Homepage/The Unexpected Love/
CHAPTER 59
SAMANTHA POV
Kanina pa kami naghihintay sa pagdating nila Mommy at Daddy, pero ilang oras na ang lumipas ay wala padin sila. Nag-aalala nadin kaming lahat.
"Hindi pa ba tumatawag ang Mommy mo Anak?" Nakikita ko nadin sa mukha ni Mama yung pag-aalala sa kanila Mommy at Daddy.
"Not yet Ma, dapat kanina pa sila nandito eh, pero hindi ko malaman kong bakit hindi pa sila nakakarating dito sa Isla," naiiyak nadin ako sa pag-aalala.
Niyakap ako ni Greg.
"Wag kana mag overthink My Wife, I know that they are fine, mag-antay pa tayo ng konte sa kanila, kumain ka muna, alalahanin mo na meron ng laman yang tiyan mo na kailangan din kumain."
"Sige na mga Anak, mauna na tayong kumain sa kanila, baka na delay lang yung flight nila, or meron pa silang pinuntahan na dalawa," sabi ni Mama Grace.
Yun nalang din yung tinatak ko sa isipan ko, na meron lang silang pinuntahan kaya hanggang ngayon wala pa silang dalawa.
Habang kumakain kami ay walang kumikibo kahit isa man lang sa amin, wala din ako sa mood magsalita ngayon or magkwento.
Nasakalagitnaan palang kami ng pagkain ng tumunog yung telephone sa Living room.
"Miss Samantha, para po sa inyo yung tawag, Attorney niyo daw po," bigla akong kinabahan kaya napatayo ako bigla.
Gusto kong takbohin yung telepono, pero inisip ko yung laman ng tyan ko, baka madulas ako, ayokong mawala yung Anak namin ni Greg.
"Hello Attorney?"
"Miss Samantha, I'm sorry to tell you this but..." mas lalong kumabog yung dibdib ko sa kaba. "Your Dad's private plane got crash, we are searching for them right now," nabitawan ko yung telepono na hawak ko at napa-upo nalang ako sa sahig habang umiiyak.
Bakit?
Bakit nangyayari nanaman ito!
Okay na kami eh.
Meron na kaming Plano para tumahimik yung Buhay namin, pero bakit?
"My Wife what happen?" Patakbo na lumapit sa akin si Greg at lumuhod ito sa harap ko. "What's wrong?" Hinawakan niya yung mukha ko at hinarap sa kanya.
"M-mom'D-dad," yun lang yung nabigkas ko at bigla nalang nandilim yung paningin ko.
GREGORY POV
Nang mahimatay si Sam ay agad ko siyang binuhat papunta sa kwarto namin.
"Anong nangyari kay Sam Anak?"
"Nawalan po siya ng malay Ma."
"Bakit? Ano ba yung sinabi ng Attorney sa kanya?"
"Hindi ko rin po alam Ma, nakita ko nalang siya na naka-upo sa sahig at umiiyak."
"Dios ko! Ano kaya ang nangyayari?"
Narinig kong tumunog yung ring tone ng phone ng Asawa ko, kinuha ko ito sa bed side table namin.
Nakita ko yung pangalan ni Tito Bernard na nasa screen. Kaya sinagot ko agad ito.
"Hello Tito?"
"Greg Ijo, mabuti at ikaw yung nakasagot ng tawag ko."
"Meron po bang problema Tito?" Narinig ko ito na napabuntong hininga sa kabilang linya.
"Sumabog yung sinasakyan na private plane ng Mommy at Daddy niya Ijo," bigla akong napa-upo sa kama.
"Yun din po siguro yung sinabi ni Attorney sa kanya kanina Tito."
"So how is she now?"
"Nahimatay po siya habang umiiyak."
"Paki-alalayan muna siya Ijo ha? pinapa-imbestigahan pa namin yung nangyari na pagsabog, mukhang sinadya kasi yung nangyari."
"Eh yung katawan po nila Mommy at Daddy Tito nasaan na?"
"Hindi pa namin nakukuha sa loob ng eroplano Ijo, kaya hindi pa namin matukoy kong nasa loob nga sila oh wala."
"Sana po wala sila doon."
Tinignan ko si Sam, maamo ang mukha nito habang natutulog.
"Babalitaan ko nalang kayo ulit Ijo, tatawag ako kapag meron ng progress sa imbestigasyon."
" Sige po Tito, salamat po."
Napayuko ako, parang naiiyak nadin ako sa narinig ko na masamang balita.
"Anak ano daw yung nangyari? Ano ang sabi ni Bernard?" Andito pa pala si Mama at hindi umalis.
"Sa baba' nalang po tayo mag-usap Ma."
"Sige Anak."
Sabay na kaming bumaba ni Mama, sa living room na kami dumiritso. Naupo ako sa pang-isahan na sofa at napahawak sa ulo ko.
"Anak?" Tawag ni Mama sa akin.
"Ma... sumabog daw yung private plane na sinasakyan ni Mommy at Daddy," napatakip si Mama sa bibig niya, at nag-uunahan nadin tumulo yung mga luha nito."
"Diyos ko, bakit nangyayari pa ito ngayon, kong kelan gusto na nilang lumagay sa tahimik kasama natin, magkaka-apo nadin sila," napahagulgol ng iyak si Mama.
"Nagpapa-imbistega pa naman si Tito Bernard Ma, Sana nakatalon sila Mommy at Daddy bago sumabog yung private plane nila, ikakadurog ng puso ni Sam kapag nawala sila Mommy at Daddy, hindi niya kakayanin Ma."
"Kawawa naman si Sam Anak, pasaway kasi na Agatha na yun, kong bakit pa sinabi yun, yan tuloy parang nagkatotoo."
"Bakit Ma? Ano yung sinabi ni Mommy?"
"Sinabihan ba naman kaming dalawa ni Tanya na kami na daw yung bahala kay Sam kapag nawala sila ni Samuel," kwento ni Mama.
"Hintayin nalang po natin yung resulta ng imbestigasyon ni Tito Bernard Ma, baka nakaligtas din naman po sila, sana lang," pampalubag-loob ko kay Mama na hindi parin matigil sa kakaiyak.
Binalika ko muna yung Asawa ko sa kwarto namin, mabuti at tulog parin ito hanggang ngayon tinabihan ko siya at niyakap.
Everything will gonna be okay My Wife, I am hoping na buhay pa sila Mommy at Daddy, ayokong malungkot ka, kaya ipinagdadasal ko na okay lang silang dalawa.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, pero nagising ako ng marinig ko na merong humihikbi kaya napadilat ako ng mata.
Tinignan ko si Sam sa tabi ko pero wala na ito kaya napabalikwas ako ng bangon, hinanap siya ng mata ko sa buong kwarto namin, at nakita ko siya sa Sofa, naka-upo at umiiyak habang hawak-hawak nito yung cellphone nito.
Tumayo ako sa kama at nilapitan siya.
"My Wife."
"H-hindi k-ko k-kakayanin H-hon, tell me the they are still alive, please Hon, tell me."
Niyakap ko siya at pinaghahalikana sa buong mukha nito.
"Nag-iimbestiga pa si Tito Bernard, let's pray that they are still alive My Wife."
"A-ayoko isipin na.. na wala na sila Hon, hindi ko kakayanin na mawala sila Mommy at Daddy."
"Don't think too much My Wife, ma aapektohan din yung Baby natin diyan sa tummy mo, let's hope that they are okay until now. Hindi naman sila pababayaan ng panginoon natin, tahan na."
Natahimik lang kami ng ilang minuto, ng tumunog yung phone niya at si Tito Bernard ulit yung tumatawag.
Kinuha ko sa kamay niya yung cellphone niya.
"Ako nalang ang sasagot My Wife."
"Okay."
"Hello Tito!"
"Greg Ijo, pupunta kami diyan ngayon sa Isla."
"Sige po Tito, aantayin ka po namin dito."
"Gising na ba si Sam?"
"Opo Tito, katabi ko po siya ngayon."
"Sige Ijo, salamat sa pag-alalay sa pamangkin ko."
"It's my duty to take care of her Tito as of her husband."
"I know, but I'm still thanking you, I call you later if malapit na kami sa Isla."
"Sige po Tito."
Inalalayan ko siya na tumayo, at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Gusto mo ba sumama sa baba' na hintayin sila Tito Bernard?"
"Yes please."
At dahil alam kong nanghihina pa siya ngayon, kaya binuhat ko nalang siya hanggang sa baba' at inupo sa Sofa.
"Oh Anak, bakit gising pa kayong dalawa?" Gising pa pala si Mama at nagliligpit sila ng mga kasambahay.
"Dadating daw po ngayon sila Tito Bernard Ma, aantayin lang namin dito."
"Sige Anak, ipagtitimpla ko kayo ng gatas para kay Sam at kape naman para sayo."
"Salamat po Ma."
Naupo lang kami sa Sofa, sinandal ko yung ulo ni Sam sa dibdib ko.
"Ito na mga Anak, sasamahan ko na kayong maghintay dito, hindi rin naman ako makakatukog agad."
"Sige po Ma."
"Sam Anak? Tatagan mo lang yung loob mo okay? Ramdam ko na Buhay pa sila Agatha at Samuel, kaya wag kana masyado mag-alala ngayon."
"Salamat po Mama."
Hinawakan ni Mama yung kamay ni Sam.
Maya-maya ay nakarinig kami ng mga usapan sa labas na papalapit dito.
"Andito na siguro sila My Wife," hinintay pa namin sila na makapasok.
Hindi nagtagal ay bumukas yung pinto, naunang pumasok yung mga tauhan ni Daddy, sumunod si Tito Bernard, at yung panghuli na pumasok ay sila Mommy at Daddy.
Lumakas yung iyak ni Mama at ni Sam ng makita nila si Mommy at Daddy.
"Mommy'Daddy," lumapit si Sam sa kanila Daddy at Mommy, niyakap niya ito agad.
Salamat panginoon at dininig mo yung panalangin namin na wag pabayaan si Mommy at Daddy.
"Bakit hindi ka pa natutulog Honey? Makakasama yan sa Baby mo alam mo ba yun?" tanong ni Mommy kay Sam.
"I-im scared Mom,"
"Wag kana matakot, andito na kami ng Daddy mo, I told you before na hinding-hindi kami mawawala sa tabi mo."
"But how Mon?" Tanong ni Sam.
"It's a long story Honey, Grace nagugutom na kami, meron pa bang tira na pagkain diyan na niluto mo?"
"Bruha ka talaga, pinag-alala mo kaming lahat, ang sarap mong sabunotan na bruha ka," naiiyak padin si Mama habang sinasabi niya yun kay Mommy.
"I love you too Grace."
"Ewan ko sayo, sige iinitin ko muna lahat ng niluto ko kanina, maiwan ko na muna kayo diyan."
"Thank you Grace."
"Oo nalang Agatha."
Pagka-alis ni Mama ay naupo ulit kami sa Sofa kasama si Mommy.
"Yung mga gamit ng Apo ko ay idedeliver din dito bukas na bukas din, kaya ipaayos na natin yung magiging kwarto niya dito sa Bahay, ako na bahala sa design Honey, wala na kayong dapat ipag-alala pa ni Greg."
"Thank you that I can still touch you Mom, I love you."
"I love you too Honey."
"Dad?" Tawag ni Sam kay Daddy
"We can live peacefully now without worry Baby, we fix something that's why we came home late," Dad explain.
"Thank you Dad, ang welcome home."
"Thank you Baby, I love you."
"I love you too Dad."
Kumain ulit kami ng matapos na sila Mama magha-in, ginanahan na ulit kumain ang pinaka maganda kong asawa.
Salamat Panginoon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow ang ganda nang story nakakakilig
30/08/2022
3sobra ganda
14/05/2025
0Juan
06/01/2025
1Tingnan Lahat