Homepage/My Dreamboy or Boyfriend/
Chapter 29: Explore
"May tamang panahon para ikaw ay gumala, hindi mo man magawa ngayon pero darating ang time na magawa mo na ito kasama ang tamang tao."
-EVAH LYNNE POV-
Hindi ko akalain na magagawa ko na lahat ng gusto ko, hindi higpit si Andrew sa akin. Lahat ng gusto ko sinusuportahan niya kaya magkasundo kami sa lahat ng bagay.
"Love, gusto kong pumunta ng Thailand para ma-meet ko ang aking idol na si Pon Nawasch!" kinikilig kong sabi sa kanya. Nandito kami ngayon sa favorite naming restaurant-ang restaurant nila Ivan.
"Okay! No problem. May tiwala ako sayo. Kailan ang alis mo?" matamlay niyang sabi.
"Baka, next week. Ayaw mo bang sumama sa akin? Ako lang kasi mag-isa, hindi sasama si Marjoy sa akin. Alam mo naman, first time ko pang mag-travel sa ibang bansa," malungkot kong sabi sa kanya.
"Busy kasi ako next week," tipid niyang reply sa akin.
"Busy? Sa pagkakaalam ko, wala ka pang work at naghihintay kapa ng tawag galing sa old employer mo?" tanong ko sa kanya.
Isang OFW si Andrew at umuwi lang siya ng bansa para magpakasal na sila sa kanyang long time girlfriend pero nagloko ito at lahat ng ipon nila ay inubos ng babae kaya hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya.
"Ano kasi Love, nag-part time ako sa computer shop ng cousin ko. Nahihiya na kasi ako sayo dahil every date natin ikaw nalang palagi ang nagbabayad. Noon, yung time na marami pa akong pera, ako palagi ang nag-te-treat sa aking mga kaibigan lalong-lalo na sa aking girlfriend. Ngayon, nahihiya na talaga ako sa'yo kaya patawad," sabi niya sabay ngiti ng malungkot.
"Ano ka ba! Pera lang yan! Tayo naman dalawa ang kumakain, di ba? Huwag mo nang isipin yon! Masaya ako dahil pinasaya mo ako kaya maraming salamat! At dahil mabait ka sa akin, libre ko na ang ticket mo!" masaya kong sabi sa kanya.
"No! Hindi ako papayag!" nahihiyang sagot ni Andrew.
"Huwag kang mag-alala! Hindi to free ang ticket no? Ikaw ang kukunin kong tour guide! Sayang naman ang ibabayad ko sa iba kung may boyfriend naman ako, di ba?" naiinis kong sagot sa kanya.
"Okay! Pero huwag kang mag-alala, if malaki ang ibabayad sa akin ng aking cousin. Ako na ang magbabayad sa ticket," saad ni Andrew. Dahil makulit siya, nagagalit na ako sa kanya.
"Ano ka ba Andrew Smith! Hindi ka ba makaintindi? Kailangan ko ng kasama! Kung ayaw mo, di huwag! Kausapin ko nalang ang iba kong kaibigan! Sige, bye!" galit kong sabi sa kanya sabay alis.
"Love! Sorry..." tawag niya sa akin.
"Kung gusto mong may magtatagal sayo, bawasan mo ang pride mo! Naiinis ako sayo!" sigaw ko sa kanya sabay alis.
Iniwan ko si Andrew, tumawag siya sa akin pero hindi ko sinagot. Nag-off ako sa aking phone at ang isa kong cp ang aking ginamit. Ito ang cp na binigay sa akin ni Zach, family ko lang ang nakakaalam sa number nito. Dito muna ako matutulog sa bahay namin ni Zach pansamantala para hindi ako matunton ni Andrew.
Kinaumagahan, nagising ako sa malakas na ringtone sa aking cp.
"Hello?" sagot ko habang nakapikit ang mata.
"Evah Lynne! Kausapin mo si Andrew!" utos sa akin ni Mom.
"Hello, Love, Good morning! Sorry... Saan ka ngayon?" tanong niya na halatang nag-alala.
"Hindi mo na kailangan pang itanong! By the way, may kasama na ako. Sorry sa disturbo! Nagkamali pala ako sa pag-invite sa'yo," sagot ko sabay end call.
