CHAPTER 44

ALEX POV
Nabalitaan ko kay Vance na dito daw gaganapin yung kaarawan ni Samantha, and I'm not allowed to go there.
Naiintindihan ko naman si Sam kong bakit she don't invite me on her birthday party.
"Is there any problem Alex?" Shane asked me, napabuntong hininga naman ako.
"Nothing Shane, just focus on your pregnancy, don't mind me," I said in a low tone, tumayo na ako sa kina-uupo-an ko at umakyat na sa taas.
Ayoko muna siya bigyan ng stress at baka meron pang mangyaring masama sa kanila ng anak ko.
Bukod sa malalagot ako sa kanila Daddy at Mommy, baka mas lalo pang sumama yung tingin ni Bri sa akin.
SHANE POV
Nakikita ko ang paghihirap sa mukha ni Alex, kong hindi lang sana nangyari itong pagbubuntis ko, sana masaya pa siya sa babaeng Mahal niya, and he won't suffer like this with me.
"Ija what's wrong?" nasa harap ko na pala ang Mommy niya.
Umiling lang ako at tipid na ngumiti.
"Nothing po Mommy, I'm fine, I'm just worried to Alex."
"Hayaan mo muna siya Ija, hindi pa siguro nagsink-in sa isip niya na ayaw na sa kanya ni Brittany, but don't worry at sa mga susunod na mga araw oh buwan matatanggap niya din yun, sa ngayon just take care of yourself and your baby okay?" tumango naman ako at ngumiti.
Nagpasalamat parin ako at naging mabuti ang pakikitungo nila sa akin dito, si Allexa naman ay medyo kinikibo nadin ako.
"Are you starving? What do you want to eat?"
"I want to eat mangga po sana," nahihiyang sabi ko.
"Ako na ang maghahanap ng mangga, anything you want to eat?" Lumukso yung puso ko sa tanong ni Alex, pababa na ito ng hagdan, at nakasuot nadin ito ng pambahay.
"Hmmmmm, bayabas na malalaki, Santol na matatamis, saka strawberry at grapes na walang buto please," parang bata kong inisa-isa yung mga gusto ko, I saw him smile a little, kaya mas lalong gumaan yung nararamdaman ko. "Buko nadin please," pahabol ko, tumango naman ito saka umalis.
VANCE POV
I think this is the right time na umamin na ako ng nararamdaman ko kay Samantha. I've got an invitation from her.
It's a private party, at pili lang yung dadalo.
Meron naman daw susundo sa amin dito at maghahatid sa Bahay bakasyonan nila, walang nilagay na address sa invitation card kaya hindi ko alam kong saang lugar gaganapin yung party. It's for own safety din siguro kaya walang nilagay na location.
At kailangan ko muna paghandaan ang gagawin kong sorpresa para sa kanya.
I dialed Brittany's number, I hope she will cooperate with my plan.
Naka-ilang ring din bago niya sinagot yung tawag ko.
"Hi Bri, how are you?" I asked her.
"Feeling better! why did you call if you don't mind?" she asked.
"I want to give a surprise proposal with Sam on her birthday, can you help me with this?" She didn't say anything at natahimik lang siya sa kabilang linya.
"I... I don't know Vance, but... I will try to help you a little," I feel relieved ng magsalita na siya, I thought she will refuse me.
"Thank you Bri."
"You're welcome."
Pagkatapos namin mag-usap ay meron pa akong tinawagan na iba.
BRITTANY POV
Napa-iling nalang ako pagtapos namin mag-usap ni Vance.
Ewan ko lang kong bibigyan siya ng chance ni Sam, kasi nakikita ko na nagkakamabutihan na si Sam at Doc Gregory, pero si Sam parin yung mag dedesisyon kong sino ang mamahalin niya sa huli.
Papayag ako na tumulong sa Plano niya, pero kapag hindi pumayag si Sam sa kong ano man ang aaminin niya, wala din akong magagawa.
"What are you thinking?" Tanong ni Melvin sa akin.
"Tapos ka na ba magluto?" Nagluluto kasi siya ng meryenda namin.
"Yeah, kanina pa kita tinatawag pero nakatulala kalang diyan, sino ba yung tumawag sa'iyo at natahimik ka bigla?"
"Si Vance! One of our friend, nagpapatulong siya sa akin about Sam."
"He like Sam too?"
"Ahuh!"
"Hindi ko naman pipilitin si Sam, nasa sa kanya padin kong sino yung gugustohin niya."
"Yeah! Wag nalang natin paki-alaman yung magiging desisyon niya, it's her own happiness anyway."
"Tatawagin ko na ba sila para mag meryenda?"
"Yeah! I will prepare everything here."
Umakyat ako sa second floor, andoon kasi silang tatlo sa kwarto ni Sam nakatambay.
Kumatok muna ako bago pumasok.
"Hey! Baba na kayo, luto na yung meryenda natin."
"Meryenda!" Excited na sigaw ni Gerly.
"Matakaw talaga," parinig ni Bobby kay Gerly.
"Hmmmmpp," inirapan naman siya nito.
"Mauna na kayo sa baba, maliligo muna ako, pupunta pa kami ng palengke ni Greg," Sam said kaya nauna na kaming bumaba.
"Tigilan mo nga ako!" asar na saway ni Gerly kay Bobby, kinukolit kasi niya si Gerly habang kumakain kami ng meryenda.
"Susubo-an nga kita."
"Meron akong kamay, marunong ako kumain mag-isa Bobby."
Ang cute nilang dalawa tignan habang nag-aasaran.
"Stop looking at them, kumain kana din," saway sa akin ni Melvin.
Maya-maya nakarinig kami ng tunog na papalapit na Motor, si Doc. Gregory na siguro yun.
"Si Kuya na yun," sabi ni Gerly.
Maya-maya ay pumasok na nga ito sa pinto.
"Doc. meryenda," alok ko dito.
"Sige salamat! Nasaan si Sam?"
"Nasa taas pa at naliligo, aalis daw kayo?"
"Oo, sasama ba kayo?"
Tinitigan ko si Melvin, tinitigan niya din ako.
"Aalis na ba tayo?" Rinig ko na tanong ni Sam, pababa na ito ng hagdan.
"If you are ready, pwede na tayo umalis."
"Pwede akong sumama Coz?" Nilingon ako ni Sam.
"Sure! Meron namang sasakyan eh."
"Oh kayong dalawa, wag kayong nag-aaway masyado at meron lang kaming bibilhin sa palengke," paalala ko sa kanila Bobby at Gerly.
"Iiwan niyo ako sa isang to? Ate naman, uuwi nalang po ako sa Bahay kong ganun," sabi ni Gerly.
"Inaano ba kita? Gusto lang naman kitang subo-an ah? Masama na ba yun?"
"E sa ayoko nga."
"Diyan na nga kayo, at kayong dalawa nadin magligpit ng kina-inan natin," sabi ko sa kanila.
Kotse nila Sam yung ginamit namin na sasakyan, oo, meron na silang sasakyan, pinadala nila Tita at Tito.
"Malayo ba ang Mall dito Doc?" I asked.
"Oo, it's 1 hour drive."
"Mag grocery muna kaya tayo, diba wala tayong masyadong stock ngayon sa Bahay?"
"No need, meron ng pinadala si Mommy dito na mga groceries, bukas dadating nadin yun, we need to buy fresh vegetable and fresh meat, eggs at kong ano pa, meron na akong listahan na ginawa kanina habang nagbabangayan yung dalawa."
"Ang cute nilang tignan habang nagkukulitan diba Coz?" I said and laugh.
"Masakit sa ulo kamo, masakit sa tenga yung sigawan nila."
"Meron nga tayong kasabihan diba? Na the more you hate, the more you love."
"Andami mo talagang alam Bri, hindi mo nga masagot-sagot yung tanong ko sayo noong nakaraang araw eh," pakiramdan ko namumula nanaman yung buong mukha ko.
"Melvin manood tayo ulit mamaya ng sunset ha! magdadala ako ng camera mamaya."
"Yan! Diyan ka magaling, ang umiwas sa mga tanong ko sayo."
Natahimik nalang ako, ayoko pa kasing sagotin yung tinatanong niya.
Tumingin-tingin nalang ako sa labas ng bintana at inaliw nalang yung sarili ko sa pagtingin ng mga dinadaanan namin.
SAMANTHA POV
Gusto ko nalang matawa kay Bri, umiiwas nanaman siya sa tanong ko.
Hinawakan ako sa kamay ni Greg, saying stop teasing Bri.
Si Greg yung driver namin, kasi siya naman yung may alam sa pasikot-sikot sa mga Lugar dito.
Pagdating namin sa palengke, hinahawakan agad niya ako sa kamay ko, mahigpit na hawak, nilapit niya din ako ng husto sa tabi niya.
"Wag mong bibitawan ang kamay ko, ayokong mawala ka sa tabi ko."
Ito nanaman yung parang paro-paro sa tiyan ko.
Madaming pumupuna sa aming dalawa, na bagay daw kami, at nagtatanong kong kelan daw ba kami ikakasal na dalawa.
Nakangiti lang ito the whole time, habang ako naman ay parang malulunod sa hiya.
Andami na niyang bitbit sa kabilang kamay niya, pero ayaw niya parin bitawan yung kamay ko, ayaw niya din ipahawak sa akin yung ibang dala niya.
"Akin na kasi yung ibang dala mo, bakit ayaw mo kasi ibigay," I said, at medyo naiinis nadin ako.
"Ayaw kitang mahirapan Asawa ko, kaya hayaan mo akong ako na yung magbitbit ng mga to," he said with a teasing voice, at lahat ng nakarinig ng sinabi niya ay tinutukso kami, kaya parang gusto ko nadin magtago sa loob ng damit niya.
"Ayyiieeee, kinikilig nanaman ang isa diyan," Bri tease me too.
"Sus! Ako lang ba? Ikaw din naman diyan ah?"
"So inamin mo din na kinikilig ka sa akin Asawa ko?" Pinaningkitan ko ng mata si Greg.
"Ewan ko sayo Greg, wala na ba tayong bibilhin?" I asked him nalang.
"I think wala na, nabili nadin naman natin lahat ng nasa listahan na ginawa mo."
"Then let's go home," aya ko sa kanya.
Pag-uwi namin, naririnig parin namin na nagbabangayan ang dalawa, hindi ba napapagod ang mga ito magbangayan?
"Gerly tumigil kana sa kakasigaw mo," hindi na siguro nakatiis si Greg at sinaway na niya ang kapatid niya.
"Kasi siya Kuya."
"Luh! Bakit ako?"
"Tama na yan Bobby, sige ka at baka maghanap ng ibang manliligaw yan kapag nainis na sayo ng sobra."
Natahimik naman bigla si Bobby, at kinuha yung libro nito sa table.
Inayos na namin yung pinamili namin sa dapat nitong kalagyan.

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    AbiaJhonrey

    wow ang ganda nang story nakakakilig

    30/08/2022

      3
  • avatar
    ManapatRafael

    sobra ganda

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Juancito Calderón

    Juan

    06/01/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata