganda ng tanawin para nga itong paraiso. Kahit walang signal pero worth it naman ang stay mo dito. Dito kami nag-stay sa isang rest house na super ganda.
"Ejjj, thank you ha? Dahil nakapunta ako dito, even in my wildest dreams hindi ko inasahan na makapunta ako dito sa hidden paradise kaya maraming thank you!" pasalamat ko sa kanya.
"Walang anuman my dear! Halika na! Kain muna tayo!" saad ni Aj.
"Okay! Hindi halatang gutom na gutom ka na!" biro ko sa kanya na tumatawa.
"Sos! Alam ko! Gutom ka na rin! Hahaha!" sagot niya habang pinipisil ang ilong ko.
"Stop it! Don't touch my precious nose!" sabi ko sabay pout.
"Wow! Sana all, matangos ang ilong," he said and laughed.
"Sana all, kissable lips!" sabi ko habang tumatawa.
"Gusto mo bang i-try kung kissable ba talaga ang lips ko?" biro niya sa akin kaya namumula na naman ako.
"Stop it! Inaakit mo ba ako?" I said and rolled my eyes.
"Hindi! Bahala ka kung naaattract ka sa akin" pasimple niyang sagot kaya binato ko siya ng buto ng pakwan.
"Aj naman eh!" sabi ko na naka-pout.
"Kumain ka na nga Evah Lynne! Na-didistract ako sa'yo eh!" sabi niya sabay lagay ng pagkain sa plato ko.
Masaya kaming kumakain habang nagkukwentuhan. Ang sarap ng buhay kung ganito lang palagi. Hanggang sa nagtanong si Aj sa akin about my lovelife.
"Evz, pwedeng magtanong? May boyfriend ka na ba?" tanong niya habang tinitingnan ako sa aking mga mata.
"Oo pero hiwalay na kami kaya ako napadpad sa lugar mo," sabi ko sabay tawa ng mapakla. Naalala ko na naman ang sakit na dinulot ni KJ sa akin.
"Ang tanga naman niya at pinakawalan ka!" tipid niyang komento.
"Siguro hindi na niya ako mahal, ganoon lang yun! Nagpapasalamat nga ako dahil sinabi niya sa akin ng maaga pero ang hindi ko lang matanggap, ang pangako niya sa akin. Ako kasi ang taong naniniwala sa pangako kaya nasasaktan ako ng sobra. Dalawang beses na akong muntik nang mamatay dahil sa kanya at hindi ko na sasayangin pa ang aking natitirang buhay," sabi ko sa kanya sabay buntong hininga.
"Dapat lang! Marami pa ang nagmamahal sa'yo na hindi mo pinapansin katulad ko," seryoso niyang sabi. Kaya naguguluhan ako kung seryoso ba si Aj o hindi kasi napakahirap niyang basahin.
"Wee! Palagi mo nga akong inaaway dati!" sabi ko sa kanya.
"Oo para mapansin mo ako noon dahil iba ang crush mo dati," nakangiti niyang sabi.
"Wee! Siya nga pala, kumusta ang lovelife mo?" tanong ko sa kanya at nagtataka ako dahil biglang dumilim ang mukha niya.
"Masaklap ang buhay pag-ibig ko! At hindi ko na gustong balikan pa ang horrible past ko!" sagot niya sabay buntong hininga.
"Aj naman eh! Ang unfair mo naman! Nag-share nga ako sa'yo sa aking lovelife tapos ikaw hindi! Hindi pwede yon!" nakasimangot kong sabi sa kanya.
"Okay! Ganito 'yon, may na-meet akong babae at hindi ko akalaing mahuhulog ako sa kanya ng sobra, minahal ko siya ng buong-buo at wala na akong tinira para sa aking sarili. Nagtagal kami ng 5 years at nag-propose na ako sa kanya hanggang sa nagulat nalang ako isang araw na hiniwalayan na niya ako dahil ikakasal na raw siya sa ibang lalaki dahil buntis na pala siya! Hindi ko iyon matanggap dahil nirespeto ko siya pero ang ibang lalaki lang pala ang makikinabang sa kanya! Damn it!," galit na kwento ni Aj sa akin kaya nasasaktan ako para sa kanya. Mabuti nalang at hindi nangyari yan sa akin.
"Sorry, eeejjjj! Mabuti at nalagpasan mo na ang lahat ng 'yon! Look at you now! Isang gwapo at habulan na doctor! Di ba? Congrats dahil nasa mabuti ka ngayong landas!" masaya kong sabi sa kanya.
"Tama ka! Siguro nga, may dahilan ang lahat. Kung hindi nangyari yon, hindi na kita makita ulit at hindi ko malaman na may gusto ka pala sa akin noon!" tukso niya sa akin.
"Correction! Noon 'yun no? Noong panahong wala pa akong alam! Hahaha," sabi ko sa kanya sabay tawa.
"Bakit ngayon? Hindi mo na ako crush? Ang sad naman," sabi niya sabay pout. Ang cute niyang tingnan kapag naka-pout.
"Hahaha! Ewan ko kung crush pa ba kita! Matanda na kasi ako! hahahaha," nakatawa kong sagot sa kanya.
"Aminin!" sabi niya pero nakita ko pa rin sa mga mata niya na malungkot siya.
"Sige na nga! Crush pa rin kita pero hindi love! Gets?" I said and rolled my eyes.
"Wow! Thank you, Evz! Sayang naman kasi hindi kita crush," nakangiti niyang sabi pero nasasaktan ako dahil buong akala ko, crush niya rin ako. Pero okay lang!
"Okay lang! Basta ako, honest ako! Para hindi ko pagsisihan pagdating ng panahon," honest kong sabi sa kanya.
"Wow naman! Ako rin, honest ako! Sinabi ko sa'yo na hindi kita crush dahil mahal kita. Oo, totoo, mahal kita, Evz, noon pa," confess ni Aj sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Naguguluhan na ako.
"God, help me!" bulong ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goods
25/07/2023
0ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist
05/08/2022
0ang ganda nya
24/07/2022
0Tingnan Lahat