Hindi ko na siya sinagot. Wala na kaming contact ni Andrew. Lumipas ang dalawang araw, habang nagmamaneho ako sa aking sasakyan, may nakita akong isang lalaki na kamukha ni Andrew sa gasoline station at isa itong pump boy. Naaawa ako sa kanya parang biniyak ang aking puso. At dahil ayaw kong mag-self pity siya na makita ko siya, tinawag ko ang isang pump boy.
"Good afternoon, Ma'am!" bati sa akin ng isang pump boy.
"Good afternoon too, kilala mo ba 'yong isa niyong kasama?" tanong ko sabay turo sa kamukha ni Andrew.
"Siya po ba? Oo, si Andrew, bago lang siya. Kahapon siya nag-start. Bakit po ma'am?" nagtatakang tanong sa akin ng pump boy.
"Wala! Ang bait kasi niya, dito ako kahapon at pinahiram niya ako ng pera dahil wala akong cash. At itong sobre pakibigay sa kanya bilang pasasalamat ko. At kung magtanong sabihin mo na hindi mo kilala, pinapabigay lang ng bata at ito ang tip ko sayo," sabay abot ng sobre na may laman na 5k at may nakasulat sa likod ng sobre na "Pay it forward!" at binigay ko rin ang tip ko sa pump boy na 1k.
"Ma'am, huwag mo na po akong bigyan," saad ng pump boy.
"No! Tanggapin mo na ito," Pilit ko sa pump boy.
"Okay! Maraming salamat, Ma'am! Hulog ka nang langit!" pasalamat ng pump boy sa akin.
"You're welcome." sagot ko na nakangiti sabay alis.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Dahil naaawa ako sa kanya, nagmessage ako.
"Hi, Love! Sorry, busy ka ba? Libre mo naman ako ng dinner! Peace offering mo sa akin," biro ko sa kanya na may laugh emoji. At nagreply siya sa akin mga 5pm na, alam kong out na niya.
"Sorry love, late reply, busy lang ako sa work. Pwede bukas nalang? Kailangan kasi naming mag-OT mamaya," reply niya with sad emoji.
"Okay! No problem," reply ko.
Hinayaan ko nalang si Andrew, alam kong nahihiya siya sa akin. Kaya iintindihin ko na lang siya.
Kinabukasan, maaga siyang pumunta sa bahay namin at binigyan ako ng flowers. Pero nalulungkot ako para sa kanya dahil umiitim na siya ng kaunti.
"Good morning love, flowers for you!" bati niya sa akin sabay abot sa flowers.
"Good morning too, I miss you!" sagot ko sabay hug sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit niyayakap ko siya, basta naaawa ako sa kanyang anyo ngayon. Para siyang iniwan ng girlfriend at walang tulog.
"I miss you too, Love! Sorry, hindi ako mayaman kagaya ng boyfriend mo," malungkot na sabi ni Andrew.
"It's okay! Wala namang pinipili ang love, di ba? Kaya hayaan mo akong bigyan ka dahil meron ako, next time pag-meron ka na saka mo na ako ililibre. Gets?" sabi ko sabay pisil sa kanyang ilong.
"Yes, Madam!" sagot niya sabay halik sa aking noo.
Hanggang sa dumating na ang araw na kung saan pupunta na ako sa Thailand. Hindi ko na kinulit si Andrew na samahan ako dahil ayaw ko nang marinig ang explanation niya.
Palabas na ako ng bahay ngunit hindi ko nakita si Andrew at hindi nagtext sa akin kaya nadismaya ako. Tinawagan ko si Mary Kaye na sa Airport nalang kami magkikita, siya ang kinuha kong makasama sa Thailand.
"Besh, nasaan ka na?" tanong ko sa kanya.
"Malapit na ako sa Airport, kita nalang tayo doon! Bye!" sagot ni Mary Kaye sabay end call.
Hindi ko mapigilang, mapabuntong hininga.
Pagdating ko sa Airport hindi ko nakita si Mary Kaye kaya tinawagan ko nalang ito. Ngunit hindi na siya macontact.
Kaya naiinis na talaga ako sa kanya, 10am ang flight namin ngunit 9:30 am na hindi ko pa rin siya nakita.
"What a bad day!" bulong ko.
"Sorry, I'm late!" boses ng lalaki paglingon ko...
"Love? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya.
"Ako ang sub ni Mary Kaye dahil may importante raw siyang lakad today! Okay lang ba sa'yo?" nahihiyang tanong ni Andrew sa akin.
"Hindi okay!" taray kong sagot.
"Wee! Alam kong masaya ka dahil ako ang nandito! Hmpff! Let's go, Love!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
Hindi ko ini-expect na makasama ko pa si Andrew sa aking Travel kaya...
"Thank you, God!" bulong ko.
Pagdating namin sa Thailand, grabe ang saya ko. Hindi ko akalain na makarating ako dito at kasama ko pa ang taong bago lang dumating sa buhay ko.
Kinabukasan, maaga kaming dumating sa "Rosewood Phuket" nagpareserve kami dito ng 3 nights dahil mahilig kami pareho sa beach.
Pagdating namin, pumunta agad kami sa beach para mag-picture taking. Si Andrew ang photographer ko. Para hindi masayang ang bayad namin, nilibot namin ang buong hotel.
"Love, ang ganda naman dito! Nagustuhan mo ba?" tanong ko kay Andrew habang kumakain kami ng dinner.
"Of course naman! Pero ang mahal naman dito," saad ni Andrew na nakangiti.
"Pero worth it naman ang ating stay dito, di ba?" sagot ko sa Kanya.
"Yeah! Thank you, Love! For this wonderful experience with you," pasalamat ni Andrew sa akin.
"Walang anuman, Master! Thank you too kasi sinamahan mo ako kahit busy ka," sagot ko na nakangiti.
"Nope! Dapat ako ang magpasalamat dahil nakapunta ako rito na walang binabayaran. Ang bait mo talaga, Love ang swerte ko sayo. Nagpasalamat ako sa panginoon dahil dumating ka sa buhay ko, noong time na kailangan ko ng kausap. Hulog ka nang langit sa akin. Kung ako ang papipiliin, hindi kita iiwan hanggang dulo," madamdaming sabi ni Andrew sa akin.
"Wow! Ikaw rin, dumating ka sa buhay ko unexpectedly kaya grateful ako kay God dahil may taong tumulong sa akin para maghilom ang puso kong sugatan. Thank you, Love!" lambing kong sabi sa kanya.
"You're always welcome. I love you, Love!" sabi niya na may matamis na ngiti.
"I love you too, Love!" sagot ko.
"Basta pangako mo sa akin, Happy lang tayo walang ending!" sabi ni Andrew with a pinky promise.
"Yeah! Pangako yan!" sagot ko.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako kay Andrew na pupunta lang ako saglit sa beach.
Pagdating ko doon, may lalaking nakahiga sa buhanginan familiar ang body figure niya kaya lumapit ako sa kanya.
"Hi, can I sit beside you?" tanong ko sa kanya.
"Nope! I want to be alone!" sagot niya habang nakapikit.
"Okay! Sorry, Mister! Gwapo sana, ang sama naman ng ugali!" naiinis kong sagot sa kanya.
"Are you a Filipina?" bangon niya sabay tingin sa akin.
"Yes!" sagot ko. At pagtingin ko sa kanya, hindi ako makagalaw dahil si Pon Nawasch pala ang nakikita ko.
"God! This is unbelievable!" bulong ko.
"Hey! Are you okay?" tanong ni Pon sa akin.
"Yes! I'm okay. Can we take a selfie together? For remembrance only. Promise, I won't upload the picture to social media," saad ko with a pinky promise.
"Can I trust you?" he asked and rolled his eyes.
"Yeah! You can trust me!" I replied with a wide smile.
"Okay! Come here!" utos niya sa akin. Nang lumapit na ako sa kanya, inakbayan niya ako at nagselfie kami gamit ang cp niya. Marami kaming picture dalawa. Grabe ang kaba ng dibdib ko.
"Thank you, Pon! You're so handsome in person!" nakangiti kong puri sa kanya.
"Thank you! You too, you're so pretty!" he said with a sweet smile.
"Really? Thank you!" I replied with a shy look.
"What is your IG account? So I can send you our pictures together," Pon asked me kaya kinikilig ako.
"Really? Wait.. ahm- evz_19, that's my username!" Nahihiya kong sabi. Baka makita niya ang mga message ko sa kanya. Hahahaha, nakakahiya talaga. Nagre-reply kasi ako sa mga IG Story niya.
"Okay! Wait! There you go! Owzz, you must be Evah Lynne my avid fan, who is always updated with my IG stories," nakatawang sabi ni Pon.
"Hahaha! So embarrassing!" reply ko habang namula ang pisngi ko.
"Do not be shy! In fact, I am thankful because you are not like my other fans who are so obsessed with me. I could hardly breathe when they hugged me," he said with a sad voice.
