logo text

Chapter 21: Dinner with Him

"Minsan sa kakaisip mo sa isang tao, pati sa panaginip, makikita mo siya."
-Evah Lynne POV-
Sinundo ako ni KJ sa aming bahay.  As usual ang gwapo ni KJ tingnan pero sorry siya kasi TAKEN na ako. Mahal ko naman talaga si KJ pero may mga bagay na kailangan mong magpaubaya para sa ikaliligaya ng ibang tao. Tawagin man nila ako ng kong ano-ano basta wala akong sinasaktang tao. Ginawa ko lang ang tama para sa lahat kahit masaktan ko ang aking sarili.
" Miss my house Evz?" tanong sa akin ni KJ na nakangiti. Alam kong masaya siya dahil pumayag ako na samahan siya ngayong Dinner.
" Medyo, hmmm" sagot ko sabay taas ng kilay.
" Mauna ka na sa roof top, may kukunin lang ako." payo niya sabay alis.
Wala paring nagbabago sa bahay ni K.J. Akala ko dati, di na ako makakabalik dito. Nasa roof top ako ngayon at tanaw ko ang buong subdivision. Nakikita kong may kotseng pumasok sa gate. At may babaeng lumabas. Di ko masyado nakita ang mukha niya pero alam kong maganda ito at may magandang katawan.
Sinalubong ito ni K.J at hinalikan. Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero bakit nasasaktan ako at nagseselos? May boyfriend na ako pero bakit masakit pa ring makita si K.J na may ibang babae ito?
Kung alam ko lang na may ibang babae palang kasama si K.J di na ako nag-abalang pumunta dito. Aalis na sana ako ng may tumawag sa akin.
" Evz, saan ka pupunta?" tanong ni KJ na nakangiti.
" Mag-C-CR lang sana." alibi ko pero gusto ko nang umuwi.
" Halika, samahan na kita." anyaya niya sa akin. Pero bakit parang wala lang sa kanya? Bakit di niya sinabi sa akin na may kasama pala siyang babae dito. Pero sino naman ako? I'm just his former workmate.
" Ok! Salamat." pasalamat ko sa kanya pero pumasok lang ako ng CR para tingnan ang mukha ko. Namumula na pala ang mata ko.
Paglabas ko ng C.R.
" Evz, Ok lang?" nag-alala niyang tanong.
" Oo, Bakit?" inosente kong tanong.
" May napapansin lang ako. Tayo na sa itaas." utos niya.
Tahimik kaming kumakain ni K.J. Nagtaka lang ako kung bakit di niya pinasama dito yong babae na bago lang dumating. Gusto ko sanang tanungin si K.J. about sa babaeng dumating pero baka masasaktan lang ako sa aking maririnig.
" Evz, bakit sa pangalawang pagkakataon, siya pa rin ang pinili mo?" nalulungkot niyang tanong. Nabigla ako sa tanong niya mabuti nalang at madali lang akong makaisip ng rason.
" May mga bagay kasi Keej na di mo inaasahan na mangyayari. Ako kasi yong tao na kung pumili alam kong walang sabit." diretso kong sagot sa kanya.
" Bakit Evz? May gf ba ako? Kung makapagsalita ka parang may sabit ako! I'm single." nakakunot-noo niyang tanong.
" Haha! Ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong mo Keej." sabi ko sabay smirk.
" Nasa sayo yan! Kung ayaw mong maniwala. Pero bakit ko naman ipagpilitan ang sarili ko sayo, may bf ka na! Masaya ka na! Siguro panahon na para ako naman ang sumaya." sabi ni K.J sabay buntong hininga.
" Keej,.." sambit ko sa pangalan niya.
" Sorry Evz ha? Nasasaktan lang kasi ako dahil hindi ka marunong magsabi ng totoo. Palagi mo nalang akong pinapahula! Hindi ko naman talaga malalaman ang dahilan kung bakit si Zach na naman ang pinili mo, wala naman akong masamang ginagawa sayo." dismayado niyang sabi.
" Kung alam mo lang, Keej! Pero kahit sasabihin ko sayo ang totoo. Walang magbabago dahil may boyfriend na ako! Masasaktan ko lang si Zach." seryoso kong sabi sa kanya. Nagbulag-bulagan lang naman si KJ. Kitang-kita ko sa aking dalawang mga mata na may kahalikan siya sa Mall.! Di pa niya sasabihin! I hate Liar!
" Tama ka! Para saan pa? Pero sana man lang, sasabihin mo sa tao ang dapat niyang malaman! Mga hinanakit mo! Para makatulog ka ng mahimbing! Di puro pag-alala. Di lahat ng iniisip ng tao ay TAMA!" galit niyang sabi sa akin. Alam kong pinaparinggan niya ako pero bahala siya.
" Sorry Keej, pero di tayo bagay!" sabi ko sa kanya pero muntik ng mahulog ang luha ko dahil nasasaktan ako. Ngayong abot kamay ko na ang taong pangarap ko bakit kay ilap ni tadhana para sa aming dalawa?
" Haha! Funny, Sana noon mo pa sinabi yan Evz para naman di ako umaasa na someday tayo pa rin sa huli! Pinaasa mo ako eh!" sabi ni KJ sabay punas sa kanyang mga luha.
" Keej, di kita pinapaasa! Di ba ikaw pa nag-offer sa akin noon na maging bf kita for 1 week.?" naiiyak kong sagot sa kanya pareho kaming nasasaktan ngayon.
" Sorry Evz, dahil ako lang pala ang umaasa sa ating dalawa! Ako lang pala ang nagmahal sa ating dalawa! Masakit Evz, dahil nasasaktan akong makita kang masaya kasama si Zach, siguro karma ko na ito noon, dahil marami akong babaeng pinapaiyak! Sorry, kasi minahal kita ng ganito!" emotional niyang sabi sa akin.
" Keej, alam mo naman from the start, na crush kita di ba? Na ikaw ang dreamboy ko? Pero pinili mo pa ring di ako pansinin!? Ngayong may lalaking nagmamahal sa akin ng totoo, sasabihin mo sa akin na pinapaasa kita? Unfair mo naman keej!" nasasaktan kong sumbat sa kanya.
" Sorry Evz, selfish lang talaga ako! Promise, hindi mo na ako makikita! Di na kita guguluhin pa! Babalik lang ako dito sa Pinas kung may asawa na ako. Para masaya na tayong dalawa. Salamat sa pagmamahal mo noon, pasensiya ka na kung huli na akong dumating. Pero sana mahalin mo rin ang iyong sarili! Choose your happiness always. I love you, Evz." sabi nito habang tumititig sa akin na tumutulo ang mga luha. Pero bakit gusto ko siyang pigilan umalis? Paano na si Zach?
" Keej, pinapahirapan mo na naman ako! Bakit kahit walang tayo, nasasaktan pa rin ako? " umiiyak ako sabay hampas sa kanya.
" Sorry, sinabi ko lang sayo ang dapat kong sabihin for the last time. Dahil next time na magkikita pa tayo, baka may magalit na sa akin kung kakausapin pa kita." sabi nito sabay pahid sa aking mga luha.
" Keej..." sambit ko.
" Evz, saan na yong kwentas na binigay ko sayo?" tanong niya sa akin pero di ko sinabi na sinusoot ko, may collar kasi ang sinoot kong shirt kaya di niya ito nakita.
" Bakit?" taray kong tanong.
" Kunin ko na sana para ibigay ko sa aking future wife." seryoso nitong sabi.
" Kung ayaw ko?" taas kilay kong sabi sa kanya. Ano siya hello? Binigay niya ito sa akin tapos ngayon babawiin niya? Di ako papayag don!
" Di ikaw ang papakasalan ko! Hihintayin kita hangga't di ka pa kinakasal." seryoso nitong sabi. Ano pala ang meron sa kwentas nato? Tanong ko sa aking isip.
" Ano pala ang meron sa necklace na yon?" curious kong tanong.
" Secret!" tipid nitong sagot.
" Hoy! Klint James! Dapat kung magbigay ka ng regalo! Di mo na kinukuha! Hmppff" taray kong sabi.
" Ok! My princess!" nakangiti na nitong sagot sa akin. Pero bakit ko naman i-keep  tong kwentas niya? Kung si Zach naman ang bf ko? Pero bahala na.
" Keej, pasensiya na ha? Don't worry, kahit di tayo magkatuluyan you are always my first love na kahit kailan di naging boyfriend! Haha funny talaga! ." sabi ko sa kanya.
" Sana ako nalang ang first and last love mo!" nalulungkot nitong sabi.
" Sana nga! Pero di boto sayo si DESTINY kaya shut up nalang tayo.Hehe" nakangiti kong biro sa kanya.
" Kahit kailan! Palabiro ka pa rin! Halika na! Ihahatid na kita." anyaya nito sa akin.
" Ok! Salamat sa dramatic dinner natin, Keej." pasalamat ko sa kanya sabay ngiti.
" Haha! Thank you rin sa pagpunta dito." sabay hug sa akin. Hinayaan ko nalang siya dahil alam ko, ito na ang huli.
" Evz, pwede ba driver ko na lang ang maghahatid sayo?" tanong sa akin ni K.J. Bakit ayaw niya akong ihatid.
" No! Ayaw ko! Gusto ko ikaw!" sabi ko. Gusto ko pa kasi siyang makasama kahit sandali lang.
" Gusto rin kita!" sagot niya kaya sabay kaming tumawa.
" Ikaw talaga Keej!" sabay irap sa kanya.
Tahimik kami ngayon sa kanyang sasakyan, hanggang sa dumating na kami sa aming bahay.
" Thank you sa paghatid.!" paalam ko sa kanya pero di siya nagsasalita.
" Hey! Keej! Di ba ok tayo? " tawag ko sa kanya pero umalis na ito. Kaya napabuntong hininga na lang ako.
" I hate you, Keej!" sabi kong mag-isa dahil umalis na siya! Wala man lang goodbye!
Pagpasok ko sa aking kwarto, di ko maiwasang maluha. Bakit ganoon pa rin ang epekto ni K.J sa akin. May bf na ako kaya kalimutan ko nalang si K.J. Tiningnan ko muna ang aking cp pero marami na palang message at call si Zach pero di ko ito napansin. Kaya tinawagan ko siya pero iba ang sumagot.
Zachary message:
* Part, umuwi ka na ba?
* Kumusta ang dinner with your dreamboy?
* Ingat ka always part.
* I love you, part.
* Part, pahatid ka kay K.J baka pagnasaan ka ng driver niya.
* Part?
10 MISSED CALL.
" Hello? Tita, ikaw ba yan?" tanong ni Xandra sa akin. Naka-off kasi ang CAM ko.
" Oo, bakit gising ka pa? "  tanong ko sa bata sabay ON sa cam ng videocall namin.
" Lasing kasi si Tito at inutusan niya ako kapag tumawag ka, sasagutin ko! Baka raw magalit ka kung di niya sasagutin." sabi ng bata. Kaya naaawa ako kay Xandra at the same time nahihiya. Ito talangang si Zach pati pamangkin niya dinadamay.
" O.M.G! Sige matulog ka na! Baby Xandra. Huwag kang maniwala sa Tito mo. I love you!" sabi ko. 10pm na kasi at gising pa si Xandra. Bakit na naman naglalasing si Zach, sino na naman kaya ang kasama nito.
" Ok! Tita. I love you too. Góodnight! Pero may secret ako sayo, hwag mong sasabihin kay Tito ha? " sagot nito sabay kwento sa akin about kay Zach.
" Sure, ano yan baby girl?" curious kong tanong sa kanya. Di ko masisi si Xandra dahil sobrang mahal nito ang Tito niya.
" Nakikita ko siyang umiiyak kanina, nag-aaway ba kayo tita?" worried niyang tanong sa akin.
" Nope! Di kami nag-aaway!" sagot ko sa bata na nalulungkot.
" Mabuti naman, Tita do'nt hurt Tito ha? I know, mahal na mahal ka niya. Kaya sana, mahalin mo rin siya at di mo siya iiwan. I trust you Tita." sabi ng bata at sumigla na ito.
" Thank you sa pagtitiwala Xandra." sagot ko pero di ako sure kung matutupad ko ang sinabi ni Xandra. Kinabahan ako sa sinasabi ng bata. Ayaw kong magalit si Xandra sa akin. Love ko na kasi si Xandra dahil napakabait nito sa akin.
" You're welcome Tita. Goodnyt!" sabi ni Xandra sabay end call.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, di ako mapalagay! Maraming katanungan na ni isa, walang may balak sumagot.
Baliw na siguro ako!
-KINABUKASAN-
Pakiramdam ko may tumititig sa akin, di ko lang makita dahil nakapikit ang mata ko. Pagod talaga ako. Physically and emotionally.
" Good morning part." narinig kong may bumabati sa akin pero emposible namang nandito si Zach ang layo ng Manila kaya di pa rin ako dumidilat.
Nagtaka nalang ako dahil may dumadamping labi sa aking pisngi, sa pagkagulat ko. Itinulak ko ito palayo.
" Part? Nandito ka? O paniginip ko lang to?" tanong ko habang sinampal ko ang aking pisngi pero gising na talaga ako.
" Hey! Ako to, si Zach na mahal na mahal ka!" biro niya sa akin dahil kay Natoy yang linya.
" Ikaw talaga Zach, Natoy lang ang peg?! Hmppff" irap ko sa kanya.
" Di ka ba masaya na nandito ako? It seems that your mad looking at me." nasasaktang saad ni Zach.
" No! I'm not mad! I'm just shocked! Sabi nga nila magbiro ka lang sa lasing huwag lang sa bagong gising!" I said glaring at him.
" Ok! Sorry! I will go to my house na lang!" Zach said in an emotional way then left me alone in my room. Char! Bakit english ako ngayon besh? Wrong grammar naman! Haha
Hindi ko na siya sinundan, ang totoo. Inaantok pa ako, gusto ko pang matulog. Hindi ko na pala napansin ang oras, it's 12 noon kaya gumising na ako.
Paglabas ko sa aking kwarto, nakita kong maraming dala si Zach. As usual, kahit noong mahirap pa siya, kahit wala siyang pera may pasalubong talaga ako kapag dumating siya. Kaya di ko siya kayang saktan. Mahal ko naman talaga si Zach pero mas mahal ko si K.J basta naguguluhan na ako.
Si K.J mahal na mahal ko pero si Zach mahal ko rin pero di ko kayang iwan siya. Di ko gustong makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin dahil napakabait niya. I'm not perfect as his gf but I'm trying to be. Masusuklian ko lang yon kung faithful ako sa kanya.
Gusto ko siyang, i-surprisa at humingi ng sorry sa attitude ko kanina. Kaya pinuntahan ko siya sa bahay namin! Char! Sabi niya eh! Bahay namin.
Pagdating ko, napapansin kong parang walang tao dahil napaka-solemn ng place. Kaya ako na lang ang nag-open ng gate at hihintayin ko na lang siya sa loob baka may binili lang.
Lumipas ang isang oras tinawagan ko siya dahil di pa ito dumating. Pero may isang boses babae na sumagot.
" Hello? Sino po sila?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko that time pero I still manage to answer that girl.
" Asawa niya! Saan po Zach?" taray kong sagot sa babae.
" Sorry Maam, wala na po si Sir Zach. Naaksidente po siya kanina. Dead on Arrival na po siya. Nandito po kami sa hospital pakikuha na lang sa bangkay. Salamat." sabi ng babae sabay end sa call.
" Saang Hospital?" nataranta kong tanong pero di na ito sumagot kaya umiyak ako ng umiyak.
" Zach, sorry. Sana di na kita inaway kanina." humagulgol ako ng iyak. Nagsisisi ako sa aking ginawa. Ang sakit-sakit.
" Zach, bakit mo ako iniwan?" iyak kong tanong sa kawalan.
Nagising ako sa malakas na katok ng aking pintuan.
" Panaginip lang pala yon? Thanks God." pasalamat ko kay God pero may luha talaga ako sa aking pisngi. Totoo palang umiyak ako at ang kabog ng puso ko ang lakas.
" Ate, gising! Anong nangyari sayo?" tawag sa akin ni Marjoy sa labas ng pinto.
" Wala! Nanaginip lang ako." sagot ko sabay tawag kay Zach dahil kinabahan talaga ako. Pero di ito macontact sa messenger. Kaya sa number na lang niya ako tumawag.
Matagal itong sumagot, kaya malakas pa rin ang kabog ng aking puso.
" Hello? Tita ikaw ba 'to?" tanong sa akin ng bata, alam kong si Xandra ito.
" Oo, Xandra? Good morning. Saan ang tito mo?" tanong ko sa kanya.
" Good morning too, Tita. Umalis na po si Tito, naiwan niya ang cp niya dito na naka-charge." sagot ng bata sa akin.
" May number ka ba sa office niya?" kinabahan kong tanong.
" Sorry, Tita. Wala po. Tita, bye muna ha? Maliligo muna ako." paalam nito sa akin.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko, ang lakas pa rin ng kaba ng dibdib ko. Di ako mapalagay kong di ko siya makausap ngayon. Namalayan ko na lang, tumutulo na pala ang luha ko.
" Di ko talaga kaya kung may mangyaring masama kay Zach." iyak kong sabi.
Nahihiya akong tumawag ulit, kaya nagtext na lang ako sa kanya na kung dumating na siya, tawagan ako. 5 hours na ang lumipas wala pa ring Zach na tumawag sa akin.
Kaya nagbihis na ako, para pumunta sa bahay niya. Baka may number doon sa office niya. Paglabas ko ng kwarto.
" Surprise!" bati sa akin ni Zach kasama si Xandra.
" Pinaprank nila ako?" bulong ko.
Pero di ako nagdadalawang isip na yumakap kay Zach.
" Hey! Anong nangyari part?" tanong niya sa akin. Nagtataka siya dahil di ako yumayakap sa kanya sa maraming tao.
" Basta, mag-iingat ka sa pag-drive always ha? Nanaginip kasi ako." seryoso kong sabi sa kanya.
" Basta ok lang tayo, Di mo ako aawayin. I will drive safely." nakangiti niyang sabi sa akin.
Pero bakit parang nagkatotoo ang panaginip ko na dumalaw sa akin si Zach?. Kinakabahan ako sa aking naiisip. Sana safe lang kaming lahat.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Frinzes Norrien Sunga

    goods

    25/07/2023

      0
  • avatar
    MoitJosephine

    ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist

    05/08/2022

      0
  • avatar
    Wenandriasuzzaine Castillon

    ang ganda nya

    24/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata