logo text

Chapter 22: Travel Goals

"Sa di inaasahang pagkakataon, makakasama at makakausap mo na ang taong iyong kinasasabikan."
-Evah Lynne POV-
Masaya ako kasi, nandito si Zach sa bahay namin dinalaw ako. Happy rin ako dahil buhay siya. Akala ko kasi kanina totoo yong panaginip ko.
Nandito kami ngayon sa Mall ni Ivan. Plano kasi namin ni Zach na dalawin yong mga bata na sina Ben, Liza at Bert.
" Part, may sorpresa ako sayo today." excited na sabi ni Zach sa akin.
" Really? Ano naman yan part? Sabihin mo na sa akin, please." pagmamakaawa ko kay Zach.
" May surprise ba na sinasabi Evah Lynne?" tanong ni Zach sabay kunot ang noo.
" Sige na nga! Sungit! Pasalamat ka, mabait ako ngayon. Hehe." nakangiti kong saad sa kanya.
" Tita Evz, friend niyo ba ang pupuntahan natin today?" tanong ni Xandra sa akin.
" Kakilala lang Xandra baby." sagot ko.
" Ok po." saad nito.
" Part, tama na ba tong pinamili natin?" tanong ni Zach sa akin.
" Tama na siguro to, part. Let's go na pacounter na tayo." anyaya ko sa kanila. Binilhan namin sila ng groceries good for 1 month o di ba? Bongga?
" Wow, ang rami naman nito, Tito." masayang sabi ni Xandra.
" Oo, kasi kawawa yong mga baby. Kasing edad mo lang sila Baby Xand.. Kaya naawa si Tito." nakangiti niyang saad sa bata.
" Wow, ang bait talaga ng Tito ko. I love you Tito." sweet na sabi ng bata.
" I love you too, babies." sagot niya.
" Bakit babies? Isa lang naman ako?" taray na tanong ni Xandra.
" Kasali na si Tita mo dyan! Haha" masayang sagot ni Zach.
" Wow, ang sweet naman ng lovebirds!" putol ng isang lalaki walang iba kundi si Ivan.
" Uy! Bro? Kumusta?" tanong ni Zach sa kanyang bestfriend na playboy.
" Ok lang naman! Habulin ng mga chicks pa rin!" yabang nitong sagot.
" Di ka parin nagbabago, Bro!" saad ni Zach sa kanya.
" Owz! Ang taray talaga ng asawa mo Bro! Di ako binabati." tukso ni Ivan sa akin.
" Paki mo? Yabang mo eh!" di ko mapigilang sagot sa kanya.
" Haha! No wonder kung bakit mataray rin si Marjoy! Haha" natatawang sabi nito.
" Shut up! Ivan! Don't mess up my sister or else I will kill you!" banta ko sa kanya. Alam ko kasing playboy siya.
" Wow, swerte kaya ng sister mo sa akin!" yabang nitong sagot.
" Swerte financially but malas emotionally kasi playboy ka!" sagot ko sa kanya.
" Bakit ba napaka-judgemental mo naman sa akin Ate Evz.. Hehe" sabi nito sabay peace sign.
" Don' t call me Ate! You're not my brother!" taray kong sagot.
" Yeah! I'm not your brother but future brother-in-law, Haha" tawa niyang sagot. Di talaga to titigil si Ivan sa akin kaya may naisip akong paraan.
" Ganoon ba Bro? Sige give us 99% discount sa pinamili namin. Haha" tawa kong sabi sa kanya.
" Sure, No prob'z. Ako na ang magbabayad nito." sagot niya sa akin sabay abot sa cashier ng VIP card niya.
" Haha! I'm just kidding, Ivan!" tawa kong sabi sa kanya.
" Miss, huwag mong gamitin ang card ng boss niyo, binibiro ko lang siya. Here's my card." sabay abot sa card ni Zach sa cashier. Nasa akin kasi ang card ni Zach.
Matapos kaming magbayad kumain muna kami sa restaurant, syempre libre ni Ivan.
" Thanks sa food, Ivan!" pasalamat ko sa kanya.
" You're always welcome,Ate." nakangiti nitong sagot sa akin.
" Don't call Tita Evz, Ate because you look older than her!" xandra said while glaring at him.
" Ok! Sorry Baby Xandra." sagot naman ni Ivan na ikinakatuwa ko.
Pagkatapos naming kumain, hinatid kami ni Ivan sa parking area.
" Bye bro, thank you sa libre mo today." pasalamat ni Zach kay Ivan.
" You're welcome." sagot nito.
" Bye rin Baby Xandra and Sis, Evz." nakangiti nitong sabi.
Di na kami nagsasalita, nag-WAVE na lang kami sa aming kamay. Ito talagang si Ivan, napakayabang. Huminto kami sa bungalow na bahay.
" Part, bakit dito tayo nagpark?" tanong ko kay Zach.
" May dadalawin lang ako, saglit." sagot nito. Paglabas ni Zach, may tatlong bata na lumabas.
" Bakit, nandito sila Ben?" nagtataka kong bulong. Kaya lumabas na rin kaming dalawa ni Xandra.
" Part? Anong ibig nitong sabihin?" tanong ko kay Zach pero di ito sumasagot instead ngumingiti lang ito.
" Hi, Ate ganda!" bati sa akin ni Ben.
" Bakit kayo nandito?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
" Binilhan kami ni Kuya Pogi ng bahay kaya ang saya-saya ni Mama, at si Mama naman may work na, binigyan ni Kuya Pogi." masayang kwento ni Ben sa akin.
" Part, ito na ba ang surprise mo sa akin?" tanong ko sa kanya at tumango lang ito kaya sa sobra kong saya, niyakap ko siya ng mahigpit sabay bulong " THANK YOU!"
" You are always welcome my dear." sabay halik sa aking noo. Kaya naisip ko na wala na akong mahihiling pa kay Zach dahil lahat ng pangarap ko ay tinutupad niya.
Lahat ng binili naming groceries kinuha namin sa kotse ni Zach at mga damit na pasalubong niya sa mga bata galing Manila.
" Sir Zach at Ma'am Evah salamat talaga sa inyo. Nang dahil sa inyo nagbabago ang buhay namin." pasalamat sa amin ni Aling Pacita.
" Walang anuman po." sagot naming dalawa ni Zach.
Naghanda sila ng pagkain sa amin, order raw ni Zach na mag-boodle fight kami. Pagtingin ko sa table puno ito ng pagkain. May letsong baboy sa gitna at napaligiran ito ng mga crabs. Meron  ding hipon, letsong manok, fried chicken, barbecue, sinigang na bangus, sinugbang isda, chopsuey, pancit canton at mga dessert. Meron din itong hot and spicy sauce. Kaya mapa-wow ka talaga. Sa isang tingin ko lang sa mga pagkain, busog na ako.
Matapos kaming kumain, umuwi na kami.
" Aling Pacita, salamat sa mga handa niyo. Busog na busog talaga ako." pasalamat ko kay Aling Pacita.
" Pera ho yan ni Sir Zach maam." nahihiyang sabi ng matanda.
" Ok lang! I mean sa preparation niyo. Sobrang sarap." nakangiti kong saad.
" Thank you Maam, and Sir Zach utang ko sayo ang buhay namin ng aking mga anak." pasalamat ng matanda kay Zach. Tinulungan rin kasi ni Zach ang mga bata na makapag-aral binigyan niya ito ng scholarship. Ganoon kabait si Zach kaya di ko siya kayang iwan. Iiwan ko lang siya kung ayaw na niya sa akin.
" Wala pong anuman, Aling Pacita. Masaya ako kahit papano nakatulong ako sa inyo. Sige po, aalis na ho kami." paalam ni Zach sa matanda. Bago kami umalis yumakap muna ang mga bata sa amin at si Aling Pacita.
Habang nasa kotse na kami.
" Zach, maraming salamat kasi napasaya mo ako today. I'm very proud of you." masayang sabi ko sa kanya.
" Wow, thank you part. Ngayon ko lang narinig na proud ka na sa akin ah!" namangha niyang sabi.
" Well, di kasi basta-basta ang ginawa mo. Di mo sila ka-ano-ano pero binigyan mo sila ng bahay, trabaho at scholarship sa mga bata." paliwanag ko.
" Deserved nilang gumanda ang buhay part, mahirap maging mahirap. Naranasan ko dating magutom kaya tubig nalang ang iniinom ko. Kaya kapag nakakita ako ng mga batang nanlilimos. Maawa talaga ako. Gusto kong tumulong dahil tinulungan rin ako dati kaya ako naging CEO ngayon." kwento ni Zach sa akin.
" Di ba marami namang pera ang Ate mo?" tanong ko sa kanya.
" Nong naghiwalay tayo, umalis ako sa bahay ni Ate, nag-abroad ulit ako. Pero ang hirap ng buhay doon, mabuti nalang at may mabait akong amo pero strikto ito. Sa isang pangyayari nagbago ang buhay ko. May matandang lalaki kasi akong natulungan." patuloy niyang kwento.
