Homepage/The Unexpected Love/
CHAPTER 63
SAMANTHA POV
Naghahanda kami ngayon para sa unang kaarawan ng mga Anak namin ni Bri, andito din pala yung mga kaibigan namin na mga Ninong at Ninang din ng mga Anak namin.
Nakakatawa nga noong binyag ng mga Anak namin, andami nilang biniling regalo para sa tatlong bata.
"My Wife, mag-uumpisa na daw yung party, hayaan mo na sa kanila diyan, madami naman ang gagawa niyan diyan," tawag sa akin ng Asawa ko na sobrang pogi.
Iniwan ko na yung ginagawa ko sa loob ng Bahay at pumunta sa garden, doon kasi ginanap yung birthday party ng tatlo.
Halos lahat ng bata dito sa Isla ay inimbeta ni Mama Grace, okay lang naman yun kasi mababait naman yung mga tao dito sa Isla.
Hindi ko sila nakitaan ng masamang ugali noong unang napadpad ako dito.
It was a huge party, pinaghandaan talaga namin ang araw na ito.
Halo din yung kulay ng theme ng party, isang babae at isang lalaki kasi yung Anak na kambal ni Bri at Vin.
Kahit wala pang kaalam-alam yung tatlong bata sa nangyayari ngayon ay nakikita ko naman na nag-eenjoy din silang tatlo.
"Ang cute talaga ng mga inaanak namin," Ashley said.
"Gumawa kana din kasi, kayong dalawa ni Drew."
"Naku Sam, pakasalan niya muna ako bago anakan."
"Did you hear what Ashley said Drew?" tawag ko sa pansin ni Drew na kinukulit yung tatlo.
"Soon," he said at kinindatan pa nito si Ashely, I saw Ashley blush.
Si Melody naman ay buntis nadin, kinasal silang dalawa bago kami manganak ni Bri, kaya hindi kami nakapunta, nagpadala naman kami ng mga regalo sa kanilang dalawa.
"Itong si Melody magkakaroon nadin ng Baby, MOO, gawa din tayo Baby," Maybel said to Brix, kaya yung pagkain na hawak-hawak nito ay nalaglag nalang bigla.
"N-now na?" di' makapaniwalang tanong ni Brix, gusto ko sanang matawa pero pinipigilan ko lang.
"Syempre joke lang yun MOO, married first before Baby hahaha," at natawa nalang kami, puro talaga kalokohan itong si Melody, napasimangot nalang si Brix at kumuha ulit ng pagkain ay kumain nalang ulit.
"My Wife? Are you starving?"
"Medyo Hon."
"Sige ikukuha kita ng pagkain."
"Thank you Hon."
Andito din pala sila Alex at Vance, silang dalawa yung pinaka galante na Ninong ng tatlo, puro mamahaling gamit yung ibinibigay.
Balita ko ay meron na daw silang nililigawan, and I'm happy for them, okay nadin kami ni Vance, nag-uusap nadin kami tulad ng dati.
"Baka nga itong dalawa pa na to yung mauuna sa amin magpakasal," Jhonny said, at itinuro niya sina Alex at Vance na kanina pa tahimik sa isang tabi.
"Kami nanaman yung nakita mo Jhonny boy, alam mo naman na kami talaga ni Vance yung para sa isat-isat, diba Fafa Vance?" akmang yayakapin ni Alex si Vance pero inunahan na siya nitong itinulak.
Natawa nalang kami sa kanilang dalawa. Itong si Alex mapang-asar din talaga.
"Mayroon talaga kayong future na dalawa hahahaha," Zander said.
"Oo naman, si Fafa Vance yung magbibigay sa akin ng future, mayaman to eh, diba Fafa Vance?" kinindatan pa nito si Vance na diring-diri na ngayon sa katabi niya, according to his expression.
Natawa kami lalo ng lumipat si Vance ng upo-an.
"Alex, e kiss mo nga si Fafa Vance please," utos ni Bri kay Alex na agad naman tumayo para lapitan si Vance.
"Sige lumapit ka para mabasag ko na yang panget mong mukha Alex," banta ni Vance kay Alex.
Nagtawanan nalang kami ulit.
Pero dahil loko-loko nga si Alex, inaasar pa nito lalo si Vance, naglakad ito palapit kay Vance ng dahan-dahan na parang isang model.
Sakto naman na meron malapit na patpat sa tabi ni Vance, kinuha niya ito at ipapalo san kay Alex, pero nakatakbo na ito.
"Ikaw talaga Fafa Vance, hilig mo talaga na saktan ako, samantalang Ikaw ay minamahal ko," sabay fake cry pa nito.
"Alex stop it, ipapaban na kita sa company tsk."
"Wag naman Fafa Vance, mawawalan ako ng pambili ng ating secret weapon."
"What secret weapon?"
"Yung alam mo na," sabay kindat nito Kay Vance na kanina pa salubong yung kilay.
"Tigilan mo ko Alexander, nate-temp na akong bugbogin ka," Vance said.
At ayon nga, patuloy lang na inaasar ni Alex si Vance.
"Nakakawala talaga silang dalawa ng inis," Maybel said.
"Bakit naiinis ka nanaman ba sa pagmumukha ni Zander?" Tanong ni Ashley.
"Nakaka-asar yung mukha niya sa araw-araw na lumilipas."
"Baka pinaglilihi-an mo lang siya, kaya ganun yung nararamdaman mo ngayon kapag nakikita mo siya?" I said.
"Ganun din yung sinabi ng Doctor ko sa akin, pero sobrang naiinis talaga ako, hindi ko mapigilan, parang ang sarap niya talagang sakalin lagi," kwento pa niya.
"Oh narinig mo yun Zander Bro? Naiintindihan kana namin kong bakit lagi kang may maskara kapag kasama mo si Melody hahaha," asar ni Brix kay Zander, tawanan naman kaming lahat.
Nang matapos na yung party at nag-uwi-an nadin yung ibang bista ay pumasok na muna ako sa loob, papatulogon ko lang yung Anak ko, dito din matutulog ngayon sila Bri.
"Honey? Pwede ba na kami nalang muna yung magpapatulog sa Apo namin? You can entertain your friends sa baba' muna," sabi ni Mommy sa akin.
"Are you sure Mom?"
"Of course, sinabihan ko nadin si Greg, kaya sige na," I hug Mom and kiss her on her cheeks before I go downstairs.
Nasa entertainment room sila sabi ng isang kasambahay namin, kaya doon nadin ako dumiritso.
"SAM," sabay-sabay na tawag nila sa akin ng makapasok ako.
"Hey!"
Tumabi ako sa Asawa ko.
"Sinabihan ka ba ni Mommy na siya na yung magbabantay sa Anak natin?" He asked.
"Yes Hon, sa room nila Mommy siya matutulog ngayong gabi."
"So! Tayo lang pala mamaya yung magkasama sa kwarto?" Pabulong na tanong niya, kaya pinitik ko siya sa noo niya.
Nakikisabay lang ako sa kanila sa kwentohan at kainan, bawal kasi akong uminom ng Alak, kasi nagpapa-breastfeed ako sa Anak ko.
Ang kukulit na nila noong lasing na sila, lalo na sila Alex at Vance. Nakakatawa lang yung reaction ni Vance.
"Sino na ba yung susunod na ikakasal sa inyo ha? Pwedeng-pwede na kami ni Sam pumunta, hahaha," Brittany asked.
"Us," sabi ni Drew.
"Really? Wow, that's a good news, kailan ba?" Bri asked again.
"In Two Months," Drew said.
"Nakaka-excite naman," Bri said.
"Nakaka-excite kasi merong pagkain Bri?" Inirapan naman ako ni Bri.
"Coz wag kang Bully sakin, lagi nalang," nagpout pa ito.
"masaya lang ako na magsesettle down nadin sila isa-isa."
"Sus! If I know pagkain parin yung nasa isip mo Bri."
Gustong-gusto ko talaga na binubully si Bri lagi, natutuwa ako kapag na aasar siya sa akin, it's always fulfilling.
"What a bully cousin of mine," sumimangot agad ito.
"Nakakatuwa kaya kapag nakikita ko na naaasar ka lagi sakin hahaha, ang cute mo lagi."
"Ewan ko sayo Coz tss."
It's 2am in the morning ng tumigil sila sa kakainom, lasing na lasing nadin yung Asawa ko, kaya tudo alalay ako sa kanya ngayon.
"Hon ang bigat mo naman," reklamo ko."
"I-i l-love y-ou m-my w-wife," he said, napabuntong hininga nalang ako.
"Umayos ka konte Hon, baka malaglag tayo sa hagdan."
Sinusubokan naman nito na tumayo ng maayos, pero hindi na nito kaya.
"Do you need help Ate?" nakasalubong ko si Bobby, aytz buti naman at andito siya ngayon.
"Yes please, Hindi ko na kayang buhatin ang Kuya Greg mo, sobrang bigat."
"Hahaha ganyan talaga kapag lasing Ate."
"Buti nga at gising ka pa ngayon."
"Nagising lang po ako, iinom po sana ako ng tubig."
Pagkahiga namin kay Greg sa kama ay nagpasalamat ako kay Bobby sa pagtulong nito sa akin.
Kumuha ako ng palanggana, malamig na tubig, bimpo at mga damit nito. Buti nalang nga at kinuha ni Mommy ang Anak namin kanina, kaya ma aasikaso ko siya ngayon ng walang isatorbo.
Habang pinuponasan ko siya, tinititigan ko din siya sa mukha.
"Thank you Hon, thank you for coming into my life. Kayo ng Anak natin yung magandang pangyayari nangyari sa aking Buhay, kaya as your Wife, aalagaan kong mabuti ang pamiya natin, hinding-hindi ko kayo pababayaan."
Binihisan ko na siya agad pagkatapos ko siyang punasan.
Niligpit ko nadin lahat ng ginamit ko.
Nag half-bath nadin ako para makatulog ako ng maayos.
Sa lahat ng nangyari sa aming Buhay hindi ko subok akalain na mararanasan pa namin ang ganito ka payapang Buhay.
Hindi bali na hindi ako nakilala na Anak ni Samuel at at Agatha Frenchberge ng buong mundo, atleast nakilala ko naman yung lalaking bumuo ng Buhay ko, nagkaroon ako ng Anak na sobrang lusog at payapang Buhay kasama nila.
Sobrang kontento na ako sa ganitong Buhay.
Walang inaalala na piligro sa Buhay.
Malayang nakakapunta sa kahit saan na walang inaalala kong merong papatay sayo sa daan.
Gusto kong lumaki na ligtas ang Anak namin palagi.
This is the life that everybody wants.
Happy and Contented.
(A/N)
Dito na natatapos ang kwento ni Samantha Frenchberge, maraming maraming salamat sa patuloy na tumatangkilik na basahin ito hanggang sa huling kabanata, ako'y nagpapasalamat ng madami dahil tinapos niyong basahin ito, sana po, sa lahat ng nakabasa nito at magbabasa palang, suportahan niyo din po yung mga susunod na story ko.
THE UNEXPECTED LOVE
is signing off.
June 13, 2022.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
wow ang ganda nang story nakakakilig
30/08/2022
3sobra ganda
14/05/2025
0Juan
06/01/2025
1Tingnan Lahat