"Kay sarap balik-balikan ang ating nakaraan." -Evah Lynne POV- Kinabukasan, habang papasok kami sa aming LABORATORY, nagtataka kami kung bakit ang ingay sa labas ng LAB, only to find out, nandoon yong apat na lalaki na nakita namin kahapon. Kaya nagtanong ako sa aking classmate kung bakit sila nagkagulo. “ Mate (short for classmate), bakit nagkagulo ang mga girls at mga bading diyan? Nakaharang kasi sila sa pathway.” Nakakunot ang noo kong tanong sa classmate kung bading na si Jerahmel. “My GOD! Di mo sila kilala? New transferee yan sila. Yong payat na puti, si Klint James Laocheqoe yan, pamangkin ng ating President dito sa school. Alam mo bang napaka-talented niya? Swerte siguro ang maging GF niya ano?”kinilig na sabi ng bading kong classmate. “Ahuh! Ikaw pala si Klint James a.k.a ”emo guy” pero infairness ang puti niya halatang kutis mayaman! Di ko akalain na yong name na nabasa ko kahapon at saka yong crush ko na sa emo guy ay iisa! No- erase-erase di ko na siya crush!” bulong ko sa aking sarili. “Thanks for the info, mate. Tayo na pasok na tayo sa LAB. Hwag ka ng makigulo diyan. I’m sure di ka mapapansin niyan. Let’s go mga beshy.” anyaya ko sa aking friends at kay Jerahmel. Habang papasok na kami sa LAB, naramdaman kong may tumitingin sa akin. Kaya lumingon ako, pagtingin ko- - Nakita ko siyang nakatitig sa akin, parang galit or naiinis, di ko lang siya pinansin baka masungit lang talaga si Mr. Klint James. Kaya pumasok na ako sa LAB namin ng parang walang nakita. -Klint James POV- Habang naglalakad ako dito sa hallway, kasama ko ang aking mga tropa kahapon,naalala ko ang babae na nakaupo sa BENCH, napapansin kung tahimik lang siya, di siya katulad ng ibang babae na halos himatayin kung madaanan ko. Pero siya, parang di niya ako pinapansin, si Vince lang kasi ang palagi niyang tinitingnan. “Kainis!” Mataray siyang tingnan pero alam kung mabait siya. Nakikita ko sa kanyang mga matang nangungusap. Gusto kung alamin kung ano ang pangalan niya. Nang matapos na ang aming klase sa LABORATORY, lumabas na kami sa aming classroom and as usual nandito na naman ang mga fans ko sobrang ingay, nakakainis! Pero siya, YES nakikita ko siyang tumitingin sa aming pwesto pero “DEADMA” ang crush ng campus.“Sino ka ba talaga, MISS DEADMA!” bulong ko sa hangin. First time, I saw her, may bahagi sa aking puso na gusto ko pa siyang makilala ng lubusan. She’s simple, no make-up pero mapula ang kanyang mga labi kahit walang lipstick, simple lang siya manamit pero sexy siyang tingnan di kagaya ng ibang babae na halos maghubad na lang sa harapan ko para mapansin. At higit sa lahat mahinhin siya na masungit. Kaya na-cha-challenge ako sa kanya. Sa tingin ko siya lang ang babae na di magkagusto sa akin. “Baka man-hater siya o di kayay may phobia sa mga lalaki?” tanong ko sa aking sarili. Para na akong baliw nito. “HEY, James! Ok ka lang?” tanong sa akin ni Vince. Nakikita siguro niya na natulala ako. “Oo naman, bakit mukha ba akong may sakit?” sagot ko nalang sa kanya. Para di niya mahalata na may gusto ako kay Miss deadma. “Bro, punta na tayo sa music room, mag-rehearse na nga tayo dahil malapit na ang “FOUNDATION DAY.” Suggest naman ni Ian sa akin. Habang papunta na kami sa MUSIC ROOM, tinitingnan ko muna ang LABORATORY ROOM nagbabakasakaling nandon pa si MISS DEADMA. Pero wala na pala siya, bakit parang kulang ang araw ko kung di ko masilayan ang mukha niya? May gusto naba ako sa kanya? Di pwede to.. -REHEARSAL- -EVAH LYNNE POV- Nandito kami ngayon sa field para manood ng soccer at frisbee. Wala kaming sinalihang laro dahil di kami marunong maglaro guys!! At saka may idol kasi ako na soccer player naka-jersey #15 kaya tawag namin sa kanya *fifteen* siya lage pinanood namin dahil kamukha niya si Edward Collins ng *Twilight*. Kaano-ano ko kaya si Edward? Same kasi kami ng surname.. Hahaha "Best, ang galing naman ni *fifteen*!" sabi ko sa aking bestfriend na si Mary Kaye. Tapos tumingin si *fifteen* sa amin banda... -BOOOGGGSSSSSHHHH- "Sinabi mo pa!!! Hala! Best, kawawa naman ang CRUSH mo, natamaan ng bola!!! Hahahaha." tawang sabi ni Mary Kaye. Tumawa kaming lahat dahil nakakatawa yong reaksyon ni *fifteen*. Di niya akalain na matamaan siya. First time in History..😂 Ang saya-saya namin habang nanunuod ngunit nagtataka kami bakit ang ingay ng mga girls sa kabilang bench. Paglingon ko, nando'n na naman ang "CC4-Crush ng Campus". "Di ko maiwasang mainis, papansin talaga ang mga lalaking yon. Ito namang si Klint James- feeling gwapo talaga!!! hmmpff" bulong ko nalang. "Guys, swerte naman ng gf ni K.J no? Balita ko leader siya ng Dance Troop". sabi nong babae sa kabilang bench. "Pareho pala sila Dancer at syempre beautiful and handsome. Saan ka pa?" sagot nong isang babae. "Pakialam ko sa kanila!!!" napabulong ako mga besh... Nagtataka ako, kung bakit para akong nasasaktan sa mga sinasabi nila. Tiningnan ko si Klint James, totoo nga- Bagay sila. Nakikita kong happy sila pareho. Perfect couple sila. Kaya tama na, Evah Lynne.. Forget him ok?!!! sabi ng utak ko. Kung makapagsalita naman tong utak ko, akala niya ganoon lang kadali!! Hmpff.. 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 -Klint James POV- Nanonood kami ngayon ng SOCCER. Ito kasi si May gusto niyang samahan ko siya. Actually, guys si May Sanchez-childhood friend ko siya. Crush ko siya dati, noong di pa ako nag-transfer dito sa school ng Tita ko sa "Laocheqoe Academy." Yes, tama sila- gf ko na si May Sanchez, ang hot babe ng dance floor. -Throwback- Nandito kami ngayon sa Music room habang nag-rehearse ng aming kanta para sa foundation. Di ko akalain pumunta pala si May dito. "Hi Klint baby, I miss you so much! I have good news for you!." with smile in her face. "And what is that?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba, bakit parang di na ako interested sa kanya. "Yes! Sinagot na kita! Di ba sabi ko sayo noon- kung mag-TRANSFER ka na dito sa school ko. Sasagutin kita? And now, YOU'RE MINE AND I'M YOUR'S. I LOVE YOU BABY!" masayang sabi ni May. Pero bakit di ako masaya? Isa siya sa mga dahilan kung bakit dito ako nagpatuloy sa pag-aaral. Paano na si "Deadma girl?". "Ok thank you! May, pwede ba umalis ka muna? May practice pa kasi kami eh!" alibi ko sa kanya. Ewan ko, bakit na-iirita ako pag-nandito siya. "Wow, congrats sa inyo bro and May-The Perfect couple." bati ni Vince sa amin. "Ok baby! See you later!" sabay kiss sa pisngi ko. Nang umalis na si May. Tinanong ako ng mga kaibigan ko. "Bro, anong nangyari sayo? Dapat masaya ka, kasi sinagot ka na ni May Sanchez- your childhood friend. Di ba matagal muna siyang gusto? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? May bago ba bro?" tukso ng mga kaibigan ko. "Ewan ko ba bro, bakit parang di ako masaya. Feeling ko may crush na ako kay "deadma girl", pero sayang lang kasi until now di ko pa siya kilala." paliwanag ko sa kanila. "Ahuh! Parang nakita ko na yan si "deadma girl", yon bang mataas ang buhok? Tapos maputi at simple lang? Yong ka-blockmate natin? Na may dalawang babaeng kaibigan at isang bading? Siya ba? Mr. Klint James?" nagtatakang tanong ni Vince sa akin. "Paano mo nalaman na siya?". nagtataka kong tanong sa kanya. "Bro, na-notice ko kaya kanina, on how you look at her, para kang na-hypnotize.. Hahahaha". pabirong sabi ni Vince sa akin. "Sige na bro, ituloy na natin ang practice." sabi ko sa kanila para naman matapos na ang aming topic baka may makarinig pa. -End of Throwback- Di po ako mahilig ng SOCCER pero heto pa rin ako kasi nga dinala ako ni May. Sa di kalayuan, nakita ko si "deadma girl" parang ang saya niya tuwing maka-GOAL si "Jersey#15", may crush ba siya sa lalaking ito? Pero infairness, gwapo rin si #Jersey15 mataas at maputi. Pero syempre ako pa rin, ang CRUSH ng CAMPUS kaya Sorry nalang kayo mga pare.."Hahaha". "Ok kalang babe?" tanong ni May sa akin. Tumatawa kasi ako ng mag-isa. "Ok lang ako. Don't worry." sagot ko kay May habang tinitingnan ko si "deadma girl". "Oppss, bakit nakasimangot si deadma girl habang tumititig sa akin? Hahaha Nagseselos ba siya? Dahil may babae akong kasama? So ibig sabihin, CRUSH niya ako!"Haha.. nakangiti kung bulong sa sarili. Nababaliw na ata ako. Kaloka!.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Frinzes Norrien Sunga
goods
25/07/2023
0
MoitJosephine
ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist
goods
25/07/2023
0ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist
05/08/2022
0ang ganda nya
24/07/2022
0Tingnan Lahat