" Sino naman ang matandang yon?" usisa ko sa kanya.
" Boss ko. Inatake siya habang nag-swimming sa pool. Kaya mabilis ko siyang dinala sa hospital. Driver niya kasi ako, at that time kami lang dalawa sa bahay niya dahil rest day ng katulong niya at ako naman nag-carwash sa sasakyan niya. Mabuti nalang at nauuhaw ako kaya pumasok ako sa bahay pero bago ka makapasok sa bahay niya, madaanan mo muna ang swimming pool niya, at nakita ko siyang kumakaway sa akin sa pool parang nanghihingi ng tulong at hawak2 niya ang kanyang puso. Kaya di ako nagdadalawang isip na tumalon at kinuha siya at sinakay siya sa kotse. Kahit di ko pa natapos ang paglinis ng kotse marami pa itong bubbles ng sabon ang sasakyan, yon ang ginamit ko. Kaya lahat ng madaanan namin tumitingin ito." natatawa nalang niyang kwento.
" Namatay ba siya?" nalulungkot kong tanong.
" Hindi! Buhay pa siya until now, pagkatapos ng 1 year contract ko. Pinauwi niya ako sa pinas at binigyan ng sarili kong company. Pasasalamat niya sa akin. Di ko akalain na ang boss ko ay isa palang billionaire sa kanila. Simple lang kasi siya kaya di ko alam na sobrang yaman pala nito." masaya niyang kwento.
" May communication pa ba kayo until now?" tanong ko kay Zach.
" Oo naman, palagi siyang tumatawag sa akin. Nangungumusta sa status ng company natin." patuloy niyang sabi.
" Ok! Napakabait mo kasi Zach kaya ka pinagpala." nakangiti kong sabi.
" Part, isama mo bukas si Marjoy at Mama mo. Dahil isama ko rin si Ivan." nakangiti niyang sabi. Pupunta kasi kami bukas sa beach.
-KINABUKASAN-
" Part, bakit ganyan ang soot mo?" nakakunot noo niyang tanong sa akin. Nakasoot na kasi ako ng swimsuit kulay pink. Pareho kami ni Xandra.
" Di ba nasa beach tayo?" taas kilay kong sagot.
" Oo, pero di kaaya-ayang tingnan." sabay titig sa katawan ko.
" Haha! Sige na nga! Kukuha lang ako ng short baka pagnasaan mo ako." natatawa kong sabi sa kanya. May makurba kasi akong katawan kaya walang lalaki na di mapatingin sa akin.
" Ok! Good. Nakita mo ba si Ivan?" tanong ni Zach sa akin.
" Nandoon sa cottage kausap si Mama at Marjoy." sagot ko.
" Xandra baby, kuha muna ako ng short nagagalit kasi Tito mong masungit. Sama ka ba?" tanong ko.
" Ikaw nalang Tita, I will guard Tito here baka may babaeng lumalandi. Haha" natatawang sabi ng bata.
" Good idea! Baby!" natatawa kong sagot.
Tinuruan ako ni Zach lumangoy, di kasi ako marunong. Mabuti pa si Xandra ang galing lumangoy. After 3 hours of teaching, natuto rin ako pero slight lang. Hahaha
" Part, h'wag kang matakot sumisid. Nandito lang ako, Ok?" paalala ni Zach sa akin.
" Huwag mo akong iwan dito ha? Lagot ka talaga sa akin, Zachary!" paninigurado ko sa kanya. Alam kong napapagod na siya sa katuturo sa akin.
" Yes! Madam." nakangiti nitong sabi.
Sinubukan ko lahat ng tinuro niya sa akin, di ko namalayang marunong na pala ako. Dapat talaga may FOCUS.
" Wow, congrats. Part!" masaya niyang bati sa akin.
" Thank you, my mentor! Ang galing mo kasing magturo." sabi ko na nakangiti.
" Part, nasabi ko ba sayo na hindi free of service ang pagturo ko sayo?" seryoso nitong sabi sabay pout.
" Ha? Hindi mo kaya sinabi sa akin." inosente kong sagot sa kanya. Alam ko ang iniisip niya kaya hinalikan ko siya sa lips pero smack lang ha?
" Thank you part, for making my day happy. Isa to sa mga bucket list ko. Na matutong lumangoy kaya I'm very grateful." sabay halik sa kanya pero smack lang ha?
" It's my duty to serve my queen. I am the happiest man when I fulfill all your dreams." sabi nito sabay halik sa noo ko at sa lips then hug.
" Wow, ang sweet naman ng lovebirds" tukso ni Ivan sa amin.
" Paki-mo! Selos ka lang!" taray kong sagot kay Ivan sabay irap.
" Bakit naman ako magseselos? May Marjoy naman ako. Haha" natatawa  nitong sabi.
" In your dreams!" taray kong sabi.
" Tayo na nga part, nagugutom na ako." sabi ko kay Zach sabay kuha sa towel ko.
" Bro, look up! H'wag mong tingnan ang Misis ko!" utos ni Zach. Tumitingin kasi si Ivan sa akin.
" Bro naman, di ko type misis mo! Haha" biro ni Ivan.
" Mas lalo na ako! Di kita type at sa kapatid ko!" galit kong sabi.
" Wala namang ganyanan, Sis!" nakangiti nitong sagot sa akin.
" Whatever!" sabay irap sa kanya. Tinamad akong makipag-away kay Ivan.
Masaya kaming kumakain, dahil masasarap lahat ang pagkain na dinala namin. Si Xandra naman busy sa picture taking kasama si Marjoy kanina habang tinuturuan ako ni Zach lumangoy.
Gabi na nang dumating kami sa bahay namin. Pero gusto ni Zach, na kaming lahat sa bahay niya matutulog. Dahil uuwi na siya bukas. Kaya dumiretso na kami sa bahay niya.
Dahil pagod na kaming lahat, natutulog na ang lahat marami kasing room sa bahay namin ni Zach. Kaya si Marjoy, Ivan, Mother ko, may sariling kwarto. Except kay Xandra, sa kanyang Tito kasi to natutulog.
May sarili rin akong kwarto, syempre. Kami nalang dalawa ni Zach ang naiwang gising pa. Nasa rooftop kami ngayon.
" Part, thank you sa lahat-lahat." pasalamat ko sa kanya.
" You are always welcome, my dear. Basta mag-ingat ka dito ha?Next week kasi busy na ako." nalulungkot niyang sabi.
" Oo naman, bakit busy kana?" tanong ko sa kanya.
" May new project kami with my new investor." walang emosyon niyang sabi.
" Yong babae ba?" nagseselos kong tanong sa kanya.
" Oo." tipid niyang sagot sabay tango.
" Basta part, yong sabi ko sayo. Iwasan mo ang mga malalanding babae ha? Lagot ka sa akin." biro ko sa kanya. Pero bakit parang kinabahan ako? Bakit parang may masamang mangyayari?
" I'm all yours part, kahit di tayo magkatuluyan sa iyo parin tong puso ko." malungkot niyang sabi sabay hug sa akin.
" Aanhin ko ang puso mo, kung iba naman ang nagmamay-ari ng katawan mo!?" nalulungkot ko ring sabi sa kanya. Kinabahan kasi ako sa pwedeng mangyari sa susunod na araw.
" Basta, stay strong lang tayo. Goodnight, I love you." malambing na sabi ni Zach sa akin sabay bulong.
" I will never forget this day and night that we've shared the happiness we both long before. I am very much happy that I fulfilled some of your dreams. I love you and I will never replace you no matter what." namalayan ko na lang na may mga butil ng mga luha na dumadaloy sa pisngi nito.
" Part? May problema ba tayo?" naiiyak ko na ring tanong sa kanya.
" Wala naman. Nararamdaman ko lang na ito na ang huli nating pagkikita." naiiyak niyang sabi sa akin.
" I hate you! Di ba sabi mo sa akin. Di mo ako iiwan?" umiiyak kong sumbat sa kanya. Kinakabahan kasi ako dahil naalala ko ang panaginip ko.
" Haha! Just kidding my dear. Thank you for loving me. Matulog na tayo" sabay pahid sa aking mga luha. Pero nababasa ko sa mga mata niya na may tinatago itong lungkot.
Di ako nakatulog magdamag dahil naalala ko ang sinabi ni Zach sa akin.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Frinzes Norrien Sunga

    goods

    25/07/2023

      0
  • avatar
    MoitJosephine

    ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist

    05/08/2022

      0
  • avatar
    Wenandriasuzzaine Castillon

    ang ganda nya

    24/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata