logo text

Chapter 20: Unexpected Visitor

"Pinagtagpo man kayo ng tadhana pero hanggang kaibigan lang."
-Evah Lynne POV-
Umuwi na ng Manila si Zach dahil may aasikasuhin pa siya sa aming company. Yes! Company namin sabi niya. Hehe Pero binigay niya sa akin ang susi ng kanyang bahay dito, kaya minsan doon na ako matutulog pero di ako makatulog masyado sa bahay niya kasi lalo ko lang siyang mamimiss. The night before siya umalis.
-Flashback-
Nandito kami ngayon sa bahay niya. Dito rin natutulog sila Ate Jhana at Xandra.
"Part, thank you kasi pumayag ka na dito matulog tonight." masayang sabi ni Zach sa akin.
" Syempre naman ganda kaya ng room ko dito. Hehe At saka matanda na ako no? Hmppff" saad ko kay Zach na kinakatuwa niya.
" Part, ready ka na bang magpakasal tayo?" tanong niya sa akin na ikinabigla ko.
" Ahm, bago pa kaya tayo Zach.. Enjoy muna natin ang ating buhay. Please?" pagsusumamo ko sa kanya.
" Ok! " tipid niyang sabi sabay halik sa aking noo.
" Part, ok lang ba ang office ko?" tanong ko sa kanya.
" Oo, pero kailangan mo na yong ipa-renovate." utos ni Master.
" Oo, bukas iparenovate ko na yon." sagot ko.
" Part, what if liligawan ka ulit ni K.J?" seryoso niyang tanong.
" Sabihin ko sa kanya na ikaw ang mahal ko! Bakit?" tanong ko sa kanya. Alam ko insecure na naman si Zach.
" Wala lang! Gusto ko lang malaman!" sabay hug sa akin.
" Part, laro na tayo. Gusto kong gamitin tong computer ko. Hehe" anyaya ko sa kanya.
Masaya kaming naglalaro ni Zach ng "PUBG" actually nag-duo kami. Around 11pm, inaantok na ako.
" Part, matulog na ako. Inaantok na ako eh!." sabi ko sa kanya sabay higa sa malambot na kama sa aking new room.
" Ok! Goodnight. Iloveu part." sabi niya habang busy sa kakalaro.
" Iloveu too. Goodnight. Lock mo nalang ang pinto." sabi ko sabay pikit ng aking mata.
Few hours later, nagising ako dahil feeling ko may yumayakap sa akin.
" Part? Bakit nandito ka?" kinabahan kong tanong sa kanya dahil dito rin pala siya natutulog sa kama ko.
" Part, please dito na ako matutulog. Harmless naman ako, di ba?" nagmamakaawa niyang sabi pero nakapikit pa rin itong nagsasalita.
" Kung dito ka matulog sa kwarto ko, sa sofa pwede pa!" taray kong sagot.
" Galit ka? Sige aalis nalang ako, sorry." sabay tayo. Pero naaawa ako sa kanya kaya hinabol ko.
" Hey! Part.. Wait, payag na ako pero dapat matutulog lang tayo ha?" panigurado ko sa kanya.
" Haha! Ano pala ang gagawin natin, Part? Binibigyan mo ako ng idea part ha?!" biro niya sa akin sabay tawa.
" Hmpf! Kainis ka!" binato ko siya ng unan mabuti nalang nasalo niya ito.
" Sorry na part and thank you sa pagpayag." sabay hug sa akin at kiss sa noo.
Di ako makatulog dahil first time kong may kasamang lalaki sa kwarto. Kaya tinitigan ko na lang si Zach habang nakapikit ang mga mata nito. Na-realize ko na lang, na ang gwapo pala ni Zach, may matangos na ilong, maliit na bibig, gwapong mukha at mapang-akit na mata pero ngayong natutulog na siya nakikita kong may maamo siyang mukha.
" Part, don't stare at me! Matutunaw ako niyan!" suway niya sa akin na ikinapupula ng pisngi ko.
" May lamok kasi sa mukha mo! Hehe" nahihiya kong sagot pero alibi ko lang yon.
" Wee, ganoon ba? Matulog ka na nga para madagdagan ng kaunti ang height mo.Haha" biro niya sa akin.
" Hmpf! I hate you!" sabay talikod sa kanya.
" Sorry! I love you!" sambit niya sabay yakap sa akin habang nakatalikod ako sa kanya.
Nakatulog ako sa ganoong posisyon. Kinabukasan, paggising ko wala na si Zach. Kaya nalungkot ako dahil di man lang siya nagpaalam sa akin. Kaya, niligpit ko na lang ang aking kumot at unan at tumungo sa C.R dahil na-iihi ako. Pagbukas ko..
" Oh My God!.. Zach? Bakit di mo ni-lock ang pinto?" tanong ko sa kanya sabay talikod.
" Nagmamadali kasi ako dahil masakit na ang tiyan ko! Hehe" paliwanag niya pero ako pinigilan ko ang aking tawa.
" Ok! Bilisan muna diyan dahil naiihi na ako. Ang baho kaya! Haha" natatawa kong sabi.
" Ang sama mo part!" saad nito.
" Hehe! Sorry, part.." nakangiti kong sagot.
Matapos siyang magbawas, ako na naman ang gumamit ng C.R. Pagkatapos...
" Part, what time ang alis niyo?" nalulungkot kong tanong sa kanya.
" Mamaya pang 1pm, after lunch. Bakit? Namimiss muna ako agad?" tanong nito na ikinainis ko.
" Oo, mamimiss kita! Bakit? Di mo ba ako mamimiss? Ganyan ka naman palagi eh! Laging nang-iiwan!" naiiyak kong sagot sa kanya.
" Part, sorry. Biro lang yon! Dadalaw naman ako sayo palagi ah! Pero surprise visit lang.Hehe Tahan na." sabi ni Zach sabay pahid sa aking mga luha.
" Promise?" panigurado kong tanong sa kanya. Di ko kasi kaya, gaya ng dati na once in a blue moon lang kaming magkita.
" Promise my dear. Don't worry, videocall tayo always para di kita mamimiss. Gusto ko nga sanang di na bumalik ng Maynila eh!" nagdadalawang isip niyang sabi.
" Ok lang ako dito. Huwag kang mag-alala basta update ka lang always ha?" utos ko sa kanya.
" Ok part. Salamat." aniya.
-End of Flashback-
Dahil busy nga ako, di ko napansin ang oras. LUNCH na pala kaya tinawagan ko ang aking kasama na si Lina.
" Hi maam, good noon. Pinatawag niyo raw ako?" tanong sa akin ni Lina na halatang gutom na ito.
" Pasensya kana Lina ha? Pero pwede bang bumili ka muna ng pagkain? Take out mo nalang. Para asa atin lahat dito. Treat ko." utos ko kay Lina.
" Wow, salamat Maam." pasalamat nito sabay alis.
Nang umalis na si Lina, kinuha ko ang aking phone. At marami ng missed calls galing kay Zach. Kaya tinawagan ko na lang siya through messenger.
" Part, bakit di ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawagan." nagtatampo nitong sabi sa akin na halatang busy rin ito pero palagi siyang may TIME sa akin.
" Sino yang kasama mo?" galit kong tanong sa kanya. Nakikita ko kasing may magandang babae siyang kausap pero parang familiar sa akin ang mukha pero di ko lang matandaan.
" Nasa meeting kasi ako ngayon, new investor natin part." nakangiti niyang sagot.
" Ok! Sige bye. I love you. Ingats" sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman nasa meeting pa siya.
" Ok thank you. Don't skip your lunch. I love you part. Bye." sabi nito sabay end call.
"Hahai.. LDR nga naman! Pero duda ako sa babaeng yon!" sabi ko sa isip ko dahil ako lang mag-isa dito, walang kausap.