"Wee! Don't worry, I'll hug you tight tonight. For you not to thank me. Hahaha." I teased him.
"It's okay! It's my pleasure!" He said and winked at me.
"Pon, don't joke like that or I'll take it seriously! Hahaha!" biro ko sa kanya.
"It's okay, Evz!" he said and smiled.
"Whatever! By the way, thanks for being kind and for the opportunity to take a selfie with you," pasalamat ko sa kanya.
"You are always welcome, Evz!" he replied and pinched my cheeks.
"Okay! Good night, Pon! I'll go first!" paalam ko sa kanya.
"Okay! Good night too, Take care!" he said and I waved at him.
Masaya akong bumalik sa aming room ni Andrew ngunit wala siya doon. Kaya pumunta ako sa Garden Pool Pavilion at nakita ko siya doon nakaupo at may kausap. Bigla akong kinabahan na hindi ko alam kaya hindi ako nagpahalata. Mukha kasing seryoso ang pag-uusap nila.
Pagbalik ko sa kwarto, nag-open ako sa aking IG at nag-message sa akin si Pon.
"Hi, Evz! Follow back!" mensahe ni Pon sa akin kaya sumigaw ako sa tuwa.
"Yes! Thank you, God!" masaya kong sabi.
"Okay! I can't sleep now in delight. Thank you very much, Pon." I replied with a wide smile.
"You are always welcome. Good night! Sweetdreams!" Pon replied.
"Good night too! and God bless!" reply ko sa kanya at nag-heart siya sa last message ko.
"God, kung panaginip lang ito. Sana huwag mo na akong gisingin!" pakiusap ko sa Panginoon ngunit biglang bumukas ang pinto.
"Love? What's wrong?" tanong ko sa kanya.
"Nothing! Anong nangyari sayo at mukhang masaya ka?" tanong niya sa akin sabay amoy sa buhok ko.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na friend na kami ni Pon sa IG?" kinikilig kong kwento sa kanya.
"Maniniwala kung nakita ka niya sa personal dahil based on my experience, noong una ko palang tingin sayo nabihag mo agad ang puso ko!" seryosong sabi ni Andrew sa akin sabay yakap.
"Really? Kaya pala, pina-follow niya ako sa I.G! Hahaha!" nakatawa kong sagot sa kanya.
"What? Nagkikita na kayo ni Pon?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
"Yes! And guess what? May picture kaming dalawa! Look!" sabi ko sabay pakita sa kanya.
"Alam ba niyang may boyfriend ka?" wala sa mood niyang tanong sa akin.
"Hindi naman siya nagtanong bakit ko sasabihin?" inosente kong sagot kay Andrew.
"Okay! Matulog na tayo!" sabi niya sabay talikod sa akin.
"Galit ka ba? Hindi ka ba masaya para sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Masaya! Good night!" parang galit niyang sabi sa akin.
"Tapatin mo nga ako? Nagseselos ka ba?" sigaw ko sa kanya.
"Oo dahil ang sweet niyo! At bagay kayo!" sagot niya sa akin kaya natulala ako. Hindi ko ini-expect na marinig ko ito sa kanya.
"What? he's my idol! Alam mo yan! Bakit ka nagseselos? Hindi papatol sa akin yon no? Ano ka ba!" tumatawa kong sabi sa kanya.
"What if ligawan ka niya?" tanong niya sa akin.
"Impossibleng mangyari yan! Kaya matulog na tayo! Ikaw? Sino ang kausap mo kanina? Ex mo?" diretso kong tanong sa kanya kaya nagulat siya sa tanong ko.
"Oh, ano? Hindi ka makasagot dahil totoo?" galit kong sabi sa kanya.
"What? Pinsan ko yon, nagtanong kung kailan ako uuwi dahil walang maiwan sa shop," sagot niya pero hindi ako convinced.
"Patingin ng cellphone mo!" at bigla siyang namutla. Dahil naaawa ako sa reaction niya hindi ko nalang tiningnan. Ayaw kong masira ang gabi ko.
"Just kidding! Sige, matulog na tayo." sagot ko at tumalikod ako sa kanya.
Nagising ako sa malakas na ringtone ng cp ko, may tumawag pala sa akin. At pagtingin ko, nagulat ako dahil nag-videocall sa akin si Pon. Kaya dali-dali akong bumangon at tumingin muna sa salamin saka sinagot ang call niya.
"Hello, Pon! Good morning! Just woke up! Why are you calling?" I asked him.
"I want you to join me later. Let's go surfing," anyaya niya sa akin.
"I don't know how to surf so I might drown." nahihiya kong sabi sa kanya.
"Don't worry, I will teach you! Okay? Bye!" sagot ni Pon sabay end call.
"Oh my God! Anong gagawin ko?" tanong ko sa aking sarili.
"Good morning, Love! Gising ka na pala?" tanong sa akin ni Andrew na galing bathroom.
"Morning too!" tipid kong reply sa kanya dahil naiinis ako kagabi.
"Bad mood yarn?" sabi niya sabay back hug sa akin.
"Magbihis ka nga!" galit kong sabi sa kanya.
"Sorry na please! Yes, tumawag sa akin ang aking ex gusto niyang makipagbalikan sa akin pero sinabi ko sa kanya na may girlfriend na ako! Hindi ko sinabi sayo kagabi dahil alam kong masaya ka. Ayaw kong masira ang gabi mo. I love you, love!" paliwanag niya sa akin.
"Alam ko dahil hindi ka naman mamumutla kung hindi ka nagsisinungaling sa akin! Kaya hindi nalang kita pinipilit dahil naaawa ako sa'yo!" sagot ko na nakakunot ang noo.
"Sorry na, Love!" pag-mamakaawa niya sa akin.
"Okay! Apology accepted pero aalis ako ngayon, mag-surfing kami ni Pon! At kung gusto mong sumama, ipakilala kita sa kanya bilang bestfriend ko!" taray kong sabi sa kanya.
"Dito nalang ako kesa makita kang masaya kasama si Pon," sagot niya sabay buntong hininga.
"Okay!" tipid kong sagot.
Tahimik kaming kumakain. Ewan ko ba, bakit galit ako kay Andrew. Pagkatapos kong kumain, nagbihis na ako at dumiretso na ako sa beach, doon nalang ako maghihintay kay Pon.
Pagdating ko sa beach, wala pa si Pon kaya nagkaroon ako ng time na magpicture sa magandang view ng karagatan.
"Xrun swasdi thirak!" Pon said in Thai. (Meaning, Good morning, my love!)
"What?" I asked him.
"I said, Good morning, my friend!" nakangisi niyang sagot. Ang gwapo talaga niya kapag nakangiti.
"Okay! Ang gwapo mo!" reply ko sa kanya.
"What did you say?" naguguluhan niyang tanong.
"I said! Good morning too!" nakangiti kong reply sa kanya.
"Okay! Let's go!" aniya.
Tinuruan ako ni Pon hanggang sa natuto ako. Laking pasasalamat ko sa Maykapal dahil hindi ko inaakala na mangyayari ito sa akin. Parang panaginip lang ang lahat.
"Pon, thank you so much! For teaching me how to surf... and everything. I never thought I would be able to meet you in person!" pasasalamat ko sa kanya.
"You are always welcome! Do you know, Klint James Loacheque?" Pon asked kaya nagulat ako. Paano niya nakilala si KJ?
"Yes! Why do you know him?" I asked him na may halong kaba.
"I know him because we're friends! He is a famous businessman here in Thailand. Are you friends too?" tanong niya sa akin na hindi ko alam ang isasagot.
"No! I only knew him because he was a famous businessman in our place," I lied.
"Okay! Let's go! Let's have lunch first," anyaya ni Pon.
Hindi ko akalain na ang liit pala ng mundong ginagalawan natin. Naniniwala ako na may kanya-kanya tayong oras para sa ating mga pangarap kaya huwag tayong susuko kung may darating na pagsubok sa ating buhay. Kung makaranas man tayo ng kabiguan, huwag tayong mawawalan ng pag-asa dahil may naghihintay sa atin na magandang bukas.
Bukas na ang flight namin ni Andrew pabalik ng Pinas at gusto kong siya naman ang makasama ko mamayang hapon at gabi na mamamasyal.
Gusto kong bumuo kami ng happy memories para hindi namin makalimutan ang aming bakasyon dito sa Thailand. Hindi natin hawak ang panahon kaya nga sabi nila "carpe diem" or "seize the day". Life is too short to worry kaya nga "Enjoy Life!"
Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari sa akin bukas o sa darating na araw pero naniniwala ako na hindi ako pababayaan ni God.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goods
25/07/2023
0ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist
05/08/2022
0ang ganda nya
24/07/2022
0Tingnan Lahat