" Maam, may naghahanap sayo! Nasa labas." balita sa akin ni Manong Isko.
" Sino? Si Ivan ba?" tanong ko sa kanya.
" Hindi po maam, pero mukhang artista." nakangiti niyang sabi.
" Ok. Manong pakisabi susunod na ako." sagot ko pero kinabahan ako, what if si KJ ang bisita ko?
Ilang sandali, lumabas na ako ng gate..
" Manong, saan na ang lalaking naghahanap sa akin?" tanong ko kay manong na nakangiti lang.
" Kumusta ka na, Evz?" tanong ng lalaki sa aking likuran.
" Keej?" kinabahan kong sambit sa pangalan niya.
" Yes, my lovez! Flowers for you." sabay abot sa bulaklak niyang dala.
" Owz! Bakit ka nandito?" taray kong tanong sa kanya.
" Pwede mo ba akong papasukin sa office mo? Ang init kasi dito sa labas." reklamo ni KJ. Kaya dinala ko siya sa office ko mabuti nalang at na-renovate ko na ito.
" Keej, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya pero di ako tumitingin sa mga mata niya.
" Gusto lang kitang bisitahin kasi namimiss na kita." saad nito na ikinabigla ko.
" Haha! Miss? Enjoy na enjoy ka nga sa babaeng kasama mong kumain last week. Sinubuan mo pa! Kaya pala di mo sinagot ang mga tawag ko sayo." galit kong sumbat sa kanya.
" Sorry, Evz.. Makulit lang talaga yong childhood friend ko." nalulungkot niyang sabi sa akin pero alam ko nagsisinungaling siya sa akin, nakikita ko sa kanyang mga mata.
" Ganoon ba? Ok lang! Bagay naman kayo ng childhood friend mo! Dahil kami na ulit ni Zach." sabi ko sa kanya.
" Alam ko! Trending pa nga kayo!" walang emosyon niyang sabi.
" Nakita mo ang video namin?" gulat kong tanong sa kanya.
" Oo. I'm happy for you. Palagi nalang akong naunahan pagdating sayo!" nalulungkot niyang sabi.
" Ikaw kasi! Malandi! Hmpff.." saad ko.
" Kasalanan ko bang habulin ako ng mga babae? Haha" yabang niyang sagot.
" No comment!" tipid kong sagot.
"  By the way, Evz, dumaan lang ako dito para magpaalam sayo. Aalis na kasi ako next month." paalam niya sa akin.
" Saan ka pupunta?" nalulungkot kong tanong sa kanya.
" Sa Thailand, ako na kasi ang mamahala sa  aming company doon at dito sa Pinas ang aking sister." sabi niya na parang ang lungkot-lungkot niya.
" Keej, mamimiss kita." humihikbi kong sabi sa kanya.
" Mamimiss rin kita, Evz." sabay hug sa akin.
" Friends?" alok niya sa akin.
" Nope! Best friend! Hehe" sabay shake hands.
Masaya ako kasi kahit papano, naging friend ko na si KJ. Di man kami nagkaroon ng relasyon pero still importante pa rin siya sa akin. Bago ko siya pina-alis kumain muna kami ng LUNCH.
" Evz, sabayan mo ako maya mag-dinner. Ako lang kasi mag-isa sa bahay." alok niya sa akin.
" Magpaalam muna ako kay Zach, Keej ha?" sagot ko sa kanya. Gusto ko kasing honest na ako kay Zach ngayon.
" Ok no probs! Hihintayin kita! Kahit di ka dumating." sabay tawa ng mapakla.
" Huwag ka ngang magpa-awa effect dyan! Galit mo si ako! Haha" biro ko sa kanya.
" Bye, Evz. Hihintayin kita." paalam ni KJ.
It's already, 5:30 pm kaya tinawagan ko si Zach para magpaalam. Alam kong di papayag si Zach pero there's no harm in trying di ba?
" Part, may sasabihin ako sayo." panimula ko.
" Ano ang sasabihin mo my dear? May nanliligaw ba sayo dyan?" tanong niya kaya kinabahan ako.
" Part, umuwi si KJ dito at gusto niya, samahan ko siyang magdinner sa bahay niya mamaya." paalam ko kay Zach.
" Ok! No probs. Basta huwag mong kalimutan may BF ka na! Tsk! I trust you." sabi niya na ikinatuwa ko.
" As in? Pumayag ka part?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya.
" And what do you expect? Besides, Bakit naman kita pagbabawalan? Happy na nga ako kasi nagpaalam ka sa akin. Unlike before." seryoso niyang sabi sa akin.
" Wow, thank you part. I love you.! You're the best! Di ako nagkamali sa pagpili sayo." ...masayang sabi ko sa kanya.
" Huwag mo akong bolahin, Evah Lynne.. Hmpfff" banta niya sa akin.
" Di kita binobola Zachary Edzel, my dear! Haha" biro ko sa kanya.
" Ok! Part, may surprisa ako sayo pag-uwi ko." masaya niyang sabi sa akin.
" Wow, excited na ako. Pwede bang malaman?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.
" Kung sasabihin ko sayo, di na surprisa tawag don? Tsk!" sungit niyang sabi.
" Tama nga pala! Haha." sagot ko ngunit nakita ko na naman ang babae kanina na dumaan sa gilid ni Zach.
" Bye, Zach. Ingat always." paalam ng babae sa kanya. Kinabahan ako parang may something sa babaeng yon.
" Zach? May tinatago ka ba sa akin?" wala sa mood kong tanong sa kanya.
" Syempre meron, ayaw mo pa kasing makita ito. Haha" tawa niyang sagot.
" Shut up! Sino yong babaeng malandi? Bakit nandiyan pa siya?" galit kong tanong.
" Siya yong new investor natin at nakilala ko rin siya dati sa states nong hiwalay pa tayo." kwento niya sa akin.
" May gusto ba siya sayo?" taray kong tanong.
" Ewan ko, tanungin ko siya bukas para sayo!" pang-iinis niya sa akin.
" I hate you! " galit kong sabi.
" Ikaw na talaga ang super selosa kong GF pero happy ako kasi nalaman kong mahal mo pala ako. Hehe" nakangiti niyang sabi.
" Mahal naman talaga kita eh! Ikaw lang naman ang hindi naniniwala." sagot ko na nakakunot ang noo.
" Thank you part, pero dapat sa date niyo mamaya ni K.J may social distancing ha? Lagot ka sa akin. Hmmpf" utos nito pero alam kong nagbibiro lang siya.
" Opo master. Gusto mo, videocall tayo mamaya habang kumakain kami? Haha" biro ko sa kanya.
" Ayaw ko, magseselos lang ako!" sagot nito.
" Wee, di nga!" sabi ko na nang-aasar sa kanya.
" Kung alam mo lang part, pero dahil mahal kita kaya kong ibigay lahat ng gusto mo, maging masaya ka lang." seryoso nitong sabi.
" Wow, thank you part. I love you very much." sabi ko sa kanya.
" I love you too. Take care always." sagot niya.
Pagkatapos ng aming videocall, umuwi na ako sa bahay namin at nagpalit ng damit para sa dinner namin ni K.J.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Frinzes Norrien Sunga

    goods

    25/07/2023

      0
  • avatar
    MoitJosephine

    ang gulo ng story na 2.ang bilis nya mkamove on at mkhanap ng kpalit at sbra xang kaliwete...haiiist

    05/08/2022

      0
  • avatar
    Wenandriasuzzaine Castillon

    ang ganda nya

    24/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata